Till Death Do Us Part (VhongA...

By BrightTwinklingStars

100K 3.3K 806

More

Till Death Do Us Part (VhongAnne Fan Fiction)
Introduction: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 19

2K 81 24
By BrightTwinklingStars

Till Death Do Us Part 

~Chapter 19~

Vhong's POV 

Sobrang bilis ng panahon.

Parang kahapon lang kasama ko siya at sabay kaming nagtatawanan.Parang kailan lang nakatingin ako sa kanya at iniisip kung paano ko ba siya makukuha.

Pero kusa akong nilapitan ng tadhana.

Sinabi niya ang nararamdaman niya para sakin.

Ito'y isang pangarap ko na di inaasahang natupad.

Pero sa halip na tanggapin ang pangarap na nasa harapan ko ng mga oras na iyon.

Tinalikuran ko parin ito na parang hindi ko iyon hinangad ng matagal na panahon.

Pero ang nasa isip ko lang nung mga oras na iyon.

Ay yung salitang paghihinayang.

Iniwan ko ang pinakamamahal ko at pinaubaya sa iba.Kahit na ibinibigay na niya ang sarili niya upang ito'y mahalin ko't alagaan.

Pero lahat ng ginawa ko na sa tingin nila'y mali?

Lahat ng paghihinayang na naramdaman ko ng iwanan ko siya?

Lahat ng mga pasakit at paghihinagpis na naramdaman ko nung sinabi kong hindi ko siya mahal?

Lahat yun may dahilan.Lahat yun nangyari ng hindi kusa.Lahat yun ay nangyari dahil sa kagagawan ng isang tao.

At ang taong iyon ay ako.

Hindi ko maiiwasan ang mahusgahan ng mga tao sa paligid ko.Hindi ko maiiwasang sisihin nila ako dahil sa mga kagagawan ko.

Pero sa huli.Makikita rin nila ang bunga kung bakit ko ginawa ang mga bagay na iyon.

Dahil lahat ng pangarap kailangan pinaghihirapan.

Kaya sa t'wing nahihirapan na ko.Iniiisip ko nalang na matatapos din lahat ng to at makakamit ko rin sa huli ang pinakahinahangad kong pangarap.

At yung pangarap na yun?

Ay yung makasama siya habang buhay.

_____________________________________

"So base sa mga nakita kong signs.I'm sorry to say this but..Positibo ang mga naging resulta.I don't know how to explain this to you Mr.Navarro but yung nakita nating illness sa katawan niyo a few months ago developed into another illness,and I'm very sorry to say this again,pero,mas malala ang sakit na ito." 

Nakatingin lang ako ng diretso sa mata ng kumakausap sakin.Hindi ko maunawaan ng mabuti ang mga sinasabi niya pero pumapasok sa utak ko lahat ng ibig niyang sabihin.

Hindi ko inintindi ang sarili ko nung mga oras na yun.Ang pumapasok lang sa isipan ko ay kung paano ko maipagpapatuloy ang inaasam kong buhay kasama ang mga taong mahal ko.

Pumasok rin sa isipan ko yung panghihinayang na sana sasabihin ko na ang nararamdaman ko sa isang taong mahal ko pero sa isang sakit na tumama sakin eh naglaho lang ng parang bula ang lahat ng iyon.

 Pero nagdaan ang ilang araw napagisip-isipan ko ring gawin ang nararapat kong gawin.

Dahil pag mahal ko nga ang isang tao,kaya kong magsakripisyo para lamang dito.

Kaya kailangan kong gawin ang mga bagay na iniisip kong hindi ko kayang gawin.

Kahit na ang pagsisinungaling sa taong pinakamamahal ko ang isa sa aking mga layunin.

________________________

"Hindi kita mahal.At kahit kailan,hindi ko magagawang mahalin ang isang tulad mo."

Napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.Kahit na may konting pagkagalak dahil napagtagumpayan ko ang plano ko,masakit paring isipin na sayang lang ang pag-amin sakin ng pinakamamahal ko dahil nga sa ginawa kong pagtutol dito.

"Bakit mo ginawa yun?Bakit?" 

Yan ang tanong na lagi kong naririnig simula ng sinabi kong hindi ko mahal si Anne.

Bakit nga ba?Bakit nga ba nagawa kong lokohin ang aking sarili?Bakit nga ba hindi ko sinabing mahal ko rin siya dahil yun naman talaga ang nararamdaman ng aking puso simula pa?

Isang araw bago mangyari ang pag-amin sakin ni Anne.Nagpadoctor ako dahil bigla nalang akong nawalan ng malay sa di inaasahang pagkakataon.

I was informed that I have a serious illness.Nagdevelop daw ang dati kong sakit which is Tuberculosis.

Mas malala daw ang sakit na mayroon ako ngayon.Kaya syempre,mas mahirap tanggapin.

"It is very rare for some cases na magdevelop ito sa isang mas malalang sakit.Pero walang pinipiling katawan ang sakit,Mr.Navarro.Bigla bigla nalang malalaman mong may sakit ka na pala.Bigla biglang susulpot yun ng hindi inaasahan.That's nature,Mr.Navarro.Hindi natin to kayang pigilan."

And at the end of the discussion inamin niya na ang naging sakit ko.

"I'm very sorry to say this Mr.Navarro but,your Tuberculosis had developed into Lung Cancer." 

"Lung Cancer?" nabigla ako sa sinabi ng doctor sakin.Di ko naman akalaing ganun pala kalala ang sakit na dinadala ko.Aaminin kong nalungkot ako bigla sa pagkakarinig ko sa sinabi niya pero wala eh,tama nga ang sinabi niya,walang pinipiling katawan ang sakit.

"Yes.Lung Cancer.Have heard it already?Alam mo na siguro kung gaano kalala at kung gaano kahirap labanan ang sakit na yun." my doctor said to me seriously.Lalo pa akong kinabahan sa sinabi niya.

"Lung cancer patients have very poor survival rates.Depende nalang kung ma-aafford mong magchemo everynow and then.It reduces cancer cells at maari kang gumaling dito.But of course,may side effects ito." my doctor said as he enumerate all the side effects that are possibly not on my list that I want to happen in my life.

"Hairloss,nausea,vomiting,fatigue and weight loss are the common side effects of chemotherapy Mr.Navarro." he said

"Ang...Ang rami ah." I said habang kunwaring napangiti sa mga narinig ko.Kung merong ngiting tagumpay,meron rin naman sigurong ngiting pagkatalo,yung ngiting hindi totoo,yung ngiting walang halong saya kundi puro kalungkutan at panghihinayang lamang.

Marami kaming napag-usapan ng doctor ko.Iilan sa mga ito ay ikinatuwa ko,at syempre halos lahat ikinalungkot ko.

Pero sa mga oras na yun,hindi ko inintindi ang sarili ko,inisip ko kung paano ko mapagpapatuloy ang buhay ko kasama ang pinakamamahal ko.Iniisip ko kung paano pa ko makakapagpasaya ng tao kung bilang nalang ang oras ko sa mundong ito.

Iniisip ko kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko kasama ang babaeng nilalaman ng puso ko.Ang babaeng makakasama kong bumuo ng sariling pamilya,ang babaeng makakasama ko sa hirap at ginhawa.

Ang babae na sana makakasama ko habang buhay.

Kaya noong oras na iyon.Maraming sumagi sa isipan ko,na kahit ayokong mangyari at ipagpatuloy,kailangan paring gawin dahil nararapat at para sa ikabubuti ng lahat.

Kahit na ang isa dito ay ang magsinungaling kay Anne.

Sasabihin kong hindi ko siya mahal.Sasabihin kong pinaasa ko lang siya.

Kahit na buong puso ko siyang minahal.Kahit na ang isa sa mga pangarap ko ay ang makuha siya at makasama habang buhay.

Pero kailangan kong gawin ang mga bagay na iyon para hindi na siya umasa sakin.Ayokong mabitin siya sa pagmamahal ko.Ayokong makita niya kong ganto.Ayokong maawa siya sakin.

Kaya bago pa mahuli ang lahat napagisip-isipan kong ipaubaya nalang siya sa iba.

Sa lalaking mamahalin siya at di siya iiwan.

Dahil pag sakaling ipagpatuloy namin ang pagmamahalan naming dalawa.

Maiiwanan ko lang siyang malungkot at nagiisa.

At hindi ako ang tipo ng lalaking aalis nalang bigla at magiiwan ng alaalang magpapalungkot lang sa kanya hanggang sa huling hininga niya.

Mahal na mahal ko siya.Pero kailangan ko na siyang ipaubaya sa iba.

Anne's POV

Sunday Morning.

Nagising ako ng maaga because Jasmine is going to Australia later.So I decided to spent more time with my sister dahil matagal tagal ko ring hindi makikita ito.

So nagbihis na ako ng pang-alis at bumaba na mula sa kwarto ko.

Jas is already sitting in the sofa,nakabihis na ito.I also noticed na may tinatawagan ito and she was wiping something in her eyes.Maybe tears?But why?

"Jas?Is there something wrong?" saad ko habang lumalapit sa kanya.

"Ate?" saad niya.Mukhang nagulat pa ata ito sa pagkakita niya sakin.

'Wait.I need to go Kuya.Bye."  sagot niya sa kausap niya sa phone.

"Hi Ate!Ang aga mo ngayon ah?" saad niya.

"Balak ko sanang lumabas kasama ka eh.But I think you have a problem to fix so it's ok kung wag nalang." saad ko thinking na baka may problema ito dahil nga nakita ko siyang umiiyak kanina

"Problema?No Ate.I'm ok.Labas tayo,I was planning that too earlier kaya nagbihis na ko." saad niya.Pero I know that there's something wrong from the way she talks.

"Jas.Tell me the truth.Umiiyak ka ba kanina?Who are you talking to?" seryoso kong tanong.

"Ano ba ate.Wala to.Don't mind me.I'm ok." saad niya.

"Sure ka?"

"Hay nako ate,sure na sure!Tara na nga,sayang yung oras,I don't want to miss my flight later." saad niya sabay tumayo at hinila ako palabas.

I have no choice but to keep quiet and to believe her na wala nga siyang problemang tinatago.

-----------------------

Hours had gone at marami na kaming napuntahan ni Jas.We went in the mall at nagshopping kami,we even watched a movie,pero natulog lang ako dahil love story yung kwento,and I hate love stories.

At dahil nga isang oras nalang bago ang flight ni Jasmine,I let her pick a place that she wanted to go.

And she answered me.

"Um.Ate?Gusto ko pumunta ng hospital.May bibisitahin lang akong kaibigan.Namimiss ko lang kasi siya eh." saad niya habang mahina yung boses niya at halata sa tono ng boses na malungkot siya.

"Ah.Sige.Sino ba yung kaibigan mo?Do I know him or her?" saad ko.

Umiling iling siya"No ate.Di niyo siya kilala."

"Anong name?Malay mo kilala ko.You'll never know." saad ko naman.I actually don't know why I kept on asking her this questions pero there's a part of me na nacucurios kung sino nga itong kaibigan niya na nasa hospital.

"Ah.Well.Mamaya nalang ate.Look at the time,30 minutes nalang at aalis na yung plane ko.I need to hurry." saad niya sabay kinuha ang isang basket na may laman na prutas sabay lumabas ng kotse at nagtungo sa loob ng ospital.

Yung basket ng fruits.Actually fruit lang nga for isang uri lamang ng prutas ang laman nun.Which is Atis.It actually reminds of someone who loves that fruit the most.

Si Vhong.Siya yung laging may baon na prutas na yun sa set.And he even told me once na paboritong paborito niya daw yun.

At ngayon nangangamba tuloy ako.Hindi ko alam kung bakit.

------------------

After 10 minutes bumalik kaagad si Jasmine mula sa loob.She was wiping her tears at namumula ang mga mata nito

"Jas?Ok ka lang?May nangyari bang masama sa kaibigan mo?Buhay pa ba siya?Bakit ka umiiyak?Bakit Jas?" aligaga kong sabi.Ewan ko nga kung bakit ako kinabahan nung nakita ko siyang umiiyak.

She just smiled at me sabay tumawa ng kaunti.

"Grabe ka naman ate.Kung makapagtanong ka akala mo kilala mo yung kaibigan ko.He's fine.Actually lalabas na nga daw siya,pero hindi pa nga siya ok eh.But still i'm happy for him." saad niya naman.

"Then why are you crying?" tanong ko.

"Ate,wala ba sa vocabulary mo ang mga salitang tears of joy?" saad naman nito.

Natahimik nalang ako after that.I must be over reacting sa mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.

I looked from behind para tignan ang mga tao dun.Ewan ko ba kung sinong nagudyok sakin pero feeling ko kakilala ko yung kaibigan na tinutukoy niya.

May isang lalaking nakacheckered polo at nakapantalon,papalabas ito ng hospital at patungo na sa kotse niya,from the way he looks parang kilala ko ito,nakahospital mask kasi siya kaya hindi ko lubusang makita ang buong mukha niya.

May tatlong lalaking nakapaligid sa kanya at nakadamit na parang personal body guard.

Pero bago tuluyang makapasok ang lalaki sa kotse niya nagulat nalang ako ng tumingin ito sa direksyon kung nasaan ako.

Bigla akong kinabahan.Bigla akong nagulat.My heart's beating so fast at parang nanigas ako sa kinakaupuan ko.Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit pero parang kilala ko yung lalaki.At parang napaka-espesyal nito sa buhay ko.

-------------------------

The next day.Maaga akong nagising para magpunta sa Showtime.

Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung sino yung lalaking nakita ko kahapon sa ospital.Binubulabog nito ang puso't isipan ko.At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit.

Naihatid ko na't lahat lahat si Jas pero yung lalaki paring yun ang nasa isip ko simula kahapon.

So back to reality.

Nagbihis na ko't nagtungo na sa Showtime Studio.

Pagdating ko naman sa studio nakasalubong ko agad si Vice na kasalukuyang naglalakad patungong dressing room niya.

"Anning!Halika tara may ichichika ako sayo."  saad niya bigla.Hinila niya ako at sumunod naman ako,kahit na dapat nga nagtatampo ako sa kanya ngayon dahil sa pangaasar niya sakin nung isang araw.

Pumasok kami sa dressing room niya at naupo kaming pareho sa upuan.

"O?Anong ichichika mo?" saad ko.

"Alam mo may balita ako kay Vhong!" saad niya.Napamulat yung mata ko.

I acted as if hindi ako interesado sa sasabihin niya tungkol kay Vhong kahit na kulang nalang sabunutan ko na siya para sabihin niya na lahat ng nalalaman niya tungkol kay Vhong.

"As if I have a choice.Anong ng balita sa mokong na yon?" tanong ko.

"May mahal na palang iba!Kaloka noh?" saad niya.

Napangiwe ako sa narinig ko.Nawalan na ko ng gana.

"Tss.Malamang.Kaya nga iniwan ako diba?Kasi may mahal na pala siyang iba,or let me rephrase that,hindi niya nga naman daw pala ako mahal at kahit kailan hindi niya daw magagawang mahalin ang isang tulad ko diba?" saad ko.

"Wow naman.Ang lalim ng hugot ah." saad niya.

Inirapan ko na lang ito.

"So sino nga ba yung UNlucky girl na mahal niya?" walang modo kong sabi.

Lumapit sakin si Vice at ibinulong sakin kung sino yun.

"Si Anne Curtis.Ang malas niya noh?" bulong niya sabay tawa pagkatapos.

Binatukan ko naman ito "Umayos ka nga Viceral,pinagtritripan mo na naman ako." saad ko sabay akmang lalabas na ng bigla niya kong pinigilan.

"Walang halong biro.Anne mahal ka niya." saad niya,seryoso ang pagkasabi niya nito,hinihintay ko pa nga tong tumawa pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Wag mo na nga kong pinaglololoko.Vice kilala mo ko,aaasa talaga ako.Kaya sana wag mo na kong pagtripan,kasi masasaktan na naman ako kapag umasa ako sa pinagsasabi mo kahit alam ko namang kasinungalingan lang lahat ng yun." seryoso kong saad sa kanya pero hindi nagbago ang ekpresyon ng mukha niya,seryoso parin siya.

"Sige,maghahanda na muna ako.Mamaya nalang." saad ko sabay labas ng pinto.

Nalilito ako sa pinagsasabi niya,lalo pang nadagdagan ang pagiisip ko.Kung sino yung lalaking yun sa ospital,kung asan na nga ba ang lalaking hindi ko naman hinahanap pero hihanap parin ng puso ko at kung mahal nga ba talaga ako ng taong akala kong pinaasa lamang ako.

-------------------------

Habang naghahanda kami,bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo,natulog ako ng ilang minuto at pagkagising ko nagstart na pala ang Showtime.

I hurridly ran papuntang studio.And I noticed something.

Aligaga ang mga staff namin,yung mga ilang nakasalubong ko nakatingin lang sakin,yung mga mukhang nangangamba at natataranta ang mga mukhang humarap sakin,hindi ko alam kung bakit pero nagsimula na akong kabahan.

Then bigla nalang may lumabas na isang pamilyar na lalaki sa isang dressing room na ilang hakbang lang sa harapan ko,maraming nakapaligid sakanyang staff kaya di ko masyadong naaninag kung sino yun,pero sa pagkakataong ito,bigla nalang kumabog ang dibdib ko,tumitibok yung puso ko ng pagkalakas lakas.Kinakabahan ako at natatakot na baka yung lakaking iyon ay ang lalaking pinangako kung ayoko ng makita sa buong buhay ko.

Natatakot ako.Nangangamba ako.Hindi ko alam yung nararamdaman ko.

Tumakbo nalang ako hanggang sa makaabot ako sa opening speils.

I said my lines habang hingal pa.

"San ka nanggaling?" tanong ni Billy.

"Basta." sagot ko,sa kadahilanang iniisip ko parin yung nakita ko kanina,na baka sumulpot nalang siya bigla ng hindi ko nalalaman.

Natapos na ang pagkanta ng theme song namin pero tulala parin ako at nagiisip.

--------------

Sine Mo To Segment,sinabihan ako ng staff na magbihis dahil kasama daw ako sa storya.And I find it weird dahil tatlong buwan na akong hindi gumaganap dito.Dahil nga wala na kong partner.

Lalo tuloy akong kinabahan dahil dito pero hindi ko inintindi tong nararamdam ko sa halip ay inisip ko nalang na wala akong nakita at wala akong iniisip na nakakapagpakaba sakin.

"At papasok naman ang anak nilang prinsesa na si Prinsesa Anne Chukin." saad ni Billy na kasalukuyang tagapagsalaysay.

So pumasok ako habang sinesway yung palda ko,trying to look and act normal,trying to forget everything that I was thinking a few minutes ago.

"Si Prinsesa Anne Chukin ay laging inaantok,buong araw siyang natutulog at minsan lang makasama ng kanyang mga magulang." saad ni Billy.

And the story goes on and on.

Pero natigil ako bigla sa mga nangyari.Kinakabahan ako.Natatakot ako.

"Dahil nga tulog ng tulog si Anne Chukin ay dumating na ang araw na hindi na siya muling nagising pa at ang halik lamang na galing sa isang prinsipeng mahal na mahal siya ang makapag-gigising dito."

Prinsipe?

"At dahil diyan,biglang papasok ang isang magiting na prinsepe na nais gisingin ang natutulog nating prinsesa." nanginginig na ko nung mga oras na yun,nakapikit ako dahil nga tulog ang karakter ko,lalo pa kong kinabahan dahil baka pagmulat ko yung mukha niya ang bumungad saking harapan.

Bigla kong narinig ang boses ng isang lalakina lumabas mula sa LDR pero nagtataka ako kung bakit hindi humiyaw ang madlang people,usually kasi pag ang hinihinala kong lalaki na lalabas mula diyan ay laging hiyawan ang naririnig pag siya na ang lalabas.

"Asan na ang prinsesa?" saad nito.Narinig ko sa tono ng boses na hindi siya ang lalaking akala kong magiging prinsipe ko.

"Hoy Jhong hindi ikaw ang prinsipe dito." saad ng tagapagsalaysay na nagpanumbalik ng kaba ko.

"At ngayon madlang people,lalabas na ang totoong prinsipe,please welcome...

Kinakabahan ako.Hindi ko alam ang gagawin ko.Kung mag wowalk out ba ko.Kung sasampalin ko ba siya.Kung iiyak ba ko sa harapan niya o kung yayakapin ko ba siya?

Yayakapin?Tss.Asa siya.

Pero talaga,hindi ko alam ang gagawin ko.Ang kapal naman kasi niya para pumasok ng walang paubaya ha?

Pero pano kung hindi si Vhong yun?

Oo hindi si Vhong yun.

Pero pano kung siya nga?

Ay basta.Ewan!

Biglang nabasag ang pagiisip ko ng bigla nalang naghiyawan ang madlang people ng pagkalakas lakas ng nagbukas ang LDR.

Anne wag kang kakabahan.

Anne hindi si Vhong yun.

Anne wag ka magpapadala sa emosyon mo.

Anne umayos ka.

"Lalapit ito at hahalikan ang prinsesa." saad ni Billy.

Kumakabog yung dibdib ko habang nakapikit parin ako.Nanlalamig ang buong katawan ko.Hindi ko alam ang gagawin ko.

Unti unting naghiyawan ang madlang people,nararamdaman kong papalapit na siya sakin ngayon.

"Lalapit ang mukha ng prinsepe sa prinsesa at hahalikan ito..." saad ni Billy.

Naghintay ako.

At umasa.

Nakaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa pisngi ko.

"Namiss kita." bigla akong binulungan ng taong ito.

Yung boses niya.Boses niya yun.Yun yung boses na hinahanap ko.Yung boses na namimiss ko.

Idinilat ko yung mga mata ko.

At yung mukha niyang nakangiti ang bumungad saking harapan.

"Vhong?"

A/N:Vote and Comment if you enjoyed this chapter!Kung hindi.Vote niyo narin neh?Haha!Thank you po! :D

Continue Reading

You'll Also Like

243K 5.6K 83
*****
275K 379 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
101K 122 12
This stories are not suitable for young readers.
71.6K 121 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞