Class Genius 10

By SweetieeSea

84.7K 5.5K 984

A class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friend... More

Class Genius 10
Kabanata 1: (RH) Dissolved
Kabanata 2: (SC) Shout-out
Kabanata 3: (GS) Skimming
Kabanata 4: (CM) The Real Extra Prize
Kabanata 5: (TV) Unexpected Guest
Kabanata 6: (RA) Buko-Isla Valencia part 1
Kabanata 7: (AD) Mission Accomplished-Isla Valencia part 2
Kabanata 8: (MD) Degrees of Separation
Kabanata 9: (JH) Activated
Kabanata 10: (KF) When Fire and Ice Collides
Kabanata 11: (TV) Weird
Kabanata 12: (SC) Punishment
Kabanata 13: (RH) Here Without You
Kabanata 14: (AD) Friends
Kabanata 15: (GS) Fruit Galore
Kabanata 16: (RA) Spectacular
Kabanata 17: (MD) LQ
Kabanata 18: (JH) Reminisce
Kabanata 19: (CM) The Other Side
Kabanata 20: (KF) Fret
Kabanata 22: (AD) Unwell
Kabanata 23: (RH) Mem'ries
Kabanata 24: (MD) Play
Kabanata 25: (GS) Tulips
Kabanata 26: (CM) Ruined
Kabanata 27: (SC) Run
Kabanata 28: (TV) Meeting
Kabanata 29: (JH) Pres Vs. Best
Kabanata 30: (KF) The Boys
Kabanata 31: (GS) Moment of Truth
Kabanata 32: (RH) Decisions
Kabanata 33: (TV) Uno
Kabanata 34: (SC) Brave
Kabanata 35: (MD) Halloween Party
Kabanata 36: (AD) Deceiving Actress
Kabanata 37: (RA) Moving Out
Kabanata 38: (JH) Boy Bond
Kabanata 39: (CM) Stay the Same
Kabanata 40: (KF) Back to Zero
Kabanata 41: (TV) Revelations
Kabanata 42: (RA) Occupied
CLASS GENIUS GIRLS
CLASS GENIUS BOYS
Kabanata 43: (GS) Confusion
Kabanata 44: (JH) A Keen Observer
Kabanata 45: (CM) Preparations
Kabanata 46: (MD) School Fest
Kabanata 47: (AD) Coffee Talk
Kabanata 48: (SC) Sweet Dreams Or Nightmare
Kabanata 49: (RH) Job Offer
Kabanata 50: (KF) Birthday Wish
Kabanata 51: (MD) Figures of Speech
Kabanata 52: (SC) Silenced
Kabanata 53: (RA) Positivity
Kabanata 54: (AD) How To Save
Kabanata 55: (JH) Playing James
Kabanata 56: (CM) The Gift
Short Special Chapter: Twitter Post
Kabanata 57: (TV) Exception
Kabanata 58: (RH) Vows
Kabanata 59: (GS) Dilemma
Kabanata 60: (KF): Analyze
Kabanata 61: (AD) YOLO
Kabanata 62: (RA) Breaking
Kabanata 63: (MD) Misunderstanding
Kabanata 64: (RH) Embrace
Kabanata 65: (CM) Senyorita
Kabanata 66: (SC) Process
Kabanata 67: (JH) Unlucky
Kabanata 68: (TV) Stone
Kabanata 69: (GS) The Overthinker
Kabanata 70: (KF) Adjusted
Kabanata 71: (RH) Insane
Kabanata 72: (RA) Favor
Kabanata 73: (JH) Forgotten
Kabanata 74: (GS) Series of Events
Kabanata 75: (SC) Recalling
Kabanata 76: (AD) Visitor
Kabanata 77: (MD) Call a Friend
Kabanata 78: (TV) Experience
Kabanata 79: (CM) The Mission
Kabanata 80: (KF) Care to Share
Kabanata 81:(SC) Valentine Event
Kabanata 82: (JH) It's Her, After all
Kabanata 83: (AD) Assumptions
Kabanata 84: (GS) Reconnect
Kabanata 85: (RA) Dreams
Kabanata 86: (CM) Heart's Day
Kabanata 87: (TV) Explosion
Kabanata 88: (MD) Talk Active
Kabanata 89: (RH) Tough
Kabanata 90: (KF) We're Moving Up

Kabanata 21: (RA) Compete Complete

1K 67 1
By SweetieeSea

Robin

Nang pasampa pa lamang ako sa himpapawid panlangit ay tinapik agad ni Kier ang balikat ko. "You handle Rhacie, I owe you a favor. Anything." Pagkasabi ni Kier noon ay nilagpasan niya ako at naupo sa tabi ng bintana. Guess what? Nasa business class kami at bahala kami kung saan kami uupo.

Nakita kong papalapit si Nics sa upuan na katabi ni Rhacie, pero dahil mas malapit ako ay nauna akong maupo. Nakita ko nalang na napakamot si Nics sa batok niya at umupo sa kahilera namin.

"Oh Robin. Kailan mo pa ako ginustong tabihan?" Tanong ni Rhacie. Mukhang disappointed din kasi siya na inunahan ko si Nics.

"What's wrong? This seat isn't taken yet." Iyon na lamang ang sagot ko. Masyado naman kasi obvious na yung Nics na iyon ay gustong buntutan si Rhacie lagi.

At bakit ko ito ginagawa? Simple lang, dahil sinabi ni Kier. Sino ako para tumanggi kung may malaking pabor na kapalit? Kilala ang pamilya nila Kier bilang pinakamayayaman sa business industry, at wala silang hindi kayang gawin.

Iniisip ko na agad kung ano ba ang pabor na hihingiin ko. Hmmm. Siguro ay hihingiin ko nalang ang pinaka mahal na species ng mga snake pets at tarantula. O kaya magpatayo ng sarili kong zoo. Napapangiti ako sa naiisip ko.

Nakita ko naman na nagbabasa si Rhacie. Kumuha din ako ng libro at nagbasa habang hinihintay ang iba pa.

---

Myriads of people are visible to this arena. I can feel the coldness of the air that send chills through my spine. Grabe nakakakaba. Hanggang ngayon hindi ko maisip kung bakit nakasama ako dito. Knowing James and Sheen siguro ay ayaw nilang mapasama sa kumpetisyon kaya hindi nila ginalingan. Nakakaasar.

"Have a drink bro!" Bati ni Nics kay Calli sabay abot ng isang energy drink. Tinaggap naman iyon ni Calli.

Nakita kong hinablot ni Kier mula kay Calli ang inumin na iyon.
"Better drink an ion water than this."

Nagkibit balikat lamang si Calli at kinuha muli kay Kier ang energy drink. "Stop the hate Kier." Ani Calli at naglakad palayo kay Kier habang iniinom ang energy drink.

Ako lang ba ang nakakahalata? O talagang naging asal Gracie din si Calli.

Ang weird lang, parang hindi magkasundo ngayon si Kier at Calli. Pero mas weird ang inaasta ni Nics, kinukuha niya ba ang loob ni Calli?

Nagsimula na ang unang laban. Si Kier ay solo lamang sa overall quizbee na iyon. Kalaban niya ang mula sa bansang USA, Indonesia, China at Korea. Nanalo siya laban sa kanila.

"Wow, he really is a genius." Narinig kong puri ni Meriam. Nakaupo lamang kami sa isang hilera ng benches kaya naman rinig na rinig namin ang sinabi niya.

Bumaba na si Kier sa stage at nakikita naming naglalakad patungo sa amin, napansin kong umusod si Meriam na para bang gusto niyang tabihan siya ni Kier. Ngunit hindi parin sapat ang espasyo.

"Nics, lipat ka nalamang sa dulo." Turo ni Meriam, tinuturo niya ang katabing upuan ni Rhacie. Dahil doon ay dali dali akong tumayo at inunahan ko siya. Naupo ako sa tabi ni Rhacie.

"Ang weird mo Robin." Bulong ni Rhacie pero wala naman akong pakialam.

Kumaway si Meriam kay Kier at lumapit si Kier doon.
"Bakit?" Malamig na tanong ni Kier.

"Seat here." Ani Meriam habang tinatapik ang upuan na katabi niya. Malawak ang ngiti nito.

"Sorry. Please excuse me." Walang emosyong sabi ni Kier at dumiretso kung nasaan kami ni Rhacie. Naupo siya sa upuan sa harap ko at nakita ko naman na sumimangot si Meriam.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Meriam nang makita kong parang may sinasabi siya kay Kevin. "Ang sungit." She mouted, alam kong ayaw lang niyang marinig siya ni Kier pero pakuwari ko ay walang pakialam si Kier kahit marinig niya iyon o hindi.

Nagpapahinga si Kier dahil mamaya ulit ang kasunod na laban. Semi finals na iyon, at pagkatapos ng break ay finals naman.

Tinawag na si Calli at Rhacie dahil sila na ang lalaban sa by-pair. Agad naman silang lumapit sa may stage at naghanda.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laban. Nasa kalagitnaan ng pag sagot si Calli nang bigla siyang ma-out of balance at matumba. Nakita ang pagkagulat sa mukha ng bawat nanunuod. Agad namang inalalayan si Calli pababa at tinawag si Nics bilang substitute.

"Okay ka lang Calli?" Tanong ko dahil nakaupo na siya sa upuan kung saan kaninang nakaupo si Rhacie. Sapo niya ng icepack ang noo niyang nauntog ng bahagya.

"Hindi ko alam, parang bigla akong nanghina." Aniya.

Agad namang may kinuha si Kier sa bag niya at napagtanto ko na isa iyong ion water. Inahagis iyon ni Kier sa direksyon ni Calli at nasalo naman iyon ng isa.

"I warned you Calli, but you didn't listen." Malamig na sabi ni Kier.
Binuksan naman ni Calli ang inumin at agad niyang ininom iyon.

"I know Kier. I just want to give a try."
Ani Calli at muling uminom mula sa bote.

"But the feeling really sucks when you trust someone that has an attutide, your brain contradicts you, thinking and hoping that the person can change. But I guess not all the time, second chances should be given." Dugtong ni Kier.

Nabaling ang paningin namin sa stage. Napansin naman namin na umuuna sa pag sagot si Nics na tila nagpapakitang gilas kay Rhacie. May ilan siyang maling naisasagot at nakita kong tila nag aargumento sila ni Rhacie kung ano ba ang mas tama.

Nang lumabas ang results ay nakapasok parin sila. Muntik na silang malamangan ng kalaban, buti na lamang at tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang oras bago pa man makasagot ang kalaban. Tama ang sagot ng kalaban, kung nagkataon na umabot ang oras ay tanggal na sila Nics sa laban. Di katulad kay Kier na malaki ang agwat ng lamang sa kalaban.

Sumunod naman ay nilaban na din sila Meriam at Donna para sa spelling bee. Kapansin pansin na napakabilis lamang ni Donna sambitin ang mga letra na tila di na nag iisip kung tama ba iyon. Magaling silang pareho ni Meriam at nangibabaw sila.

Natapos ang buong event hanggang finals. Nanalo si Kier bilang overall first place awardee sa International Quizbee All Subjects Solo Category.

Si Nics at Rhacie naman ay bilang first runners-up sa International Quizbee All Subjects Duo Category.

Sina Meriam at Donna naman ay first runners-up din sa overall Spelling Category.

Ako, si Kevin at Calli ay nakakuha din ng certificate of participation. Nailaban din kami sa mga minor quiz at may mga award din kami.

Nanalo si Kevin ng award na Excellent Contender of the year dahil sa sunod sunod na pagsagot niya ng tamang sagot.

Si Calli naman ay bilang Most Persistent Contender. Dahil matapos nang mangyari ay sumali parin siya sa ibang minor quizes.

At ako naman ay nabigyan din ng award bilang Superior in Animal Science and Zoology Intelligence awardee. Matapos kong lampasuhin ang mga tanong na basic lamang para sa akin.

"Rhacie, pwede ba kitang makausap." Dahil sa inusal ni Nics ay napalingon na lamang ako. Akmang lalapit ako kay Rhacie pero sinamaan niya ako ng tingin at minuwestra niya ang nguso niya na ibig sabihin ay lumayo ako sa kanila. Patay na, wala na akong nagawa hindi ko na napigilan pa. Sorry Kier.

Hindi ko na lamang sinunod ang sinabi ni Rhacie bagkus ay tumalikod lamang ako at nanatiling malapit sa kanila. Nilabas ko ang isang libro sa bag ko na may title na 'Quiet' ni Suzane Cain at nagpanggap na nagbabasa ako. Kahit ang totoo ay nakikinig ako sa kanila.

"Rhacie. Yayayain sana kita bukas, kung okay lang naman sa iyo. Madami kasing panahon ang nasayang sa atin at dapat makapag-catch up naman tayo."

Magkakilala sila? Ano naman ngayon.

"Natutuwa ako at naisip mo iyan Nics! Sige game ako, saan ba tayo?" Ani Rhacie.

"Magpalitan tayo ng number para makapagtext nalang tayo. Baka kasi may nakikinig sa usapan natin at maudlot pa."

Parang nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Kier na inis kay Nics pero damang dama ko din na nakakainis at nakakasira ng mood ng araw ang lalaki na iyon kahit wala siyang ginagawa. Siguro iyon ang greatest talent niya.

"Solitude matters, and for some people, it's the air they breathe."
Pagkabasa ko ng line na iyon sa libro ay tumingin sa akin si Rhacie at Nics.

"I don't effin care about your plans, if you don't want anybody to hear your dumb conversation, better not talk. Wag kang magpaparinig kung may nakakarinig." Pagkasabi ko noon ay naglakad na ako palabas kung nasaan ang iba naming mga kasama. Bahala silang dalawa maiwan sila kaharutan nila.

---

"Anong nangyari?" Tanong ni Kier sa akin. Napansin niya siguro na bad mood na ako.

"Ano pa nga ba? That prickhead just ruined the day. I've never been annoyed like this in my whole life."

"I think we should not push ourselves too hard, lets just play the game. Go with the flow." Dama ko sa mga salita ni Kier na may binabalak siya. Knowing Kier, planning carefully speaks of his forte. Malamang di na siya mabibigo.

"Here." Napangiti ako nang inabot ni Kier ang isang reward card na may nakatatak na 'You are rewarded by a Faustino'. Isa itong maliit na metal card na kulay black and gold. Ang mga taong nakakatanggap nito ay maaaring humingi ng pabor kay Kirov Faustino, ang may ari ng maraming sikat na establisyemento sa bansa, ang ama ni Kier.

Tila nawala na ang init ng ulo ko. Dahil dito ay solved na ako.

Alas dyes na ng gabi nang makabalik na kami sa bansa at nagulat ako, maging ang mga kasama namin nang ipulupot ni Donna ang bisig niya sa bisig ko, akmang hinihila niya din ako.

"Ru-bin! Sabay na tayong umuwi sa condo!" Masigla niyang sabi. Parang hiniling ko na sana ay kainin ako ng lupa dahil sa kahihiyan na ito.

"kayo?" Tanong ni Meriam.

"Live-in? Bata pa kayo diba?" Ani Kevin kaya naman kumalas ako sa pagkakahawak ni Donna.

"Pag ba condo isa lang ang kwarto? Hindi ba pwedeng isang building at magkatabi lang ng unit? Mga malisyoso!" Ani Donna kaya naman natawa na lamang ang mga kaklase niya.

Sa pagkakataon na ito, para bang naiisip ko na huwag na lamang hingiin ang naunang naiisip kong pabor. Hingiin ko na lang kaya ang isang house and lot para malayo ako kay Donna?

"Susunduin ako ng kuya ko. Umuwi kang mag isa mo, may paa ka hindi ba?" Sabi ko sa kanya. Akmang hinawakan niya naman ang dibdib niya na para bang nasaktan sa sinabi ko.

"Can you be gentle kahit isang araw lang? Grabe, babae ako tapos hahayaan mo akong mag commute." OA ang tono ng boses niya. Mas OA pa ng triple sa boses ni Aira. Imagine niyo na lang.

Nandito parin kami sa Airport. Ang alam ko ay susunduin din sila Calli, at Kier katulad ko. Mag cocommute ata ang mga taga Einstein.

"Kier, diba nag vovolunteer kang maghatid? Bakit di ka mag volunteer ngayon?" Nagsalita na naman si prickhead. Mapang asar ang ngisi niya.

Wala akong nakitang kahit isang bakas ng inis kay Kier ngayon, siguro ay naaayon ang lahat sa naiisip niya. Kampante at relaxed lamang siya.
"Sure." Malamig na utas ni Kier. Nagulat ako dahil pumayag siya sa alok ng loko.

"Ako na ang maghahatid sa mga girls." Pagkasabi ni Kier noon ay nawala ang ngisi ni prickhead. Lumawak naman ang kay Donna at Meriam at nagtatalon pa ang dalawa.

"Bakit hindi ka magpapunta ng malaking sasakyan?" Reklamo muli ni Nics.

"Wala kaming bulldozer." sarcastic na sabi ni Kier kaya naman napatawa ng inis si Nics. Nice one Kier.

"Konti na lang bibingo ka na sa akin." Bulong na ngitngit ni Nics.

"Papunta na ang chauffeur namin. BMW M5 ang dala niya at hindi na kayo kasya doon. Sina Rhacie, Donna at Meriam na lamang ang isasabay ko."

Mabilis na pumarada ang isang pulang BMW sa tapat namin. Siguro inip na inip na si Kier umuwi kaya mabilis na sasakyan ang pinapadala niya.

"Hop in." Ani Kier sa kanila pagkatapos niyang buksan ang pintuan sa backseat. Mabilis na pumasok si Donna at Meriam doon, si Rhacie naman ay wala na ding nagawa. Aarte pa ba siya diba?

Umikot si Kier sa passenger seat at doon sumakay. Mabilis na umalis ang sasakyang lulan nila.

Nakita ko naman na naiinis talaga si Nics, silang dalawa na lamang yata ni Kevin ang mag co-commute. Nakatayo pa kaming apat, kami ni Calli ay naghihintay ng sundo. Ang dalawa naman ay naghihintay ng taxi.

"Kainggit. Mga bro baka naman pwede na rin makisabay?" Sabi ni Kevin sa amin ni Calli. Kumpara kay Nics, light lamang ang atmosphere kay Kevin at hindi ito nakakainis magsalita.

"Pasensya na kayo, susunduin lamang ako ng dad ko gamit ang family car namin. Duda akong magkakasya tayo doon dahil malamang, sumama ang mga kapatid ko." Tugon ni Calli.

Maya maya pa ay dumating na ang isang puting Toyota Wigo, totoo nga puno na doon pag sumakay si Calli. Sumaludo lang siya bilang pagpapaalam sa amin.

Di nagtagal ay dumating na din naman ang Sedan na lulan ni Kuya.
"Oh, sakay na din kayo!" Alok ni kuya sa kanila kaya naman dali dali silang sumampa.

Eto ang maganda sa mga taga Einstein. Makakapal ang apog. Di uso ang hiya, basta pag may chance, grab the opportunity agad sila.

Naupo ako sa tabi ni kuya at nagsimula na siyang mag drive. Akala ko ay magiging tahimik lang ang byahe, hindi pala.

"Ang bait niyo kuya ni Robin! Medyo malayo pa kasi ang bahay namin at nakakapagod kung byahe pa ang gagawin namin. Salamat ha! Thank you very big!" Ani Kevin at mukhang gusto na nitong umidlip pero energetic parin.

"Nako, wala iyon. Kaibigan naman kayo ng utol ko eh." Mali ata ng pagkakainterpret ang kuya ko.

"Huwag niyo na akong i-kuya. Tawagin niyo na lamang ako na parang tropa." Ani kuya.

"Ano ba name mo bro." Tanong ni Nics.

"Huwag kayong matatawa kung sasabihin ko?" Ani kuya. Gusto ko siyang pigilan dahil nakakahiya ang ginagawa niya.

"Sure!" Sabay nilang sagot.

"Bruce." Ani kuya. Nakita ko naman sa rear-view mirror na nagkatinginan ang dalawa na parang natuwa.

"Wow that's cool! Kayo palang dalawa ay si Batman at Robin?" Ani Kevin at napa-hagalpak na lamang si kuya.

"Thanks for the ride Batman!" Ani Nics.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko, pakuwari ko kasi ay sumakit na ito dahil sa mga Einsteinian na kasama ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

334K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
66.3K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
91K 140 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞