Chasing Chances [TSC Book 2]°...

By MadamKlara

91.1K 2.5K 1.6K

[Book II: The Stranger's Charade] It may be impossible but I will not let go of the chances my heart is cling... More

Prologue
Advisory
Chapter One: Believing
Chapter Two: Dream & Painting
Chapter Three: Hospital
Chapter Four: Sky and her Dream
Chapter Five: His Plea
Chapter Six: Memories
Chapter Seven: Condo
A Letter to You
Chapter Eight: Deal
Chapter Nine: Strawberry & Cherry
Chapter Ten: Fear
Chapter Eleven: Dream
Chapter Twelve: The Words
Chapter Thirteen: Welcome
Chapter Fourteen: Suspects
Chapter Fifteen: The Bomb
Chapter Sixteen: Make Sense
Chapter Seventeen: Memory of that Day
Chapter Nineteen: Unforgotten
Chapter Twenty: Home
Chapter Twenty-One: Memories & Promises
Chapter Twenty-Two: Dreadful Truth
Chapter Twenty-Three: Mirana
Chapter Twenty-Four: Like a Dream
Chapter Twenty-Five: Uncover
You Can't Skip Ads
Chapter Twenty-Six: Bloody
Chapter Twenty-Seven: The Most-Awaited POV
Chapter Twenty-Eight: The Criminal
Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt
Don't Skip Ads
Chapter Thirty: A Night to Remember
Chapter Thirty-One: Last Bullet
Chapter Thirty-Two: Horrors of the Past
Chapter Thirty-Three: Love
Chapter Thirty-Four: Who's Cheating Who
Chapter Thirty-Five: In Love
Epilogue
Chasing Chances
TRIVIA:

Chapter Eighteen: Dead

1.9K 58 42
By MadamKlara

"Zacc! Zacchy! We miss you."Mirana squealed when I opened my eyes. Everything was blurry but I was sure it's her, my bestfriend who is always by my side. "Tita! Arlo, call tita. Call the nurses!"

Umalis si Mirana saglit at pagbalik niya, may karga-karga na siyang bata. Isang munting anghel na kamukhang-kamukha ng asawa ko.

My wife. Where is my wife?

Inilibot ko ang tingin ko sa silid pero wala si Chances. The people present in the room were my bestfriend, my cousin, the kids and my mom who just arrived.

"Oh honey, we miss you. Wait, I'll get baby Zacchy." Paalam niya matapos akong yakapin at hagkan sa noo. Bumalik siya na karga-karga ang isa pang batang lalaki na kamukhang-kamukha parin ng asawa ko. "Look, son. He looks like his mom."

"They both do." Mirana interjected, referring to the baby she's carrying as well.

Naramdaman kong sumilay ang ngiti sa labi ko. Unti-unti 'yong lumapad lalo nang maabot ko't mahawakan ang malambot na kamay ng dalawa kong anghel.

"Chances. Where is Chances?" I asked in my groggy voice.

Nagtinginan silang lahat. Habang palipat-lipat rin ang tingin na pinupukol ko sa kanila, walang ni isa ang naglakas loob na sumagot sa tanong ko.

"Nana, ma! Where is my wife!?" Sigaw ko sa kanila. Hindi. Mali ang iniisip ko. Naalala ko bigla ang araw ng aksidente. Bago ako mawalan ng malay, nakita ko si Chances, nakaputi. Binubulong niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal. Pero ang mga mata niyang hilam sa luha ay nagpapaalam. "Please! Tell me, where is my wife!?"

"Dude."Arlo bravely responded. "She's—"

"She's what? Please call her. I want to see her. I want to see my wife. Please call her."sambit ko ng paulit-ulit. May mainit na tubig na dumaloy sa bawat gilid ng mga mata ko. Samantala, walang umaalis. Walang lumalabas o kumikibo para tawagan ang asawa ko. "What? Call my wife, didn't you hear me?"

"Zacc, she's gone."Arlo said. I wanted to get up from bed to strangle him when said it. "She's gone for a year now."

"Arlo, get the fuck out of here! That is not a good joke!" I angrily shouted at him.

My wife! Where is my wife! That can't be her goodbye! She can't be gone.

"Umalis ka dito! Wala kang karapatang makita ang anak ko!"

Nang marinig ang sigaw na 'yon, narealize kong ito ang realidad at ang nakikita ko kanina ay isang panaginip mula sa nangyari no'ng nakaraan. Binuksan ko kaagad ang mga mata ko. Nasa silid si Arlo, si mama, si Divina at maging si papa.

"Asawa ko po ang nandito. Kailangan niya ako." Umiiyak na sagot ni Chances.

"You are not my daughter-in-law! She was gone! You are not a good impostor. Now, you leave or I will call the police!"

"Ma! Tama na 'yan!" Singit ko. Napatingin silang pareho sa'kin. Mabilis na nakatakbo si Chances papunta sa'kin.

"Zacc. Hindi mo na ulit gagawin 'yon. Hindi mo na ulit ako papag-aalahanin ng ganito."

"Babe."

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? O kaya inum—" Hindi na niya natapos bigkasin ang salita dahil hinila ko siya papalapit sa'kin. Niyakap ko siya ng ilang minuto, sinigurado sa sarili kong totoong hawak at yakap ko ang asawa ko.

"I love you babe." I whispered as I breathed relief on top of my lungs. Goodness, hindi ko kakayaning mawala ulit ang babaeng 'to.

"Mahal na mahal kita." Malambing na wika niya sabay haplos ng pisngi ko. Mayamaya ay yumuko siya para abutin ang labi ko para sa isang matamis na halik.

Hindi naman masama ang kondisyon ko. Nawalan lang ako ng malay dahil sa pagbagsak ko sa daan matapos kong salubungin ang kotse. Halos pitong oras lang akong walang malay, ayon sa doctor. Dahil, negative naman ang results ng mga tests, pinayagan akong i-discharge sa hospital. Everyone is in the hospital room except for one. Except Miranan. Paalis na sana si Arlo nang mapansin ko 'yon kaya tinanong ko siya.

"Hey dude, where's Nana?"

Hindi ako matingnan ni Arlo ng matagal kaya may mga konklusyong nabubuo sa ulo ko.

"She's... She's out of the country. She actually called to check on you. Uuwi nga sana e pero sinabi ko na namang okay ka." Sagot niyang hindi nagawang kumbinsihin ako. Malungkot ang mga mata ng pinsan ko kaya nakonsensiya ako bigla. Baka naman, apektadong-apektado siya sa pagkansela ni Mirana sa kasal nila. In two months na dapat 'yon. "Mauna na ako sa inyo, tita, tito, Zacc." Tumingin siya saglit kay Chances at ngumiti rito bago umalis.

"You can leave. Kami ang mag-uuwi sa anak namin." Sabi ni papa kay Chances.

"Hindi kami, Gary. Ako lang." Giit naman ni mama na nagpasinghap sa'kin sa inis. Hanggang ngayon ay hindi pa napipirmahan ang annulment papers nila. Umabot na nga sa korte ang kaso nila kaya lang ay mukhang may kinalaman si papa kung bakit napapatagal ang proseso. Na-busy naman si mama sa pag-aalaga sa mga bata kaya di na niya pinrioritize ang annulment.

Mula nang mawala si Chances, sinubukan ni papa na buoin ulit ang pamilya namin. Pero hindi na ulit pumayag si mama na bumalik pa siya. Lagi siyang dumadalaw sa bahay sa loob ng limang taon. Hindi siya sumuko. Minsan, sinusuyo niya ang mga anak ko para lang makalapit kay mama. But my mother just thought that he doesn't deserve that chance he's asking. Hindi naman sila nagkahiwalay legally pero ayaw na ni mama na ayusin ang sa kanila ni papa. She just really wanted him out of his life.

"Hindi ako uuwi na kasama kayo. Kung may uuwian man ako, sa asawa ko 'yon, ma, pa."

"Itigil mo na ang kahibangan na 'to! Mamili ka Zacchary, ang babaeng 'yan o ang mga anak mo?"

"Tita, alam kong mahirap paniwalaan. Pero 'wag niyo naman pong gawin 'to. Hindi ko ho iiwan ang anak niyo. Hindi lang dahil ako ang asawa niya, kundi dahil mahal na mahal ko ang anak niyo." Singit ni Chances na nagpangiti sa'kin. It's the same line she said that day when mom went to her house. Ang kaibahan lang siguro ay dahil kasinungalingan lang 'yon nang sabihin niya noon at alam kong totoo ang nararamdaman niya para sa'kin ngayon.

"Hindi ko pa naaalala lahat ngayon pero papatunayan ko po sa inyo na nandito ako, hindi para lokohin kayo. Nandito ako, bumalik ako, dahil dito sa tabi ng anak niyo ako nararapat." Mahinahong wika ni Chances sa mga magulang ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Tita Veronica, naaalala ko na 'yong araw na ipinanganak ko sina Chance at Zac. Kayo ni Mirana ang nando'n. Ikaw, hanggang sa huli. Sana naman po ngayon, 'wag niyong ipagkait sa'kin na makasama ang mga anak ko." Lumuluhang pagsusumamo niya. "Lima—anim, anim na taon akong walang maalala, malayo sa mga taong dapat lagi kong kasama. Ako dapat 'yong nasa tabi ng mga anak ko no'ng lumalaki sila. Pero hindi. Wala ako nang lumaki sila. Kung sana sa paggising ko, naalala ko kaagad 'yong sarili ko, o kaya 'yong nangyari sa hospital, hindi aabot ng ganito katagal bago ako bumalik." Pinipigilan ni Chances na mapahagulhol. But she failed. "Tita, bigyan mo 'ko ng pagkakataong patunayan sa'yo na nagsasabi ako ng totoo."

Katahimikan. Binalot ng katahimikan ang silid dahil hindi magawang sumagot ni mama.

"DNA test o kahit ano. Lahat ng gusto niyong examination, lahat ng proseso para lang mapatunayan ko, gagawin ko ho."

Isang text mula sa phone ko ang sumingit sa malalim na usapan. I felt the need to check it so I did. It was from an unregistered number, letting me know that I am one of the suspects of Dr. Ramirez' death.

What?

Wait. Binasa ko ulit ang mensahe.

Good morning, sir Zacc. This is Anthony. I've been trying to reach you since yesterday. I am just letting you know that you are one of the suspects of Dr. Ramirez' death. Please call me once you get this message.

Anthony? Anthony Manuel? The private detective that I hired to find Symphony Anderson and Ajax Vinzon?

"Zacc? May problema ba?" Mom asked after noticing my silence.

"Tito Francis is dead." I muttered out of my head.

Dahil sa nangyari, hinayaan muna namin ang mga bata kay mama. Sinabi niya narin namang bibigyan niya ng pagkakataon si Chances. Gusto kong ipaliwanag kay mama ang lahat para maniwala siyang ang asawa ko ang kasama namin pero pakiramdam ko, habang tumatagal ay nauubusan ako ng oras. Kaya naman, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, tinawagan ko kaagad si Anthony para makipagkita sa'min.

"I've prepared everything, Zacc, all the footages of the day he went to your house which was already a week ago and some footages I have obtained from the hospital after that. You can easily get out of the situation. What I am worried about is the person who tipped you to own his death."

"Tito Francis may have planned to reach out or tell me the truth. Anthony, I'll talk to the authority. I want you to send your men to watch over Mr. Nero Castillo. Kung iisang tao lang ang nasa likod ng pagkawala ni Chances noon at ng pagkamatay ni tito, nasa panganib ang buhay ni Nero. And while Chances cannot remember anything, Nero is my only hope to know the truth."

Napahawak ng mahigpit sa'kin si Chances. Sa pinapakitang ekspresyon ng mukha at mga mata niya, halatang natatakot at kinakabahan siya.

"Magiging okay ang lahat, Chan." She nodded before leaning her head on my shoulder.

Like what Anthony assured, I was free from the allegation of being the person behind tito Francis' death. A week went by in a blur. Nailibing na si tito. Sa bahay naman, okay ang naging takbo. Chances stayed with mama to look after the kids. Lihim kong ipinagpasalamat 'yon dahil napagtutuonan ko ng pansin ang pag-iimbestiga sa nangyari six years ago.

Out of the blue, I thought of Mirana. When solving cases everytime we watch Detective Conan when we're kids, Mirana was always right. She always guessed the right criminal. Well, this is real life Zacchary.

Wait. I don't think she's really out of the country. Arlo lied to me that day. I have to see Mirana.

Pagkababa ko ng kotse, nang nasa tapat na ako ng bahay nina tita Mira at tito Sven, may namataan akong babae na mabilis na sumakay sa itim na kotseng nakaparada sa may kalayuan. Pamilyar ang stance nong babae pero hindi ko lang matiyak. Galing siya sa loob ng bahay. From the looks of it, sa likod siya dumaan. Balak ko sanang sundan pero mabilis itong nakalayo. Kinabahan ako dahil hindi lang si Chances ang nasa panganib, hindi lang ang pamilya ko, pati pa si Mirana, sina tita at tito.

"Zacc, son? It's been so long since you last went here." Salubong ni tita sa'kin. Kahit nakangiti siya ay hindi nakatakas sakin ang malulungkot niyang mga mata.

"Tita, is everything okay?" I asked which broke her to tears. "Tita?"

"Zacc, hindi ko alam kung anong nangyayari sa anak ko. Hindi na niya ako kinakausap. Siguro... Dahil lang 'to sa kasal di ba?" Naiiyak niyang wika.

"Tita, I'll talk to her."

"Hindi ko alam kung kakausapin ka niya. She's only talking to Arlo for the past weeks. I don't understand what's going on. Sometimes, I feel the need to ask for help. Pero hindi naman nababaliw ang anak ko e."

What is going on? From the way tita talks, it seemed like Arlo lied about Mirana leaving the country.

"Tita, ilang araw ng nagkukulong si Nana?"

"I am not sure, son. Maybe, a month or more. I don't know. Ang tito Sven mo, pinapagod nalang ang sarili sa trabaho dahil sa pag-aalala."

"Don't worry tita, she will be fine. I will talk to her."

Sa unang pagkakataon, kinakabahan akong makita ang kaibigan ko. I was always excited to see her before. What is going on?

"Mirana!" Sigaw ko matapos buksan ang kwarto at makita siyang may hawak na cutter. "Nana? Ano'ng problema? Ano'ng nangyari? Bitiwan mo 'yan. Mirana, ibaba mo 'yan!" I panicked.

"May mga naririnig ako Zacchy. Ang dami-dami nila." Sambit niya bago humagulhol sa tuhod niya. Diretsong pumatak ang luha ko habang pinapanood ang isa sa mga pinakamahalagang babae sa buhay ko. Mirana is like a sister to me.

"Nana, magiging okay ang lahat. Makinig ka sa'kin. Look at me." Sumunod naman siya. Habang nagmamakaawa ang mga mata niyang nakatuon sa'kin, maingat na kinuha ko mula sa kanya ang cutter. "It's okay. Hsssh. It's okay." I whispered while I enclosed her in my arms. "Tell me Nana, what is wrong?"

"They're all dead." She murmured like how scary people say it in movies. But when she cried, it was like the ending of titanic, heart-breaking. "I was supposed to save them. They all died, Zacchy."

Habang niyayakap ko siya, nilingon ko si tita Miracle na nakatayo sa may pintuan, tahimik na umiiyak. Pinipigilan ko ang bugso ng damdamin ko pero mahirap pigilan. Nasasaktan akong nakikita sa ganitong sitwasyon ang kaibigan ko. Kaya naman, wala ring tigil sa pagdaloy ang luha sa'king mga mata tulad ni tita.

"I'm sorry Zacchy." Mirana whispered before she passed out in my arms.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 35.4K 70
You give up your strong, your beauty, your passion and now you are becoming a nerd!, a stupid nerd because of one boy, who hurt you a lot! And after...
187K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
3.9K 206 46
Seven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven se...
87.2K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...