Chasing Chances [TSC Book 2]°...

By MadamKlara

91.1K 2.5K 1.6K

[Book II: The Stranger's Charade] It may be impossible but I will not let go of the chances my heart is cling... More

Prologue
Advisory
Chapter One: Believing
Chapter Two: Dream & Painting
Chapter Three: Hospital
Chapter Four: Sky and her Dream
Chapter Five: His Plea
Chapter Six: Memories
Chapter Seven: Condo
A Letter to You
Chapter Eight: Deal
Chapter Nine: Strawberry & Cherry
Chapter Ten: Fear
Chapter Eleven: Dream
Chapter Twelve: The Words
Chapter Thirteen: Welcome
Chapter Fourteen: Suspects
Chapter Fifteen: The Bomb
Chapter Sixteen: Make Sense
Chapter Seventeen: Memory of that Day
Chapter Eighteen: Dead
Chapter Nineteen: Unforgotten
Chapter Twenty: Home
Chapter Twenty-One: Memories & Promises
Chapter Twenty-Three: Mirana
Chapter Twenty-Four: Like a Dream
Chapter Twenty-Five: Uncover
You Can't Skip Ads
Chapter Twenty-Six: Bloody
Chapter Twenty-Seven: The Most-Awaited POV
Chapter Twenty-Eight: The Criminal
Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt
Don't Skip Ads
Chapter Thirty: A Night to Remember
Chapter Thirty-One: Last Bullet
Chapter Thirty-Two: Horrors of the Past
Chapter Thirty-Three: Love
Chapter Thirty-Four: Who's Cheating Who
Chapter Thirty-Five: In Love
Epilogue
Chasing Chances
TRIVIA:

Chapter Twenty-Two: Dreadful Truth

1.8K 60 70
By MadamKlara

The following days went by in a blur. Anthony continued the search for Nero Castillo but he was nowhere to find. He also tried looking for Wayne dela Vega, the cousin of the latter who I met at the hospital. Bigla tuloy akong napapaisip na baka nga tama ang hinala kong tuluyan ng nawala si Nero. Baka pinatahimik narin ito ng kung sino mang may gawa ng lahat. Kinakabahan ako kung sino pa ang madadamay. This has to stop.

"Zacchary! Anak? Zacchary?"

"Babe, si mama ba 'yan?" Tanong ni Chances. Nakahiga pa kaming pareho sa kama. It's still five in the morning. Sobrang aga pa.

"Zacc! Son, open the door."

Nagkatinginan kami ng asawa ko bago ako bumangon para pagbuksan si mama ng pinto.

"Zacc, your tita Miracle called. Mirana escaped the facility."

Frozen. That's the best word appropriate for myself when I heard the words from mama. Hindi ako makagalaw. Walang laman ang isip ko. Maybe there is but is frozen as well.

"Your tita Miracle is crying. Zacchary, you have to call your cousin. Your tita thinks he took her out." Mama continued, still not pacing down with her panic.

Si Arlo. Sana nga si Arlo nalang ang kumuha sa kanya. Sana hindi ibang tao. I should really have known better. I shouldn't have left Mirana alone in that facility.

After eyeing the keys on the table, I quickly took it and headed out of the room.

"Zacc! Where are you going?" I heard Chances shouting while I was running down the stairs. "Zacchary!"

Halos paliparin ko na ang kotse sa sobrang pagmamadali. Sinusubukan ko ring tawagan si Arlo habang nagmamaneho pero hindi ito sumasagot. Hinanap ko sila sa kung saan-saan. I checked the townhouse that Arlo and I used to live at when we were still studying. I checked his condo afterwhich. I checked everywhere. Pero hindi ko sila nakita.

Gayunpaman, hindi ako tumigil. Pumunta ako sa bahay nila, nag-aabang sa labas, nagbabakasaling uuwi siya. Habang nakatambay ako do'n, tawag ng tawag si Chances. Hindi ko 'yon magawang sagutin dahil sa sobrang pag-aalala kay Mirana.

Arlo. Come on! Para akong mababaliw habang naghihintay kaya kinausap ko nalang ang asawa kong kanina pa tumatawag. Sigurado akong nag-aalala lang 'to.

"Babe?" I mouthed. "I'm sorry. Are you okay there? How about the kids—" I paused when I heard my wife holding her breath from the other line. She's scared! "Baby? Talk to me. What is wrong? Please, just say something babe. I'm worried."

Ilang segundo pa ng katahimikan ang lumipas. Hindi na ako mapakali sa takot at pag-aalala mabuti nalang at narinig ko ang boses niya.

"It's..." Narinig ko ang patagong hagulhol niya kaya lalo akong natakot. She remembered something again!

"It's what, baby?" Malambing na sambit ko para mapakalma siya. "Love? It's okay. I'm going home. Shhh. Love, I'm going home."

Hindi ko pinatay ang tawag pero nagmamadali akong pumasok ng kotse para umuwi na. Hindi ko pa nabuhay ang makina ng sasakyan nang makita ko ang paparating na kotse ni Arlo at kasabay no'n ang masamang balitang nagmula sa bibig ng asawa ko.

"It's her."

"What do you mean? Who's her baby?" I asked, really scared.

"Mirana. She's the woman I told you about."

Umiling ako, hindi sa hindi ako naniniwala sa kanya, sigurado lang akong hindi magagawa ni Nana ang sinabi niya. Mirana is the most supportive of our relationship. It's impossible. She can't do it.

"No, babe."

"No? What do... What do you mean no? Hi—Hindi ka naniniwala sa'kin?" Tanong niya mula sa kabilang linya. "Right. Ba't niya gagawin 'yon? She's your bestfriend." She stated and I heard sarcasm in her tone.

"Hindi magagawa ni Mirana ang sinasabi mo, babe e. Kilala ko ang kaibigan ko e. Hindi gagawa 'yon ng bagay na ikakawasak ng puso ko."

"Okay. Sorry. Sorry kung 'yon ang naaalala ko. Sorry kong naalala ko ang bestfriend mo na tinatakot ako, pinagbabantaan ang buhay ko. Sorry kung—"

"Babe. Babe. Please understand me. I just... I'm sure it's not her." I heard myself say tp defend my bestfriend.

She sobbed for about a minute. I remained silent, waiting for her to speak up.

"Do you love her, Zacc?"

"Of course. She is like my sister, Chan."

"Good. Because she loves you too, more than a friend, more than a brother. Now go, find her. At magsama kayo."

"Chances naman. Don't—" I heard the beep, signifying that she ended the call.

I have to go home and fix this.

Napatitig ako sa kotse ni Arlo na nakaparada sa tapat ng kotse ko. Dala ng takot, nanginginig ang buong katawan ko. Feeling ko matutumba ako sa anumang oras kapag sinubukan kong bumaba dahil nawawalan ako ng lakas.

"Dude? Hey." Bati ni Arlo. Nakababa ang bintana ng kotse kaya natitingnan ko siya ng maayos. Hinanap ko sa mga mata niya ang sinabi ni Chances sa'kin. Pero napapailing lang ako. Hindi ko kayang maniwala kahit anong pilit ko. Asawa ko si Chances pero kilala ko ang kaibigan ko e. Hindi ko pa nga nakukumpirma ang bintang niya, nawawasak na ako paano pa kapag si Nana na mismo ang umamin.

"Arlo. We have to talk." I declared after composing myself. Nilakasan ko ang loob kong bumaba ng kotse para kausapin siya ng masinsinan. "Take me to Mirana."

"She's... in the facility. Ikaw ang naghatid sa kanya do'n, nakalimutan mo na ba?"

Binasa ko ang nasa isip niya sa pamamagitan ng mga mata niyang hindi magawang tumingin ng diretso sa'kin.

"May nagtakas kay Nana sa facility. Sa'n mo siya dinala?"

"May nagtakas?" He pretended astonished. "Zacc, nasa panganib si Nana! We have to find her!"

"You know where she is Arlo! You tell me, nasa'n si Nana!"

Ngumisi siya't kinuwelyuhan ako.

"Ang yabang mo Zacc! Ako? Ako talaga ang pinagbibintangan mo? Matapos kong hilingin sa'yo ng maayos na palabasin siya do'n!" Nanlilisik sa galit ang kanyang mata kaya naalarma ako.

"Kaya ano? Dahil hindi ko ginawa, itinakas mo?"

"Umalis ka na." Wika niya sabay tulak sa'kin. Tumama pa nga ng malakas ang likod ko sa sarili kong kotse. "Umalis ka na Zacc, baka makalimutan ko pang pinsan kita."

"Dude, I have to see Mirana." He said straightaway. "Get her out of there."

"Arlo, she needs it. Kailangan niyang magpagaling."

"Hindi baliw si Nana!" Sigaw niya, nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Alam ko. Pero kailangan niya ng tulong."

"No. You have to get her out of there! Look, man! I can take care of her! I promise to look after her-"

"Why didn't you tell me? Matagal mo na bang alam 'to, Arlo? Gaya ng gaano katagal nang nakaurong ang kasal niyo?"

"Hindi mo maiintindihan, Zacchary. Kahit kailan, hindi."

"Let me know! What's the truth?" I asked authoritatively.

Ang mga mata niyang kanina ay matapang na sumalubong sa titig ko ay naging matamlay. May takot na nakarehistro do'n na para bang ayaw niyang ipakita. Tumingin sa malayo si Arlo.

"Dude, come on. We don't hide anything from each other." I encouraged.

"You will never understand, Zacc." Umiiling na wika niya.

Akmang papasok na siya ng bahay pero huminto rin siya sa paglalakad nang magsalita ulit ako.

"Tungkol ba 'to sa asawa ko?"

Hindi siya sumagot. Nagsimulang bumugso ang galit sa puso ko. Parang sasabog 'yong dibdib ko at gusto kong saktan si Arlo.

"Man, answer me! Is it about Chances?"

"N-no! Lagi nalang Zacc, puro nalang si Chances! Matagal na siyang wala! Can you turn your eyes to the thing that really matters? Damn, Zacc. Puro ka Chances. Ang dami mong hindi nakikita ng dahil sa taong matagal ng wala."

Hindi. Hindi. Habang umiiling, pilit na itinatanggi ng isip ko ang mga bagay na binubulong sa'kin ng puso ko. Napakuyom na lamang ako ng palad para mapigilan ang bumubugsong galit sa dibdib ko. Gayunpaman, ang hirap pigilan.

"Alam mo ang totoo, Arlo."Deklara kong nagpakunot ng noo niya. "Ito ba ang sinasabi mong hindi ko kailanman maiintindihan? Na si Nana ang dahilan kung bakit nawalay sa'kin ang asawa ko?"

Napaurong siya sa paglalakad. Hindi siya humarap sa'kin kaya ako na ang kusang lumapit. Kinuwelyuhan ko siya para pwersahing magsalita.

"Sumagot ka!"

Nanginginig ang mga kamay kong kating-kati na saktan siya. Napakabigat ng dibdib ko, pakiramdam ko nga malalagutan ako ng hininga dahil sa sobrang sakit. At ang mga mata ko, natatabunan na ng luhang walang tigil sa pagdaloy sa pisngi ko kaya hindi ko na maaninag ng klaro ang mukha ni Arlo na gusto kong gulpihin.

"Utang na loob, Arlo. Sumagot ka! Tama ba? Ito ba 'yong hindi ko maiintindihan? Dahil puteeeek, Arlo! Talagang hindi! Kahit saan ko tingnan, wala akong maintindihan!"

"Sorry. I'm sorry."

Gusto kong mabingi sa pagkakataong 'yon. Hindi man lang niya sinubukang tumanggi.

"Aaaaaaaaahhhh!" Sigaw ko sabay suntok ng paulit-ulit sa kotse ko.

"Tama na. Zacc, tama na."

Sinubukan niya akong pigilan sa ginagawa ko kaya nagkaroon lang tuloy ako ng dahilan para saktan siya. Hinarap ko si Arlo at sinuntok.

"Tama na? Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Si Mirana? Bakit niya gagawin 'yon?" Naguguluhang naibulalas ko. "Sana hindi nalang ako nagising e! Kasi ito... Para na rin akong pinapatay nito. Paunti-unti. Paano niyo nagawa sa'kin 'to?"

"Dude. Makinig ka sa'kin."

"May papakinggan pa ako? Huh! Ano 'yon? Kung paano niyo nagawang ilayo sa'kin ang asawa ko? Kung paano niyo siya subukang patayin? Kung paano niyo itinago sa'kin ang totoo sa loob ng anim na taon?"

Gustong-gusto kong wasakin ang pagmumukha ng pinsan ko pero hindi ko magawa. Ang sakit-sakit ng puso ko. Sa sobrang sakit, ayaw ko na'yong maramdaman, maging ang pagtibok pa nito. Kaya pinagsusuntok ko ulit ang kotse ko, sa pag-aakalang mas mangingibabaw ang sugat sa mga kamay ko kaysa sa malalim na sugat sa puso ko.

"Tama na. Ako ang saktan mo, kung gusto mo. Stop it, dude."

"Bakit Arlo? Paano niyo nagawa 'yon sa asawa ko? Napakabuting tao no'n e! Does she even deserve it? What did she do to deserve it, huh? Paano niyo nakakayang pakisamahan ako araw-araw? Paano niyo nasisikmurang harapin ang mga anak ko matapos niyong kunin sa kanila ang ina nila?" Mahabang sumbat ko sa pinsan kong lumuluha na rin.

"Tama ka! Wala akong maintindihan. At 'wag ka ng magpaliwanag pa dahil tama ka, hinding-hindi ko maiintindihan."

Si Mirana. Nana. Bakit niya gagawin 'yon? Kaibigan ko siya e. Para na kaming magkapatid no'n. Hindi niya makakayang gawin 'yon. Hindi. Nana, bakit?

"Patawarin mo 'ko Zacc kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang totoo. Natatakot ako e. Natatakot akong saktan mo si Nana. Mahal na mahal ko 'yon e."

"Kaya kinunsenti mo?"

"Walang dapat kunsentihin Zacc! Si Mirana mismo, hindi niya ginusto! Maniwala ka, hindi niya ginusto ang nangyari, ang subukang patayin ang asawa mo."

"Eh tanga pala kayo e! Hindi niyo naman pala gusto pero bakit niyo ginawa! Nakakagago, Arlo!" Sigaw ko rito. "Pwede ba 'wag kang umiyak! Wala kang karapatang lumuha. Wala kang karapatang magpanggap na nasasaktan matapos niyo gawing miserable ang buhay ng asawa ko, ang buhay namin ng anak ko. Ako lang ang may karapatang masaktan, ako lang at ang pamilya ko."

"Zacc."

Pinunasan ko ang luhang namamasa sa pisngi ko. Habang tumatagal ang pagsalubong ko sa mga mata niya, unti-unting binalot ng galit ang puso ko. Galit na ngayon ay mas nangibabaw na kaysa sa sakit na nararamdaman ko kanina.

"Dalhin mo 'ko kay Mirana." Utos kong mukhang nagpasindak naman sa kanya.

"No. No, Zacc. Please just listen to me. I can explain everything." He muttered, panicking.

"You are not in the place to demand anything. Take me to her or I will kill you. I will kill you and I am serious!" Naibulalas ko sa sobrang galit.

"I'm sorry. I can't."

Dahil sa sagot niya, nanggigil ako't pinaulanan siya ng suntok. Kung hindi lumabas ng bahay si tita Bel at ang driver niyang umawat sa'kin, baka napatay ko na si Arlo.

"Ano'ng nangyayari sa'yo?" Sigaw ni tita na umiiyak at natataranta. "You almost killed my son, your own cousin!"

"He deserved it. A criminal like him deserves it, tita."

Tinigasan ko ang puso ko para lang 'wag umiyak at maramdaman ang sakit, para pigilan ang sariling makaramdam ng awa. They have to pay for what they've done to my wife!

"Now you get up there and take me to her."

Continue Reading

You'll Also Like

ALMOST By Á

Fanfiction

105K 4.3K 53
Sa isang iglap, magtatanong ka bakit mo din siya niyakap. Sa isang iglap, mapapangiti ka nalang bakit mo ulit siya tinanggap. Pipikit ka at kukurap. ...
5.4M 89K 70
One wrong send that leads to one great love story. This is Blue Bear and Ms. Loner's story :) (started writing this story when I was in 3rd year high...
132K 4.9K 74
Zia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know...
3.3M 41.6K 44
It has been 5 years since Kathryn left the Philippines, her friends, her life, her one and only. Now that she's back, everything has changed includin...