The God Has Fallen

By JFstories

7.7M 223K 115K

Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets... More

Prologue
The God Has Fallen
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 43
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50

Episode 20

383K 10.2K 8.3K
By JFstories

Episode 20

Rogue's POV


"OMG! Nagkabalikan na kayo?" bulalas ni Cassandra dahil kasama na namin si Jane.


Wala ako sa mood makipagtalo kaya iniwan ko si Cassandra. Gusto kong makausap ulit si Jane. Ipagtatapat ko na ang kasalanan ko. Gusto ko ring siguraduhin na sasama talaga siya sa akin pabalik sa city.


Napabaling ako ng tingin kay Jane na abala sa pakikipag-usap sa kanyang tribo. Isa-isa siyang nagpaalam sa mga ito lalo na kina Kandod at Jakod. 


Naging matiwasay ang paalamanan ng lahat. May kaunting iyakan dahil nga sa sasama na paalis sa amin ang pinuno nila na si Jamod. Si Jane ay sasama na rin. Ang mga ibang tribo ay gustong manatili sa isla dahil kinasanayan na talaga nila rito.


Speaking of pagsama sa amin ni Jane, sigurado na nga yata talaga na sasama siya. Nagpaalam na rin kasi siya sa lahat. At mukhang pinayagan na rin siya ni Dakila dahil hindi na nagpakita ang supot na iyon.


Kanina pa nga ako nakahanda sa pagsugod ni Dakila rito para umeksena, pero wala naman ito. It only means that he doesn't care about Jane anymore.


May humabol pa nga palang isa. Si Durat na tulala at tila natuluyan na. Ang matanda ay akay-akay ni Jamod. Sasama na rin daw ito.


Ang akala ko ay wala nang aberya, until bigla kong natanaw ko na papalapit ang isang matangkad na lalaki na nakabahag— si Dakila!


"Why are you here?" Hinarangan ko si Kreed sa kanyang daan. 


Napatanga ako nang makitang may bitbit siyang basket kung saan naroon ang mga gamit niya. At ang mga gamit na naroon ay sabon, anti-dandruff shampoo, aftershave lotion, razor, at deodorant. Seriously?! Saan niya napagkukuha ang mga iyon?!


Mas napatanga ako dahil ang paglalakad niya ay papunta sa bangka na ginawa namin. 


"I'm coming with you." Kalmado ang asul niyang mga mata.


"No."


Umismid siya. "Wala akong pakialam kung ayaw mo."


"I said no."


Lumapit sa likuran ko si Cassandra. "Don't let him. We shouldn't trust him."


"I know. Get the shit out of here."


Nakasimangot si Cassandra na bumalik sa bangka.


Ibinagsak ni Kreed ang bitbit niyang mga gamit. "Do we need to fight?"


"It's over for you, Kreed. Jane is mine. Sasama siya sa akin. She chose me."


"I don't care about the two of you. I just wanna leave this place. May hahanapin ako."


"At ano naman ang hahanapin mo?!"


Napaisip si Dakila. "Hmn... Pag-ibig?"


What the fuck?!


"Don't you get it? Ako ang pinili ni Jane kaya ako na ang poprotekta sa kanya."


"Do all that you want. Basta sasama ako paalis sa islang ito. Ayoko na rito. Ayokong maiwan kasama ang mga gurang."


"Just so you know, Jane loves me. And I love her. When we get back to the city, I will marry her."


Napahinto siya sa paglalakad. "I still don't get it why are you telling this to me."


"Huh?"


"I told you, I no longer care about the two of you anymore. Kahit magpakasal pa kayo ng isang libong beses, walang pipigil sa inyo." Pagkasabi niya niyon ay naglakad na siya papunta sa bangka.


Pasampa pa lang si Kreed sa bangka nang salubungin siya ni Jamod. "Dakila, mabuti at narito ka. Gamutin mo ko."


"Ano bang nangyari sa'yo?" yamot na tanong ni Kreed.


"Kumain ako ng isda. Natinik ako."


"Lumunok ka ng saging."


Humarap si Jamod kay Cassandra at humingi ng saging.


Inabutan naman siya ng babae.


Lumunok ng saging si Jamod. "Bakit ganun? Hindi pa rin nawawala."


"Sumubo ka ng malalaki at saka mo lunukin." Payo ni Kreed.


Ginawa naman ni Jamod. "Wala pa rin."


"Sumubo ka ulit."


Sumubo ulit ang matanda at lumunok. "Wala pa rin."


"Ulitin mo."


Inulit ng matanda. "Wala pa rin, dok."


Lumapit si Kreed kay Jamod. "Ngumanga ka."


Ngumunga naman si Jamod.


Sinilip ni Kreed ang lalamunan nito. "Wala akong makita. Saan ka ba banda natinik?"


"Sa paa."


Sinakal niya ang matanda.


"T-totoo naman. Kumain ako ng isda kanina, tas nakatapak ako ng tinik."


"That's enough." Pumagitna ako sa dalawa. Inabutan ko si Jamod ng sagwan. "Oh, magsagwan ka na."


"Bakit ako?"


"Mamili ka. Magsasagwan ka o gagawin kitang sagwan?" Inabutan ko rin si Kreed ng isa.


Kinuha naman ito sa akin ni Kreed at nagsagwan siya.


Jane was just a few steps away from him. Mayamaya lang ay nilapitan siya. "Masaya ako na kasama ka, Dakila."


Tahimik lang si Kreed habang nagsasagwan.


Ilang sandali pa ay umandar ang bangkang sinasakyan namin. Nakatanaw kami sa mga tribo na nakatanaw din sa amin. Sabay-sabay kumaway sa amin ang mga ito.


Finally. Makakaalis na rin ako sa impiyernong islang ito. And when we get to the city, I promise I will marry Jane. But first, I have to introduce her to my parents. Then to the Black Omega Society.


Napapikit ako. I will tell her about what happened between me and Cassandra. Wala akong itatago sa kanya. I swear na magiging tapat ako sa kanya.


Nakatanaw pa rin si Jane sa isla kahit maliit na lang sa paningin namin ang kanyang mga katribo.


Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ko siya nilapitan. "Ayos ka lang?"


"Pihadong mananabik ako sa islang ito. Lagi ko itong maaalala."


"Hey." Hinuli ko ang kamay niya. "Kung gusto mo bumalik dito, babalik tayo dito."


"Talaga?" Namilog ang mga mata niya.


"Basta kailangan muna natin makauwi sa city. Madali lang sa akin na makabalik dito."


Bumalik ang mga mata niya sa isla. "Masaya ako kung ganun."


Pinisil ko ang kamay niya. "Pangako, babalikan natin ang islang ito."


Lumakas ang hangin kaya bahagyang tumabingi ang bangka. Nagkataong patayo pala si Cassandra nang mga sandaling iyon para dumampot ng prutas. Kaya naman bago siya tuluyang makatayo ay nawalan siya ng balanse. Ang ending ay nahulog siya sa tubig.


"H-help!" sigaw niya.


"Uy kabawasan din yan. Hayaan niyo na," singit ni Jamod.


"Kreed, save her!" utos ko sa lalaki.


"I can't swim either." He was so calm.


"Are you fucking serious?!"


Nagulat na lang ako nang biglang tumalon si Jane sa dagat patungo kay Cassandra. That was when I realized na nasa gitna na pala kami ng karagatan kaya malalim na ang tubig.


Lumangoy si Jane at mabilis na nalipat si Cassandra. Hinawakan niya ang leeg nito upang iangat sa tubig at saka hinila palapit sa bangka.


Nang makalapit sila sa amin ay kinuha ko si Cassandra paahon sa tubig. Kasunod niya si Jane na walang kahirap-hirap na nakaahon agad.


Jane is an excellent swimmer.


Kandaubo si Cassandra nang makaahon. "W-what the hell is that, Rogue?!" reklamo niya sa akin.


"I thought you were just kidding."


"I-I almost died, for Pete's sake!"


"Ayos ka lang ba?" Hinimas ni Jane ang likod niya. "Wala ka bang nainom na tubig."


Tahimik lang na tumango si Cassandra na parang hindi pa rin makapaniwala. Of all people, si Jane pa talaga ang walang-salitang nagligtas sa kanya.


Si Jane ang nilapitan ko at inalalayan patayo. "Ayos ka lang?"


"Wag kang mag-alala, Bathala. Magaling ako lumangoy."


Pasimple kong pinisil ang kanyang baba. She's fucking hot when she's wet. "I know." Kanina pa ko nanggigigil sa kanya.


Nakatingin lang si Cassandra kay Jane. Pero iba na ang mababasa sa kanyang mga mata. Maamo na ang mga ito.


...


Rogue's POV


CASSANDRA was just staring at me all day. And to be honest, parang may nag-iba sa kanya bigla. Malamlam na ang minsan ay nanlilisik o nang-aakit na mga mata niya.


"Cassandra, you should sleep now," sabi ko sa kanya.


Hindi siya kumibo. Umiwas lang siya ng tingin sa akin.


"Go on. Matulog ka na. Ako na ang magbabantay rito."


Tulog na kasi si Jamod. Napagod sa pagkanta kanina pa. Pagkatapos niya kasing kantahin ang "Unfaithful" kumanta naman siya ng "Flashlight." Kaya siguro ang bilis niya nakatulog.


Mahimbing na rin ang tulog ni Jane nang mga oras na iyon. Kumalma na kasi ang dagat at wala ng alon. At dahil lumubog na ang araw, dumilim na rin ang paligid. Liwanag ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw sa gitna ng karagatan. Malamig ang hanging panggabi kaya kahit si Kreed nakatulog na rin.


Ito na lang si Cassandra ang hindi matulog bukod sa akin. Kapag napatulog ko na ito, totokhangin ko na si Jane. Sa totoo lang ay kanina ko pa ito plano. Hindi ko pa nga lang magawa dahil sa impaktang ito. Bakit kasi ayaw niya matulog?!


Malawak ang ginawa kong bangka at kakasya ang sampung katao. Matibay ito dahil bukod sa yari ito sa troso, nilagyan ko rin ito ng extension na gawa sa kawayan para bumalanse sa bangka. Kahit papaano siguro ay makakayanan naming tawirin ang alon sa ganitong set up.


"Ano bang nangyayari sa'yo?" sita ko kay Cassandra. "Kanina ka pa makatitig sa akin ng ganyan."


"It's nothing." Napabuga siya ng hangin.


"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na."


Biglang sumeryoso ang mukha niya. "I really like you, Rogue."


"Pag-aawayan na naman ba natin 'to?"


"Actually, I'm planning to quit on you."


Napapailing na lang ako. Wala akong ibang gusto kundi ang makatulog na siya.


"Do you love her?"


"I really do."


"I said to myself that I will do anything, even the impossible, para sa huli ay tayong dalawa." Naglandas ang mga luha niya. "You know, nakakahibang sa isla. Naisip ko lang na baka pwede tayong dalawa. Pero nang iligtas ako ni Jane, na-realize ko na napaka-selfish kong tao. Sa kabila ng mga kalokohan ko, isinugal niya ang sarili para lang iligtas ako."


"I still don't get your point—"


"Nothing happened." Hindi na niya ko pinatapos.


Namilog ang mga mata ko.


"W-we were kissing. We were about to have sex when you moaned Jane's name." Pinunasan niya ang mga luha niya. "You were so drunk and you thought I was Jane."


Nawala ako sa sarili at niyakap ko siya. "Thank you." I was grateful that she told me that truth. Nawala na ang bigat sa dibdib ko.


Tinabig niya ako at kumawala siya sa akin. "Palalampasin kita ngayon, Rogue. Pero kapag nagkamali ka pa ng isang beses, hindi na kita pakakawalan."


"Don't worry. That won't happen ever again."


Mapait siyang ngumiti sa akin.


"Oh, paano. Tulog ka na. Ako na ang bahala dito." Iginiya ko na siya pahiga. Kulang na lang ay ipag-hele ko pa siya.


...


Jane's POV


Malamig ang simoy ng hangin sa gitna ng karagatan ngunit napawi iyon ng mainit na haplos na mula sa taong kilalang-kilala ko. "Bathala..."


Sa pagdilat ng aking mga mata ay namasdan ko ang perpektong mukha ng taong pinakamamahal ko at nakatakda nang makasama habangbuhay.


"Nagising ba kita?" Kasing init ng mga palad niya sa aking balat ang kanyang boses.


Umiling ako at ngumiti. Sinilip ko si Jamod na nasa dulo ng balsa at ngayo'y naghihilik na. Sa kabilang dako naman ay naroon si Dakila na nakasandal sa poste na kinakabitan ng bubong ng aming balsa, nakapikit na rin ito.


"S-si Diwata?" mahinang tanong ko.


Ngumiti si Bathala at lumapit sa akin. "Tulog na." Nasa likuran ko pala si Diwata at ngayo'y tulog na tulog na rin.


"Ikaw? B-bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Sa klase ng mainit at nakakapaso niyang haplos at titig ay alam na alam ko na ang pinaplano niya kaya gising pa siya.


Bahagya siyang yumuko upang hagkan ako sa tungki ng aking ilong. Napapikit ako sa init na hatid ng mga labi niya.


"Jane, nilalamig ka ba.." Ang mga haplos niya sa aking braso ay bumaba at umabot sa aking tagiliran, patungo sa bewang hanggang sa aking mga hita.


Napakapit ako sa kanyang matigas na dibdib. "Hmn..."


Ngumisi siya at hinila ako pahiga sa balsa. Pahalang ang aming posisyon. Agad siyang pumatong sa akin para takpan ang katawan ko sa lamig na nakabadyang dumating. At sa isang iglap, napalitan ng nakakapasong init ang lamig na dala ng gabi at karagatan.


"Mahal na mahal kita..." sambit niya habang hinahalikan ang aking leeg.


Pigil na pigil ko ang sarili ko na makalikha ng ingay. Mabuti at nakisama ang buwan na bahagyang nagtago sa mga ulap upang mabigyan kami ni Bathala ng pagkakataon na maging isa sa dilim. Sana lang ay walang makapansin sa amin. Sana sa aming mga kasama ay walang magising.


"Jane... hindi kita papabayaan..." sa bawat pagdikit ng mga labi niya sa aking balat ay may mga binabanggit siya na nagdudulot ng ligaya sa puso ko.


Alam ko sa aking sarili na hindi ako nagkamali sa desisyon kong ito. Hindi ako nagkamali na mahalin si Bathala at magtiwala sa kanya nang buong puso.


Magkayakap kami sa ilalim ng madilim na langit at kapwa may ngiti sa mga labi.


Hinagkan niya ako sa ulo habang hinahaplos ang aking buhok. "Paliligayahin kita, Jane. Pangako iyan..." may hingal pa sa kanyang tinig.


Tiningala ko siya. "May gusto akong sabihin, Bathala..."


Kumunot ang kanyang noo.


"Bathala, gusto kong malaman mo na magkakaanak na tayo..."


Natulala siya sa akin ngunit saglit lang ay napangisi siya. Hindi nagtagal ay mariin nang magkalapat ang aming mga labi.


...


Rogue's POV


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sumaboy na tubig sa aking mukha. Kasunod non ang malakas na tunog ng kulog at paguhit ng kidlat sa kalangitan. Si Jane agad ang hinanap ng aking mga mata dahil wala siya sa aking tabi.


What the hell is happening?! Bakit napakalakas ng uga?!


Sa pagod ko ay ni hindi ko man lang namalayan na pagewang-gewang na ang bangka at napunta na ako sa dulo nito. Ang pagkamanhid ng aking balat ay unti-unting nawala dahil sa paglakas ng patak ng ulan mula sa kalangitan.


Fuck! There's a typhoon!


"Jane!" sigaw ko nang hindi ko na matagpuan sa bangka ang aking mga kasama. Lahat sila, wala!


Hindi ko pa matatanaw ang malalaking alon na sinasalubong ng aming bangka kung hindi pa muling kumidlat. Napakadilim kasi ng paligid dahil ni isang bituwin ay wala!


Muling kumidlat, and this time ay sunod-sunod na iyon. Mainam upang makita ko ang paligid. Para akong idinuduyan nang malakas.


"Rogue!" Nasa likuran ko pala si Cassandra na nakakapit sa bangka. Ang kalahating katawan niya ang nakalubog na sa karagatan. Kanina pa pala siya sumisigaw ngunit kinakain ng alon at kulog ang kanyang nanghihinang boses.


Nilapitan ko agad siya at hinawakan ang kanyang braso. Halos kasing lamig na siya ng yelo.


"S-save me, please..." Nangangatog siya at saka ko napansin na may sugat siya sa noo at pisngi.


"I got you." Hinila ko siya, pero nahihirapan akong ibalik siya sa bangka. Malakas ang hangin at alon na tumatama sa amin. Kahit ako ay muntik nang bumagsak sa tubig.


"R-Rogue!" Kandakapit siya sa braso ko.


"W-where is everybody? Where is Jane?!"


"I don't know! Bigla na lang tayong tinamaan ng malakas na alon–" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang matabunan kami ng isang malaking alon.


Kamuntik na akong makabitaw na pagkakahawak ko sa bangka. But Cassandra suddenly disappeared.


"Damn it!" Tinanaw ko ang karagatan ngunit hindi ko na siya nakita. "Cassandra!!!" hiyaw ko. Pero mukhang tuluyan na siyang naglaho.


Nagtatakbo ako sa kabilang dulo ng bangka. Wala akong pakialam kahit halos tagilid na ito at pahulog na ako.


May biglang humawak sa binti ko na nagpatingin sa akin sa tubig. Ganoon na lang ang aking gulat ng makilala siya. It was Jane and she looked so weak ngunit nakuha niya pang makasampa sa tagilid na bangka.


"Jane!" Inalalayan ko agad siya upang isandal sa aking dibdib.


"B-Bathala..." She's crying. May mga sugat siya sa braso at balikat.


"A-anong nangyari? Ayos ka lang ba?"


"W-wala na si Jamod," aniya na nangangatal. "Inanod na ng alon!"


"Jane..."


"S-sinubukan ko siyang iligtas, pero nawala siya sa alon," she cried.


Niyakap ko si Jane at hinagkan siya sa noo. "Shh..." alo ko sa kanya. "Eveything's gonna be fine." Kahit na takot na takot ako sa pwedeng mangyari.


Malalaki ang alon na natatanaw ko papunta sa amin at nakakabingi ang malakas na kulog at hangin. I don't think we could survive. Mistulang palito ang bangka namin sa gitna ng karagatang ito.


"S-Si Dakila? Nasaan siya?" Lumingap si Jane sa paligid. "Si Diwata?"


"Wala si Dakila nang magising ako. Si Cassandra naman ay biglang naglaho matapos kaming tamaan ng malaking alon."


"A-anong gagawin natin, Bathala? Ayoko pang mamatay." Napahawak siya sa kanyang tiyan.


"Listen to me." Ikinulong ko ang kanyang mukha sa aking palad. "Hindi ka mamamatay, okay?"


Luhaan ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang labis na takot.


"Makakaligtas tayo. Makakauwi tayo sa city." Pagkasabi ko niyon ay niyakap ko siya nang mahigpit. "I'm not gonna let you die. Hindi kita pababayaan. Hindi ko kayo papabayaan."


Yumapos din siya sa akin. "N-natatakot ako."


Kamuntik na kaming bumagsak sa tubig dahil sa isang malakas na alon. Mabuti at nakakapit kami.


Napasiksik si Jane sa dibdib ko. Kapwa kami nanginginig sa sobrang lamig. "A-ayokong magkahiwalay tayo..." iyak niya.


"No. That's not gonna happen." Napatingala ako sa madilim na kalangitan at wala akong ibang nakita kundi ang masungit na panahon. How I wished na sana ay masamang panaginip lang ito.


What am I gonna do? We lost everybody. I don't wanna lose Jane. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanyang masama. Sa kanila ng magiging anak namin.


Tumingala sa akin si Jane at tinitigan ang aking mukha. "R-Rogue..."


And that was the first time na tinawag niya ako sa pangalan ko.


"M-mahal na mahal kita..." she said while her body's shaking.


Siniil ko siya ng halik. "M-mahal na mahal din kita. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo ni baby..."


Niyakap niya ako nang mahigpit sa leeg. "M-mangako ka..."


Umuga ang balikat ko. "P-pangako..." pumiyok ako.


Pagkatapos nun ay isang dambuhalang alon ang bumuhos sa amin. Sa lakas ng impact nito ay tumaob ang bangka namin at nilamon kami ng dagat. Nakabitaw si Jane sa aking palad and we almost drowned.


I tried to reach her hand, but I failed. Kitang-kita ko kung paano siya dahan-dahan na papalayo sa akin. Takot na takot siya habang inilalayo siya sa akin ng tubig.


I have to save her. I got to save her!


Hanggang sa inanod na ako ng tubig at nawalan ako ng malay tao.


...


Rogue's POV


Malabo sa paningin ko noong una ang kisame. Pero sa pagkatagalan ay lumilinaw na sa akin ang paligid.


I'm in a hospital bed. I felt numb at first, pero unti-unti ay nararamdaman ko na ang katawan ko. I have dextrose injection on my left hand. Binaklas ko ito at sinubukan kong bumangon. Napahawak ako sa aking ulo. I feel dizzy.


What happened? Bakit ako nasa hospital?


"Rogue?"


Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. It was Voss Damon Montemayor standing at the door.


"Damon?" nanliit ang aking mga mata pagkakilala sa kanya.


"God!" Lumapit siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "You're finally awake!"


Napatingin ako agad ako sa binata. "I'm in the city, right?"


"What do you mean?"


Biglang nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari. I was in the middle of an ocean. Naalala ko na ang lahat.


Kumapit ako sa braso ni Damon. "Where's Jane?"


"Jane?" Kumunot ang kanyang noo. "Who's Jane?"


Napamura ako. "What happened to her? Nandito rin ba siya?" Nilingap ko ang paligid. Ako lang ang pasyenteng nasa kwartong ito.


Biglang bumukas ang pinto at humahangos si Ryder Vito Deogracia. Nasa likuran niya lang si Lion Foresteir. They were both panting. Hindi sila makapaniwala habang nakatingin sa akin.


"You're finally awake, bro!" Lumapit agad sa akin si Ryder.


"I'm fine. I made it, right?"


"Huh?"


"I'm in the city, right?"


Nagkatinginan si Damon at Ryder. "You never gone out of the city."


Naningkit ang mga mata ko. "What do you mean? I've been in an island."


Napahilamos si Ryder. "That's impossible."


"What do you mean impossible?"


"You've been in a coma." Si Damon ang sumagot.


"W-what?" Napatingin ako sa palad ko. "For how long?"


"Eight months."


Parang sasabog ang ulo ko sa sinabi niya. "But you found me in the ocean, right?"


Tumango ang dalawa.


"But before that, I've been in an island."


"No," ani Ryder. "You're just here at the hospital the whole time."


Mahina akong napahalakhak. "That's not true. I've been trapped in an island. I was in my private yacht when an accident happened."


Damon grabbed my shoulders. "Rogue." Malamlam ang kanyang mga mata. "Isang araw matapos ang aksidente mo sa yate ay natagpuan ka na agad at dinala rito sa ospital."


"What the hell are you saying, Damon?!" Ngayon lang ako nainis nang ganito sa pinsan ko. "Ginagago mo ba ako? Nasa isla nga ako—"


"Imposible na napunta ka pa sa isang isla sa loob ng isang araw lang. Bakit kami magsisinungaling sa 'yo? You can check your hospital records if you want."


"T-that's a lie... You're just lying..." Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi pwede ang sinasabi nila. "Listen, men, ito ang nangyari... tinangay ako ng alon sa isang isla. At almost eight months akong na-stranded doon!"


Nagkatinginan sila. Nasa mga mukha nila ang di pagkapaniwala, pagtataka at awa para sa akin.


Hinagip ko ang kamay ni Ryder. "Please tell me... W-where the hell is Jane? Is she safe?"


Umiling siya. "We don't know who is Jane."


"Si Jane! Iyong nakasama ko sa isla!"


Napayuko sila. Nanginginig ang katawan ko sa galit. Bakit pinapahirapan pa nila ako?!


"Where is she?! Nagkahiwalay kami sa karagatan! Nandito rin ba siya sa hospital? Kung ayaw niyo akong samahan sa kanya, ako ang hahanap sa kanya!" Sinubukan kong tumayo pero inawat nila ako.


"Dude, you just woke up from coma," awat ni Ryder sa akin.


"I need to see Jane!"


Napailing si Damon. "There is no Jane, Rogue."


"Of course there is. Nakilala ko sila sa isla. Si jamod, Kreed, Cassandra, Durat..." Isa-isa ng naglandas ang mga luha ko. "W-where are they? Where is Jane?"


"I'm sorry, bro." Tinapik ni Ryder ang balikat ko.


Sinakap kong makatayo at tumapak ako sa floor. Sinubukan nila akong awatin pero hindi na nila nagawa. Pilit ko silang itinutulak palayo.


Pagkatapak ko sa sahig ay doon ko naramdaman ang bigat ng katawan ko sanhi para matumba ako.


"Shit! Shit!" Hindi ko mailakad ang aking mga paa. Ni hindi ko maitukod.


Inaalalayan nila ako para makatayo pero tinabig ko ang mga kamay nila. Gumapang ako papunta kay Lion. Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin.


Nang makalapit ako sa kanya ay humawak ako sa paa niya. Umupo siya at inalalayan niya ako na makatayo.


"I met her..." sabi ko sa kanya. "Your younger sister."


Namilog ang kulay abong mga mata niya.


"Jane Adoni Foresteir, right? I met her."


Nagdilim ang kanyang mukha.


"We need to find her, Lion." Nagtatagis ang aking mga ngipin. "We need to find her!"


"That's beyond impossible, Rogue."


Natigilan ako. "W-what do you mean?"


"Jane died a long time ago."


"Huh?" Tila ako naitulos sa aking pagkakatayo.


"Namatay siya bata palang kami."


Napaluhod ako. Isa-isang pumatak sa sahig ang mga luha ko. "No... that's not true..." Para akong masisiraan ng bait.


"Rogue." Umupo si Damon upang pumantay sa akin. "Whoever you met... whoever Jane is..." natigilan. "The truth is... they are all in your dreams."


"Oh, God... no..." Napahagulhol na ako sa aking mga palad.


"All of them. They never exist."



Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 219K 53
After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice and pushed everyone away. But now that L...
2.4M 72.8K 37
THIS STORY WILL BE FREE ON AUG 17, 2022. Kenna has long accepted that no matter what she does, each and every relationship of hers won't last. Meetin...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.4M 44.8K 48
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela Merced. Masungkit kaya niya ang puso nit...