You're Weird, I Like You! (un...

By unsunghero

6K 211 147

IF YOU'RE WEIRD, READ THIS. More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7--- A GAY??
CHAPTER 8---FIRST KISS
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -- CURSE THIS DAY!
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16-- the making.
CHAPTER 17
CHAPTER 18 --dance off.
part II -- dance off.
CHAPTER 19.
CHAPTER 20---too cold
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25-- he's back
CHAPTER 26

CHAPTER 22

243 11 21
By unsunghero

BARBARA'S POV

alam kong siya to. God knows how I miss this man.

isinandal niya ako sa pader, ang higpit nung hawak niya sa mga balikat ko, pinipilit kong tanggalin yung kamay niya ayoko ng ganito. Gusto maayos kaming mag usap.

"Steven ma- masakit yung pagkakahawak mo sakin. " sinabi ko habang nakatungo at pilit tinatanggal yung kamay niya. Pero wala akong narinig ni isang salita sa kanya.

"Kung gusto mo akong kausapin, yung maayos wag yung ganito nasasaktan ako" sabi ko ulit. unti unti niya ng pinakawalan ang mga balikat ko mula sa kamay niya. Natakot ako bigla wala naman kasi ako makita dahil madilim dito, hindi ko alam kung anong reaksiyon niya at basta basta na lang siya nanghihila at isasandal ako sa pader.

"bukas, kailangan na natin mag-usap." sabi naman ni Steven na may seryosong tono. Makikita mo ang pagtitimpi at galit sa boses niya, hindi pa rin niya ba ako napapatawad? hindi pa ba sapat yung ginawa ko ano pa ba? kulang ba talaga?

pagkasabi niya nun iniwan niya ako mag isa ng nakatayo dun, sobrang takot ang nararamdaman ko ano ba kasi ang dahilan naguguluhan na ako, bakit parang galit pa rin siya sakin? kailangan talaga namin mag-usap bukas, hindi ko na yun palalagpasin ang tagal ko tong hinintay no. Sobrang laki naman kasi sakin ng epekto nung lalaking yun, nakakatawa man isipin pero napansin ko sa lahat ng ginagawa ko kaya kong gawin lahat para lang sa kanya. Basta ba nandyan lang siya hindi bibitaw.

ilang minuto siguro ako dung nakatayo sa gilid, madami na ngang tao ang dumaan pero nandun pa din ako nakatayo sa sulok na madilim. Makapunta na nga kay Mark siguro nag aalala na yun ang sabi ko lang naman mag CR lang ako. Hinanap ko siya dun.

Ang hirap niya hanapin ha, kayo kaya maglakad sa madilim na lugar nato? bigla naman nag ring yung phone ko.

calling... Mark

"hello babe dito ako sa KKK" sabi ni Mark.

"ha anong KKK? pinapatawa mo na naman ako ha" sagot ko habang nakangite.

"dito sa Kasuluk-sulukan,Kadulu-duluhan at Kadilim-diliman hahaha" sabi niya ng tumatawa pa.

"Pweee ang korni mo din naman honey, may pa KKK ka pa dyan sige. I'm comi---"

Tugsh*******

araaay---

hindi ko na natuloy yung sinabi ko kay Mark dahil natisod ako or should I say tinisod ako? nagtawanan naman yung dalawang babae na nasa gilid ko. Sila Kate to at ang kanyang alipore, pero siyempre hindi nga nila ako nakikilala. DAHIL MADILIM.

ang sakit ng tuhod ko, magkakapasa yata umalis na ako agad dahil tumalsik yung phone ko hindi ko alam kung saan. gumapang ako na parang baliw at nagkakakapa doon, nasan na ba ang phone ko?

-___________________________________________________-

Ang malas ko na naman ngayon nakakinis naman eh, asaaaaaar.

may nakita akong kamay na nagaabot sa phone ko. Kinuha ko naman agad, at tumakbo na sa KKK na sinasabi ni Mark, hindi ma lang ako nakapag pasalamat dun sa lalaki. Oo lalaki nakita ko sa figure ng body niya kanina. Kaso hindi ko nakita yung muka, KASI NGA MADILIM. Naluluha na naman ako, nagiging iyakin na ata ako ah.

"Ang tagal mo naman babe ano bang ginawa mo?" tanong ni Mark.

"sige nga ikaw tatanungin ko, pag nagpunta ka ng CR anong ginagawa mo?" tanong ko naman sa kanya.

"hmmm umiihi, tumatae, nagsasalamin, naliligo at ano pa ba?" sagot niya naman. ay shemay ako pa ata ang pipilosopohin nito nag isip pa eh totoo naman ayun lang ginagawa dun.

"edi sinagot mo din yung sarili mong tanong!" sigaw ko naman sa kanya. napalakas kaya napatingin yung mga tao sa harapan namin.

Shhhhhhh...

"wag ka na maingay nagsisimula na." sabi niya.

duon sa buong movie nakatulala lang ako, ni hindi ko na nga maintindihan kung anong sinasabi at nangyayare sa pinapanood namin eh. Puro problema lahat akala ko pa naman makakatulong tong paglabas namin, kahit saan pala susundan ka ng problema. Isipin ko pa lang na may Kate na gustong agawin sakin si Steven. ay erase.. HINDI NGA PALA SIYA SAKIN AT NEVER SIYANG NAGING AKIN. Pero meron kasi kaming mutual feelings sa isa't isa, ang tanong meron nga baaaaaaaa?

OVERTHINKING...SUCKS.

pinipilit kong panoorin yung palabas kaso yung nasa harapan namin grabe kung mga maglampungan, gusto ko sanang sabihin na kumuha na lang ng motel at gawin ang dapat nilang gawin (censored ^_^)

nung nagsalita yung lalaki, alam ko na siya na naman yun. Para na naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Para na naman akong sinaksak ng ilang beses, para na naman akong sinakal na dahil sa sobrang higpit ang hirap ng huminga.

ano na naman ba ito? si Steven kasama si Kate? na ngayon ay magkayakap.

nakatuon ang ulo ni Kate sa balikat ni Steven, ta- tapos si Steven naman hinaplos yung buhok niya... hindi ko na kaya to.

agad ko ng hinila si Mark patayo hanggang sa makalabas kami, pakiramdam ko pag hindi pa ako lumabas dun mabablatan ko si Kate ng buhay.

Para ako pinapatay ng paunti-unti.

"Babe bakit hindi natin tinapos yung palabas? matatapos na naman yun eh" sabi ni mark habang pinapadyak yung paa. tsss parang bata.

"sorry hon nagutom kasi ako ayoko na ng popcorn, halika kain tayo sa Italianis tapos uwi na tayo ha" sabi ko habang pinipilit kong ngumite.

"haaaay sige na nga para sayo, halika na nga lakad na tayo, akbayan mo nga ako babe." sabi ni mark habang nakangise.

"ANO KA NAHIHILO? ANG YABANG MO NAMAN IKAW NA MATANGKAD NAHIYA NAMAN ANG MGA MAS MALIIT SAYO NO! HAHAHAHA" itawa na lang natin to sabi ko sa sarili ko. pero kahit ganun matangkad siya sinubukan ko pa din siyang akbayan kaso tumataas yung shirt ko na dahilan ng pag expose ng flat tummy ko.

"Babe wag mo na nga ako akbayan, nakikita na ng mga tao yung tyan mong malaki, nakakdiri ka!" sabi ni Mark na nandidiri.

"ang kapal mo talagang lalaki ka, ako may malaking tyan? flat kaya to! kapal mo haa sagadan ba talaga? ikaw nga dyan feeling macho hindi naman hahahhaha" sabi ko ng tumatawa.

"Anong hindi macho gusto mo ba makita yung muscles ko sayo yung abs kong malalaki ha? para mapatunayan ko sayo at makain mo yang sinasabi mo."sagot niya ng may pagyayabang sa tono.

" wushuuuuuu! sige nga ipakita mo sakin yang pinagmamalaki mong abs!!! sige ngaaaaa!" sabi ko naman ng may pang- aasar.

O__________________________________________________________O

O_________________________________________________________O

O_____________________________________________________________O

this isn't happening! this isn't real.

Oh ghaaaaaaaaad. bakit niyo po pinaghubad ng shirt si Mark sa harapan ko? at dito pa talaga sa mall ha! binibiro ko lang naman siya eh sheeeeez.

pero tama naman nga siya may abs siya, tukso layuan mo ako kaibigan ko lang to pero parang sara hawakan ng abs niyaaaaa!

SPEECHLESS AKO. 

nagbihis naman kaagad siya at natatawa, lahat ng ng tao dito na mga babae halos maglaway sa kanya. Bastos talaga nito, nakakdiri.

pagkatapos niya magbihis, ngumiti siya ng pagkalakilaki.

sabay yakap sakin....

at....

"sabing oh eto na para mas totoo ipaparamdam ko sayo yung sinasabi kong abs. hahahha" sinabi niya yan habang yakap yakap ako dito sa mall lahat sila nakatingin na samin at kinikilig sabi ko naman sa inyo kung makikita niyo kami mapagkakamalan niyong kami nga.

habang yakap ko si Mark nakita ko sa di kalayuan ang taong hiniling ko na sana hindi na lang niya nakita ito...

 ________________________________________________________________________

author's note:

hi guys actually ngayon lang ako nag AN hindi ako mahilig dito eh pero ngayon gusto ko lang magsabi ng some info's kung pano mapapabilis ang update nito. Hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa pero alang alang sa readers na padami ng padami itutuloy ko ito, kailangan ko lang ng inspirasyon kada mag sulat ako ng another chapter kasi madali akong tamarin, ay mali isa akong tamad mag update na author. Ano ba yung little favors na hihilingin ko?

-lumabas na sana yung silent readers dyan, kahit isang comment lang masaya na si Jewel.

-gusto ko i-click niyo yung vote button sa taas, 10 votes lang naman eh kada chapter pag walang 10 votes walang update selfish ba? sorry po yun lang naman po ang hiling ko.

-sabihin niyo sakin kung nag vote kayo, yung first 3 voters. sa kanila madededicate yung susunod na mga chapters.

thank you guys. sana binasa niyo to kasi eto na muna ang AN ko. (sa ngayon)

^_____^

Jewel.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 48.3K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
606K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.7M 72K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...