Old and Unwanted

By _Isabelle_

473K 8.3K 2.8K

(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held... More

Old and Unwanted
OMG!!!
More than just a face?
Meet the Parents
Evil Visit! Part 1
Evil Visit Part 2
Mr. Angel
Sweet Threat?
The Society of Pink Women
Sasabihin ko ba o hindi?
Indecisiveness and the Connection
The Date!
The Bachelor's Pad
I could be the one
Race to your heart
Where are you?
Feelings
What I am to you?
Escape through the maze
Tug of war of feelings
Give in to me (Part 1)
Give in to me (Part 2)
Actions speak louder than words
This foreign feeling called 'Love'!
His first, my first.
When everything turns into nightmare.
Love hurts?
Meeting Helena
His fragile heart
Love is intricately complicated
New beginnings and hesitations
Tim's POV
Expressing in subtle ways?
Torn
I hate myself...
*Still untitled*
Goodbye, Angel.
The path of being an old maid
Her ending, His ending, Their ending (1)
Her ending, His ending, Their ending (2)
Epilogue

When he's around

8.5K 165 73
By _Isabelle_

“Siya ba talaga ang gusto mo, Meg? Yon nagpuntang intsik na hilaw na hindi naman makapaglaan ng oras para sayo?” sabi ni Lola sa tonong pinapagalitan ako.

Hindi ko rin alam bakit nga ba ginigisa ako ni Lola tungkol kay Kurt. Wala naman ginawa si Kurt sa handaan at kung meroon man ay ngumiti siya at nakisama kina Mama at Papa. Hindi kasi siya makalapit kay Lola dahil halata naman ayaw niya sa kanya.

“Doctor siya, Lola. At busy talaga siya pero nagpunta naman siya, diba? Sana makita niyo ang effort niya doon. Hindi lang yon Lola. Hindi niyo alam kung gaano nag-effort si Kurt kahit noon dati pa…dati pa na kami ni Tim.”

“Tignan mo na. Mang-aagaw pala yang lalake na yan. Siya ang gumawa ng dahilan bakit kayo nagkahiwalay ni Tim no? Siya no?” pag-aakusa ni Lola.

“Lola hindi. Wala siyang kasalanan.”

“Meg, kung effort lang din ang titignan mo mas higit ang ginawa ni Tim. At take note DOCTOR din siya.”

Napailing nalang ako sa pagdiin ni Lola ng salitang doctor.

“Lola…”

“Hindi mo ba alam na sa nakaraan tatlong taon na paroo’t parito siya dito sa Batangas galing Manila tuwing weekends? Mas daig ka pa nga niya na ngayon ko nalang ulit nakita matapos ang tatlong taon,” singhal ni Lola na mukhang nagdadrama.

“Lola andoon ako ng kasal ni Tita.”

“Huwag mo akong pilosopohin, Meg. Ano bang problema kay Tim, Meg? Hindi mo ba makita kung paano ka niya tignan? Kung paano siya sumulyap sayo? Manhid ka bang bata ka? Kasi ako nararamdaman ko ang kakaibang pagtingin niya, ewan ko nalang din sayo.” Tinignan akong masama ni Lola habang umiinom siya ng kape matapos ay umiling –iling pa ito.

“Lola, tapos na kami. Wala na.”

“Bakit may mga asawa na ba kayo para di kayo magkabalikan?”

Napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi ni Lola. Ang kulet na niya. Old-oldest na kasi si Lola at base sa kanyang developmental and growth stage at isa ito sa mga characteristics.

“’la…May idinedate nga ako diba, si Kurt.”

“Bakit mahal mo ba siya? Ni wala nga akong makitang spark sa inyo eh? Wala kayong chemistry.” Nagulat nalang ako sa sinabi ni Lola at mukhang break through ito sa pag-aaral ko. May nalalaman pang chemistry at spark itong si Lola.

“Lola hindi sa spark o chemistry lang ang batayan,” ngumiti ako sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang mata na marami ng karanasan sa buhay.

“Eh saan?”

“Sa pagmamahal, sa pag-uugali, sa pagkatao. Gusto ko ang ugali ni Kurt at alam kong mabuti at responsible siyang tao. Kaya niya akong panagutan at hindi niya ako iiwan,” kampante akong sumagot habang nakatingin sa kanya. Dahil alam kong totoo ang sinasabi ko tungkol kay Kurt.

“Bakit mahal mo ba?”

Natigilan ako sa tinanong ni Lola. Ibubuka ko sana ang bibig ko pero wala akong maisip na isagot sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya ng bahagya dahil sa kawalang-sagot ko sa tinanong niya.

“Tignan mo na di ka mapakagsalita, ibig sabihin hindi mo naman mahal. Matanda na ako, Meg. Huwag mo akong lokohin. Kilala ko ang hilatsa ng pagkatao mo na manang-mana sa iyong nanay. In-denial kayo pareho ng nanay mo. Hay, apo, kahit anong sabihin mo, halatang halata naman ako na meron ka pang nararamdaman amor kay Tim. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Kahit ako, Meg, halatang halata ko. Gusto mo siya, gusto ka niya bakit kailangan pigilan? Magmumukha lang kayong kaawa-awa, mga pobre. Mas masakit ‘pag ganyan,” sabi ni Lola sabay taas sa akin ng kanyang tattoo na kilay.

“Lola, hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo ni Tim sa madalas niyang pagpunta dito ng wala ako, kung anong pambobola ang ginawa niya sa inyo pero ako, Lola, hindi niya na ako madadala ng mga ganoon.”

“Hindi siya nambola at hindi niya ako binola Meg. Sinabi niya lahat sa akin, tungkol sa inyo, kay Helena, kung bakit at paano siya nakipaghiwalay sayo, kung gaano siya ka-estupido’na ginawa niya iyon sayo, kung gaano ka niya gustong makita ulit,” salita ni Lola matapos ay nangalumbaba siya sa harap ko at halatang-halata na inoobserbahan ako.

“Kung ginusto niya akong makita ulit at kung totoo lahat ng iyan Lola sana pinuntahan niya ako kung nasaan ako, hindi yon liligawan niya ang Lola ko,” nakangiti kong sabi sa kanya at umaasa akong tumigil na ang pag-uusap namin tungkol kay Tim.

“Hahaha! At kung ako ay bata Meg at walang asawa, wala ng Tim na hahabol sayo ngayon, Meg. Alam mo naman na walang sinabi ang ganda mo sa angkin kong kagandahan ng kabataan ko.”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Lola.

“Lola talaga…” sabi ko ng pailing-iling.

“Alam mo kung bakit di niya ginawa na sundan ka? Kasi sinunod niya lang naman ang payo ko sa kanya. Maghintay siya. Maghintay siya sa tamang panahon. At alam kong tamang panahon na to, Meg. Hindi na masakit sa inyo ang mga nangyari at kung meron mang babalik hindi na yon sakit Meg. Hindi na ang sakit. Kung nasasaktan ka man ngayon ang dahilan doon ay ang hindi mo pag-amin sa nararamdaman mo. Mahirap itago ang totoong nararamdaman, apo. Hindi utot kasi ang kalalabasan niyan kundi sakit sa puso.” ngiting ngiting sabi ni Lola sa akin

“Sana nga po ganoon kadali.”

“Madali lang kung hindi mo na paasahin at papakawalan mo ang isang lalakeng hindi dapat para sayo at tatanggapin ang nararapat sa puso mo.”

Nararapat sa puso ko?

Hindi ko alam bakit nga nangyayari ang lahat kung tapos na dapat kami. Hindi ko rin alam bakit nga ba ginawa ni Tim lahat ng yon na lalong nagpagulo ng magulo ko ng isip. Pangalawang pagkakataon ba ulit ito? Pangalawang pagkakataon para hayaan saktan niya ulit ako. Pangalawang pagkakataon na wala ulit kasiguraduhan at para lang akong tumuntong sa isang gegewang-gewang na tulay na alam kong mahuhulog ulit ako at masasaktan? Kaya ko ba ulit isugal ang puso ko sa kanya kahit na alam ko kung gaano ka-risky?

Hindi ko rin alam, akala ko na nakaraan na si Tim, akala ko tapos na at nakamove on na ako, akala ko wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya, pero hindi, mali pala lahat ng akala ko. Mali pala.

Kung babalik ako kay Tim paano si Kurt? Si Kurt na nasa tabi ko kapag kailangan ko. He is a good person. Lahat na ata ng magagandang characteristics na hinahanap ko sa isang lalake nasa kanya na. Napakaperpekto niya nga para sa akin na minsan ay hindi ako komportable pero alam kong kaya ko rin subukan maging perfect kung hihingin niya. Akala ko magiging okay na kami ni Kurt. Akala ko siya na. Gustong gusto ko sanang siya na. Alam ko naman na kaya kong mahalin si Kurt…alam kong kaya ko…kung hindi lang sana ginulo ang utak ko.

“Meg!” napatingin na lang ako sa direksyon kung saan galing ang boses na yon.

“Nelly, hindi ako bingi huwag kang sumigaw,” sabi ko sabay irap kay Nelly.

“Eh kasi naman kanina pa kita kinakausap pero wala ka na naman sa sarili mo.  Hay, tignan mo nga naman ang epekto niya sayo.”

“Huh?” sabi ko kay Nelly at hindi ko na naman naintindihan ang sinabi niya.

“Meg?! Isa pang tulala mo iiwan na talaga kita.”

“Huwag, Nelly! Para mo ng awa huwag mo akong iwan dito.” sabi ko sabay hawak sa braso niya. Hay, bakit nga ba bumabalik balik sa isip ko ang pag-uusap namin ni Lola. At ang dalawang lalakeng nagpapagulo ng isip ko.

“Well, mas gugustuhin ko talaga na makita ang susunod na mangyayari. Napakagaling talaga ng Tita mo.” Napatingin ako sa mata ni Nelly at ayoko ng glint mula sa mga mata niya.

“Tumigil ka. Gagawin ko lang to dahil buntis si Tita at hindi niya magagawang mag-asikaso ng affairs ng kanyang society,” iritado kong sabi dahil naalala ko na naman ang gagawin ko. Kumunot naman ang noo ko sa alaalang iyon.

“Sure, wala naman akong sinabi na gusto mo to, diba?” sabi ni Nelly at ramdam ko ang sarcasm sa sinabi niya.

“No. 11,” nakita kong tumawag ang sekretarya niya. Napatingin ako sa LED board at 11 na pala ang display. Hay, di ko man lang napuna.

Pumasok kami ni Nelly sa clinic na dating pinagtatrabahuhan ko at napansin ko ang maraming nagbago. Nahati na nga ito sa dalawa sa loob. Isang kwarto para kay Kurt at isa para kay Tim. Hindi ko mapigilan malungkot ng maalala ko si Kurt at di ko mapigilan kabahan dahil alam kong nasa loob si Tim sa inner clinic.

Nakaupo ang sekretarya niya sa parte pa rin ng kinauupuan ko dati pero bago na at mas maliit ang mesa niya. Naging salamin na din ang mga cabinets na dati ay kahoy lang. Isama mo pa ang bagong Mac computer at bagong couch na inuupuan namin ni Nelly ngayon.

Tumingin sa akin ang sekretarya at napuna ko na medyo may katandaan na siya. Somewhere in late thirties to early forties. Ngumiti siya sa akin at tumango na parang naguguluhan. Siguro iniisip niya bakit hindi namin ibinigay ang mga pangalan namin. Sinabi ko kasi sa kanya na ‘kaibigan’ kami at gusto lang namin makausap siya. Pinapauna na nga niya kami kanina pero pumila pa rin kami dahil iyon ang dapat. Pero sino ba naman niloloko mo Margaret, sarili mo? Alam ko naman na gusto kong pahabain ang oras ng pag-iisip at pagkuha ng lakas ng loob na makita siya.

“Matatapos na po siya, Ma’am. Saglit lang po,” salita ng sekretarya sabay ngumiti sa amin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Ayoko ng magsalita dahil hindi ko maitago ang aking kaba.

Nagbukas ang pinto mula sa inner clinic at bumungad sa amin ang babaeng pasyente ni Tim na nakangiting lumabas. He still has this effect on women. Tingin palang niya mapapangiti ka na ng parang ewan.

‘Hindi mo ba makita kung paano ka niya tignan? Kung paano siya sumulyap sayo? Manhid ka bang bata ka? Kasi ako nararamdaman ko ang kakaibang pagtingin niya, ewan ko nalang din sayo.’

“Meg, halika na. Uy!”

Napatingin nalang ako kay Nelly na malapit na sa pinto ng inner clinic. Diyos ko! Ang nangingibabaw na boses ni Lola sa isip ko.  This is bad. Tigilan mo na ako, Lola.

Tumayo na ako at naglakad papuntang inner clinic. Nauuna sa akin si Nelly at nakatingin lang ako sa likod niya. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon.

“N-nelly! M-margaret?” narinig ko ang boses niya at lalo pa akong kinabahan. Ano nga bang problema ko at ganito ako ngayon?

“Hi, Doc Tim! Tagal na kitang di nakita ah. May sasabihin pala sayo si Meg.”

Nagulat nalang ako ng hinila ni Nelly ang kamay ko at itinulak niya akong pumunta sa harapan niya.

“Upo muna kayo,” rinig kong sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at di ko maiwasan lalong kabahan dahil sa amused smile na meroon siya ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagdami ng goosebumps sa katawan ko dahil sa ngiti niyang iyon.

Umupo kami sa harapan ng mesa niya at nararamdaman ko talaga ang malakas na pagpintig ng puso ko. Hindi ko alam bakit nag-ooverdrive ang sistema ko ngayon. Pero simula ng umamin siya sa akin at matapos niya akong halikan ulit naging ganito na ako. Isama mo pa ang panggagatong ng Lola ko.

“Anong sasabihin mo Margaret? May masakit ba sa iyo? B-buntis ka ba? I hope not.”

Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya patungkol sa akin. Bakit ba feeling teenager lang ako kung kabahan sa harapan niya ngayon? I am embarrassing myself too much, GOD!

“Hay, Doc Tim, si Meg buntis eh wala ngang—“

“Nelya!” napasigaw ako ng di oras sa sinabi ni Nelly at pinandilatan ko siya ng mata.

“S-sorry,” sabi kong mahina sabay tingin kay Tim na nakatingin sa akin at nakangiti. Gustung-gusto ko talagang pumikit para hindi ko makita ang mga ngiti niya pero magmumukha lang akong engot kung gagawin ko yon. “Na-nagpunta kami dito dahil sa sinabi ni Tita. Yon confirmation ng venue daw?” hindi ko komportableng pagsasalita habang nakatingin sa may balikat niya. Ayokong tumingin sa mukha niya.

“Oo, napareserve ko na yon matagal na panahon na. The convention hall, right?”

Tumango nalang ako. Napareserve na pala bakit ba kasi kailangan paulit-ulitin ang confirmation. Si Tita talaga.

“Tsaka eto oh. Eto yon para sa bidding,” tumingin ako sumandali sa kanya at inabot ang invitation at kung anu-anong paraphernalia na pinadala ni Tita na nakalagay sa isang black paper bag.

Sa pagtingin ko na yon nakaabang na pala sa akin ang kanyang tingin at hindi ko talaga maiwasan mamangha sa ganda ng mata niya lalo na sa epekto ng pagtitig niya.

Ang kakaibang pagtingin niya sa akin…

“Ehem!” Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya ng marinig kong umubo si Nelly at ibinaling ang aking mata sa kaibigan kong nagsasalita.,“ Kasali ka sa i-bibid Doc Tim?”

“Oo eh, hindi ko talaga mahihindi-an si Tita Agatha,” sabi niya. Sumulyap ako sandali at nakita ko ang kanyang pag-smirk. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at tumingin nalang kay Nelly.

“Ay! Hindi nga talaga mahihindian si Tita Agatha,” sabi ni Nelly na nakakaloko habang nakangiti sa akin na hanggang tenga. Mukhang nakainom si Nelly ng isang baldeng kape sa sobrang hyper ng mga pagsagot niya.

“Andoon kayo diba? Magbid naman kayo sa akin,” narinig ko ang boses niya na parang bata na nanghihingi.  Hindi ko alam pero parang gusto ko tuloy ngumiti dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko.

“Well, gustuhin ko mang magbid sayo Doc Tim pero hanggang isang libo lang ang kaya ko. Alam ko si Meg, mukhang may pera. Ang daming ipon niyan eh. Meg?”

Tumingin ako kay Nelly at inirapan ko lang siya. Minsan talaga nag-iisip ako bakit nga ba naging bestfriend ko siya.

“H-hindi ako pwede mag-bid. O-organizer ako eh,” balik ko kay Nelly na nakangising aso sa akin.

“Ay, organizer pala Doc ang bestfriend ko.”

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tim at napatingin ako sa kanya.

“Huwag kang mag-aalala, Doc Tim. Palagay ko maraming mag-bibid sayo. Maraming inimbitahan si Tita sa palagay ko,” salita ko at sa palagay ko halata niya sa boses ko na may kakaiba sa mga inimbitahan ni Tita.

Nagkatinginan kami ni Nelly at pareho kaming napatawa ng pigil.

“Ladies?”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Blocking all the hesitation and uneasiness as long as I can.

“You’ll see Doc what I am talking about. O kung gusto mo pwede kang mag-invite ng magbibid sayo din pero magbabayad sila sa ticket. Alam mo na,” sabi ko at nakatingin na ako sa mga mata niya.

“O-okay. Kinabahan naman ako sa sinabi mo ha.”

“Huwag kang kabahan Doc. Okay lang yan,” sabi ni Nelly sa kanya sabay ngiti at kindat. If I didn’t know better I will think that Nelly’s flirting with him.

“Sige, Doc. Yon lang ang sadya namin. Salamat. Mauna na kami,” sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Habang kaya ko pa pang i-supress ang nararamdaman ko.

“Ah…Wala bang magpapatingin sa inyo?”

Napatingin naman ulit ako sa kanya sa sinabi niya. At anong sa palagay niya?

“Si Meg, Doc. Papatingin niya ang puso niya,” mabilis na sabi ni Nelly at nahuli na akong takpan ang bibig niya.

“Pasesnya na, Doc. Mauna na talaga kami at mukhang dadaan kami sa psych ward dahil dito sa kaibigan ko. Salamat ulit,” ngumiti ako sa kanya at mabilis na hinatak si Nelly sa kinauupuan niya at hinila papuntang pintuan.

“Margaret.”

I mentally crossed my fingers when he called out my name. Unti-unti akong tumingin sa likod dahil sa pagtawag niya at nakita kong nakatayo na siya malapit sa akin.

“Yes?” sabi ko sabay harap sa kanya. Nag-aalinlangan. Sa pagharap ko na yon narinig ko ang pagsara ng pinto at napatingin ako kung saan ko iniwan si Nelly. Wala na siya. Yon babae na yon talaga!

“S-sana tinawagan mo nalang ako para sa dinala mo. I could have arranged a place for us to meet up. Hindi yon dito.”

“Ahh, hindi na. Sinadya talaga namin na dito ka puntahan. Atsaka hindi ko alam ang hand phone number mo, sige,” sabi ko sabay pagtalikod at mabilis na paghawak ng knob ng pintuan niya.

“Margaret.”

Para naman akong mababaliw sa kaba sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

“Yes,” sabi ko habang bahagya lang nakatingin sa kanya.

“A-ano nga bang mobile number mo? Alam mo na baka sa event hindi ako makapunta, para matawagan kita beforehand. O kung malalate ako. O kung… may emergency.”

“S-si Tita nalang tawagan mo.”

“Ahh, ayokong mastress si Tita Agatha. Alam mo na buntis.”

“Ahh…okay,” mukhang wala na akong masasabi sa mga palusot niya.

“So pwede ko bang malaman ang number mo?”

Tumingin lang ako sa kanya ng matagal habang siya ay nakangiti lang sa akin na para bang lalong pinapakita niya ang kanyang  mapupulang labi na pansinin ko raw. Hay naku, Margaret!

“Palagay ko alam mo na. Hindi ba?”

Nakita ko ang pagsmirk ng labi niya. Iyong nakakaadik na pagsmirk niya simula pa noong una ko siyang nakilala.

“Sorry… pero ngayon alam mo na na alam ko ang number mo, pwede na ba kitang i-message o tawagan. Okay lang ba iyon sayo?”

Tumango nalang ako kahit nag-aalinlangan.

“B-but…c-conversation should be limited to the event topic only. No-nothing more, nothing less,” salita kong seryoso ngunit kinakabahan sa kanya.

I heard him chuckled.

“Okay,” sabi niya.

“Sige. Marami ka pang pasyente,Doc—“

“Tim...You keep on calling me Doc. Don’t you know the hierarchy of relationships? Wala na tayo sa ganoon kababang level. You can call me Tim, Timothy, Timmy baby or baby? Hmm. Love or Hon?”

“Wa-what? Ano bang pinagsasabi mo?” sabi ko na di makapaniwala sa sinabi niya.  Anong hierarchy ang pinagsasabi niya? At baby? Hon?

“Andito na naman ba tayo, Margaret. What’s with this resistance? Is this resistance doing well for you?”

 

Napanganga nalang ko sa sinabi niya. At anong sa palagay niya? Kahit na ganito niya pinapagulo ang nararamdaman ko alam ko, I have to take a stand against him. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko kasi nagiging irrational na naman ako.

“I pretend I didn’t hear that,” hinawakan ko ng mahigpit ang knob ng pinto at pinilit tong buksan pero di ko mabuksan. Napatingin nalang ako sa baba ng pintuan at nakit kong nakaharang agad ang paa niya dito.

“A-ano to? Ta-tanggalin mo nga ang paa mo. Kailangan ko ng u-umalis,” nanginig ang boses ko ng sinabi ko iyon at mas lalong kinabahan ako sa sitwasyon ko.

“Yes and you will. Gusto ko lang pakinggan mo ulit ang sasabihin ko.”

“Ano ba kasing sasabihin mo?” hawak ko pa rin ang knob habang nakatalikod sa kanya. I wouldn’t dare face him.

“Tumingin ka muna sa akin” rinig ko ang playful na tono sa boses niya at nanlalamig na talaga ang kamay ko sa sitwasyon ko.

“A-ayoko.”

“Ayaw mo?” huling salita na narinig ko sa kanya. Hindi na niya ako pinagsalita at hinakawan niya ang magkabilang braso ko at pinilit niya akong humarap sa kanya. Wala na rin akong nagawa kundi ang lalong kabahan.

Tumingin ako deretso sa kanya, nakakunot ang noo at sinusubukan kong lagyan ng invisible barrier ang sarili ko sa kanya para hindi niya ako maapektuhan. But the invisible barrier didn’t last when he pinned me down to the door and his face was approaching me.

Napapikit nalang ako sa maari niyang gawin kasabay ng malakas at mabilis na pintig ng puso ko.

“Listen to every word I say Margaret… I am going to get you back no matter what. Be prepared,” sabi niyang pabulong sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang pagsagi ng labi niya sa tenga ko at hindi ko mapigilan mapalunok sa ginawa niya.  

Mas lalo pa akong nanghina ng maramdaman kong dumampi ang labi niya sa may leeg ko at ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Napakuyom nalang ako ng nanginginig kong palad sa ginawa niya.

“Sige na. May pasyente pa ako.”

Napadilat nalang ako at nakita ko siyang bahagyang malayo na sa akin at ngiting ngiti na kinainis ko.

“Y-you’re such an…Grr! Y-you can-not have me b-back,” alam kong kulang sa conviction ang pagkakasabi ko pero malaking pasalamat ko na nakaisip agad ako ng sasabihin sa kanya sa ganitong pagkakataon.

“Really? You know me Margaret I always get what I want,” he said that with the annoying, stupid, sexy, irresistible smirk that made the butterflies in my stomach to moved around crazily and my knees weak.

Napakagat ako ng di oras sa labi ko.

“N-not me.”mahina at halos pabulong na nanginginig kong sabi ko sabay lakad ng mabilis palabas ng clinic niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

 Maraming salamat ulit sa pagbasa nito! :))

Isabelle

Continue Reading

You'll Also Like

444K 9.7K 42
Nang magising si Lila, pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit. Nang subukang tumayo, saka lang niya naramdaman na hindi...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
905K 20.6K 30
I'm beautiful,sexy and one of the most influential famous actress, hanggang sa makilala ko ang pinaka antipatikong lalaki sa buhay ko,wala itong gina...