Chasing Chances [TSC Book 2]°...

By MadamKlara

91.1K 2.5K 1.6K

[Book II: The Stranger's Charade] It may be impossible but I will not let go of the chances my heart is cling... More

Prologue
Advisory
Chapter One: Believing
Chapter Two: Dream & Painting
Chapter Three: Hospital
Chapter Four: Sky and her Dream
Chapter Five: His Plea
Chapter Six: Memories
Chapter Seven: Condo
A Letter to You
Chapter Eight: Deal
Chapter Nine: Strawberry & Cherry
Chapter Ten: Fear
Chapter Eleven: Dream
Chapter Twelve: The Words
Chapter Thirteen: Welcome
Chapter Fourteen: Suspects
Chapter Sixteen: Make Sense
Chapter Seventeen: Memory of that Day
Chapter Eighteen: Dead
Chapter Nineteen: Unforgotten
Chapter Twenty: Home
Chapter Twenty-One: Memories & Promises
Chapter Twenty-Two: Dreadful Truth
Chapter Twenty-Three: Mirana
Chapter Twenty-Four: Like a Dream
Chapter Twenty-Five: Uncover
You Can't Skip Ads
Chapter Twenty-Six: Bloody
Chapter Twenty-Seven: The Most-Awaited POV
Chapter Twenty-Eight: The Criminal
Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt
Don't Skip Ads
Chapter Thirty: A Night to Remember
Chapter Thirty-One: Last Bullet
Chapter Thirty-Two: Horrors of the Past
Chapter Thirty-Three: Love
Chapter Thirty-Four: Who's Cheating Who
Chapter Thirty-Five: In Love
Epilogue
Chasing Chances
TRIVIA:

Chapter Fifteen: The Bomb

2K 61 110
By MadamKlara

Ayaw ni Chances na iwan ang mga bata pero hindi rin namin sila pwedeng isama sa paghahanap kay Sephy. We looked for her through social media but we couldn't find her profile. However, Chances knew one place where she could be, a place that Sephy once shared to her. It's an island and it's where we're going in a day. Meanwhile, our kids stayed with Daisy, lola Carmella's personal nurse. I still got contact with her dahil yaya ko nong bata pa ang nanay niyang si Nanay Donna. Knowing that nanay will be also on the lookout, kampante akong umalis.

"When will you be back home, mom?" Zac asked her before we had the chance to leave without their endless inquiries.

"You're coming back, right?" Little Chance backed up.

Bago sumagot, nilingon ako ni Chances na may makahulugan at malungkot na ngiti sa mga mata at labi.

"Come here, you two. Give mommy a hug." She murmured, her voice slowly trailing off. "We will be back very soon, sweethearts."

"How soon, mom?" Zac inquired as if to make sure that she will not be gone again.

"Very soon, champ. You wouldn't even notice that I am back." Hinagkan niya sa noo ang naluluhang si Zacc. "You look after our little princess here. Will you promise mom that?"

"Yes mommy. I promise." Inosenteng tugon niya sa mommy niya sabay hawak ng kamay ng umiiyak na si Chance."Chanchan, don't cry now. Mom promised she'll be back soon with dad."

"I don't want to miss you mom." Halos pabulong na sambit ni Chance. "Can you just stay while dad goes to work?"

"Oh sweetie." Pinunasan ni Chances ang namamasang pisngi ng munti naming prinsesa. "Mom feels the same. But we can't let your dad go alone. Do you want daddy to be alone?"

"No." She answered which made me smile.

Unang tumalikod si Chances matapos siyang pakawalan ng mga bata. Ako naman ang yumakap at humalik sa mga ito bago sumunod sa kanya. Pero nang habulin ko na si Chances papunta sa garage, tumakbo siya pabalik sa mga bata at niyakap ang mga ito ng matagal.

"Mahal na mahal ko kayo, mga anak. Lahat gagawin ni mommy para sa inyo." Aniya saka tumakbo ng dire-diretso sa kotse.

"Chan." Tawag ko nang makapasok narin ako sa loob.

"Natatakot ako na baka pagbalik ko, alam na nating hindi ako 'yong mommy nila. Do you know how much that scares me, Zacc? My heart is breaking at the thoughts of it."

"Babe, listen to me. We'll get through this together. And it's not going to happen."

Tumango siya bago ako hayaang yakapin siya.

"I hope you know too how much it scares me by the thoughts of losing you again." Pahayag ko matapos punasan ang luha niya. "Mahal na mahal kita, Chances."

"I hope you can still tell me that when we return, Zacchary." She whispered, smiling sadly. "Because I still don't remember anything but I know that I love you."

It felt so good to hear the words from her. Five years kong naririnig lang 'yon sa panaginip, sa alaala lang. Whoever is that Sephy, we will find her.

"Babe, I don't care if you don't remember anything. I am doing this to keep you safe. Hindi na mahalaga sa'kin kung hindi mo man maalala 'yong kahapon natin. I just want a future with you and our children. Gagawa tayo ng mas maganda pang alaala. Ang ngayon, kailangan kong malaman kung bakit ka nawala sa'kin. I will keep you and our children safe, Chan."

Nasa isla na kami na tinutukoy ni Chances matapos ang halos dalawang oras ng biyahe dahil hindi makakalipad ang chopper. Medyo malakas ang hangin. Sinalubong naman kaagad kami ng isang masamang balita pagkarating namin. Nakahanda na ang kotse at lahat na kailangan namin upang magamit sa paghahanap habang nasa malaking isla. Kaya lang ay kinailangan naming magpalipas muna ng gabi sa resort dahil ayon sa tagapangalaga ng lugar, hindi kami makakadaanan papunta sa pupuntahan namin. May mga malalaking troso daw na nakaharang. Tumawag na sila sa baranggay at maging sa opisina pa ng mayor pero wala parin dawng rumeresponde. Ayon kay Tatay Emilio, malalaki daw talaga ang troso at marami din. Hinala niya ay sinadya daw 'yon.

"Ano'ng iniisip mo?" Tanong ko matapos ang ilang minuto ng katahimikan. Nakaupo kaming dalawa ng asawa ko sa dalampasigan, hinahayaan ang mga balat namin sa ilalim ng mainit na araw. Pasado alas dos pa kasi ng tanghali. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan 'yon ng mahigpit.

"Ang ganda ng lugar, no?"

"Maganda? Masarap sa mata?" Nakangiting utas kong tinanguan niya. "Parang ikaw."

"Ugh. There you are again."

I laughed at her statement. "Dati ka pa ah, ayaw mong maniwala sa'kin. Ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo,Chan."

"Kahit 'wag na sa buong mundo." Utal niya na nakatitig ng diretso sa mga mata ko. How could she still make me feel like I will melt just by meeting her stare? "Kahit sa mundo mo lang." Nakangiting dugtong niya.

"Mundo ko? Ikaw 'yon babe e."

Napairap na naman siya habang hindi ko naman mapigilang tumawa. She is just so adorable, as always. Her reactions are always so golden.

"Harrison, marunong ba akong lumangoy?"

"Hindi ba't may pool sa bahay ni Nero. Haven't you tried?"

Umiling siya. "I'm scared."

"Okay. You have a reason to feel that. Babe, you don't know how to swim."

"Alright." She stood up. Then, she looked at me with a meaningful smile. "If I drown, will you save me?"

Napakunot ako ng noo. Bago pa maging malinaw ang lahat sa'kin, tumakbo na siya sa dagat. Dinig na dinig ko ang pagtawa niya. Kusang sumunod ang mga paa ko sa tunog ng matatamis niyang halakhak. Hindi pa ako nakalapit ay hinampas niya ng kamay niya ang tubig na agad namang tumilamsik sa'kin.

"Oh, you want to play now?" I muffled while she prepared to run. I splashed her water too like she did before she could even turn her back on me.

"Zacchary, tama na!" Saway niya mayamaya pa saka tumawa. Hindi ako tumigil sa ginagawa ko hanggang sa makalapit na ako sa kanya. "Napakakulit mo. Sinabi kong tama na." Reklamo niya nang matalsikan ng diretso ang mata niya ng tubig.

"Sorry babe." Tumatawang pagpapaumanhin ko. Hinagkan ko ang mga mata niyang ngayon ay nakabukas na at nakatitig narin sa'kin. "Sana ganito nalang lagi. Masaya lang tayo, tulad ng dati."

"Ganito tayo kasaya noon?"

Tumango ako. "Palagi. Alam mo kung ano lang ang pinag-aawayan natin?"

"Ano?"

"Kapag nagseselos ka."

"Liar." She retorted and I laughed because she's right. "Sa tingin ko, hindi ako selosa."

"Ako talaga 'yong seloso." Pag-amin ko. "Nagseselos ka rin naman pero napipigilan mo. Samantalang ako, hindi e. Kaya nagiging away."

"Bakit naman magseselos ang isang kagaya mo? Don't you think that you are so much better than anyone else?"

My heart twinged at that, in a good way.

"Sana wala ka nalang maalala, babe." I joked. While I laughed, she raised her brows probably because she's wondering. "Para hindi mo na maalala ang totoong lalaking mahal mo."

"Hindi ba't ikaw 'yon?"

"Oo nga. Ako na 'yong mahal mo. Kaya lang na-iinsecure parin ako sa lalaking 'yon e. Kung sana lang talaga pwedeng bumalik sa nakaraan, hahanapin kita kahit no'ng mga fetus palang tayo para mas nauna ako sa kanya sa buhay mo."

Tumawa ng malakas si Chances sa sinabi ko. Seryoso ako e. Tsk. Pero wala na naman talaga akong dapat na ipagselos, diba? Isaac is now married. But remembering his reaction when he saw my wife at the restaurant that day, I can't help but feel somehow threatened.

"Mr. Harrison, ang mahalaga kung sino 'yong makakasama mo sa huli, hanggang sa huli."

"E seloso ako e."

Tumawa na naman ulit siya. "Ang gwapo mo namang seloso." Hinaplos niya ang pisngi ko bago sabihin ang katagang gusto kong marinig lagi sa kanya. "I love you, Zacc."

"I love you, Chances." I said back and lovingly kissed her. I tasted both the sweetness of her lips and the saltiness of the water damping our skin.

Parang panaginip ang sumunod na ilang oras ng buhay ko. Napakagaan ng puso ko. Nang mga sandaling 'yon, habang naghahabulan kami sa dalampasigan, habang nginingitian ko ang malulutong na pagtawa niya, habang nagkakahawak ang mga kamay namin, habang nakikita namin ang aming sarili sa mata ng isa't isa,walang mapaglalagyan ang puso ko sa sobrang saya.

"Zacchary, tumigil ka na." Saway niya nang hindi ako tumigil sa kakakiliti sa kanya. Umiilag siya pero nahuhuli ko parin siya. Pinanlalakihan niya ako ng mata para tumigil ako pero nakakatuwa ang reaksiyon niya e kaya 'di talaga ako nagpaawat. "Napakakulit mo- Ahhh! Tigil na kasi, sabi!"

"Tigil?" Pang-aasar ko matapos siyang ikulong sa bisig ko.

"Please."

Damn. Wala na akong laban. Talo na. Isang malambing lang na salita mula sa kanya, natunaw na agad ako.

"Please babe." Pag-uulit pa niya.

"Oo na." Anas ko bago nilingkis ang mga daliri namin. "'Wag ka ngang madaya. Dinadaan mo 'ko sa paglalambing e porket hindi kita matiis."

"Di ah!" Tanggi niya pero humalakhak din pagkatapos. "I love youuuuuu, tangiiiiii." Sambit niya nang nakangiti nag parehong labi at mga mata.

This woman is making me weak. "I love you, one and only." Sagot kong nagpalapad ng ngiti niya. "Balik na tayo sa villa at nang makapagpalit tayo. Baka magkasakit ka pa e."

"Yes, your majesty, my king." She replied and then bursted into laughter.

Kung ano-ano ang tinatawanan namin ni Chances nang maglakad kami pabalik sa villa. Nagtaka ako nang salubungin kami ni Mang Emilio.

"May nakita akong babae kanina, kasama mo ba 'yon? Mukhang hinihintay kayo. Nagkita na ba kayo ma'am? Sir?"

Nagkatinginan agad kami ni Chanchan. Bakas sa mukha niya ang takot kaya napahigpit ang paghawak ko sa kanya. Bumugso nag galit sa puso ko. She really isn't safe. Someone out there is on the loose watching our every step, following our every move. Ibig sabihin, 'yong mga troso, sinadya nga 'yon gaya ng hinala ni Mang Emilio.

"Okay lang po kayo, sir? Ma'am?" Nag-aalalang tanong ni Mang Emilio nang hindi kami makasagot ni Chances.

"O-oo. Okay lang po."

Pinahinto ko si Chances sa paglalakad nang mamataan ko ang isang kahon sa tapat ng pinto ng villa room namin. Nang umakma akong lalapit sa kahon, pinigilan ako ni Chances. Umiiling siya ng balingan ko.

"It's okay babe. It's nothing."

"I think we should just go home, Zacc. I don't feel safe. I'm scared." Naiiyak na sambit niya. "Ito 'yong sinasabi ko e. Ayaw kong madamay ka."

Niyakap ko siya para mapigilan ang kanyang pag-iyak.

"Walang mangyayari sa'kin." Sinalubong ko ang tingin sa mapupungay niyang mata upang iparating sa kanyang magiging matapang ako para proteksiyunan siya. "Walang mangyayari sa'yo. Nandito ako Chan. Hindi ko hahayaang may manakit ulit sa'yo."

Sa halip na lumakas ang loob, umiyak pa siya ng tuluyan. Iyak na malalim, humahagulhol, wumawasak sa puso kong ang dahilan ng pagtibok ay siya.

"Bakit pakiramdam ko minsan ng nangyari 'to? Na napahamak ka ng dahil sa'kin? Ayaw kong mangyari ulit 'yon kung totoo mang nangyari nga."

"Hindi Chan. Aksidente ang nangyari sa'kin noon." Paliwanag ko. "Walang mangyayari sa'yo o sa'kin. I promise you, babe." I said to calm her down."I promise. Now, you stay back."

Si Chances lang ang laman ng isip ko ng mga oras na 'yon. Kaya siguro ang lakas ng loob ko nang buksan ko ang kahon. Mukha namang hindi bomba ang laman no'n e. That's what I thought and I was right. It was not a bomb but it made my heart explode.

Let her go.

Continue Reading

You'll Also Like

817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.3M 35.4K 70
You give up your strong, your beauty, your passion and now you are becoming a nerd!, a stupid nerd because of one boy, who hurt you a lot! And after...
116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
19.2K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...