Strangers Love [ONE SHOTS]

By miZzYrhonne

9.6K 157 49

She ran away from home and met a stranger that help her forget everything. Even her heartaches and the marria... More

Author's Note
Stranger's Love II

Stranger's Love I

3K 43 21
By miZzYrhonne

Hindi ko maiwasang mainggit sa mga magkasintahang magkahawak-kamay at sobrang sweet na naglalakad sa dalampasigan habang may mga hawak na bulaklak sa kamay nila.

"Fuck you all!" naiinis na bulong ko. Tinapon ko sa harapan ko ang lata ng beer na iniinom ko.

"What's with this day? Wala namang importante sa Valentine's day! Tsk! It's only an ordinary day at wala namang bago," asar na wika ko sabay kuha ko ng beer na nasa tabi ko at saka ko ininom.

Gusto kong maglasing para mawala sa isip ko ang ginawa ng hinayupak kong ex. He just broke up with me and left me hanging at the restaurant. Paulit-ulit lang na nagre-replay sa utak ko ang sinabi niya bago niya ako tinalikuran.

"I don't want to see you anymore, I love someone else. Let's break up."

And guessed what? Nangyari lang 'to kahapon. At ngayon, Valentine's day, nagpapakasaya siya roon sa bago niya samantalang ako, heto, umiinom at nagpapaka-bitter sa mundo.

Fuck him to death!

"Happy Valentine's day for me!" bati ko sa sarili ko at ininom ang beer na hawak ko at hinayaang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako dahil sa ginawa sa akin ng taong minahal ko.

"How can he affect me this much?" tanong ko sa sarili ko at naiinis na sinabunutan ang buhok ko.

"I sacrificed everything just to be with him. I even abandoned my friends just for him. And then what? He just dumped me! Fuck you, Lawrence!" nanggigigil na sigaw ko.

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang damit ko bago ko kinuha ang plastic ng beer na nasa tabi ko kanina. Pero bago pa man ako makahakbang. May biglang matigas na bagay ang nakabangga sa akin, dahilan ng pagbagsak ko ulit sa buhanginan. Hindi ko napigilang magmura dahil sa sakit na nararamdaman ko. Masakit na nga ang puso ko, pati ba naman katawan ko pasasakitin din.

"Damn! Lahat na lang ba ng kamalasan sa mundo mararanasan ko? Hindi ba pwedeng magpahinga kahit sandali lang?" inis na sambit ko habang hinihimas ang puwetan at balakang ko.

Nagulat na lang ako nang may kamay na nakalahad sa harapan ko. Agad kong tinignan ang nagmamay-ari nito at pinaningkitan ng mata.

"I can manage," giit ko at tinabig ang kamay nito. Bastos na kung bastos, wala akong pakialam.

"Hindi mo kailangang tabigin ang kamay ko. I just wanted to help," seryosong saad nito na ikinataas ng kilay ko.

"Just wow! Did I ask you to help me?" Nakataas kilay ko pa ring sabi rito at inis na hinahaplos ang balakang ko.

"Look, I'm sorry kung nabangga kita. I didn't mean to." So, siya pala ang matigas na bagay na bumangga sa akin. In fairness naman, ang tigas ng katawan niya. Siguro may bato itong tinatago sa katawan kaya ganoon na lang kalakas at kasakit ang pagbangga niya sa akin.


"Tsk!" sambit ko nalang at tuluyang tumayo. Paika-ika kong nilagpasan ang lalakeng nakabangga sa akin. Hindi ko na namamalayang nakasunod na pala ito. Nagulat nalang talaga ako ng bigla-bigla nalang siyang nagsalita sa tabi ko. Kung may sakit siguro ako sa puso, malamang nasa morgue na ako ngayon dahil sa mga pinagdadaanan ko.

"Hey, I'm really sorry. I didn't really mean to bump into you. How can I make it up to you?" he pleaded.

"Just stay away, will you?" naiiritang sambit ko at mas binilisan pa ang paglalakad pero sadyang makulit talaga ang lalakeng 'to. At dahil na rin sa mabagal at paika-ika kong paglalakad naabutan agad niya ako at nakisabay narin sa akin at panay ang pangungulit.

Agad akong huminto at nakapamaywang na hinarap itong makulit na lalake. Tinignan ko siya ng matalim bago ako nagsalita.

"What's with you? Are you deaf or what? Didn't I tell you to stay away? Ano bang hindi mo maintindihan doon?" Naiinis na ako dahil imbes na sumagot ito, nginitian niya lang ako ng pagkatamis-tamis.

"Nang-iinis ka ba?" taas kilay kong tanong sa kanya, but he just shrugged his shoulders and smiled.

Aba't nang-iinis nga. Sinimangutan ko siya at pasalampak akong naupo sa buhanginan. Sinandal ko ang likuran ko sa puno ng niyog na nasa likuran. Stress na nga ang utak at puso ko, madadagdagan pa ng dahil sa makulit na lalaking 'to.

Naramdaman ko ang tahimik niyang pag-upo sa tabi ko. Dahil na rin siguro sa pagod na nararamdaman ko, kaya hinayaan ko nalang ito at hindi na pinansin pa. Nakakapagod din kasi ang magsalita ng magsalita. Kumuha ako ng beer sa plastic at binuksan ito bago dire-diretsong nilagok. I just want to get waisted at bahala na si batman sa akin. Nobody knew me here kaya okay lang kahit makita nila ako at my worse. The hell I care.

"It's too early in the morning and you're drinking a beer? How about you join me for breakfast?" nakangiti nitong aya sa akin ngunit napatawa lang ako ng mapait.

"Join you for breakfast or eat me for breakfast? Just get straight to the point, mister whoever you are," sarkastiko kong sabi sa kanya na ikinatawa lang niya habang umiiling-iling.

"Guys now a days nga naman. Kung hindi salawahan, gago, tarantado, panigurado katawan lang ang habol. Alin ka sa mga 'yon?" Uminom ako ulit ng beer.

"None of the above," sabi nito at tumingin sa dagat. "Huwag mo namang lahatin, because I'm not one of those guys you were saying. I really respect girls like I respect my mom. Huwag mo namang isiping isa ako sa kanila dahil hindi mo rin naman ako kilala. Hindi porke't ngayon lang tayo nagkakilala, you can think of me that way." Humarap siya sa akin at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Ramdam mo sa mga sinabi niya ang lungkot at sinsiredad kaya napabuntong hininga na lang ako. Nakangiti man ito sa harap ko, makikita mo rin sa mata niya ang kalungkutan.

Sadyang nasasaktan lang talaga ako ngayon kaya ko nasabi ang mga 'yon. It was really unfair for him that I was judging without knowing him. Na-guilty tuloy ako bigla sa mga pinagsasabi ko. Hindi niya naman ako masisisi dahil sa pinagdadaaanan ko.

"I'm sorry, I didn't mean to judge you. Hindi ko lang kasi mapigilan. I'm really sorry, hindi naman ako judgemental na tao eh," ikinahihiya kong sabi. Tumingin ako sa dagat at napabuntong hininga.

Bakit ba ang hirap ayusin ang pusong nasira?

"It's okay, I know how you feel. Kanina pa nga kita pinagmamasdan mula sa terrace ng hotel. You were talking kahit wala ka namang kausap. You can talk to me and tell me what's bothering you," seryosong saad nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Kanina? So, you were stalking me, aren't you?" Mapanghusga kong tingin sa kanya habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.

"To clarify things, I'm not a stalker. I'm just a concern citizen," pagkaklaro niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ko lang siya sandali bago ko itinuon ang paningin ko sa dagat. I didn't know if I could tell him because he was a total stranger. But something inside me pushing me to share what I felt.

Inubos ko muna ang laman ng beer at nagbukas ulit ng bago. Nilaro ko ang lata sa kamay ko bago ako nagsalita.

"Lovelife, family, friends, my life really sucks and I don't know how to handle it," malungkot kong umpisa habang nakatingin sa dagat.

"They want me to marry a guy that I don't even know..." I paused, tinatantiya ko kung ipagpapatuloy ko pa ba o mananahimik na lang. But I chose to continue, "then my friends..." malungkot kong saad bago nagsalita ulit. "Binigyan nila ako ng pagpipilian and they want me to choose only one. And I choose him over them. Kaya nagalit silang lahat sa akin and broke all their connections with me. Then, that fucking bastard just broke up with me and leave me dumbfounded in the restaurant. It's only because he loves someone else. Ganoon-ganoon nalang kung iwanan niya ako. Fuck him and this life!" dimayadong sigaw ko sabay tapon ng lata ng beer na hawak ko.

"God didn't give us struggles that we can't handle. Malay mo, may reason pala si God kung bakit ka niya binibigyan ng pagsubok na katulad niyan," mahinahon niyang sabi sa akin.

I sighed. "I don't know what to say. Hindi ko naman matanong ang Diyos sa nangyayari sa akin. I chose to be in this place, maliban nalang sa gustong mangyari ng pamilya ko. Nagbukas na naman ako ng beer.

"Why don't you try to talk to your parents? Maybe they have their reasons on fixing you a marriage," tanong nito na ikinailing ko lamang.

"I tried to talk to them but they won't let me. And they already set the date for that wedding without my consent. How could they do that to their own daughter, huh? I just want a valid reason and explanation from them pero hindi nila kayang ibigay 'yon sa 'kin." Hindi ko na napigilang hindi maiyak habang iniisip ko 'yon.

"Umalis ako ng bahay to meet my strength and the only person who could support me, but he just broke me completely. And now, I don't know what to do anymore. Ang akala ko matutulungan niya ako, but he just broke me into pieces." Napayuko ako dahil hindi ko kayang maipakita sa kanya ang mga luhang masaganang lumalandas sa aking pisngi. Sobrang nasasaktan ako.

Naramdaman ko ang paglapit nito at paghagod sa likod ko. Pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo akong napaiyak.

"I just want a simple life not a miserable one. Bakit hindi ko 'yon makamit?" umiiyak pa ring sambit ko. Tahimik lang na nakikinig ang katabi ko at hindi pa rin siya tumitigil sa paghagod sa likod ko. And I was thankful because of that. Kahit hindi ko siya kilala nagawa niya pa rin akong samahan at pakinggan. Kahit na pinagdudahan at pinagbintangan ko pa siya kanina.

"Hush, stop crying. May solusyon lahat ng problema na dumarating sa buhay natin. Maybe, masakit sa 'yo ngayon, but I know in time na magiging maayos din ang lahat. Just trust him," mahinahong sabi nito sa akin at patuloy niya pa ring hinahagod ang likod ko.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pag-alis niya, pero hinayaan ko na lang. Siguro napagod na siyang makinig sa mga sinasabi ko. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa paglabas ko ng sama ng loob.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
188K 6.1K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
59.9K 2.1K 54
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.