━━━━ 𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐀...

By HandTheirEnd

1.5K 208 50

isang libong araw -- ito ang mga araw na aking tinahak p a l a y o sa kasalukuyan... More

𝐏𝐀𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒
prologo, pagtatalaga para sa likha
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢𝘱𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢-𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯
𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢-𝘢𝘯𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯

isang yugto, isang titulo

152 25 7
By HandTheirEnd

__________________________________________________

UNANG YUGTO:
KINALIMUTANG TALA
ᜃᜒᜁᜈᜎᜒᜋᜓᜆᜅ᜔    ᜆᜎ
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊.    ҉  °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥  ☽  ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊








            MINSAN SA ISANG SANDALI, aking pinagninilay-nilayan kung magiging ano ako kung sakaling hindi ko pinulot ang pinsel ng sining?

Ngunit kahit anong isip ko, hindi ko matunton ang mga sagot.

Dahil kung wala ang sining sa dugo ng bawat sangay ng mga ugat ko, walang magiging kabuluhan ang aking buhay.

Marami akong gustong ihayag, subalit simula pa man, hindi ako naging matatas sa pananalita upang ipahiwatig ang mga tamang salita na kailangan kong ibigakas, kaya idinadaan ko na lamang ito sa pagguhit. Kaya nitong iparating mga bagay na hindi kayang ihayag gamit ng salita, mapabatid na maraming interesanteng bagay sa mundo, at ituro na marami pang bagay na higit pa sa pisikal na mata.

At sa pagpapatuloy ko sa paglikha . . . Higit-higit pa ang mga napapansin ko hindi pangkaraniwan sa isang normal na tao. Wala naman akong sapat na talento, pero nais kong italaga ang bawat momento ng aking buhay ko sa sining.

Batid ng pamilya ko ang hilig ko sa sining, ngunit gaya ng karamihan, iisa lang ang kanilang sinasabi: wala akong magiging hinaharap sa paglikha kung pulos guhit lamang.

Kaya pinakilala nila sa akin ang arkitektura.



Arki(torture)



Iyan man ang bansag nila, pilit kong iginugol ang limang taon ng buhay ko sa kursong hindi ko man pinili.

Kung sa depenisyon, oo, ang arkitektura ay ang pinagsama ng agham at sining, at ang mga gusali ay ang iyong kanyamaso . . . At oo, wala akong magiging kawalan.

Ganoon talaga siguro . . . Inaasahan lahat nila na susunod ako sa yapak ng mga magulang ko, pati ng aking mga kapatid; lahat sila ay lisensyadong arkitekto.




AYALA CONSTRUCTION SERVICES
Architects - Engineers - Builders




— ang kumpanyang pinamumunuan nila. Isa ito sa mga matatag na firm, at ang Triple A Award nito ang kanyang sagisag. At sa kasamaang palad, nasa ilalim ako ng mga anino nila.

Mahigit dalawang taon na akong nakatapos sa pag-aaral, at sa loob ng mga araw na iyon, nagtrabaho ako bilang isang junior architect. Hindi mapagkakaila na maraming matututunan dito, at ganoon din ang pagyabong ng ekspektasyon nila sa akin.

Ni walang katiting akong nararamdaman na ligaya sa trabaho ko, ang ramdam ko lamang ay para akong nakakulong. Tunay ngang mas maraming magagaling at talentadong tao kaysa sa akin, na naging isa sa mga rason kung bakit nawalan ako ng pagtitiwala sa aking kakayahan. Nang dahil din siguro doon, hindi ko nakayanang makipagsabayan sa karera ng mundo.

Tulad ko na walang silbi ay nabuhay para tuldikan kung gaano kapalad ang mga taong mahuhusay at matatalino.

Ang nais ko lamang ay ang manirahan sa payak na kanayunan . . . O kaya'y kung saan ramdam ko na para akong nasa isang marahan na hele ng dagat, kung saan nakahimlay ang mga talulot ng mga bulaklak, kung saan ang gabi ay tahimik at ang hangin ay malamig. Hangad ko lamang ay ang magising sa init ng isang parang at masdan ang mga paru-paro.

. . . Ngunit, iyon ang mga bagay—kahit kailanman—hindi ko makakamit.

Sa bawat paglipas ng araw, hindi ko namalayan na nawawalan na ako ng gana sa lahat. Ni paghulma ng obheto sa aking imahinasyon ay wala nang pumapalagi.

Namalayan ko na lamang na kung gaano kawalang laman ang aking buhay. Araw-araw na lamang, gumigising ako sa parehas na rutina . . . Ulit-ulit, ulit-ulit . . . Tinitignan ko ang aking sa sarili sa salamin saka ko sinasabi na ngayon ay magkaiba kahapon, pero hindi pa rin. Bawat araw, nakikita ko ang sarili kong hirap makipagkomyunikasyon, o gawin mga bagay na dati kong ginagawa. Hindi ko na rin gustong makipagsalamuha, na lalo't nagbigay diin kung gaano ako nag-iisa.

Babangon ngayon, higit na mas mahina kaysa kahapon.

Ilang beses na ring bumulusok pababa ang aking ligalig at hindi ko mabata ang tindi ng sakit sa aking emosyon. Ang tipo na naging bato na ang aking emosyon, napakabigat pa rin.

Inihiwalay ko ang aking sarili sa iba, iniwan ko ang trabaho ko, malala ang panlulumo ko, hindi na maalab ang relasyon ko sa aking pamilya, at lahat ng mga pinaghirapan kong buuin mula sa aking pagkabata ay patunay na walang kahulugan. Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. Hindi ko makita ang aking hinaharap, kaya naglaho na rin ang rason para kumilos paabante.

Kaya noong isang araw, nakita ko na lamang ang sarili ko na sinusunog mga likhang sining ko: mga plates, sketchbook, pangkulay, lahat ng mga kasangkapang pang-sining ko.

Walang rason kung bakit. Gusto ko lang silang sunugin.

At habang pinagmamasdan ko kung gaano kaliwanag ang apoy, ang ningas nito ay binigyang panibagong anyo ang mga materyales. At ako ay sumangguni sa aking puso . . . Ako na gawa sa lupa at hininga—nagkaroon ng sarili agam-agam at sariling bakas-daliri—tunay na lahat ay dakila, at ganoon din, lahat ay pansamantala.

Wala na akong nosyon para roon; lahat ng bagay ay puspos ng pagaalapaap, nauuwi sa wala.

Pagkatapos maupos sa abo ang aking mga gamit, napagdesisyon ko nang bumalik sa loob ng bahay namin.

Mga paa ko ay marahang tumatapak sa sahig saka nang pagpasok ko sa pintuan. Kadiliman at katahimikan ang sumalubong sa akin. Halos lukuban na ng karimlan ang kalangitan at nakapupot pa rin ang mga anino. Inaasahan ko na iyon, lahat ng nakatira rito ay abala sa trabaho nila sa firm.

Ilang hakbang pa noong napansin ko na may aninong gumalaw sa kinahaharapan ko. Napitigil ako sa aking paglalakad at saka nadinig ang pag-apak ng mga estakatong takong sa balsoda.

"Likha."

Isang malamig ba tinig ang tumawag sa akin. Halos maputol ang aking mga hininga nang magtama ang paningin namin . . .

Kambyo ng katahimikan.

Yumuko na lang ako.

Ang kuya ko lang naman. Matagal-tagal na rin noong huli ko siyang maka-usap.

Noong napansing niyang wala akong balak na sumagot o tugunin siya, siya na mismo ang lumapit sa akin.

Sa gilid ng mga mata ko, nakalahad ang kamay niya at may iniaabot sa akin.

"Tinignan ko ang mga ipinadalang sulat, ang isa ay para sa 'yo," wika niya, kahit papaano, mababakas pa rin ang pagiging pamilyar niya sa akin.

Tumango ako at kinuha ang liham sa kamay niya.

At wala nang sabi-sabi, iniwan na niya ako.

Bumalik na rin ako sa aking silid at nahiga sa kama. Pinindot ko ang switch ng pantalya; ayaw na ayaw ko ring sinisindi ang pangunang ilaw.

Minamasdan-masdan ko ang sobre ng liham. Para ito pinaglumaan ng panahon; makaluma itong tignan na tila nagmula noong huling siglo, saka ito luminang ng orong kulay katulad ng paglubog ng araw.



Likha Ayala



Halatang isang pluma ang gamit sa pag-inskripsyo ng aking pangalan sa sobre. Tila masyadong espesyal ang liham na ito para sa akin.

At kahit ilang pilit kong isipin, hindi mawari kung sino ang magpapadala ng liham sa akin? Kung may naging kaibigan man ako, isa na lamang silang mga alaala. Mas lalong wala akong karelasyon . . . May laptop at cellphone ako, pero wala akong mga platapormang pang-sosyal.

Dala ng aking kuryosidad, dahang-dahan kong binuksan ang selyadong saya ng sobre. Kinuha ko ang nakatuping laman nito at niladlad.








╔═══. ■ .═══════════════════════╗

Minamahal kong Likha,

          Hindi  man lubusang maunawaan, ngunit isang taon na ang nakalilipas noong ika'y pumanaw . . .

╚═══════════════════════. ■ .═══╝






Napatawa na kaagad ako pagbasa pa lamang ng unang pangungusap.

Ako? Pumanaw?

Ah, labis na galak ang naisalin sa akin.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

At nang matapos ko, may mga salitang tumatak sa aking huwisyo:

mataimtim na burol
huwarang mandirigma
humuhupa ang digmaan
Hiraya




Hiraya . . . Hiraya.



Ang ganda naman ng pangalan.

At saka na ako napaisip. Para ngang galing ang liham na ito sa kinalumaan ng panahon. At sa panahon ng digmaan . . ? Kung gayon nga, dapat nasinop ito sa isang museo, dahil isa itong importanteng parte ng kasaysayan.

Pero bakit sa akin mismo ipinadala?

Panaon lamang ba?

Baka nga.

O baka may kapangalan ako at nagkamali lang sila.

At kung nagkaroon man akong lakas ng loob bukas para gumayak at lumabas, isasauli ko ito sa tanggapan ng mga koreo.

Sa tingin ko wala.




Dahil kailangan ko ng rason.



Itinago ko na lamang ang liham at inilagay sa ilalim ng unan ko.

Humiga, tumitig sa kisame.

Katahimikan . . .

Bakanteng isipan . . .

Pagkabagot . . .

Oras na sadyang sinasayang.

Bumuntong-hininga ako saka dinampot ang aking phone.

Wala namang gaanong interesanteng laman ang phone ko, ang gawain ko lang halos ay ang magbasa, na kahit papaano, may katinuan.

Napansin ko ang isang artikulo sa notipikasiyon ko, ang sabi:



Rare 'Super Blue Blood Moon' Coming — First in 120 Years — Can Be Seen in the Philippines



Napaisip ako, nakaikling ang ulo ko sa isang anggulo, 'di mapakaling pinaglalaruan mga daliri ko.

May biglaang kasiyahan ang umusbong sa dibdib ko.

Gusto kong makita.

Napagtanto ko na rin.





May rason nga.








▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

this is so lame af !!
just read between the lines, peeps. there are stuff that ik i didn't deliver well... bc that's the point lmao
kidding aside, i deliberately left it that way. i kinda don't want to spoonfeed y'all, cuz the first half was redundant already HAHHAHA

mga terminolohiya:

· pinsel - paintbrush
· kanyamaso - canvas
· balsoda - tile
· pantalya - lampshade
· oro - gold

see?? lmaooo i can all of those tagalog art/architectural terms i learned in uni XDD but i still need to recap them more hahaha there were lots of them

don't be fooled ahsbsknxkd there are no words i didn't look in a fil-eng dictionary and ngl i struggle with the grammar and the usage of hypens HAHAHA ykno yung relasyon ng mga panlapi+pandiwa at gitling 🙃💀 im such an embarrassment, im so sorry.

pampalubag-loob, it's not bad for a first (kinda????) try hahaha


mga paang nota :
(HAHAHA wtf)

· y'all should listen to the OSTs im providing, bc you're all missing a fraction of your life. and truth be told, you all don't know much these pieces save my life.

· the article for the super blue blood moon. link in the inline comment (tho it can't be directed via phone, in the browser, yes). and disclaimer, the 120 years ago and january 30 are not based on facts, i just made it up for the narrative purposes of the story. thank u.

and yoooow pls drop ur thoughts to this chapter. and yes, im on my knees, begging



HANDTHE;REND

__________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

673K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
71K 6.3K 32
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...