SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 2 - My Boo

1.2K 63 1
By quosmelito

•••

*Haru*

"Saan ho tayo, Ma'am?" Tanong ko kay Mrs. Monteclaro matapos ko siyang ipagbukas ng pinto at makapwesto ako sa driver's seat.

"Diretso na tayo sa bahay, then off you go, hijo." Nakangiting sagot ni Mrs. Monteclaro.

Kahit sa rearview mirror ko lang siya nakikita ay mababakas kong tila mayroon siyang inaalala. At ang side ko na mahilig makialam sa ibang tao ay hindi ko napigilan. Siguro ay nature ko na iyon, ang mag-alala at mag-alok ng tulong sa ibang tao.

"Okay lang ho ba kayo, Ma'am?"

Masyado pa ring maaga para umuwi. Pero sabagay, siya naman ang boss ng sarili niyang kumpanya kaya hawak niya ang oras niya.

"Ayos lang ako, Haru. I just feel strangely tired this Friday. You know, a week of office work." Nakangiting tirik niya ng mga mata.

"Ganoon ho ba?" Sinimulan ko nang tapakan ang accelerator at mabining pinatakbo ang kotse. "Ahm, baka mero po kayong kailangang ipakumpuni sa bahay niyo, Ma'am. Marunong ho akong mag-ayos ng tubo, magkarpentero, kahit ano, Ma'am." Nakangiti kong alok.

"Really? Saan ka naman natuto?" Saglit kong sinulyapan ang nakangiting ginang bago ako nag-menor para lumiko sa kanto.

"Ah, rumaraket kasi ako, Ma'am. Kailangan ko pong kumayod para sa mga kapatid at nanay ko. Kaya kahit anong trabaho po basta marangal, maliit man o malaki ang kita ay pinapasok ko ho."

"Hmm. Your family must be lucky to have you."

Kiming ngiti at simpleng tango lang ang isinagot ko. "Ahm. May ipapagawa ho ba kayo, Ma'am? Nahihiya ho kasi akong mag-undertime at umuwi na hindi buo ang serbisyo ko sa inyo. Hindi ho masusulit ang bayad niyo sa akin." Pabiro kong dagdag na bahagya niyang ikinatawa.

"It's okay, hijo. Meron naman akong boy sa bahay. Just spend your time with your family. Tatawagan na lang kita if ever na may pupuntahan ako. Which I doubt, kasi gusto ko lang mamahinga."

"Sige po."

Nang maihatid ko si Mrs. Monteclaro sa bahay niya ay sinakyan ko na ang bisikletang iniwan ko sa lumang guard house sa sulok ng bakuran ng mansyon.

Hindi naman ganoon kalayo ang barangay namin sa tirahan ni Mrs. Monteclaro. Isang barangay at isang mahabang savanna lang ang kailangan kong daanan upang makauwi.

Nang may madaanan akong nagtitinda ng bananaque at okoy ay saglit akong huminto at bumili. Siguradong gutom ang dalawa kong kapatid dahil wala namang recess sa tanghali. Tamang-tama at uwian na nila mayamaya.

Kumuha ako ng isang bananaque para kainin habang nasa daan at isinilid ko sa backpack ang iba.

Gustong gusto ko ang lugar na ito. Malamig ang hangin, tahimik, at payapa ang mga mamamayan. At walang polusyon. Nae-excite na rin ako sa tagsibol dahil nagsisimula nang umusbong ang mga dahon ng puno na nakahanay sa daan. Maging ang tuyo at matataas na damo ay tila kumakaway habang isinasayaw ng hangin.

Nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan ay saglit akong huminto at lumingon sa paligid. Wala namang tao at naninirahan sa malapit dahil savanna na ito kaya kumubli ako sa isang malaking puno.

"Tabi-tabi po."

Matapos kong maginhawahan ay pinulot ko ang bisikleta pero nang sasakay na ako ay may humaharurot na itim na kotse ang muntik na akong mahagip.

Sa pagkagulat ko ay nabitawan ko ang bananaque na kagat-kagat ko ang dulo ng stick.

Nanlalaki ang mata kong hinabol ng tingin ang papalayong kotse.

"Hindi ka man lang nag-sorry!" Sigaw ko. As if ay maririnig ako ng hambog na driver.

Nanghihinayang akong napatingin sa nasayang na pagkain. "Andami pa namang hindi nakakakain ngayon." Naiiling kong bulong saka pinulot ang bananaque at itinabi sa bahay ng langgam. "Sa inyo na lang." Parang timang na kausap ko sa mga langgam. At least ay may makikinabang pa rin sa pagkain. Muli na akong sumakay sa bike at nagdrive pauwi.

Hindi man lang huminto ang driver at nagsorry sa akin. Paano kung nasagasaan niya ako? Baka gaya ng babanaque na iyon ay iwan lang din niya ako sa damuhan.

Kung wala lang akong kilalang mayayamang tao na may mabuting puso ay iisipin kong wala silang pakialam sa mahihirap.

Bakit kaya hindi na lang kasingbait ni Mrs. Monteclaro ang lahat ng mayayaman? At gaya rin ng pamilya Charleston, ang pamilya ni Ethan boo.

Napangiti ako nang maalala kong nakauwi na nga pala siya at lilibot sa bahay mamaya. Kailangan kong maglinis ng bahay para hindi naman nakakahiya sa kaibigan ko. Baka hindi na iyon naasikaso ni Mama dahil naglalabada siya ngayon kina Aling Becky.

"At makalat ang kambal." Dagdag na bulong ko. Sa isiping iyon ay binilisan ko ang pagpedal pauwi.

<><><><><><>

"Tao po!"

Katatapos ko lang maglinis ng bahay at matulungan ang kambal sa assignments nila, na ngayon ay nanonood ng cartoons sa aming lumang TV habang nilalantakan ang uwi kong pagkain, nang marinig ko ang malalim at pamilyar na boses ni Ethan.

Dali-dali akong tumayo mula sa kawayang upuan sa gilid ng bahay at tumakbo sa gate bitbit ang luma kong gitara.

"Ethan boo!"

"Boo!"

Ang mapusyaw na liwanag ng papalubog na araw ay nakadagdag sa kagwapuhan niya. Ngayon ko lang napansin na parang mas tumangkad siya ngayon. Unfair. Parang ako lang ang hindi tumatangkad. Sa loob-loob ko.

"Ump. Nasasakal ako, boo." Tatawa-tawa kong reklamo nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Sorry." Alanganing ngiti niya.

"Lika sa loob."

"May pasalubong ako sayo." Aniya nang makapasok kami sa bahay. "Evil kids, na-miss ko kayo." Baling niya sa kambal saka ginulo ang kanilang buhok.

"Eto na naman siya." Baling ni Junno kay Jinn.

"'Wag mong pansinin." Sagot naman ni Jinn.

"Jinn, Junno." Warning ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit masungit silang dalawa kay Ethan. Kung minsan naman ay okay silang tatlo. Hindi ko rin maintindihan ang relasyon ng tatlong ito kung minsan.

Iiling-iling akong bumaling kay Ethan nang umingos lang ang kambal.

"Aba. Ang sungit niyo na naman sa akin ah. Okay. Hindi ko na lang ibibigay yung pasalubong ko sa inyo." Sabay labas ni Ethan ng dalawang robots. Ang isa ay si Optimus Prime at ang isa ay si Bumblebee. "Ang ganda pa naman nito oh. Tsk tsk." Nanunuksong dagdag ni Ethan.

"Wow!" Namimilog ang mga matang panabay na sabi ng kambal. Kung minsan napapaisip ako kung iisa lang ang kaluluwa nila. Madalas kasi ay sabay at magkamuha ang reaksyon nila.

"Kuya Ethan na-miss ka rin namin, 'di ba Jinn?" Nakita ko pa ang simpleng pagsiko ni Junno kay Jinn at siguradong nakita rin iyon ni Ethan base sa ngisi niya.

"Oo naman! Saka mas gwapo ka ngayon Kuya Ethan boo." Halatang nang-uuto ang tono ni Jinn na sagad ang ngiti.

"Kuya Ethan boo?" Naniningkit ang matang tanong ni Ethan.

"Opo. 'Di ba iyon po ang tawag sayo ni kuya? Ethan boo."

Nakataas ang kilay na napatingin ako kay Junno. Po? Opo? Kailan pa siya natutong mag-po kay Ethan? Kahit sa akin ay madalang silang mamupo. Iiling-iling akong napangiti sa ginagawa ng dalawa.

"Sus. Inuuto niyo lang ako eh." Bagama't nakakunot ang noo ni Ethan ay alam kong naa-amuse siya sa kambal.

"Hindi po." Sabay na namang sagot ng kambal na hindi nawawala ang ngiti sa maninipis na labi.

"Totoo? Sige nga. Kiss at hug niyo 'ko kung na-miss niyo talaga ako?" Yumuko si Ethan upang itapat ang pisngi sa kambal.

Nagkatinginan ang kambal na pawang walang masabi. At halatang napipilitan man ay sumunod sila sa request ni Ethan. Gaya ng reaksyon nila kapag hinahalikan ako ay dumila sila pagkatapos. Pero palihim lang.

"Nakita ko 'yon." Natatawang sita ni Ethan pero iniabot pa rin ang laruang robot. "Oh. Ingatan niyo 'yan ah?"

"Salamat, Ethan boo." Koro ng kambal na tuwang tuwang nag-apir.

Hindi ko rin napigilan ang mapangiti sa kasiyahang nakapaskil sa mga inosente nilang mukha.

"Kayong dalawa ha, Junno, Jinn, 'wag na kayong masungit sa Kuya Ethan niyo. Kaibigan siya ni Kuya kaya kuya niyo na rin siya." Sermon ko sa dalawa na ikinangiti ni Ethan.

"Eh kasi aagawin ka niya sa amin, di ba Jinn?"

"Umm-umm." Sang-ayon ni Jinn.

"Ano? Bakit naman?" Takang-tanong ko. Nakakunot din ang noo ni Ethan sa sinabi ng dalawa.

"Eh kasi Kuya," si Junno ulit. "May gusto sayo si Kuya Ethan."

"Oo nga. Kapag mag-asawa na kayo, doon ka na titira sa mansyon nila. Wala na kaming kuya, di ba Junno?"

Kahit wala akong iniinom ay parang gusto kong masamid sa sagot nila. Naiwang bubuka-buka ang mga labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon ay bigla akong nahiya kay Ethan. Lalo lang nag-init ang mukha ko nang mahuli ako ni Ethan na nakatingin sa kanya. Pero kung kanina ay nakakunot ang noo niya, ngayon ay may maliit na ngiting naglalaro sa sulok ng labi niya.

God. Ang awkward nito.

"Nandito na ako." Thank you Lord, naisaloob ko nang mabosesan ko si Mama. "Oh, Ethan, narito ka pala, anak." Agad na bati ni Mama pagpakakita niya kay Ethan.

"Oho. Hihiramin ko po sana si Boo." Ani Ethan matapos magmano kay Mama.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Wala naman siyang nabanggit ah.

"It's Friday, magchi-chillax lang tayo. Ah may pasalubong nga ho pala ako sa inyo, Nay." Baling niya kay Mama saka iniabot ang malaking shopping bag. "Eto naman sayo, boo."

Kinuha ko ang mas maliit na bag at sinilip ang laman niyon.

"Naku, anak, nag-abala ka pa." Tila nahihiyang sabi ni Mama.

"Okay lang ho. Nakalimutan ko lang ho iyang dalhin kahapon. Excited kasi akong makita si Boo eh." Nakangiting sabi niya saka patagilid na tumingin sa akin.

Ano bang meron sa akin ngayon at tila bigla akong hindi naging komportable kay Ethan. Kasalanan to ng kambal eh. Tinapunan ko ng tingin ang dalawa at huling-huli ko na nakadila sila at tila naduduwal dahil sa sinabi ni Ethan.

Pinanlakihan ko sila ng mata nang magtama ang mga paningin namin na sinuklian nila ng alanganing ngisi.

"Ganoon ba, salamat, anak. Eh saan ba ang punta niyo nitong si Haru ko?"

"Magre-relax lang po kami sa bayan. 'Wag po kayong mag-alala, maaga po kaming uuwi." Magalang na sagot ni Ethan.

"Oh sige, at iyan ngang kaibigan mo eh wala nang oras para sa sarili, ako eh mamahinga muna ha. Maiwan ko muna kayo. Salamat dine ha?" Saka itinaas ni Mama ang paper bag.

"Walang anuman, Nay."

"Ma, kakain na tayo mayamaya." Habol ko kay Mama.

"Mauna na kayo ng mga kapatid mo, isalo niyo na rin si Ethan. At ako eh, hindi nakatanggi kay Aling Becky at pinilit akong kumain bago umuwi."

Hinayaan ko na lang si Mama na makapasok sa silid niya dahil bakas sa mukha niya ang pagod. Siguro ay marami siyang nilabhan. Nakaramdam ako ng awa para kay Mama. Kakausapin ko siya mamaya na huwag nang maglalabada. Malaki rin naman ang sinabi ni Mrs. Monteclaro na sweldo ko kaya sapat na iyon para sa mga pangangailangan namin.

"Kumain muna tayo, Ethan." Baling ko Ethan. "Nakaluto na ako eh, saka hapunan na rin naman."

"Alright!" Pinagkiskis pa niya ang mga palad. "Na-miss ko nga ang luto mo, boo."

"Ethan boo!"

Sabay kaming napalingon ni Ethan kay Junno sa mas maliit na boses at ngayon ay nakatayo at nakaharap kay Jin.

"Boo!" Sabi naman ni Jin na pilit pinalalaki ang boses saka sila madamdaming nagyakapan.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong ginagaya nila kami ni Ethan. Tiyak na nakita nilang niyakap ako ni Ethan kanina sa harapan ng bahay.

Saka hindi naman ganoon kaliit ang boses ko ah!

Malakas namang napatawa si Ethan na umami mula sa akin ng mahinang suntok sa braso niya.

"Hoy, kayong dalawa. Tara na sa kusina." Nagpatiuna na akong pumasok sa komedor at naghanda ng mesa. Gusto kong manliit sa ginagawa ng dalawa kong sutil na kapatid.

"Ang cute nila, 'no?"

Bahagya pa akong nagulat nang magsalita si Ethan sa tabi ko habang naglalabas ako ng mga plato.

"Mana sa Papa nila." Sagot ko.

Iba ang itsura ng kambal sa itsura ko. Well, dahil iyon sa ang tatay ko ay hapon at ang tatay nila ay Pilipinong may lahing Espanyol.

Yup. Magkaiba ang mga tatay namin. At hindi namin iyon inilihim ni Mama sa kanila. Ang nakakatuwa lang ay parang balewala lang sa kambal iyon.

Kaya kong sumugal at siguradong mananalo ako na ang kambal ay may isip tulad ng sa disi-otso anyos. Minsan ay parang mas kuya pa sila kaysa sa akin kapag nagsasalita.

"Ikaw rin."

"Mana sa Papa ko?" Nakangiti kong sagot.

"Hindi. Cute ka rin." Nakatitig sa mata kong sagot ni Ethan.

"A-alam ko." Nabubulol na sagot ko saka ko idinaan sa tawa ang pag-iinit ng pisngi ko.

Dati naman akong sinasabihan ni Ethan na 'cute' ako. Pero bakit ba ang awkward ng pakiramdam ko ngayon? Kasalanan talaga 'to ng kambal. Kung ano-ano kasi ang sinasabi nila.

Masaya kaming naghapunan sa gitna ng kwentuhan at madalas na kulitan nina Ethan at ng kambal.

Alam kong sanay na si Ethan sa mga kapatid ko kaya panatag ako na walang ibang nararamdaman si Ethan sa kasungitan ng kambal kundi pagkaaliw. At kilala ko rin ang mga kapatid ko. Kapag ayaw nila sa isang tao ay ni hindi nila tinitingnan o kinakausap.

Matapos naming kumain at maghugas ng plato ay pumasok ako sa kwarto ni Mama para i-check siya. Ang kambal naman ay inutusan kong maglinis at magsepilyo habang naglilinis ako sa kusina.

Napangiti ako nang makita kong mahimbing na siyang natutulog. Inayos ko ang kumot niya saka ako humalik sa noo.

Nang bumalik ako sa salas ay hindi ko napigilang mapangiti nang maabutan kong natutulog ang kambal at nakaunan sa magkabilang hita ni Ethan.

"Ssh." Inilagay ni Ethan ang daliri sa tapat ng labi saka ngumiti.

Tumango ako at minwestrahan siyang ilipat ang kambal sa kwarto. Nagtig-isa kami ng buhat at maingat na inilipat sa kwarto at ibinaba sa manipis na kutson ang dalawa. Kinumutan ko sila saka kami lumabas ng silid.

"Hindi ko yata sila maiiwan, Boo." Sabi ko kay Ethan nang nasa harap kami ng bahay at nakaupo sa mahabang kawayang bangko sa ilalim ng puno ng bayabas.

"Saglit lang tayo, boo. Saka may lock naman ang mga pinto at bintana niyo eh."

Saglit akong nag-isip. Hindi kasi ako pala-gimik, may pera man o wala. At sabihin niyo nang overprotective ako pero ayokong nawawala sa paningin ko ang Mama at ang kambal. Kaya nga kahit Grade II na ang dalawa ay hinahatid ko pa sa school.

"Come on, boo. Saglit lang tayo. Maaga tayong uuwi, promise." Nakataas ang kamay na sabi niya.

"Ahm. O-okay. Pero saglit lang ah? May pasok din kasi ako bukas."

"Saan? Nag-aaral ka na ulit?" Nakangiting tanong niya.

"Hindi. Nagtatrabaho ako. May kumuha sa akin na personal driver. At maganda ang bigayan." Proud kong sagot.

"Ayos ah! Apir!"

Natatawa akong nakipag high five kay Ethan.

"Lika na. Para maaga tayong makauwi."

"Sige, magbibihis lang ako."

Saglit akong nagpalit ng itim na damit at kupas na asul na denim pants na may punit sa magkabilang tuhod. Luma na iyon at naisipan kong lagyan ng style gaya ng nakikita ko sa mga kabataan ngayon. Maganda naman ang naging resulta. At tinernuhan ko ng itim na sneakers. Ang nag-iisa kong sapatos na panglakad, ang isa kasi ay black na ginagamit ko sa pag-aapply.

Binisita ko ang kambal at si Mama bago ko siniguradong naka-lock ang lahat ng mga bintana at pinto sa likod bago ako lumabas ng bahay.

"Tara!"

"Wow. Bilis ah!"

Tinawanan ko si Ethan saka siya siniko.

Mayamaya pa ay nakasakay na kami sa kotse niya at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bayan.

•••

"Thank you." Ani Ethan nang ilapag ng waiter ang inorder naming drinks.

Nasa loob kami ngayon ng isang bar. Hindi iyon gaya ng tipikal na bar na puro alak ang laman. Maaari rin ditong kumain. At ang maganda pa sa bar na ito ay ang magaan na ambience. Sa halip na malakas na music ay may isang banda sa stage na nagpe-perform ng malalamyos na kanta. Salitan ang RnB, classic, at mellow rock.

Tamang-tama ang lugar na ito para sa mga taong gustong magrelax pagkatapos ng isang linggo ng nakakapagod na trabaho.

"So. Nagustuhan mo ba rito?"

Nakangiti akong tumango kay Ethan saka uminom ng juice. Iyon ang in-order sa akin ni Ethan at natuwa ako dahil hindi niya ako pinilit na uminom ng alak.

"Paano mo nadiskubre ang bar na 'to?"

"Dati kong classmate ang may-ari nito. Inimbitahan niya ako last month nang mag-open 'to. Kaso alam mo naman, nasa America ako, kaya kagabi lang ako nakapunta."

Napatangu-tango ako at nag-focus sa maliit na stage kung saan kumakanta ang babaeng bokalista.

"Ang ganda naman niya." Komento ko sa itsura ng babae.

"Right. Beautiful."

Napalingon ako kay Ethan dahil parang ang lapit ng boses niya sa tenga ko. At gustong mag-init ng pisngi ko dahil hindi siya sa bokalista nakatingin kundi sa akin.

Nagkunwari akong nauuhaw at diretsong nilagok ang basong nahawakan ko. Nalukot ang mukha ko nang malasahan ko ang pait na ikinatawa ni Ethan.

Ang in-order pala niyang martini ang nadampot ko.

"Gusto mo pa?" Tatawa-tawa niyang tanong.

"No way." Pinunasan ko ng tissue ang dila ko dahil ayaw mawala ng pait. "Ang sama ng lasa."

"'Di ka lang sanay." Kinambatan niya ang waiter at umorder ng panibagong inumin.

"Ayoko na, boo." Reklamo ko pag alis ng waiter.

"Wag kang mag-alala. Para sa akin iyon. Di kita lalasingin. Kahit gusto ko."

"Ano?" Pabulong lang ang huli niyang sinabi kaya hindi ko narinig.

"Wala. Oh, kumain ka ng Nachos para mawala yung lasa ng alak." Alok niya sa chips na napapatungan ng giniling na karne at kung ano anong maliliit na hiwa ng gulay at cheese.

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Ethan tungkol sa pag-aasikaso niya sa business nila sa America at bakasyon na rin nang lumapit sa amin ang may-ari ng bar na si Calvin. Iyon ang natatandaan ko nang ipakilala kami ni Ethan sa isa't isa.

Saglit silang nagbulungan bago tumapik si Calvin sa balikat ni Ethan at tumango sa akin saka umalis.

"Come on." Hila ni Ethan sa akin saka tumayo.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko bago kami huminto sa gilid ng stage na hanggang tuhod ang taas.

"Boo. Marunong kang kumanta 'di ba."

Hindi naman iyon tanong. Statement ang mas tamang sabihin.

Alanganin akong tumango. Mukhang may ideya na ako sa kapupuntahan nito.

"Hindi kasi sumipot yung isang singer na kahalinhinan ni Trix. Yung bokalista kanina. Eh kailangan niya ng pahinga."

"Oh no." Agad na sabi ko.

"Come on, boo. Naka-oo na ako kay Calvin."

"Bakit hindi mo man lang ako tinanong?" Naiinis na sita ko sa kanya.

"Papayag ka ba?"

"Hindi."

"See? Sige na, boo? Ha?" Pinalungkot pa niya ang mukha at humawak sa dalawa kong kamay. "Please?"

Hindi ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao dahil hindi ako ganoon ka-confident sa boses ko. Isa pa ay napakaganda ng boses ng Trix na sinasabi ni Ethan. Naka madismaya lang ang mga parokyano ng bar na ito sa akin.

"You can do this, boo. Hindi kita ipagpiprisinta kung hindi ako kumpyansa sa iyo. Okay?"

Lumingon ako sa banda na pawang naghihintay sa stage. Wala na roon si Trix. Malamang ay namamahinga na.

Napapabuntong-hininga akong tumingin kay Ethan at iningusan siya. "Kung hindi lang kita kaibigan, hindi mo ako mapapapayag."

"Yes! Hmmwuah!" Halik niya sa magkabila kong pisngi na nakapagpainit sa mukha ko. "Go, boo! Doon lang ako sa harap. Galingan mo."

Napapakagat sa labing humakbang ako sa dalawang baitang na hagdan.

Nagsisimula nang pawisan ang mga palad ko kahit na nga ba air-conditioned ang loob ng bar. Lumapit ako sa banda at tinanong kung alam nila ang areglo ng kakantahin ko. At sa kasamaang palad ay alam nila. No choice na talaga.

Inilibot ko ang paningin ko at lalo lang nadagdagan ang kabog ng dibdib ko nang makita kong nakatuon ang pansin ng lahat sa akin. In-adjust ko ang stand ng mic. Gosh. Kahit si Trix ay mas matangkad kaysa sa akin.

Nagsimula ang banda na binubuo ng isang gitarista, drummer, at keyboardist.

Napangiti ako nang mag thumbs up sa akin si Ethan.

Huminga ako nang malalim at sinubukan kong isiping walang tao at ako lang mag-isa.

Nang bumuka ang mga labi ko ay unti unti akong napanatag.

"When you try your best but you don't succeed
When you get what you want but not what you need
When you feel so tired but you can't sleep
Stuck in reverse

When the tears come streaming down your face
'Cause you lose somethin' you can't replace
When you love someone but it goes to waste
Could it be worse?

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

But high up above or down below
When you're too in love to let it show
But if you never try you'll never know
Just what you're worth

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Tears stream down your face
When you lose somethin' you cannot replace
oh and tears streamin' down your face
And I

Tears stream down your face
I promise you I will learn from all my mistakes
oh and the tears stream down your face
And I

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you."

Palakpakan ang nakapagpamulat sa mga mata kong ni hindi ko namalayang nakapikit pala.

Nahihiya akong yumuko at nagpasalamat. Nagbigay rin ako ng pasasalamat sa banda at nakipagkamay.

"Nice. You should join in our band." Anang keyboardist.

Kiming ngiti lang ang isinagot ko at simpleng 'thank you' bago ako bumaba.

"Boo!" Malaki ang ngiting sinalubong ako ng yakap ni Ethan. "That was great, montik na akong maiyak."

"Hmp." Sinuntok ko siya sa sikmura at nagkunwari naman siyang nasaktan.

"Seriously, that was awesome. Bagay ka sa banda na 'yon, boo."

Uminom ako ng juice pagkaupong pagkaupo namin. Ngayon ay parang nanginginig ang mga tuhod. Pero ang sarap pala sa pakiramdam nang kumanta sa stage.

"Hi."

Nagtatawanan kami ni Ethan dahil sa komento niya tungkol sa ibang customer na nakanganga "raw" habang kumakanta ako nang may lumapit sa aming lalaki.

"I didn't catch your name. By the way I'm Caleb." Inilahad ni Caleb ang kanang kamay sa harap ko kasabay ng simpatikong ngiti. Siya iyong nasa keyboard kanina.

"Ahm. H-haru." Tanggap ko sa pakikipagkamay niya.

"Can I buy you a drink?" Nakangiting alok niya.

"He doesn't drink." Napalingon ako sa lamig ng tono ni Ethan at sa seryoso niyang mukha. "And he's with me." Sabay akbay pa niya sa akin.

"Oh. Okay. See you around, Haru."

Bago pa man ako makapagreact ay umalis na si Caleb pero bago iyon ay nag iwan pa siya ng kindat.

"Psss. Baduy!"

Muli kong nilingon si Ethan na ngayon ay hindi maipinta ang mukha habang nakasandal sa couch.

"Mukhang nice naman siya."

"Kinindatan ka lang nice na agad?"

"Siya yung keyboardist kanina. Saka nakikipagkilala lang yung tao."

"Nakikipagkilala. Tapos ano? Kukunin number mo? Aayain kang makipag-date? Tapos 'pag na in love ka, iiwan ka. Kilala ko na 'yung mga ganyang klaseng tao." Nakasimangot na uminom siya ng alak.

"Wag kang magpakalasing. Uuwi pa tayo. Saka napaka advanced naman ng utak mo. Date, in love agad? Nakipagkilala lang."

Hindi lingid kay Ethan na pareho akong nagkakagusto sa lalaki at babae. At nagpapasalamat ako na hindi siya lumayo sa akin nang ipagtapat ko iyon noong mga binatilyo pa lang kami. Sa halip ay lalong tumibay ang pagkakaibigan namin mula noon.

"Saka wala sa isip ko yung love love na yan. Focused muna ako sa kambal at Mama ko. Makakapaghintay yan."

"Matagal na akong naghihintay."

Dahil nagsimula na ulit tumugtog ang banda ay hindi ko narinig ang ibinulong niya.

"Ano?"

"Wala. Lika na. Maghahating-gabi na rin. Saka baka makasapak ako ng taong titig na titig sayo."

"Easy lang." Hinimas ko ang braso niya na tila nakapagpakalma naman sa kanya. "Wait. Naji-jingle ako."

"Bilisan mo."

"Oo."

Tumayo ako at tinungo ang hallway patungo sa restroom sa gilid ng mismong bar kung saan may mga nakaupong customer at inaasikaso ng bartender.

Walang masyadong tao kayo mabilis akong nakahanap ng pwesto sa urinal.

Matapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako ng banyo. At dahil nakayuko ako ay hindi ko napansin ang kasalubong kong higante - este lalaki.

"Umpf!" Pasalampak akong bumagsak sa sahig matapos kong bumangga sa dibdib na tila gawa sa asero. "Aw." Hilot ko sa nasaktan kong balakang.

"Lampa."

Nanlalaki ang mga matang nag-angat ako ng paningin. And boy, iyon na yata ang pinakamalamig na matang nasilayan ko sa buong buhay ko. Medyo bilog iyon na singkit na napapatungan ng makakapal at magkasalubong na kilay. Aroganteng ilong at labing medyo makapal ang ibaba at manipis ang itaas.

Bago pa man ako makabawi ay dire-diretso na siyang pumasok sa restroom.

"Okay lang ako!" Sarkastiko kong pahabol na sigaw sa kanya. Pfft. Gwapo ka pa naman kaso ang sama ng ugali mo.

Bumalik na ako sa table namin ni Ethan at inaya siyang umuwi.

Gusto kong matawa dahil sa sama ng tingin niya kay Caleb. Sa sama ng tingin niya ay nagiging cute ang dating ng mukha niya. Sa totoo lang cute talaga si Ethan. Kumbaga, American boy-next-door ang dating. Medyo matured lang ng kaunti dahil sa bagong trim na balbas at bigote niya.

Bluish gray at deep set na mga mata na namana niya kay Mr. Charleston, manipis ang kulay rosas na labi at matangos ang naka arko at manipis na ilong. Animalistic ang kagwapuhan nila pero may kahalong kacute-an. Kung paano ko iyon ilalarawan ay hindi ko alam. Basta gwapo ang kaibigan ko.

Wait! What? Bakit focus na focus ako kay Ethan?

Umiling ako sa isip ko at kinastigo ang sarili ko.

"Tara na."

"Sasapakin ko talaga yang g*go na yan!" Aniya nang kumaway pa sa akin si Caleb nang tumayo siya.

"Lika na. Gagawa ka pa ng gulo sa bar ni Calvin eh." Hinila ko na siya sa braso at pilit na lumabas ng bar.

Nakasimangot lang siya habang pauwi kami at walang kibo.

"Paano, pasok na ako, Ethan boo. Salamat ah." Sabi ko nang makarating kami sa bahay.

"'Di na kita dadalhin sa bar na yon."

Hindi pa rin pala siya nakakalimot kaya 'di ko napigilang matawa.

"Anong nakakatawa?" Masungit na tanong niya.

"Wala. Uwi ka na. Libot ka ulit bukas dito. Manguha tayo ng mangga pag maaga akong nakauwi."

Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Sige ba. Pero sasapakin ko pa rin 'yong Caleb na yon 'pag nagkita kami." Bigla na namang nagsalubong ang kilay niya.

"Haha. Siraulo." Pabiro ko siyang kinutusan na nakapagpabalik sa ngiti niya.

"Pasok ka na."

"Sige. 'Night, Ethan boo."

"Goodnight, my boo."

•••

Continue Reading

You'll Also Like

204K 7.4K 37
Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa magaling sa lahat ng sport ay sobrang t...
48.7K 1.5K 28
This is a story of people who has ORDINARY HEARTS. Pero kahit kailan hinding-hindi magiging ordinaryo ang kwento ng kanilang mga puso at tadhana.
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1M 33.6K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...