Chasing Chances [TSC Book 2]°...

By MadamKlara

91.3K 2.5K 1.6K

[Book II: The Stranger's Charade] It may be impossible but I will not let go of the chances my heart is cling... More

Prologue
Advisory
Chapter One: Believing
Chapter Two: Dream & Painting
Chapter Three: Hospital
Chapter Four: Sky and her Dream
Chapter Five: His Plea
Chapter Six: Memories
Chapter Seven: Condo
A Letter to You
Chapter Eight: Deal
Chapter Nine: Strawberry & Cherry
Chapter Ten: Fear
Chapter Eleven: Dream
Chapter Twelve: The Words
Chapter Thirteen: Welcome
Chapter Fourteen: Suspects
Chapter Fifteen: The Bomb
Chapter Sixteen: Make Sense
Chapter Seventeen: Memory of that Day
Chapter Eighteen: Dead
Chapter Nineteen: Unforgotten
Chapter Twenty: Home
Chapter Twenty-One: Memories & Promises
Chapter Twenty-Two: Dreadful Truth
Chapter Twenty-Three: Mirana
Chapter Twenty-Four: Like a Dream
Chapter Twenty-Five: Uncover
You Can't Skip Ads
Chapter Twenty-Six: Bloody
Chapter Twenty-Seven: The Most-Awaited POV
Chapter Twenty-Eight: The Criminal
Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt
Don't Skip Ads
Chapter Thirty: A Night to Remember
Chapter Thirty-One: Last Bullet
Chapter Thirty-Three: Love
Chapter Thirty-Four: Who's Cheating Who
Chapter Thirty-Five: In Love
Epilogue
Chasing Chances
TRIVIA:

Chapter Thirty-Two: Horrors of the Past

2K 52 23
By MadamKlara

Tumigil ang mundo ko pagkatapos ng putok na 'yon. Napailing ako habang yakap-yakap ang lalaking mahal ko, habang nakatitig sa mga mata niya.

"Mahal na mahal kita, Chances."

"Hindi... Zacc. No, no, no!" Sigaw ko nang makumpirmang hindi sa'kin tumama ang bala. He made me shift his position earlier to block the bullet. "Babe, don't do this to me. You're going to be okay. Mahal ko, hindi pwede."

Nawawalan na ng lakas si Zacc at hindi ko rin siya kayang buhatin. Kaya naman pareho kaming bumagsak sa sahig.

"Umalis ka na, babe. Save yourself." Bulong ni Zacc sa'kin.

"Hindi! Hindi kita iiwan dito. Lalabas tayo ng sabay dito, Zacc."

Walang tigil sa pag-agos ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mailabas si Zacc kaya sumigaw ako para humingi ng tulong. Nakalimutan kong may demonyo pala kaming kasama sa loob dahil sa pag-aalala ko sa asawa ko.

"Zacc? Anak—"

"Wala kang karapatang lumapit sa kanya!" Sigaw ko rito habang niyayakap ko si Zacc upang 'wag mahawakan ng ama niya. "Wala kang kwentang ama! 'Wag kang lumapit!"

"Kasalanan mo 'to!" Sisi niya sa'kin. "Kung hindi ka dumating sa buhay namin, hindi mangyayari 'to!"

Galit ang nangibabaw sa'kin ng sandaling 'yon kaya bumitaw ako kay Zacc. Walang takot na lumapit ako sa ama niyang sinampal ko ng ilang beses.

"Napakasama mo! Kulang ang kamatayan bilang kabayaran sa lahat ng kademonyohan mo!" Matapang na singhal ko rito.

Muli niyang itinutok sa'kin ang baril na hawak niya.

"Iputok mo! Hangga't may pagkakataon ka, gawin mo! Dahil kung hindi mapapasa'kin ang huling bala, sisiguraduhing kong sa'yo 'yon mapupunta!"

"Matagal ko na dapat ginawa 'to!"

May namataan akong mahabang bakal sa paanan ni Zacc. Mabilis na kinuha ko 'yon at hinampas sa kamay niya bago pa niya maiputok ang baril. Iyon ang dahilan kung bakit niya nabitawan ang baril na agad ko namang pinulot.

"Wala na, Mr. Harrison. Tapos na. Tapos na ang pagkakataon mong patayin ako. This is for my parents, for Mirana, for Divina and for my husband. You're done here. Now, it's my turn."

"Babe, 'wag." Utal ni Zacchary na nagpagising sa'kin sa galit na naghahari sa puso't isip ko. "Huwag mong dudungisan ang kamay mo."

"No. No Zacc. This man took away my family. Six years ago, he did it again. He did it again tonight and he will never do it again! Ever!" I angrily shouted. I closed my eyes as I pulled the trigger.

Then a loud bang was heard. The thud I hoped inside my heart will be the end of everything.

"Chances..."

Nagmamadaling lumapit ako sa asawa ko nang marinig siyang tawagin ako.

"Babe, I'm sorry." Umiiyak na sambit ko. "I'm sorry."

"Shhh. You didn't do anything, love."

Napakunot ako ng noo. At a distance, I saw a silhouette of a man. Nero... No, I have pulled the trigger! It can't be him!

"It's over, Chances. It's over." Zacchary muttered as he reached for my cheeks. Nanginginig ang kamay kong hinaplos ko sa pisngi niyang basa ng luha.

"Mahal. Lalabas tayo dito. You'll be okay!" I told him hysterically. "Tulong! Tulungan niyo kami!"

"I love you, babe."

"Zacc! Don't say that! Don't... Just don't. Ayokong marinig 'yan sa'yo. I will hate you Zacchary. I will hate you. So please don't say it."

Sumigaw ulit ako ng tulong pero wala paring lumalapit sa'min.

"I love you, Chances. It's your turn now." He even smiled at me as if it's okay for him to leave me. Umiling ako para ipabatid sa kanyang hindi ako pumapayag na iwan niya. "Alagaan mo ang mga anak natin, Chan. Mahal na mahal ko kayo."

"I hate you, Zacc. I swear, hate you..."

"I told you babe, it's worth it." Sambit niya bago bumitaw sa'kin.

"Zaccharrry!"

***

Paulit-ulit na napapanaginipan ko ang huling sinabi sa'kin ng asawa ko. Worth it Zacc? How can it be worth it? With me here in tears, trying to calm our children from crying? It's not worth it, babe. It will never be.

"Chances, kumain ka muna." Mama Veronica approached me. "Zac, Chan, samahan niyo muna ang mommy lola."

"No. We won't leave daddy." Chance retorted keeping my tears from streaming. "Mommy lola, dad is just sleeping, right?"

I looked away because I don't want to see her lie to my daughter. But just like me  everytime my daughter asks that question, mama was silent. I could even hear her sobs.

Ito ba Zacc? Ito ba ang sinasabi mong worth it? Kasi kahit sa'n ko tingnan! Hindi e! Hindi worth it!

"Daddy, please wake up." My little man uttered for the first time in this week. Hindi siya nagsasalita. Kahit ako, hindi niya kinakausap. "I miss you, dad."

"Sige na Chances. Kumain ka na muna. Ako na ang bahala rito." Pag-uulit ni mama na inilingan ko lang. "Chances, ilang araw ka ng hindi kumakain."

"Zac, Chanchan, puntahan natin si tita Mirana." Yaya ni Arlo na kakarating lang. "Tita Nana misses you."

"Tita Nana? She's awake?" Chance mumbled as she ran to Arlo's arms. "Why is our daddy not waking up, tito?"

"Daddy's tired, munchkin. He needs to sleep more. Zac, champ. Come here."

Nag-aalinlangan man ay lumapit parin si Zac sa tito niya. Bago lumabas kasama ang mga anak ko, tinanguan ako ni Arlo.

"Chances, you have your children depending on you. You have to be strong."

"Ma! Ang hirap! Mirana almost died because of me! Divina died protecting me. At ano? Si Zacc! Ayan oh!" Lumuluhang wika ko. "Pagod na pagod na ako ma. Pagod na akong lumaban. Ganito din 'yong nangyari noon e! Ganitong-ganito ma. Nandiyan siya habang ako, nandito naghihintay kung kailan siya gigising at babalik sa'kin."

"Your husband will be okay, honey. Babalik siya para sa inyo. Kaya magpakatatag ka. Wag mong sukuan ang anak ko. Isipin mo ang ginawa ni Divina para sa'yo. All of what they did to protect you was for this, for you to watch over your husband and your kids. Make their sacrifices worth it, Chances."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sakit lang ang malinaw ngayon sa'kin. Sakit at bigat dito sa puso ko.

"Kausapin mo siya, anak." Pagsusumamo ni mama sabay hawak ng kamay ko. "Kailangan niyang marinig ang boses mo."

"Ayoko ma. Natatakot akong baka tulad lang ng dati, hindi siya gigising. Ang sakit no'n ma e. Naaalala ko ngayon 'yong bigat na tinatago ko sa inyo lalo na nang gumising siya pero wala ako." Pagbabalik-tanaw ko sa nangyari noon.

"Naaalala mo na lahat, anak?"

"Ma, hindi ko kayang gawin ang nagawa niya noon ma. Hindi ko kayang mabuhay ng kami lang ng mga anak ko."

"Chances. Trust Him. Hindi Niya pababayaan si Zacc. Now please don't give up on my son."

Dahan-dahang lumapit ako sa nakahigang si Zacc. Isang linggo na siyang nandito, hindi kami kinakausap. Mali, ako ang hindi kumakausap sa kanya.

Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya nasa comatose siya ngayon. Pagkatapos ideklara iyon ng doctor last week, hindi ko nilalapitan si Zacc. Nasa kwarto niya ako pero hindi ko siya nilalapitan at kinakausap.

"Namimiss na kita, babe. Gumising ka na please. Kailangan ka namin ng mga anak mo." I took his hand gently and placed it on my tummy. "Please be here this time, Zacchary. I'm pregnant. Lalaki 'yong pamilya natin kaya please... gumising ka na."

Maingat na ibinalik ko ang kamay niya sa kama.

"Mahal, naalala ko na lahat. Lahat-lahat, Zacc. Kaya please, gising na mahal ko. Naririnig mo 'ko diba? Please gumising ka na, mahal."

Lumapit sa'kin si mama at niyakap ako.

"It's okay." Pag-aalo niya saka ako hinarap ng maayos. Pinunasan niya ang luhang namutawi sa mga mata ko. "I didn't know, hija." Lumuluhang sambit niya matapos sulyapan ang tiyan ko. "I wished we've known it differently. But I am sure, my son will be there when she's coming out."

"Sana ma."

Dahil narin sa dinadala ko, lumalakas ang loob ko. Nakakaya ko ng samahan ang asawa ko sa hospital nang hindi umiiyak lalo na kapag kami lang dalawa. Dati, hindi ko napipigilan.

"Mommy!" My babygirl chirped as she got in the room. Napangiti ako nang lingunin ko siya. "Someone's looking for you." She informed while I was clueless who she's referring to. "They have a very cute baby." Bulong niyang nagpatawa sa'kin.

Iniluwa ng pinto ang dalawang tao na sobra kong na-miss. Kung hindi ko sila nakita, hindi ko malalamang ang tagal ko palang nangungulila sa kanila. Walang pasubaling tumulo ang luha ko at gano'n din silang dalawa nang magtagpo ang mga mata namin. Patakbong lumapit si Aneng at niyakap ako ng napakahigpit, yakap ng taong nangungulila.

"God. Thanks God." She exclaimed. "You're real. Chanchan, you're here."

"Oo Neng. Oo, nandito ako." Sambit kong pinipilit na ngumiti.

"Miss na miss kita. No'ng ikasal kami ni Lendon, I kept telling myself I wish you were there."

"It doesn't matter. Ang mahalaga naman sa araw na 'yon, kayong dalawa." Nilingon ko si Lendon na nakatingin sa'min habang karga ang napaka-cute nga nilang anak. "Come here. Let me see that little angel."

Lumapit si Lendon, niyakap ako saglit at hinagkan ako sa noo saka inabot sa'kin ang anak niyang natutulog. Ayaw na paawat ang luha ko nang kargahin ko ang munting anghel. I haven't done this when my kids were this little.

"Ang cute nga niya. She looks like London, Neng. Walang sa'yo." Panunukso ko sa kaibigan ko.

"Oo nga e. Yong ano lang niya ang namana niya sa'kin." Sagot niyang nagpatawa sa'min.

"Mommy, let me see the cute baby." Singit ng anak kong saglit kong nakalimutan na nasa silid rin pala.

"Oh. Wait jellybean. Give tita Ann and tito Lendon a kiss. They are mommy's friends."

"Hello princess!" Magiliw na bati ni Ann saka niyakap ang anak ko. "Nakakainggit." Utal niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kamukhang-kamukha mo beshy!"

"Have you seen her twin?" Pagpapainggit kong lalo.

"Oo nga pala. Kambal nga pala 'to." Sabi niya pa. Kung kailan pa namin pinag-usapan, saka naman pumasok si Zac kasama si Harmony at ang mga magulang nitong sina Ajax at Symphony. "And there he is!" Anelyn cheerfully chirped. Kinarga niya si Zac. Natawa ako dahil nakakunot ang noo nito.

"Zac, that's your tita Ann, don't be so surly." I chastised him. Because of that, my son faked a smile which made us all burst into laughter.

Pagkatapos ng nangyari no'ng gabing 'yon, hindi ko pa nakakausap sina Sephy at Jax. Kaya nang makauwi na ang mga kaibigan ko, kinausap ko sila.

"Jax, Sephy. Thank you for everything."

"Tss. Ano ka ba naman, Sk—Chan." Saway ni Sephy sabay hawak ng isang kamay ko. "Para na tayong magkapatid. No'ng nagtatago ako mula sa pamilya ko, tayo kaya ang laging magkasama. Mas mahaba pa ang pinagsamahan natin kaysa sa inyo ni Nero— Sorry."

"Naku. Okay lang. Hindi naman ako galit sa kanya. Naawa nga ako kay Nero e. And I am really so thankful for what he did."

Kinausap ni Nero si Zacc bago mangyari ang lahat, ayon kay Jax. Nagulat pa nga daw siya nang makita niyang magkasama si Nero at ang asawa ko. Si Nero ang nagtago kay mama at sa mga anak namin. Hindi sila tumuloy sa pag-alis ng gabing 'yon dahil sa kutob ni Nero na alam ng papa ni Zacc ang plano. He was right. He found out the person lurking to watch over my children. He caught and almost killed the man.

"Ang daming nadamay sa nangyari, Sephy. Yong daddy ni Nero—"

"Shh. Chances, everything happened because it is meant to happen and they all made it happen. For now, ang magagawa natin, ipagdasal na sana makaka-move on si Nero sa pagkawala ng daddy niya at siyempre sa'yo..."

"Hay naku. Ang daming nagagawa ng pagmamahal." Bulalas ko. "Sephy, kung magkita kayo, please hug him for me. Let him know I am so thankful for him."

It was Nero who shot Zacchary's father. Napatunayan 'yon sa imbestigasyon. Hindi nagmatch ang balang tumama sa papa ni Zacc sa baril na hawak ko. Wala na palang bala ang baril na iyon. Gayunpaman, dahil masamang damo si Garret Harrison, hindi niya ikinamatay ang kanyang mga tama sa katawan. He's now in jail for multiple cases charged against him. Malabong makakalabas pa siya sa lugar na 'yon. He belonged there!

Isa siya sa kinatatakutan kong dahilan kung bakit hanggang ngayon, ayaw pang gumising ng asawa ko. Nong malaman nga ni Zacc ang tungkol sa papa niya at kay Divina noon, wasak na wasak siya. Ito pa kaya. Ang hirap tanggapin ng bagay na 'to para kay Zacc. Kaya nga kahit gustong-gusto kong ipamukha sa kanya ang kanyang pagbagsak, sa kanya na pumatay sa mga magulang  ko, sa taong wumasak ng buhay at pamilya ko, hindi ko iyon ginawa. Hindi ko ginawa para sa asawa ko dahil alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

Ilang mga birthdays ang lumipas nang hindi nasasaksihan ni Zacc—birthday niya, birthday ng anak namin, birthday ko. Anniversary ng kasal namin. Malapit ng mag-isang taon, ilang buwan nalang pero hindi parin siya nagigising; there's not even a single sign of consciousness from him. At ngayon, one of these days, manganganak na ako pero wala ulit siya. Tulad lang talaga ng dati ang mangyayari.

"Chan? You're painting again." Mirana muttered when she got in the room and found me with my palettes and paintbrush in hand.

"Nana. Hi." I greeted. "I dreamt of this last night. How is it looking?"

"Chan—"Malungkot na sambit niya sabay hawak sa braso ko. Bakas sa mukha ni Mirana ang takot at pag-aalala.

"I know what you are thinking. Mirana, it's not it. Okay?" Tiningnan ko ang pinipinta ko, kaming lima ng asawa't mga anak ko. "Kumpleto kaming lahat sa panaginip ko, Mirana. Don't worry. It's just a dream."

I lied to her. Kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko dahil bumalik sa alaala ko ang napanaginipan ko kagabi. Masaya kaming lahat sa kasal ni Mirana at Arlo. Matapos ang kasal, lumapit si Zacc sa'min ng mga anak niya. Niyakap ko siya pero hindi niya ako pinansin tila ba isa lang akong hangin. Dumadaan ako sa harapan nila pero parang hindi nila ako nakikita. I tried calling them but they seemed not to hear me. When they left from the wedding, sumunod ako sa kanila. My family and I went to a cemetery. On the gravestone, carved beautifully on it is my name.

Chances dela Rosa Harrison.


Continue Reading

You'll Also Like

342K 8.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
79.3K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
29.7K 648 16
Young Love Series #1 You're too good to be true. It feels like I'm living in a dream out of reality. I'm scared that if I blink, everything will be g...
6.4K 823 51
Start: 10 December 2019 8:41 pm (Slow Update)