My Student, My Lover

By donutodonuto

32.1K 448 19

Yanney, a fresh graduate and a newly hired college instructor, met the most annoying Financial Management stu... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 3

1.3K 39 0
By donutodonuto

"Are you okay?" Napalingon agad ako ni Shanti. "Ba't parang nakakita ka ng multo?!" Dugtong niya at nilibot ang tingin sa paligid. "Wala naman ah." Tumawa siya.




Napalunok ako. "Wa... Wala naman talaga." Kabado kong sagot at pilit na ngumiti.




Shutang ina anong ginagawa niya dito? Pati ba naman sa club magkikita kami?! The world's really kind of small huh?




When I looked back, Kugimiya was leaning on the couch along with his group of friends. He was busy talking to the guy beside him. He didn't see me yet. Magkasunod lang ang table namin. So iyon pala? Yun pala ang importanteng lakad na sinasabi niya. Napailing-iling ako habang nakatingin sa kanya. Wala na talagang ginawang matino.




"Do you know them?"




Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulong si Shanti sa tenga ko. Napahawak agad ako sa dibdib at nagpakawala ng malalim na hininga para ikalma ang sarili.




"Sorry I didn't mean to startle you." He added, now laughing.




I shook my head. "No it's okay." I answered ignoring his first question.




"Shot?" He asked offering the shot glass he was holding.




I was supposed to refuse it, but Kugimiya's presence was totally distracting me. I needed something to ease the tense I was feeling so I drank it.




"Slowly Anny!" Hazel, who was still beside me, tapped my shoulder. My vision was not spinning yet. I just felt a little dizzy but still manageable.




"Ngayon lang." Sabi ko naman at kinindatan siya. It was my freaking first time.




Thinking of him again being here around, gave me a slight feeling of torture. I bit my lower lip to stop myself from getting so anxious. Did he see me? Would he tell the dean that I was here partying? I shook my head. Impossible. I was not doing anything illegal and obviously it was past duty hours. Shit! Many things were clouding up my mind. Hindi ko na nga alam kung ano ang pinaguusapan ng mga kasamahan ko.




I pursed my lips before taking a glance at him. I just wanted to make sure If I was not imagining things.




I sat frozen when I realized he was already staring at me. I swallowed a lump when our eyes met. He licked his lower lip before looking away, trying to hide his smirk. Agad rin akong umiwas ng tingin. Shutang ina siya nga! Of all the clubs na pwede niyang puntahan, sa venus pa talaga? Galing!




Natiligan lang ako sa pagiisip nang maramdaman ang isang braso ni Shanti sa likod ko. Ramdam ko ang init na galing sa katawan niya dahil sa sobrang lapit namin. Actually, he was making me uncomfortable. Umusog ako ng kaunti para mabigyan ng space sa pagitan namin. Hindi ko alam kung napansin niya ba iyon. Patuloy lang siyang sumasali sa usapan ng blockmates namin.




Nagugulohan na ako, dumagdag pa ang malakas na music sa loob. Parang gusto ko na talagang umuwi sa apartment.




"Oy Yanney may boyfriend ka na ba?" Napaangat ako ng tingin kay Grace, isa rin sa mga blockmates ko noong college. Medyo pasigaw niya itong itinanong para marinig ko. Malakas nga kasi ang music.




"Busy pa ako e." Pagdahilan ko.




She made a funny face. "Asus, yan rin naman ang sinabi mo sa akin noong college pa tayo. Kailan pa ba matatapos yang pagiging busy mo?" Nagtawanan tuloy silang lahat at pati na rin ako.




"Wala pa daw si Mr. Right at wala pang maglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake niya," Dagdag pang tukso ni Sofia na halatang tipsy na. Napasapo ako sa noo habang sila ay nagtawanan ulit. Ako ba naman ang ginawang topic, nananahimik na nga ako dahil may isang taong gumagambala sa sana'y mapayapa kong pagiisip.




"Wag kang mag-alala bibili ako ng icing." Singit ni Shanti na mas lalo lang ikinalaki ng tuksohan. Sinapak ko siya sa balikat, pinipikon niya lang ata ako e.




Nagpaalam muna ako sa kanila para pumunta sa restroom. I slowly stood up and fixed the crease of my dress. I couldn't stop myself from taking a quick look at Kugimiya's table. My brows furrowed when my eyes caught a familiar face who was sitting beside him. I squinted my eyes to focus my vision. My lips parted when I realized it was Ms. Valentina, she was resting her head on Kugimiya's shoulder. I immedietely looked away and went straight to the restroom.




Davika Erika Valentina, one of my students and also his blockmate. I didn't know they were that kind of close.




I placed my hands on the counter of the sink while staring at my reflection on the mirror. Hindi maalis sa isipan ko ang nakita kanina. Hindi ko naman sila masyadong nakikitang nag-uusap tuwing klase. Maybe they are hiding their relationship or something. Teka nga! Ba't ko nga ba sila iniisip? Ano bang pakialam ko sa kanila?! Kainis. Naghugas nalang ako ng kamay at pinatuyo ito.



I was looking for my cellphone inside my purse while walking out from the restroom. I didn't notice someone was leaning against the wall outside so I accidentally bumped onto his shoulder. I was about to apologize but stopped when I realized who it was. I rolled my eyes. He was obviously waiting for me to come out from the restroom. I let out a short sarcastic laugh after he surveyed me from head to toe. "I didn't expect to see you here," He said while a smirk was plastered on his face.




"Me either," Masungit kong sagot at pinagkrus ang braso sa dibdib. Ang gagong sinungaling, hindi man lang nahiya na nahuli ko siya dito sa club. Importanteng lakad? Huh! Baka may importanteng kalandian!




"Uuwi ka na?" Tanong niya.




"Bakit? Ano bang pakialam mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Bigla lang uminit ang ulo ko at parang gusto ko siyang awayin.




"Chill babe," Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.




My brows furrowed. "Babe? You're calling me babe? Did I hear that right?" My tone of asking was sarcastic.




"I always call you 'babe'." His brows furrowed too, getting confused.




Ang sarap i-untog ng ulo niya sa pader. He was a freaking flirt. Obvious naman na may tinatago silang something ni Ms. Valentina, at ngayon tinatawag niya pa rin akong babe?! Ano naman kayang tawagan nila? Baby? Love? Babe din kaya? O baka babe talaga ang tawag niya sa lahat ng naging babae niya. Gaga! Parang inamin ko na ring isa ako sa mga babae niya. No way!




"Shut up and don't follow me." I left him and went back to our table. Ms. Valentina was still there, leaning her head on the backrest of the couch. She obviously passed out. I sat down and tried to look for my cellphone on the table because it was not in my purse. I sighed in relief when I found it.




"Ok ka lang? Napatagal ka ata, nahihilo ka ba?" Shanti, who was still beside me, asked worriedly.




"I'm fine." Tipid kong sagot at nakatitig lang sa alak na nasa harapan. Hindi na ganoon kalakas ang music ngunit may pumalit namang mga maiingay na lalaki sa kabilang table, nagkakantyawan.




Pinatong ni Shanti ang isang braso sa balikat ko at inilapit ang mukha niya sa tapat ng tenga ko. "Wag ka nang uminom. Sino ba maghahatid sa'yo?"




Nailang ako sa ginawa niya at inisip kung may gusto ba siya sa akin. "Uh... Siguro magpapahatid ako kay Sofi-" Hindi ko naituloy nang biglang nagsalita si Sofia.




"OMG, who's that hot guy?"




Agad akong napalingon sa tinutukoy niya. Parang lalabas na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi na ako napakali sa kina-uupuan habang naglalakad si Kugimiya papalapit sa table namin.




"Ang gwapo, sino ba siya?" Tanong ni Grace sa katabi. Hindi lang ako umimik at ipinagdasal ang susunod na mangyayari.




Napaawang ang mga labi ng mga kasama kong babae nang huminto si Kugimiya sa harapan ko. Parang mahihimatay na ako sa kaba at napahawak nalang sa suot na dress ni Hazel.




When I looked at him, his sharp eyes were staring at Shanti's arm placed on my shoulder. I quickly moved my shoulders, giving Shanti a hint to remove it. Thankfully he did.




"Get up." His voice was serious.




Halos hindi ako makapagsalita nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin, tahimik at nagugulohan.




"Do.. Do I know you?" I asked, pretending we were strangers. I shut my eyes for a second before looking back at him.




His lips parted, suprised of what I said. "Stop your game babe. Uwi na kita." He smirked.




I was mortified, regretting my idea. It just led me to my own embarrassment. All of them would think I lied for saying that I don't have a boyfriend. Bakit ba tinawag pa niya akong babe!? Of course, people would misinterpret it!




I slowly shook my head. "It's.. It's not what you are all thinking guys. He is not my boyfriend."




I heard Hazel's chuckles. "We didn't say anything."




I bit my lower lip, couldn't think of anything. I sounded so defensive. Hindi ko malingon si Shanti dahil sa hiya.




"Don't worry Yanney, we understand your privacy. Papatawarin ka namin kasi gwapo siya. May kapatid ba siya?" Malokong tanong ni Karen sa akin pero ang mga mata ay na'kay Kugimiya.




Tinulak ako ni Hazel patayo. "Pakiuwi na po itong friend namin." Nakita ko kung paano niya nginitian at kinindatan si Kugimiya. What was happening to them?!




"Let's go," seryoso niyang sabi at hinawakan ako sa kamay para hatakin paalis. Binawi ko kaagad ang kamay ko.




"N..no, ihahatid ako ni Sofia." Lumingon ako kay Sofia. "Right sof?" I asked, giving her a pleading look.




Her forehead scrunched. "Hmm, hindi ko matandaang sinabi ko iyon." She pretended.




Pinandilatan ko siya. "Yes you did!"




Binelatan niya lang ako at nilipat ang tingin kay Kugimiya. "Papi, iuwi mo na siya." She said seductively. Oh God! Sofia was out of her mind!




"Sure, anyway Happy Birthday." Biglang bati niya kay Sofia. What the hell? How did he know?




Nagulat din si Sofia. "W.. Wow! Thanks papi," Humagikhik siya at kinagat ang ibabang labi. Kinilig amp! Inirapan ko lang siya. Hindi man lang ako pinagtuonan ng pansin. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos nang tuloyan na akong hatakin ni Kugimiya paalis.




"Mag-ingat. Don't forget to use protection!" Pahabol na sigaw ni Sofia. Napasapo ako sa noo at hindi siya pinansin. Humanda talaga sila sa akin. Pinaubaya lang nila ako sa lalaking to!




Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko at binitawan niya lang nang makarating kami sa tapat ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat. "Get in." His voice was stern.




Hindi ako kumibo at nakasimangot lang na nakatingin sa baba. Bakit niya ba ako ihahatid? At isa pa, ba't parang galit siya?




"Babe, please get in." He said impatiently.




I made a face before getting in. In fairness, his car smelled good. Ilang babae na kaya ang nahatid niya gamit ang sasakyan na'to? Hinatid niya rin ba si Davika gamit to? Shutang ina, bakit ko na naman ba iniisip iyon? Wala nga akong pakialam sa kanya diba?!




Pagkasakay ko, humalukipkip ako at sumandal sa upuan. Nakita kong umikot siya sa kotse at sumakay sa driver's seat. Sinamaan ko siya nang tingin nang bumuntong hininga siya pagkaupo, na para bang pabigat ako. In the first place, hindi ko ginustong nag-offer siya na ihatid ako. Siya nga itong nagpumilit. At pansin ko lang, bakit ba ang seryoso ng mood niya? He was like a different person. He didn't look like a jerk for a second.




"I didn't know you go to clubs." He started the conversation. We were just seated there, the engine was not turned on yet.




"Pakialam mo?" Masungit kong sabi at lumingon sa labas. Gusto kong maramdaman niyang hindi ko siya gusto. Pinahiya niya ako kanina sa mga kaibigan ko.




My heart throbbed when he bent a little to reach my seatbelt and fasten its clasp. "Are you cold?" He asked, his face was so close to mine that I even smelled his fruity breath. I quickly shook my head. My heart recovered when he moved back to his seat. He turned on the engine and started driving. His one hand on the steering wheel. The other was on his lower lip slightly rubbing it with his thumb while his elbow's on the window. He was like thinking of something but his eyes were focused on the road. The street lights reflected on his unblemished skin complexion. The veins on his arms were visible. Honestly, he was conventionally attractive, which I couldn't accept.




"Stop staring,"




I faked a cough and looked outside my window. "I wasn't looking at you." I denied.




"I'm not dumb." He chuckled.




Hindi nalang ako umimik at baka mabuking pa ko.




"Were they your college friends?" Tanong niya, siguro para may ma-topic lang.




"Yes." Tipid kong sagot at inirapan siya.




He cleared his throat. "How about the guy seated beside you?,"




My forehead scrunched. "Shanti? Yes."




"You like him?" He asked casually.




Nasamid ako sa sariling laway at napaubo. Ano bang pinagsasabi niya?




"No, I don't!" Agad kong tanggi, tiningnan ko siya nang masama at inirapan ulit, pagkatapos ay binalik ang tingin sa labas.




"He was obviously hitting on you."




Aakmang babatukan ko na siya pero napagtanto kong nagdadrive pala siya kaya't kinagat ko nalang ang ibabang labi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.




"You keep hurting me," sambit niya.




Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"




"You were about to smack me right?"




I pursed my lips and didn't say anything, guilty.




"You think I can forget how you punched my face and kicked my-"




I covered my ears and shut my eyes for a while. "Stop it!" Narinig ko siyang tumawa. "I'm sorry okay?" It was sincere but it sounded like it was not.




"Accepted," he shrugged.




Wala nang nagsalita sa amin hanggang nakarating kami sa tapat ng apartment at hininto na niya ang kotse.




"Th.. thanks." Utal kong sabi at tinanggal ang seatbelt.




"Hmm," his response.




Binuksan ko ang pinto at bumaba. Nailang akong bumalik nang tingin sa kanya. "A.. Are you going back there?" I wanted to smack my head when I realized how I sounded curios. Fuck!




He licked his lower lip and bit it. "I'm going somewhere else."




My brows furrowed when Davika flashed in my mind. So, he was going to stay the night at her place. "Ok," Mataray kong sagot at malakas na sinara ang pinto. Padabog akong sumakay sa elevator, hindi alam kung bakit ako naiirita. Napasabunot ako sa buhok ko. "Siraulo ka Yanney!" sambit ko sa sarili.




Kinabukasan, hindi pumasok si Kugimiya at Davika sa dalawang klase ko. Tinanong ko ang ilang blockmates nila kung bakit absent silang dalawa ngunit walang may alam. Mas lalo lang akong nainis!




May isang oras akong bakante sa hapon kaya't pumunta ako sa isang cafe' shop na nasa labas ng Vleeck para bumili ng milk tea. Sarado kasi ang nasa loob.




Nagbayad na ako sa counter at hinintay ang order ko bago naghanap ng table. May biglang tumawag sa pangalan ko. Luminga-linga ako para hanapin iyon. Namawis agad ako nang nakita si Shanti sa isang table malapit sa counter. May hawak siyang makapal na libro, mukhang nag-aaral. Gusto ng mga paa kong humakbang palabas ng cafe' shop ngunit magmumukha naman akong walang hiya kung gagawin ko iyon. Pilit ko siyang nginitian at dahan dahang naglakad papalit sa table niya, dala dala ang milk tea ko.




Sumimsim muna siya sa kape niya bago tumayo at hinila ang upuan na katabi ng sa kanya. Umupo nalang ako kahit ilang na ilang ako sa sitwasyon namin, sumunod naman siya nang upo. Naalala niya pa kaya ang nangyari kagabi? Malamang boba!




"Uh.. " I wanted to start the conversation ngunit walang pumapasok sa utak ko. Ayoko ring pagusapan ang nangyari kagabi. When I glanced at him, I noticed a small bruise on the side of his lips.




"About last night, I'm sorry for making your man upset," He sighed and looked up for a second. Siya na ang nagopen up ng topic, wala akong magagawa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Upset? Kugmiya was not upset. Sumeryoso lang siya pero hindi naman siya talagang galit kagabi.




"What do you mean? He was not mad at you or something, and correction, he is not my boyfriend." Pagsabi ko ng totoo. Bahala na kung anong isipin niya, bahala na kung magulohan siya basta'y wala akong sinasabing kasinungalingan.




"Come on Yanney, stop denying." He laughed, trying to tease me.




"It's the truth. We just have a.. uh.. a kind of.. of complicated relationship?" Shit! Ano bang pinagsasabi ko. Mas lalo lang siyang nalito at nagkasalubong tuloy ang dalawang kilay.




"Whatever. I just want to apologize." Seryoso niyang sabi.




"You don't have to apologize."




"Please accept my apology," He answered not looking at me.




I let out a sigh, no idea of why he was apologizing. "I don't know what's going on but your apology's accepted." It became more akward.




Tumango lang siya. Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Kugimiya. Uminit agad ang ulo ko pagkakita sa pangalan niya. Nagpaalam na ako kay Shanti para bumalik sa Vleeck. Nang makalayo ako sa cafe' shop ay sinagot ko ang tawag. Huminto muna ako sa tapat ng gate.




"Napatawag ka?" Masungit kong sagot.




Barrey: You're always mad babe




Napairap ako nang marinig na naman ang salitang 'babe'.




"Absent ka ngayon! Akala mo siguro ipapasa kita."




Barrey: I have an emergency meeting




"Ewan ko sayo! Emergency mo mukha mo! Sinungaling!"




Barrey: Don't be mad, I didn't know you're the clingy type. I'll come to your unit later.




I can almost imagine him grinning.




"What? Why?" I suddenly got nervous.




Barrey: We're going to study babe. Chill, you keep thinking other meanings.




He laughed which really annoyed me.




"Whatever!" Padabog kong binaba ang tawag at naglakad na pabalik ng office. Napasapo ako sa noo nang napagtantong naiwan sa table ni Shanti ang biniling milk tea. Hindi ko pa iyon nainom. Bwisit! Parang pumunta lang ako doon para makipagusap kay Shanti. Swerte talaga no?




Wala naman akong dalaw ngunit ang init init ng ulo ko. Parang sasabog ako dahil sa inis. Pagkatapos ng huli kong klase ay saktong tumawag si Hazel.




"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.




Hazel: How was last night baby girl?




Napaawang ang mga labi ko at dali daling lumabas ng office. "What do you mean?" Mahina kong tanong.




Hazel: Sus, kunwari ka pa. Pakilala mo sa amin ng maayos yung guy na yon ha?




"Hoy ano bang pinagsasabi mo, hindi ko nga yun boyfriend."




Hazel: Wag nang magkunwari kasi nahuli na. By the way, kita tayong tatlo ni Sofia sa Ramenagi Restaurant. Crave daw siya, tangunin natin mamaya kung buntis.




Malakas siyang tumawa.




"Busy ako," pagsisinungaling ko at kinagat ang ibabang labi, naguguilty. Bwisit, nagiging sinungaling na ako dahil sa gagong iyon.



Hazel: Ay umiiwas na sa mga kaibigan?




"Ha? Hi.. Hindi naman ako umiiwas busy lang talaga. Bawi ako next time."




Hazel: Sayang naman!




Dismaya niyang tugon.




"Promise babawi ako. Libre ko kahit saan niyo gusto kumain,"




Hazel: Sabi mo yan ha,




"Oo nga, promise."




Hazel: Magingat ka Anny.




Saktong-saktong pagkababa ng tawag ay nagtext si Kugimiya na hindi matutuloy ang tutoring session dahil may emergency na naman. Palagi nalang may emergency! Bwisit. Halos matapon ko ang cellphone ko dahil sa galit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan.




Matagal na nagdebate ang dalawang parte ng utak ko. Tatawag ba ako kay Hazel para bawiin ang sinabi o hahayaan nalang magmukmok sa unit. Shutang ina naman!




Hazel: Hello?




"Sama ako mamaya,"




Hazel: Huh? Gulo mo te!




"Uh.. Saturday pala bukas, so ok lang na ipagpapabukas ko na ang mga gagawin ko"




Hazel: What? Ngayon mo lang narealize?




"Oo, wag ka na magtanong basta sama ako, libre ko na."




Hazel: Sure ka ha!




Tumango ako kahit hindi naman niya iyon nakita.




Hazel: 7pm. I'll pick you up




"Wag na, malapit lang ang Ramenagi sa apartment ko,"




Hazel: Ok bahala ka. See you. Babu!




The call ended.





Dumating na ang inorder namin na ramen. Nagpagusapan namin na wala munang chikahan at pagkain ang unahin. Nagsimula nang kumain sa Sofia at Hazel kahit mainit pa ang ramen. Makapal kasi ang mga dila nila, kaya ganon! Pinapalamig ko pa ang akin at excited nang kainin... pero nagiba ang timpla ng mukha ko at nawalan ako ng gana nang makita kung sino ang pumasok sa restaurant.






***



Continue Reading

You'll Also Like

291K 20.5K 153
Tác phẩm: Toàn thế giới đều đang đợi người động tâm. Tác giả: Tố Tây Người gõ: Mia của bạn nè Beta: Hoa Hoa của bạn đây Ý là truyện này gõ nhanh quá...
196K 10K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...