Ang Pilyo Kong Gitarista (Pub...

By LianZobel

46.5K 890 65

"Naniniwala na nga ako na gusto mo na ako. Nagseselos ka, eh!" Clarie promised herself and her family na magi... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Book Trailer ✌

Chapter 13

1.5K 30 5
By LianZobel

Tama si Jayden, matigas nga ang ulo ni Clarie. Nandito na naman siya namamasyal kasama si Raymond. Wala siyang ibang nararamdaman kundi guilt.

“Clarie?” pagtatanong ni Raymond na titig na titig sa kanya.

“Bakit?” balik pagtatanong naman niya.

“Masama bang pakiramdam mo?”

“Ah, Raymond hindi, ayos lang ako. Halika doon tayo may mga tumutugtog yata doon,” pagtuturo niya sa entertainment stage ng mall na pinapasyalan nila.

Nagkukumpulan din kasi ang mga tao sa gawi roon.
Rock band ang tumutugtog sa stage. May nagaganap na battle of the bands. Nanood muna sila sandali.

Habang pinakikinggan ang grupong nasa stage, bigla naman niyang naisip si Jayden. Parang nag-flash back sa memory niya ang pagkanta nito sa plaza at doon sa Colser. Hanggang sa hinalungkat na ng kanyang alaala ang una nilang pagkikita, ang araw na pasimple siya nitong binosohan. Naalala niya rin ang nagawa nitong kapilyuhan sa kanya nang nakawan siya nito ng halik. Kapag nga naman umiral ang pagkakataon, rock version ng Thinking of You ni Katy Perry ang tinutugtog ng contestants na nakasalang. Si Raymond nga ang kasama niya, pero si Jayden naman ang laman ng isipan niya ngayon.

Hinatid siya ni Raymond pauwi dala ang kotse nito na lagi naman nitong gamit kapag umaalis sila. Bababa na sana siya nang pigilan siya ni Raymond.

“Clarie,” malumanay ang pagbigkas nito sa pangalan niya. “There’s something I really want to confess with you.”

“Confess? Anong ico-confess mo?”

“Clarie, I like you. I really like you.”

Kumabog talaga ng husto ang dibdib niya sa sinabi nito.

Nag-uumapaw siya sa tuwa sa inamin ni Raymond.

“I.. I li.. I like you, too,” utal niya pang nasabi. Parehas lang ng ekspresyon ang mga mukha nila. They feel the same likeness on each other. “Mabait ka, gentleman, galante, lahat na yata na sa’yo.”

“Thanks. You’re pretty and simple, that is why I really like you. So, does it mean your allowing me to court you?”

“Raymond, hindi kasi ako nagpapaligaw pa. Priority ko kasi na maka-graduate muna ako bago makipagrelasyon.”

“Then I’ll try to wait.”

“Gagawin mo iyon? Maghihintay ka ng isang taon?”

“Medyo matagal ‘yun ah. But I’ll try my charming best para ma-lessen ‘yung months.”

“Sige, ikaw ang bahala. I wish you good luck!”

Pagka-uwi ng bahay, agad-agad niyang kinuwento lahat kay Clover ang mga sinabi ni Raymond. Hindi rin makapaniwala si Clover kagaya niya na gusto pala siya ni Raymond. At ang labis na ikinatutuwa niya ay iginalang nito ang desisyon niya para mapanindigan ang kanyang ipinangako sa sarili at sa pamilya. Lalong hindi siya makapaniwala na maghihintay ito sa kanya, maghihintay si Raymond hanggang makatapos siya ng college.

Hindi nga nagpapadala si Raymond ng flowers and chocolates pero lagi naman nitong inaayang lumabas si Clarie. Kaya minsan nahihiya na rin si Clarie kay Tita Melly dahil alam niyang nakakahalata na ito sa ginagawa ni Raymond.

“Clareng, alam ba ng kuya mo ‘to? Itong pagsama-sama mo sa lalaki?” kompronta ng kanyang tiyahin nang minsan siyang natiyempuhan nito isang umaga.

“Tita Melly, hindi ko pa po sinasabi sa kanya. Tsaka sinabi ko naman po kay Raymond na hindi pa talaga pwede pero siya naman ‘tong laging nang-aaya. Nahihiya naman akong tanggihan.”

“Ang sabihin mo, gusto mo lang ‘yung tao kaya hindi ka maka-hindi sa kanya. Eh, yung iba mo ngang kaklase saglit mo lang bastedin.”

Tama naman si Tita Melly. Lahat ng mga sinabi nito talagang tumpak. Kapag nasa labas sila ni Raymond, lagi niyang naiisip ang kanyang kuya. Guilty siya lagi sa tuwing pumapayag sa mga pag-aaya nito. At si Jayden, pakiramdam niya na-mimiss niya ito. Hindi na kasi sila nakakapag-usap. Kapag nagpadala naman siya ng text message dito, wala namang reply. Minsan naiisip niya na lang baka nagseselos na si Jayden kay Raymond.

“Basta Clareng, iniwan ka ni kuya Mateo mo sa akin. Ang bilin niya huwag kang kunsitihin sa mga bagay na hindi naman makakatulong sa’yo. Pagbibigyan kita sa ginagawa niyo ni Raymond, ayokong maisip mong napakahigpit ko sayo. Pero isa lang ang pakiusap ko Clareng, buksan mo palagi ang isipan mo sa lahat ng oras. At pag-isipan mo ng mabuti ang bawat desisyong gagawin mo.”

“Opo, Tita Melly. Tita, pwede mo ba akong itago muna kay Raymond?”

“Bakit naman?”

“Ayoko po munang sumama sa kanya. Gusto ko po munang makapag-isip. Kayo na pong bahala sa alibi.”

“O-Oo sige, ako na ang bahala.”

Hindi nga siya nagkamali, ilang oras lang matapos nilang mag-usap ni Tita Melly dumating naman si Raymond. As usual si Clarie ang hinahanap. Nasa itaas lang naman si Clarie at sumisilip sa pintuan ng kuwarto. May dalang kahon si Raymond na mukhang kakanin ang laman.

“Naku Raymond, masama ang pakiramdam ni Clareng ngayon. Pinapasabi niyang hindi siya makakasama sa’yo.”

Hindi na masama ang alibi na iyon ni Tita Melly. Mabuti na lang at malakas ang naging pag-uusap nila kaya naririnig niya iyon.

“Ganoon po ba? Pwede ko po ba siyang makita?”

“Ayaw niyang magpa-istorbo eh, kahit nga ako ayaw niyang abalahin ko siya sa pagpapahinga niya. Intindihin na lang muna natin siya, iho.”

“Sige po. Pakisabi na lang po na magpagaling agad siya. At sa oras na magaling na siya, pakisabi pong may surpresa ako para sa kanya.”

“Makakarating, iho.”

“Salamat po.”

At nang nakaalis na si Raymond binuksan na niya ng tuluyan ang pinto ng kuwarto. Nakita kaagad siya ni Tita Melly kaya nagpasalamat siya sa ginawa nito para sa kanya. Ano naman kayang surpresa ang sinasabi ni Raymond?




Hindi naman nakakalimot si Raymond na magsend ng message kay Clarie pero mas pinili ni Clarie na huwag na lang mag-reply pa. Isang araw, naghatid si Clarie ng ulam kanila Ate Ester. Siya na ang nagpresinta kay Tita Melly na maghatid noon dahil sa gusto niya ring kamustahin si Jayden. Hindi na kasi ito nagpaparamdam sa kanya. Lagi rin na sarado ang bintana ng kuwarto nito. Minsan lang din kasi siya napipirmi ng matagal sa bahay dahil sa umaalis nga sila ni Raymond. Kapag nasa bahay naman siya, paglilinis at pagtulong kay Tita Melly ang inaatupag niya kaya wala na rin siyang oras na tumambay pa sa labas.

Nag-rereview din siya ng mga notes niya kapag bakante siya sa kuwarto. Dalawang linggo na lang kasi at simula na naman ng klase. At kailangang dito lang talaga ang focus ng buong katauhan at atensyon niya.

“Salamat sa ulam, Clareng,” masayang pasasalamat ni Ate Ester na noo’y nagluluto pa lang ng tanghalian nila.

“Nandiyan pa po ba si Jayden?” diretsahan niyang tanong dahil ito naman talaga ang pakay niya.

“Oo. Nandito pa rin siya. Hindi na ba kayo nagkikita? Magkatapat lang ang mga kuwarto niyo ah!”

Natawa siya sa sinabing iyon ni Ate Ester. Gusto niya nga sanang sabihin dito na tinataguan yata siya ng pamangkin nito dahil laging nakasara ang bintana ni Jayden.

“Bilib din ako sa batang ‘yan. Nagbabakasyon pa nga eh, suma-sideline naman sa Colser! Dahil siguro doon kaya hindi kayo nagkikita. Kapag umaga kasi nagpapaalam siya sa akin na magpa-praktis lang daw siya dahil tutugtog daw siya kinagabihan.”

“Ayos nga po iyon. Kumikita pa rin siya kahit na nagbabakasyon dito. Lagi po ba siyang tumutugtog?”

“Hindi naman. Siguro nasa tatlong beses lang sa isang linggo.”

Bigla’y narinig niya na may nagkakaskas ng gitara sa itaas.

“Siya po ba iyon? Nandiyan siya?” pagtuturo niya sa itaas.

“Oo, siya nga. Sige puntahan mo muna at nang magkamustahan naman kayo.”

Paakyat na siya ng hagdan nang tawagin siya ni Ate Ester.

“Masaya ako Clareng na magkasundo na kayo. Dati rati kulang na lang sumpain mo siya sa sobrang galit mo sa kanya.”

“May dugo po yata ng salamangkero ang lahi niyo? Hindi ko nga po akalain na narito ako at pupuntahan pa siya. Ginayuma niya po yata ako?!” pagbibiro niya kay Ate Ester. Tawa lang naman ang iginanti nito sa kanya.

Kumatok siya sa pintuan ng kuwarto ni Jayden.

“Pasok!”

Binuksan niya iyon. Nasa higaan ang binata nakaupo at kalong-kalong ang gitara.

“Kailan naman kita ginayuma?” tanong nito kaagad sa kanya. Narinig pala nito ang usapan nila ng Ate Ester. Tuloy-tuloy si Clarie sa kuwarto at pumunta sa bintana na nakasarado.

“Naniwala ka naman?”

“O, anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Jayden.

Binubuksan ni Clarie ang bintana ni Jayden dahil wala man lang sariwang hangin. Kahit may electric fan, kulang pa rin. Medyo madilim din kasi ang kuwarto nito.

“Bakit ba nakasarado ‘tong bintana mo lagi? Buksan natin, para naman masinagan ka ng araw kahit kaunti! Hindi ka naman siguro aswang?”

“Bakit namimiss mo ba pang-aasar ko sayo?”

Mabuti na lang at nakatalikod pa rin siya dito dahil baka mahalata ni Jayden na talagang na-miss niya ang loko. Kahit na may kapilyuhan ito ay na-mimiss rin pala niya.

“Manlibre ka naman! May sideline ka daw ah?” banat niya kay Jayden na umupo na rin sa kama malapit sa binata.

“May nanlilibre naman na sa’yo papalibre ka pa sa iba.”

Iba ang tono ng mga salita ni Jayden. May halong pait. Bitter ba siya?

“Bakit ganyan ka? Nagseselos ka ba?” diretsahan namang tanong ni Clarie na tumatawa. Hindi niya tinantanan ang mukha ng kausap lalo na ang mga mata nito. Kaagad naman itong tumayo at iniwan ang gitara sa kama.

“Kapag ba sinabi kung, oo iiwasan mo na siya?”

Nagulat si Clarie sa sinabi nito. Nagtitigan sila pero ang dalaga ang unang umiwas ng tingin.

Ano bang sinasabi niya? Bakit siya magseselos? May gusto ba siya sa akin?

Continue Reading

You'll Also Like

617K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
497K 5.3K 21
My Gossip Girl By Angeline Buena
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
641K 40K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...