Clyde's PoV
Pumito na ang referee para magsimula ang game. Nakita kong umupo si Lex sa bench. Nakalagay ang dalawamg kamay sa bulsa ng kanyang jacket at naka-indian sit sa bench. Yan ba ang gawain ng babae? Teka lang, hindi naman yan babae eh. Mukha lang syang babae pero hindi talaga sya babae.
Umalis na ang Queens dahil naba-bad trip daw sila kapag nakikita nila si Lex. Parang ako lang, naiinis sa Queens kapag dikit ng dikit samin. Hindi dahil sa lagi na namin silang kasama ay gusto na namin sila. Kaya lang naman namin sila nakakasama dahil ni Wendy. Ito kasing Rav, magsyo-syota na nga lang sa Queens pa. Yan tuloy pati kami dinidikitan.
"Dude, hayun na ang Lex My loves mo." Asar sakin ni Kioji sabay siko sa tagiliran ko, pataas baba pa ang kilay nya na parang baliw. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatawa naman ng tatlo. "Mukha kayong tanga. Paano ako magkakagusto dyan? Hindi kami talo."
"May Ghad!!! Bakla ka Clyde?! Kadiri!!" Itinulak ko si Rav dahil sa sinabi nya. Nagtaob sya sa kanyang kinauupuan pero tinilungan din naman sya ng nakakita sa kanya, or should I say , mga fans nya. "Anong bakla ka jan?! Hindi ako bakla! Sinabi ko lang na hindi kami talo dahil hindi naman sya babae! Mag isip ka nga!" Napapakamot naman ng batok si Rav at tsaka sya umupo sa tabi ko. "Biro lang bro, masyado mong sineseryoso, kaya ka napaghahalataan eh." Sabi nito sakin. Itinuon ko na lang ang tingin kong muli sa court. Last chance na ng basketball girls. Kapag natalo pa sila ngayong taon, dapat lang na magpaalam na sila sa buong team.
Pumito ang referee at inihagis ang bola sa ere. Naglaban sa ere ang dalawang captain. Unfortunately, the enemy tap the ball and it went to their other player. Hinabol naman nila ito at sinubukang pigilan pero kulang sila ng ilang segundo kaya pumasok ang bola sa ring. The Cross Academy cheered upon scoring.
"Sana naman hindi tayo matalo ngayon."
"Wag ka nang mag assume na mananalo tayo. Lagi naman tayong talo sa basketball girls eh."
"Kaya yan. Lalo na at nanjan na si Shinma."
"Tama!! Mananalo tayo!!"
"Faith lang!!"
Karamihan ay yan ang maririnig sa ilang estudyante. Nadako ang tingin ko kay Lex. Kalma lang ang ekspresyon nya habang nanunuod ng laban, walang kahit anong kaba ang makikita sa mukha nya. Mukha na naman syang bored dahil sa ekspresyon nya. But I've know that woman. Hindi dahil sa kilalang kilala ko sya, dahil hindi ko naman talaga sya kilala. Its just, base on my observation. Kahit ganyan ang ekspresyon ang naglalaro sa mukha nya meron yang tinatagong kulo sa loob. A dangerous scent that was covered by an innocent smell. Tiningnan ko ang score, and shit! What the? Seryoso? Ang bilis naman?
Decas- 5
Cross- 15
Tambak agad ng sampu! Hayst! Tumingin uli ako kay Lex. Kung magaling talaga sya base sa mga naririnig ko, dapat nandun sya at dapat sya ang lumalaban. Wala ba syang paki sa mga ka-teammate nya?
Nang magkaroon ng timeout ay hingal na hingal ang miyembro ng Decas. Kasalukuyan syang nakatayo at nakahalikipkip ang kamay sa dibdib. And I admit that she looks cool-
What the?! Clyde seriously?! Cool?! Hayst... Stop thinking nonsense Clyde. Napo-pollute ang utak mo, masama yan sa kalusugan. -_-
Muling nagsimula ang game. Second quarter at hanggang apat ang quarter lang. Tsaka lang kasi mag pi-fifth quarter kapag overtime at tabla ang score. Muling umupo sa bench si Lex at pinanuod ang laban.
Napunta sa Decas ang bola at ipinasa ito sa captain ng team. Hindi ito nagsayang ng oras at inihulog ang bola sa ring. Naghiyawan ang buong gym. Sana naman ay manalo sila ngayong taon. Ako ang naaawa kay Couch Ellize eh. Naging couch din namin sya ng minsang wala ang aming couch.
Ngayong nasa kabilang team ang bola ay hinabol ng team ang bola sa kalaban. Na steal ito ng maliit ng miyembro ng Decas. Nag dribble sya papunta sa kabilang side ng court. Dahil sa maliit sya at mabilis ay hindi sya magawang abutan ng kalaban. Nag lay up sya at nahulog muli sa ring ang bola.
Kung ipinapapatuloy nila yan may tsansa pa silang manalo. "Dude, kung magaling talagang player si Lex, bakit hindi sya naglalaro?" Nakapatong ang dalawang braso ni Kioji sa railing habang nakapatong doon ang kanyang baba. "Abnormal ka ba Kioji? Tingnan mo nga ang ekspresyon nyan! Hindi talaga yan maglalaro!" Sabay turo ko kay Lex, sumandal ako sa aking inuupuan at naghahalukipkip. Tinawanan ako ng apat na kinainit ng dugo ko. "Easy ka lang Clyde. Pfft... Masyadong mainit ang ulo mo." Tiningnan ko ng masama si Jaeidy.
"This is stupid. Let's go home." Yaya ko sa kanila. Matapos kong sabihin yun ay tumawa ng malakas si Rav na naging dahilan ng pag lingon sa amin ng ibang estudyante. Samantalang yung tatlo naman ay nagpipigil ng tawa. Kumunot ang noo ko sa kanila. Ano bang problema nang mga 'to?
"Pfft... Sorry ha Dude. Pffft... Hahahahahahahaha. Nakakatawa ka talaga." Hindi natapos tapos ang paghalakhak ni Rav kaya binatukan ko ito na naging dahilan nang pagkabulunan niya.
Buti nga sayo! Gago!
"Porket ni-ditch ni Lex ang laro mo idi-ditch mo na rin yung sa kanya. Hahahaha... Takte, tampo epek ang loko." Nagtawanan yung apat. Isa pang pang aasar nang dalawang ito makakatikim na sila sakin. "Ano naman ngayon kung hindi nya ako pinanuod? Ano naman ngayon kung hindi ko sya panuodin? Dudes! Open your eyes! Its impossible that I will fall to that tomboy." Sabi ko with matching turo pa kay Lex. "Alam mo Dude, pwede ka namang umuna na samin. Dito muna kami at manunuod. Sa bagay, ayaw mo namang makita si Lex kaya sige na, shoo!" Sabi ni Kioji sabay gesture na pwede na akong umalis.
Aba't!! Gago to ah. Lalapit na sana ako para batukan sya ng pumito ang referee.
PRRRT!!!!!
"No!!!"
"Of my gosh!!! Is she alright?!"
"Man, Ang sakit nun."
"Oo nga pre."
"Shocks! That sure hurts a lot."
Napatingin kaming lima sa loob ng court.
O_o
Yung isang player ng Decas ay nakasalampak sa sahig at hawak ang kanang balikat. What happened? Nakita kong tumayo sa kinauupuan nya si Lex at sumunod naman sa kanya ang ibang player. Halata sa player na namimilipit ito sa sakit. Lumuhod sa harapan nya si Lex at dahan dahan itong inuupo. Dumating naman ang medical team na may dala dalang stretcher. Inihiga nila ito sa stretcher at inilabas ng court. Nang mailabas ito ay nakita kong kinakausap ng captain si Lex. May lumapit sa kanilang referee at nag usap silang tatlo. Mula sa pwesto ko ay nakita ko pang tumango ang referee at pumito.
Substitute.
Bumalik si Lex sa bench para tanggalin ang suot nyang jacket. Inayos nya ang pagkakatali ng kanyang buhok pati na rin ang kanyang medyas. She put her wristband before going inside the court. Umupo ako ng ayos sa aking kinauupuan at tiningnang mabuti si Lex.
Now, show how good you are in basketball, Shinma.