BARAKO SERIES: #2 Seduce Me...

Door coalchamber13

527K 14.5K 627

Except for his best friend, no one knows he's gay. He kept his secret until his Secretary discovered it one d... Meer

Seduce Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Wakas

Chapter 12

16.6K 481 15
Door coalchamber13

Parang may sariling isip ang paa ko. Naglakad ako palapit sa kinatatayuan ni Amanda. Ibang iba na siya ngayon. She looks more beautiful now.

" Amanda?" Tawag ko sa kanya. Napingon siya sa akin. Napangiti ito ng makita niya ako.

" Stefano" Mahinhin na wika nito. Iyon ang isa sa nagustuhan ko sa kanya napakamahinahon niyang magsalita. Pati sa paggalaw napakahinhin din.

" Long time no see. It's been 10 years?" Wika ko. Matagal na noong huling nakita ko siya. Graduation namin noon sa High School. Lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng halik sa pisngi.

" Yeah, ang tagal na dito pa tayo nagkita."

Hinampas niya ako ng mahina sa braso ko.

" How are you?" Tanong ko.

" I'm good. Sa ibang bansa ako nagwork pero umuwi na ako dito kasi namimiss ko ang family ko."

Napatango tango ako.

" Saang bansa ka ba nagwork?" Magmula ng mag-graduate kami ng senior high wala na akong balita mula sa kanya. Actually Amanda is my ultimate crush during our high school days. Mahiyain kasi ang beklash kaya hindi ako nanligaw noon. Tsaka confused pa ang lola niyo sa kanyang katauhan before. Ewan ko nagkakagusto ako sa lalaki pero nagkakagusto din naman ako sa babae.

" Sa London ako nagwork as a Nurse. Pagka graduate ko sa College nagtake ako ng board exam then nakapasa ako. Kinuha ako ng Tita ko para magwork sa hospital na pinagwoworkan niya. Nagwork ako doon ng for 2 years."

" So you'll be staying here for good?" Ngumiti ito sa akin.

" Yes. Actually, nagwowork ako ngayon sa PGH as a Staff Nurse. 3 years na ako dito sa Pilipinas. Okay naman ang pasahod although mas malaki ang sahod ko sa UK pero mas masaya naman dito. I really enjoy my life here unlike there nakakalungkot puro trabaho tapos malayo ka pa sa pamilya." Wika nito

" That's good to hear from you. Puwede ka b..." Naputol ang sasabihin ko nang may tumikhim sa likuran ko. It's Kuya Alex.

" Kuya Alex" Nakita kong kasama niya ang mga kaibigan. Kung sa ibang pagkakataon napapatili ako ng lihim dahil ang mamacho ng kaibigan ni Kuya. Pero nag-iba na ang ihip ng hangin. I don't know what happened.

Hindi ko nakita si Alonah na kasama nila. Bahala siya sa buhay niya kung saan siya nagpunta.

May lumapit na lalaki kay Amanda. Ang isa sa kaibigan ni Kuya Alex na si Redentor Dimasalang. Seryoso itong napatingin kay Amanda na ngayon ay parang takot na takot.

" Kanina pa kita hinahanap" Seryosonh wika nito kay Amanda habang matiim ang pagkakatitig niya sa kanya.

"P-Pasensya na." Napayuko ito.

" I'm talking to her ngayon lang kasi kami nagkita. We were catching up" Paliwanag ko baka kasi may masama siyang iniisip sa amin ni Amanda. Napatingin ito sa akin. Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig ko sa kanya. Nakipaglaban ako ng titigan.

" Excuse us aalis na kami." Wika ni Redentor. Tanging tingin na lang ang nagawa ni Amanda sa akin. Tumango ako bilang pagtugon sa tingin niya sa akin.

" Okay bro" Wika naman ni Kuya Alex. Tinapik nito sa balikat si Redentor. Gusto kong mapaismid sa yabang at angas nitong gago na ito. Ewan ko may something akong nararamdaman sa ugali niya.

" Kuya mag-ano sila ni Amanda at Redentor?" Tanong ko kay Kuya Alex.

" Magkasintahan sila matagal na. Siguro nasa 3 years na. Ewan ko kay Redentor kung bakit hindi niya pa mapakasalan si Amanda. Kita mo naman super sa ganda at super sa sexy ang girlfriend niya. Pero kung mambabae ang gago parang walang kasintahan" Napalatak pa si Kuya sabay iling nito.

" He was a lucky man to have Amanda because she's not only beautiful inside but also she was so kind." Wika ko.

Kung nagkita nga lang kami ng mas maaga aga. Baka niligawan ko na siya at malamang may asawa na ako ngayon. Duh, ikaw Stefano mag-aasawa? Hindi ba confused ka sa kasarian mo? Kaya nga wala kang jowa? Anang isip ko.

Pero sabi ko nga iba na ngayon. My feelings for her were already gone. Parang panahon lang lumipas na.

" Stefano kanina ka pa hinahanap ng sweetheart mo. Mukha nang hilong talilong sa kakahanap sa iyo" Natatawang wika ni Kuya Alex. Napabuntong hininga ako. Gusto na naman sigurong lumingkis. Pero gusto mo naman anang isip ko.

Naluha ako kasi nakita kong may kausap na babae si Stefano. Nagseselos ako kasi nakangiti siya habang kausap ang babae. Nakakasakit ng damdamin kung paano niya tingnan ang Amandang iyon. Siya pa din pala ang gusto ni Stefano magpasa hanggang ngayon.

Tumalikod na ako at nagpasyang umuwi na lamang. Wala naman na akong gagawin dito. Nakakapagod na kasing maghabol sa lalaking walang pagtingin sa akin. Ang sakit sa bangs kahit wala naman akong bangs.

Itinaas ko ang saya ko na may slit. Bakit kasi ang haba ng napili ng baklang iyon. Gusto niya siguro madapa ako at mapahiya. Buwisit siya. Napanguso ako.

Naglakad ako patungo sa kotse ko na nakaparada sa may di kalayuan. Nakaalis na ang mag-asawa para sa honeymoon nila. Buti pa si City nakita na niya ang ka forever niya. Ako nakita ko naman na pero malabo pa sa burak ng ilog pasig ang ka forever ko.

Napataas ako ng kilay nang nakita ko si Amanda at iyong kaibigan ni Kuya Alex na si Redentor. Parang galit na galit itong lalaki sa babae. Dinuduro pa nito na halos nakuyuko na ang babae. Matutuwa sana ako dahil inaapi itong babae. Pero siyempre mabuting nilalang naman ako.

Nanlaki ang mata ko ng hawakan nito sa mukha ang pobreng babae na umiiyak na. Kaya siyempre to the rescue ang beauty ko.

Teka lang mga besh itataas ko lang ang saya ko. Buwisit naman kasi itong takong na suot ko kanina pa ako kanda tapilok dito. Ginawa ko inalis ko na lamang at nagpaa na lang. Binitbit ko ang takong ko habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa.

Juskolord akala ko malapit lang malayo pala iyon. Hiningal pa ako ng bonggabels.

" Hoy, bitiwan mo siya. Walanghiyang ito!" Sigaw ko kay Redentor. Akala ko mabait iyon naman pala demonyo. Mukha lang siyang mala-anghel pero mala demonyo pala.

Tiningnan ako ng matalim ni Redentor. Hindi ako tinatalaban sa titig na ganyan. Sanay na ako palaging ganyan ang titig na binibigay ni Stefano sa akin. Pumameywang ako habang nakataas ang saya ko. Oh, di ba saya talaga.

" Don't meddle with us. Get out of here!" Sigaw nito sa akin. Hinaklit nito si Amanda habang nakangiwi na sa sakit ang babae dahil sa pagkakahawak nito sa braso.

" Get off her hand! Akala mo natatakot ako sa iyo? Gago ito baka gusto mong pukpukin kita ng takong ko makita mo!" Pagbabanta ko sa kanya. Halos manlaki na ang butas ng ilong ko sa inis.

" Nag-uusap lamang kami Alonah." Wika ni Amanda. Kahit nasasaktan na parang okay lang sa kanya na ginaganun siya ng boyfriend niyang demonyo.

Tinaasan ko ito ng kilay.

" Ah, ganern mayroon bang nag-uusap umiiyak tapos halos saktan ka na. Kulang na lang sinampal ka na at binugbog. Hoy girl wake up! Kung ganyan lang din naman ang syota mo naku tigilan mo na. Hindi ka magiging masaya diyan" Sabay tingin ko kay Redentor. Inirapan ko siya kahit mukha na siyang kakain ng tao.

At least iyong sweety pie ko hindi nanakit ng physical.

" Redentor Dimasalang baka isuplong kita sa kabaro mo na nanakit ka ng babae." Pagbabanta ko sa kanya. Bigla niyang tinulak ang kaawa awang Amanda. Napasubsob ito sa semento.

" I will deal with you later! And you pakialamera kang masyado!" Galit na sabi nito sa akin.

As if naman natatakot ako sa kanya. Sipain ko ang balls niya para mabasag na. Inambaan ko siya ng takong ko. Dinaluhan ko kaagad si Amanda para maitayo.

" Okay ka lang girl? Bakit kasi nagtitiyaga ka pa sa lalaking iyon? Hay naku hindi siya karapat dapat sa iyo. Sinasaktan ka na niya hindi na healthy yan. Kung sana pagkain siya mas maigi pa iyon. Hindi eh? Naku huwag kang magpaka tanga sa pag-ibig." Natigilan ako sa sinabi ko. Tanga din pala ako sa pag-ibig. Napabuntong hininga ako.

" Salamat Alonah." Nakita kong namumula ang pisngi niya. Dahil siguro sa pagkakahawak ng Redentor na iyon. Isusumbong ko siya kay Kuya Alex.

" Bakit hindi mo na lang hiwalayan ang gagong iyon. Buti nga hindi pa kayo mag-asawa. Siguradong impyerno ang buhay mo sa lalaking iyon kapag nakatali ka na sa kanya." Wika ko.

" Mahal ko siya Alonah. K-Kahit nasasaktan ako pinagpapasensyahan ko na lamang. May pinahdadaanan kasi aiya kaya kahit mahirap iniintindi ko siya. " Wika nito. Napanguso ako kasi parehas lang naman kami ni Amanda nasasaktan. Kung siya physically and emotionally ako naman emotionally lang pero masakit pa din yun. Atleast ang pisikal naghihilom pero sa puso mahirap nakatanim na puwede na ngang anihin sa sobrang mayabong na ang sakit.

" Bakit kasi yang pesteng pagmamahal na iyan ang nangingibabaw sa tao. Kata tuloy nasasaktan tayo. Sana may pusong manhid na lang para wala na tayong maramdaman." Litanya ko sa buhay.

" Pero Amanda hindi na healthy ang relasyon niyong dalawa. Ikaw ang nasasaktan hindi naman ang gagong iyon. Baka mas higit pa ang magawa niya sa iyo kapag pinatagal mo pa iyan. Payong schoolmate huh. Isipin mo ang sarili mong kaligtasan hindi ang puso mo. Dahil baka pagsisihan mo lang sa huli ang mga desisyon mo" Ginagap ko ang kamay nito.

Napayakap ito sa akin at doon umiyak siya sa balikat ko.

" Ito ang number ko if ever you need help call me okay. " Naawa ako sa kalagayan niya and at the same time nangangamba sa kalagayan sa lalaking iyon.
Kinuha nito ang calling card ko at isinilid sa handbag niya.

" Salamat Alonah. Don't worry pag-iisipan ko ang mga sinabi mo." Nakangiti ito pero hindi umabot sa mata.

Nalulungkot ako sa nangyayari kay Amanda. Ang sama ko naman pinag-isipan ko pa siya na aagawin niya si sweety pie ko. Malayo naman palang mangyari dahol may mahal ng iba si Amanda.

Speaking of that bakla. Hindi ko siya bati. Umuwi ako ng bahay na ang masama ang loob. Nakauwi ako ng matiwasay sa bahay. Sobrang traffic kaya ginabi na ako. Hindi ko na ginising si Mommy baka nakanganga na iyon at mahimbing na ang tulog.

Hindi naman na ako gutom kaya nagdiretso na ako sa silid ko para magpahinga. Buti na lamang weekend bukas kaya walang pasok.

Grabe ang sakit ng paa ko nagkapaltos paltos dahil sa kakalakad ko doon. Inilapag ko ang phone ko sa side table ko.

Nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Tumatawag ang bakla. Napanguso ako. Sasagutin ko ba ang walanghiya?

" Hello? Oo sinasagot na kita" Sabi ko kay Stefano. Oh, di ba makaasa wagas.

" What the hell Alonah! Baliw ka ba?! What are you talking about? Bakit kasi tinawagan pa kita" Nagsalubong ang kilay ko.

" Bakit sinabi ko bang tawagan mo ako?! Makareact naman nito. Bakla ka!" Sigaw ko dito. Nakakainit ng dibdib. Ang sakit sa keps ang ugali ni Stefano.

Nakakadami ng wrinkles. Narinig kong napabuntong hininga ito ng malalim.

" I called you to make sure if you go home safe. " Wika nito. Gusto ko sana mapangiti at kiligin pero naiinis ako sa kanya.

" Okay ako. Ito nga kausap mo pa ako. Kung wala ka ng sasabihin bakla ibaba ko na ang tawag." Naiinis na sabi ko.

" Okay sorry na. Gusto ko lang malaman na nakauwi ka ng matiwasay. Kanina pa kasi kita hinahanap." Napaismid ako. Baklang ito pa fall.

" Salamat sa concern. Matutulog na ako. Masakit kasi ang paa ko. Tsaka pagod ako sa biyahe. Umuwi ka ba dito sa Manila?" tanong ko.

" No, I'll be staying here hanggang Sunday. Okay, goodnight. Magpahinga ka na."

" Goodnight sweety pie ko. I love you" Wika ko.

Haist hindi ko talaga matiis ang baklang ito. Mahal na mahal ko kasi ang walanghiya. Kahit alam kong suntok sa buwan kung sasagutin niya ako ng I love too.

" Okay I love you too" Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang narinig ko. Nag I love you too din siya.

" Sweety pie.." Tawag ko.

Tot.. Tot.. To.... Tot..

Inend call na nito ang tawag.

Napahiga ako at napayakap sa phone ko na parang si Stefano iyon. Sobrang saya ko para akong nakalutang sa ulap. Feeling ko ako na ang pinakaswerteng tao sa balat ng earth.

He said I love you too. Oh my god! Sinagot na niya ako!

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

193K 2.9K 59
~She belong's to Him. @2015 @MissLStories
401K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
36.8K 2.3K 64
Xian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he n...