Third Person
Kasalukuyang nasa isang malaking kwarto ang ilang miyembro ng Decas girl players. Nakapinta sa mga mukha nila ang kaba lalo na ang basketball girls. Kahit hindi nila sabihin ay alam nila kung ano ang nararamdaman ng isa't isa.
"Captain, I'm nervous."
Nakaupo na ang ilan sa sahig. Wala ni isa ang gumawa ng ingay. Napatingin si Captain Madell sa volleyball girls na lumabas ng silid. "You can do it Madell, just believe on yourself and to your team. Everything is going to be fine." Sabi ng captain ng volleyball team. Tinanguan nya lang ito. Tuluyan na itong lumabas at isinarado ang pinto.
Ramdam sa buong sulok ng kwarto ang kaba na kanilang nararamdaman.
"Captain... Sa tingin mo mananalo tayo ngayon?" Napatingin si Captain Madell sa isang miyembro ng kanilang team. Maliit ito at kita mong may ibubuga sa laro. Pero kilala ito ng captain. Hindi ito masyadong nag eensayo at nakakapaglaro ng ayos.
"We will. Wag nyong isiping hindi tayo mananalo. Wag kayong mag iisip ng tapos. Dahil maaapektuhan ang ating laro. Masyado kayong nagiisip ng kung ano ano na nagiging dahilan para mawalan kayo ng ganang naglaro."
"Pero captain hindi mo naman maiaalis yun samin. Ilang taon na tayong sumubok pero lagi tayong talo. Balak na ng president ng school na alisin ang basketball girls kapag hindi pa tayo nanalo ngayon."
Nanlumo ang buong team. Alam ni Captain Madell na mangyayari ito. Ilang taon na silang sumubok pero walang nangyari. Aalis na sya at lahat sa school na ito ay hindi pa sila nakakapag uwi ng trophy.
"If you keep thinking negatively then you better quit."
Lahat sila nabaling ang tingin sa may pintuan. They saw Lex leaning on the door way. Her hands always on her pockets. They can't see half of her face because of the visor.
"At bakit naman kami magku-quit? Nahihibang ka ba?"
Nagpabalik balik ang tingin ni Madell sa dalawa. Pag nagsasama ang buong team ay ang dalawang ito ang hindi magkasundo. Balak nya sanang pumagitna sa dalawa ng bigyan sya ni Lex ng makahulugang tingin. Kahit tingin lang iyon ay alam nya kung anong ibig sabihin nito. Nagtataka sya sa sarili na kapag ginagawa ito ni Lex ay alam nya kaagad ang ibig sabihin nito. Kahit kapag nasa laro sila bibigyan ka nya ng isang gesture at alam mo na ang gagawing stunt nito. Alam nya na si Shinma ay si Lex Castillejo. Sa isip isip ni Madell ay silang dalawa ni Lex ang perfect match sa paglalaro. Katulad na lang nina Takao at Midorima, Hinata at Kageyama, Kenma at Kuroo. Kaya ngayong taon alam nyang mananalo sila. Dahil nandyan si Shinma the prodigious shooting guard.
"To tell you honestly, a team should be competitive in many ways to boost up the confidence of every player and cause them to play without.... a trouble." Nakaharap si Lex sa kanila habang nakatayo, samantalang sila ay nakaupo sa sahig. Ngayon alam na ni Madell kung sino ang papalit sa kanya bilang captain. Naiisip nya pa lang ito ay napapangiti siya. Wala man si Lex bilang isang 'Captain Material', pero kaya nyang mag lead as buong team. Snob man sya pero prioritize nya pa rin ang pangunguna nya sa mga ito. Kahit hindi sabihin ay alam ni Madell. Nakita nya na ito ng minsang mag aktong captain si Lex sa kabilang team. And for a moment, she thought that she and Lex has a different ways to lead a people. Kahit madalang lang magsalita si Lex ay may kahulugan ang mga binibitawan nitong mga salita. Madaling intindihin at madaling gawin.
Pinanuod nya lang kung paano ito makipag palitan ng salita sa isang teammate na hindi nito makasundo. She can't help to hide the smile on her lips. Madell stand up and that caught everyone's attention. She patted the dirt out of her pants.
"I guess we need to strategize." She eyed everyone while saying those.
"I'll be watching, I'll watch how the opponents play. And that will be the plan B of the strategy." Lex said taking her seat with the others.
And they spent the remaining hours to strategize the game before their game started.
Clyde's PoV
That woman! Akala nya ba sobrang galing nya at hindi nya na kailangan panuorin ang laro ko?
Tsk! Masyado syang high!
High confidence!
Hinablot ko ang towel ko mula kay Kioji at umupo sa bench para punasan ang pawis ko. Panalo kami ngayon. Lagi naman kaming nanalo eh. Hindi na bago sa amin yun.
"Dude! Masyado kang high! High blood!! Pfft... Hahahahaha." Sinamaan ko ng tingin si Rav na syang pinupunasan ni Wendy ng pawis. Yung tatlong abnormal naman ay tinawanan lang ako.
"Ito Clyde, ice water. Pampalamig ng ulo." Sinalo ko ang ibinatong tubig ni Gyliard. Mabuti pa ang isang ito minsan lang mang asar, samantalang 'tong tatlong 'to. Taenes! Sarap ipalapa sa liyon!
"Naku! Yang mga galawang yan Clyde alam ko yan."
"Naku! Yang mga asarang yan Kioji ang magdadala sayo sa kabaong mo! Wag kang maingay! Tampo lang yan dahil hindi nakapanuod si Lex ng laro nya. Hahahahaha." Muntik na akong masamid dahil sa maduming salita na lumabas sa bibig ni Jaeidy. Dahil sa pagsama nya kay Rav at Kioji nahahawaan na sya ng virus ng dalawa abnormal. Sa susunod ipapa-rehab ko na ang mga ito ng matigil sa kapokohan. Sinamaan ko ito ng tingin at ibinato sa kanya ang walang laman na bote. Nasalo nya ito ng walang kahirap hirap at muling ibinato sakin. Nasalo ko ito at inilagay na lang sa tabi ko. Nakakahiya sa naglilinis eh, baka mahirapan.
"Woy! Clyde totoo yun ah. Akala mo ba hindi namin napapansin ang pag alis mo ng maaga para sundan yang si Lex. Hindi ko ba alam kung gusto mong malaman kung saan sya nakatira at ipaalam kung sino ang may ari ng bahay para sa information o kaya naman ay nagsisimula ka ng iin-stalk sya?"
"Ano ka ba Rav?! Syempre both!" Nag high five and dalawa sa harapan ko at promise gusto kong ibato sa kanila ang iniinom ni Gyliard. Ang laki dahil tumbler ang gamit nya. Hindi kasi yan umiinom kahit saan. Mukhang nabasa ni Gyliard ang nasa utak ko at medyo lumayo sya ng konti sakin. Anong problema nito? Baka gusto nya ring mabato?
"You know what Clyde? I think mas maganda kung research na lang gamitin natin. Nagmumukha ka kasing stalker eh. Napagkakamalan ka." Sabi ni Jeaidy na ngayon ay kaharap ko na.
"Ano ba kayo? Umayos nga kayo!"
Kinuha ko ang mga gamit ko at naunang umalis sa kanila. Naramdaman ko silang sumunod sakin. Bad trip eh. Bigyang malisya ba naman yun? Tsk!
Pumasok kami sa kwarto kung saan nandun ang ibang gamit namin. Pero pagkapasok namin ay hindi namin inaasahan ang aming nakita.
Si Lex ay dinadag-anan ng kanyang teammates and the weird thing about it was, she seems didn't care at all. Her face was bored... as always.
Anong nangyari? Bakit nila dinganan si Lex?