Crisha's PoV
Napasimangot ako ng wala sa oras nang umupo sa harap namin ang Black D. kasama ang Queens. At ang dalawang 'to na akala mo ay sila lang dalawa lang ang nage-exist ay naglalandian sa harap ko. Hindi na nahiya at dito pa talaga naglalandian, mga PDA! Kung wala lang akong katabi nabato ko na ang mga 'to ng sapatos ko. Kaso wag na, aasarin lang ako ng katabi ko. Abnormal pa din naman itong si Eron, magkapatid nga sila ni Eren.
"Hindi na ata babalik si Ate Lex, kuya Eron." Napataas ang kilay ko. Wow ha? Ang bilis naman nilang maging close?! Tsaka lang kami naging close ni Seath nung nagkaroon ng horror booth samin. Kasama kasi si Seath at medyo close na rin sya sa mga kaklase namin dahil lagi syang nasa classroom kapag wala silang klase. At talagang kapag nasa classroom ang batang yan ay lalong naging bata bataan ang mga kaklase namin. Sabi nga ni President, nawili daw yung bata samin. Pero okay lang naman daw sa kanya yun basta wala syang dalang gulo.
"Hindi na yun babalik. They must be plotting some kind of a game play. Alam nyo naman ang story ng basketball girls. They always lose." Tumango naman sila sa sinabi ko. I really feel pity for them. Pero alam kong kakayanin nila ngayong taon. Kung nandito ngayon si Lex at nanunuod sa tabi namin masasabi kong wala syang pakielam sa kanyang team. Pero mas pinili nyang bumalik sa kanila at mag stay. And that's one of her personality that I like about her. Hindi sya yung tipo ng tao na mang iiwan sa ere at pababayaan ka na lang. Mukha lang syang walang paki sa mundo pero kapag nakilala mo sya at naging close ay mas daig nya pa ang pagiging ama ng tatay mo.
"Kailan nga pala ang laro mo Crisha?" Tanong sakin ni Eron. Pinilit kong ibaling sa kanya ang tingin ko dahil hindi ko gusto ang tanawin sa unahan. "Pagkatapos ng laban na yan. Tanghali hanggang hapon ang laro ng mga babae. Bakit?"
"Adik ka? Syempre panunuorin ka namin. Abnormal ka rin eh." Sinimangutan ko sya dahil tinawanan rin ako ni Seath.
"Sweetheart? Gusto mo bang mag date mamaya pagkatapos ng laro?"
"What? Nakapag date na tayo kahapon. Aalis kami mamaya, pinapatawag kami nina dad. Tsaka na lang babe." Napairap ako ng wala sa oras ng halikan nya ang girlfriend nyang walang ganda sa labi. Wag kayo sa harap ko! Ipapatapon ko kayo sa bangin! On second thought, wala palang bangin dito. Sayang.
"Pfft... Wag mo kasing tignan, kaya ka nasasaktan eh." Napanguso ako at hinampas sa braso si Eron. Lumipat sa kanan ko si Seath kaya napanggigitnaan nila ako.
"If its too painful to look at, averted your gaze and put your attention to someone else."
"If you can't take it anymore, inject a few anesthesia directly in your heart and it will go numb." Sa inis ay kinurot ko sa tagiliran si Eron. Ayaw tumahimik na lang eh.
"Aw!! That huts!"
"Ikaw kaya turukan ko dyan ng sampung beses?!"
"Pffft... easy. I was just kidding."
"Kahit gaano kagwapo ang isang yan, hindi ko yan magugustohan."
"Ate Crish, wala naman kaming sinasabi na gusto mo sya."
"Defensive masyado, diba Seath?" Tumango si Seath sa sinabi ni Eron. Ako defensive? Nagsasabi lang kaya ako ng totoo. Hindi ko nga alam kung bakit may nagkakagusto dyan, gwapo nga masama naman ang ugali.
"Hindi ako defensive. Tsaka ang ayaw ko sa lahat ay playboy. Maraming naging babae. Ang gusto ko kasi, yung ako lang. Ako ang kanyang una at huli. Parang si Daddy lang, gusto ko yung katulad nya. Stick to one."
"Wala nang katulad si Tito Peter. Pero pwede ako, kaso hindi ako pumapatol sa puerile." Kinurot ko sya sa tagiliran. Kakainis na eh, kanina pa nang aasar.
"Aray! Nakakailan ka na!"
"Puerile ka dyan!"
"Joke lang yun ano ka ba? Tsaka hindi ako pumapatol sa..."
"Sa ano?"
"Wala. Punta ka na nga dun! Maglalaro na kayo!"
"At talagang pinapalayas mo na ako?! Wala pa oh!" Sabi ko sabay turo sa baba kung saan naglalaro ang sepak takraw at table tennis ang mga lalaki.
"Seath!!!"
Napalingon kaming tatlo sa baba kung nasaan ang Black D. at Queens. Nakalingon sila samin, tumaas pa ang kilay ng mga Queens sakin habang ang lima naman ay nakatitig samin. Napansin kong nakakunot ang noo ni Rav. Nang mapansin ito ni Eron ay kinuha nito ang aking kaliwang kamay at pinagsaklop, lalong nangunot ang noo nya. Tumingin ako kay Eron na may pagtataka.
"Just play along. I want to see how he reacts." I mentally rolled my eyes on him. Tumayo si Seath at lumingon samin. "Babalik ako, tawag lang ako ni kuya Clyde."
"Go ahead. We'll wait you here." Tinanguan ko sya at tuluyan na syang bumaba para makapunta sa Black D.
"Parang hindi ka ata nagtaka na kapatid ni Clyde si Seath."
"Bakit naman ako magtataka alam ko naman."
"How come? Alam din ba ni Lex?" Nahagip ng tingin ko si Rav na nakakunot ang noo habang nakatingin pa rin sa amin hanggang ngayon, kaya itong si Eron ay hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak nya ng kamay sakin. Hayst! Huwag ka na kasing tumingin!
"Actually, Lex is the one who told me about Seath. Noong una, nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahang magkapatid pala si Seath at Clyde..." Nakatingin ako kay Seath habang kausap si Clyde. "Tinanong ko nga si Lex kung bakit sila naging mag kapatid. Alam mo na, magkaiba sila ng ginagamit na last name."
"I'm also confused, kahit na magka barkada kami ni Cledge ay hindi ko akalain na iba pala ang epelyidong gamit ni Seath."
"Sabi kasi ni Lex. Anak daw sa ibang babae si Seath kaya iba ang gamit na epelyido. Ang gamit daw kasing epelyido ni Seath ay sa kanyang tunay na Ina."
"Ayaw ba ni tita Claudine sa kanya?" Tinaasan ko sya ng kilay. Sino naman yun? Kumunot ang noo nya. "Ina nina Clyde. Ano ka ba?"
"Sorry ah, hindi ko kasi sila kilala." Inarap ko si Rav bang makitang nakatingin ito sakin.
"Gusto sya nung nanay nina Clyde. Tinuring nya na nga itong tunay na anak na akala mo ay sa kanya lumabas. She wants Seath to use their surname, but Seath wants to use his mother's to keep her memories. Why? Because Seath's true mother died when she deliver Seath. Yung nanay ni Clyde, syempre nasaktan dahil nagkaroon ng anak sa ibang babae ang asawa nya. Pero dahil sa mahal nya ang asawa nya, she accepted it."
"Okay, that's too much information."
"Nagtanong ka eh."
"Sorry if I took to long." Bumalik si Seath. Inayos nya ang kanyang salamin sa mata na halos malaglag na dahil may nakadanggil nito kanina, umupo sya sa tabi ko.
"Ate Crish, nakita ko yung volleyball girls. Nag aayos na sila, hindi ka pa ba mag aayos?" Hinampas ko sya sa braso. "Pinapalayas mo na ako ah." He snickered. "Aalis na nga ako." Tumayo na ako. Pero dahil sa hawak hawak pa din si Eron ang kamay ko ay hinila nya ako papalapit sa kanya. I felt his breath on my earlobe. "Pfft... Good luck." Tumayo ako ng ayos at umubo ng peke. Tsk! Bad trip 'to ayaw mag sasabi. "We'll watch here ate Crish." I tousle Seath's hair and went down. Dumaan ako sa harap ng Black D. at Queens dahil nandun ang daanan at Hindi nakaligtas sakin amg matagalim na tingin ni Rav.
Wag syang titingin ng ganyan sakin dahil naiisip ko na nagseselos sya. At kapag naiisip kong nagseselos sya ay maga-assume na naman ako, at anong mangyayari? Masasaktan na naman ako.