Something About Us [✔]

By ayrasheeeen

29.2K 2.1K 530

Everybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit p... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
FINAL CHAPTER

CHAPTER THIRTEEN

1K 84 18
By ayrasheeeen

            "WALA na bang ibibilis yang paglalakad mo?" naiinis na tanong ni Quintus habang naglalakad kami papunta sa library. May reaction paper kasi kaming dapat gawin para sa isang major subject.

Kahit masama ang pakiramdam ko ay pilit kong binilisan ang paglalakad ko, kung may ibibilis pa.

"Kung nababagalan ka sa akin, eh 'di mauna ka na. Wala naman tayong usapan na sabay tayong pupunta ng library ah."

Medyo napahiya si Quintus dahil sa sinagot ko. Kung hindi lang nanghihina ang katawan ko ay talagang pinagtawanan ko siya at ginatungan ko pa siya ng pang-aasar. Pero hindi ko na talaga magawa. Ewan ko nga kung saan pa ako kumukuha ng lakas para makapaglakad.

Ilang araw ko nang iniinda ang sakit ng ulo at panghihina dahil wala na rin kasi akong walang matinong tulog. Nagrereview kasi ako para midterm exams, lalo na't exam week ngayon. Wala akong panahon mag-review dahil pagkatapos ng klase ay nagtatrabaho ako. Kaya nga late ako nakakatulog dahil nagtatiyaga pa rin akong mag-aral at gumawa ng mga school works kahit hatinggabi na.

Habang pinipilit kong makahabol kay Quintus ay bigla na lamang akong napatigil sa kinatatayuan ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang umiikot ang paningin ko at unti-unti akong nawawalan ng balanse. Sobrang bilis ng mga pangyayari, kaya hindi ko na halos namalayan na nawalan na ako ng ulirat.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na unconscious, pero bahagya akong nagising nang maramdaman kong nakaangat ang katawan ko sa lupa. Bahagya kong binuksan ang mga mata ko, at una kong nakita ang mukha ni Quintus. Umaagos ang pawis sa mukha niya, at halatang-halata ang pag-aalala niya habang karga ako.

Gusto ko sanang magsalita, pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. At kahit gawin ko man iyon ay paniguradong wala ring lalabas na boses galing sa lalamunan ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, at pinakinggan ang kung anumang masasagap ng tenga ko.

Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Quintus, at hindi ko mapigilang mamangha sa tunog ng tibok ng puso niya. Parang musika sa pandinig ang ritmo na iyon, at hindi ko mapigilang makaramdam ng comfort at security habang nakasandal ako sa katawan niya.

Sunod kong naramdaman ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko, at doon ko napagtanto na dinala na ako sa clinic. Nakaramdam akong muli ng pagkahilo, kaya agad kong ipinikit uli ang mga mata ko.

"Miss, yung kasama ko nahimatay..." ani Quintus sa nurse na naroon.

Nagsasalita ang nurse, pero ang mga sinasabi niya ay parang hindi naman tugon sa sinabi ni Quintus. Mukhang may iba itong kausap.

Narinig kong huminga nang malalim si Quintus bago tumikhim, pero wala pa ring ginagawa ang nurse.

Paniguradong naiirita na 'to si Quintus...

Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya, pero nakarinig na lamang ako bigla ng tunog ng parang may kung anong nabasag. Tapos ay umalingawngaw na ang malakas na boses ni Quintus.

"Kapag ikaw nakipagkwentuhan pa diyan sa kausap mo sa phone sisiguraduhin kong wala ka nang trabaho bukas!"

Nang marinig iyon ng nurse ay agad itong gumalaw para asikasuhin ko. Gusto ko sanang sitahin si Quintus dahil sa ginawa niyang paninigaw sa nurse, pero hinang-hina pa rin ako.

Halos hindi ko na naramdaman ang mga pinaggagagawa sa akin ng nurse para lang umayos ang lagay ko. Narinig ko rin na nag-uusap sila ni Quintus tungkol sa nangyari sa akin, pero wala na akong pakialam doon.

The only moment that mattered is when I felt Quintus' warm hand touch my head. Hinaplos niya ang ulo ko, at nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko, nakita ko ang ngiti niya.

Ang ngiti niya ang huli kong nakita bago ako tuluyang nakatulog.

Nang magising ako, hindi ko talaga inexpect na makikita ko pa roon si Quintus. Ang akala ko nga, nakaalis na siya para bumalik sa klase. Pero nagkamali ako.

Naroon pa rin siya. Nakaupo sa isang stool habang nakasandal ang katawan sa pader. Yung ulo niya nakasandal naman sa saradong bintana. Napatingin ako sa wall clock. Ilang oras na rin pala ang lumipas. Ibig sabihin ay hindi na pumasok sa klase si Quintus para lang bantayan ako dito sa infirmary.

Habang pinagmamasdan ko siya ay nakaramdam ako ng kung anong mainit na humaplos sa puso ko. Ngayon ko lang naranasan yung ganito. Maliban sa nanay at kapatid ko, ngayon lang may ibang tao na nagpahalaga sa akin nang ganito.

Ang ungas na 'to... Lalo tuloy kitang nagugustuhan kahit mukha kang gago. Lagi niya akong tinutulungan kahit hindi ako humihingi ng tulong. Lagi niya akong nililigtas, kahit pa umabot sa punto na ibubuwis niya na ang buhay niya para sa akin.

Kahit madalas mukha siyang may sira sa ulo, kahit pa lagi siyang nagsusungit, kahit pa parang lagi siyang galit, nagustuhan ko pa rin siya. I fell for his charms despite all the negative coating that turned him into the man a lot of people despise.

Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Beans noong nakaraan.

"Quintus never treated anybody the way he treats you. He was always angry, always rude to other people... Until you came."

Pinagmasdan ko ang mukha ni Quintus habang mahimbing siyang natutulog. I studied every feature on his face, and made sure that I remember every inch of it even if I close my eyes.

If being treated like a special person feels this way, then I want to be special in his eyes... Always.





MATAPOS akong dalhin sa infirmary ay ilang araw rin muna akong hindi pumasok sa school pati na sa trabaho. Medyo nag-alinlangan akong gawin iyon dahil ayokong maka-miss ng lessons at exams, pero sinigurado naman sa akin ng isa kong professor na makakapag-special exam naman ako basta makapagbigay ako medical certificate.

Pero tatlong araw magmula noong nangyari ang insidente ay nagpumilit na akong pumasok sa trabaho. Napagalitan tuloy ako ni Rebecca kasi dapat daw nagpapahinga na lang ako.

Sayang kasi yung sahod eh. Tsaka ilang araw ko na ring hindi nakikita si Quintus. Ilang araw na akong hindi pumapasok kaya wala akong pagkakataon na makita siya.

Namimiss ko ba siya? Siguro. Actually oo.

"Teka..." pagpuputol ko sa panenermon ni Rebecca, "Paano mo nalaman na nahimatay ako nung nakaraan?"

"Narinig ko kasing pinag-uusapan nina Sir Beans eh. Inaasar kasi nila si Quintus kasi sobrang nag-alala sayo yung tao. Ikaw ha. Sabi mo classmates lang kayo ni Quintus. Eh bakit may mga ganyan kayong mga ganap?" kinikilig na sabi ni Rebecca.

"Ikaw kung anu-ano ang iniisip mo. Magtrabaho na nga lang tayo," sagot ko habang pinipigilan ang pagngiti.

Hindi naman ganoon karami ang dumating na mga customers noong gabing iyon kaya hindi rin ako masyadong napagod. Pagkatapos naming magsara ay dumiretso na ako parking area ng café para kunin ang bisikleta ko at makauwi na.

Habang papunta roon ay nakita kong nakaupo sa tabi ng bisikleta ko si Quintus. Nakayuko siya habang may hawak na bote ng beer.

Agad ko siyang nilapitan. "Hoy, anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka nga. Madumi kaya diyan sa kinauupuan mo."

Tumingala siya sa akin, at doon ko lamang napansin na lasing pala ang loko. Kaya pala.

Napabuntong-hininga ako. Tinulungan ko siyang makatayo. Kahit pa medyo mahina na ang balanse niya, nagawa niya pa namang makatayo mula sa kinauupuan niya.

"Ang tagal mo namang lumabas... Kanina pa kita hinihintay dito..." sabi niya. Pilit niyang inayos ang pananalita niya para hindi ko isipin na lasing siya, pero halatang-halata na kasi iyon.

"At bakit?" naiinis kong tugon kay Quintus, "Bakit pala lasing ka? Ano bang nangyari sayo?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay nag-pout siya na parang bata at itinuro ang bisikleta ko. "Isakay mo naman ako dito sa bike mo."

Ganito ba siya kapag lasing? Nagtatantrums na parang bata?

Nagsalubong ang mga kilay ko habang pinagmamasdan ko siya. Parang kahit anong segundo ata matutumba na siya dahil sa sobrang kalasingan.

"Ayoko nga. Mabigat ka. At tsaka may kotse ka, 'di ba? Yun ang gamitin mo. Umuwi ka na –"

Natigilan ako nang bigla niya akong niyakap. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at ibinalot niya ang mga braso niya sa katawan ko. Nagulat ako sa ginawa niya, at ni hindi ko siya magawang itulak palayo.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko noong mga oras na iyon. Maliban sa pagkarga niya sa akin noong dinala niya ako sa infirmary, that was the closest encounter I had with Quintus. Ramdam ko ang katawan niya na nakalapat sa katawan ko, amoy alak siya pero humahalo sa amoy niya ang pabangong gamit niya. Nakakalasing rin kahit wala naman akong ininom na beer.

Ilang segundo rin kaming nasa ganoong posisyon nang subukan ko siyang itulak palayo. Baka kasi may makakita pa sa amin doon.

Nilapat ko ang mga palad ko sa dibdib niya at naglagay ng pwersa para mailayo siya sa akin. "Quintus, umayos ka nga –"

Hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang makarinig ako ng mahihinang hikbi.

Umiiyak si Quintus.

"Ayokong umuwi sa amin..."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan niya ako nang direkta sa mga mata. Umaagos ang luha mula sa mga mata niya, at kitang-kita mo ang lungkot sa mukha niya. Parang may kumurot sa puso ko nang makita ko iyon.

And I seriously don't have the heart to just send him away.





"ANO bang nangyari diyan kay Quintus? Bakit lasing na lasing yan? Nag-away ba kayo?" tanong ni mama habang pinagtutulungan namin ni Aiden na ihiga si Quintus sa sofa.

Dahil nga hindi ko siya kayang pabayaan na lang, dinala ko na lang siya sa bahay namin. Hindi naman ako nahirapan na iuwi siya dahil para siyang bata na mahigpit ang kapit sa akin habang sakay kami ng bisikleta ko. Basang-basa nga ang likod ng t-shirt ko dahil sa luha niya. Panay kasi ang iyak niya habang magkasama kami pauwi.

Nang maihiga na namin nang maayos si Quintus ay napaupo si Aiden sa sahig dahil sa pagod. Malaki kasi masyado ang ungas para sa aming dalawa ng kapatid ko.

"O bakit andito na naman yang anak ni Senator Zamora? Boyfriend mo ba yan, ate?" biglang tanong ni Aiden sa akin.

Nanlaki ang mga mata ni mama dahil sa narinig mula sa kapatid ko. "Ano kamo? Anak yan ng senador?"

Tumango si Aiden. "Opo 'Ma. Hindi nyo pala alam? Bunsong anak ni Senator Zamora yang boyfriend ni ate –"

"Bakit ba parang napepresume ka nang boyfriend ko nga 'tong kasama ko?" mataray kong tanong kay Aiden.

"Eh hindi ka pa naman nagdadala ng lalaki dito maliban diyan eh," sabi niya sabay nguso sa natutulog na si Quintus, "Tsaka pinuntahan ka na niyan dito nung nakaraan, hindi ba? Dadalhin mo ba yan dito kung walang something sa inyo?"

May point ka naman. Pero wala talagang something sa amin. Sana meron. Pero wala.

"Walang something sa amin, 'no. Kaibigan ko 'to, kaya tinutulungan ka lang. Malisyoso ka rin eh. Matulog ka na nga. Kami na ni mama ang bahala dito."

Inilabas na lamang ni Aiden ang dila niya na para bang nang-aasar bago pumasok sa kwarto niya. Nang maiwan kami ni mama ay agad akong binatukan nito.

"Ikaw na bata ka. Bakit naman hindi mo sinabi sa akin na anak pala yan ni Senator Zamora? Inabala ko pa tuloy yang batang yan para alagaan at bantayan ka noong nakaraan. Tsaka sana pala pinaghanda ko man lang siya ng makakain. Nakakahiya."

Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin ako kay mama. "Porke anak ni Senator Zamora may special treatment na agad? Hindi ka naman ganyan kapag may ibang bisita tayo ah."

"Eh nakakahiya kasi. Teka nga, bakit ba naglasing yan? Nag-away ba kayo?" tanong sa akin ni mama.

"Hindi ah. Naglasing lang tapos ako agad ang dahilan? Ilang araw na nga kaming hindi nagkikita niyan dahil absent ako. Nakita ko lang yan doon sa parking area ng café na lasing. Tapos nagpumilit na sumama sa akin, kaya sinama ko na."

"Eh bakit hindi mo na lang siya iniwan doon sa amo mo? Hindi ba kaibigan niya yun?"

"W-wala si Sir Beans eh. On travel," pagpapalusot ko. Baka kasi kapag sinabi ko ang totoo, isipin ng nanay ko na ang harot-harot ko na.

"Eh yung iba niyang kaibigan? Yung mga kamag-anak niya? Bakit hindi mo tawagan?"

"Wala akong contact sa kanila. Hindi ko naman mabubuksan ang phone ng ungas na 'to kasi may password. Paano ko naman mabubuksan kung hindi ko siya tatanungin, 'di ba? Pero ang tanong, matatanong ko pa kaya yan, eh knockout na sa sobrang kalasingan," paliwanag ko kay mama. At least sa part na ito, totoo na ang lahat ng mga sinabi ko.

Saglit na nag-isip si mama, bago naglabas ng unan at kumot. Ibinigay niya ito sa akin. "Sige. Dito na muna siya. Kaysa naman hayaan natin siyang matulog sa kalsada, hindi ba? At mukhang mabait naman ang batang yan. Ililigtas ka ba naman niyan kung hindi, 'di ba?"

Pagkakuha ko ng unan at kumot mula sa nanay ko ay napangiti ako. "Thank you, 'Ma."

Ngumiti pabalik si mama sa akin, at hinaplos ang pisngi ko. "Nagdadalaga na talaga ang anak ko. O siya, ikaw na ang bahala diyan at matutulog na ako. Pagkatapos mo diyan, matulog ka na rin ha?"

Napailing na lamang ako habang bahagyang tumatawa dahil sa sinabi ni mama. "Opo, 'Ma."

Nang makapasok si mama sa kwarto niya ay agad kong inasikaso ang natutulog na si Quintus. Inangat ko ang ulo niya para mailagay ang unan sa ilalim nito, tapos ay inilagay ko ang kumot sa katawan niya para hindi siya lamigin o papakin ng lamok.

Papasok na sana sa kwarto ko nang mapansin ko ang pisngi ni Quintus na basa pa rin ng luha dahil sa kakaiyak niya.

I wiped his tears with my thumb, then stared at his face for a while.

At sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan ang noo niya. Nagulat ako sa nagawa ko, pero I felt satisfied and contented with what I did. Pakiramdam ko ay nakahiga sa sandamakmak na bulak ang puso ko.

Napangiti ako bago hinawi ang buhok sa noo ni Quintus. "Good night, cry-baby. "

Continue Reading

You'll Also Like

65K 3.8K 55
"ganyan naman kayo! binigay na lahat kulang parin mga punyeta!" 『irene ft. taehyung an online love story dyosas in your area #1』 ©LLEULCKS for...
5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...
96.3K 2.5K 28
"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, ...
JUSTICE By ♪

Mystery / Thriller

2.9K 475 34
Enigma II ❝ will you do everything, just for justice?❞ ━━━━━━━━━━━━━━━━━━ book covers edited by:: @Lemonada_WP published:: 03/09/20 started:: 03/17/2...