...And They Kill Each Other.

By BlackLily

8.4M 155K 16K

More

...And They Kill Each Other.
Unang Silip
Pangalawang Silip
Pangatlong Silip
Pang apat na Silip
Pang Limang Silip
Pang anim na Silip
Pang Pitong Silip
Pang Walong Silip
Pang Siyam na Silip
Pang Sampung Silip
Pang Labing Isang Silip
Pang Labing Dalawang Silip
Pang Labing Tatlong Silip
Pang Labing Apat na Silip
Pang Labing Limang Silip
Pang Labing Anim na Silip
Pang Labing Pitong Silip
Pang Labing Walong Silip
Pang Labing Siyam na Silip
Pang Dalawampung Silip
Pang Dalawampu't Isang Silip
Pang Dalawampu't Dalawang Silip
Pang Dalawampu't Apat na Silip
Pang Dalawampu't Limang Silip
Pang Dalawampu't Anim na Silip
Pang Dalawampu't Pitong Silip
Pang Dalawampu't Walong Silip
Pang Dalawampu't Siyam na Silip
Pang Tatlumpung Silip
Pang Tatlumpu't Isang Silip
Pang Tatlumpu't Dalawang Silip
Pang Tatlumpu't Tatlong Silip
Pang Tatlumpu't Apat na Silip
Pang Tatlumpu't Limang Silip
Pang Tatlumpu't Anim na Silip
Pang Tatlumpu't Pitong Silip
Pang Tatlumpu't Walong Silip
Pang Tatlumpu't Siyam na Silip
Pang Apatnapung Silip
Pang Apatnapu't Isang Silip
Pang Apatnapu't Dalawang Silip
Pang Apatnapu't Tatlong Silip
Pang Apatnapu't Apat na Silip
Kabanata Apatnapu't Limang Silip
Epilogue
FAQ

Pang Dalawampu't Tatlong Silip

156K 3.1K 376
By BlackLily

Nagbackread pa ako ng comments niyo. natatawa ako sa sagutan ng mga comments. 


Dalawampu't tatlo

Ayaw kong magkwento ng nangyari kagabi. Baka mainggit pa kayo.  Ang sasabihin ko lang ay masarap. Tamang pang inggit lang. Wahahaha.

Kaya nga tinanghali na naman ako ng gising at nananakit ang katawan ko. Hindi ko naman akalain na ang galing galing pala ni Paeng na napapasigaw pa ako. Kaya kahit masakit, nangibabaw pa din ang sarap.  Napapangiti na lang ako pag naaalala ko. Sana ulitin namin palagi, gusto ko nga araw araw pa eh kaso sabi niya baka malaspag daw ang katawan ko. Oi! Tama na yan. Masyado na akong madaming narereveal sa nangyari kagabi.

Anyway, kumakain ako ng lunch ng mag isa kasi nga pumasok na sa opisina si Paeng. Ang tahi-tahimik ng bahay, ni wala man lang akong naririnig na kuliglig o mga ibon. O kaya ang lagaslas ng tubig sa batis. Ang boring naman.

Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig nung mapansin kong na note na nakadikit.

Ana,

Sa office na ako. If you want to got out para mag shopping, angc ard nasa drawer ng nighttable at ang driver naghihintay sa may lobby. Help yourself with the house.

R. VILLEGAS

Napasmirk na lang ako sa note niya. Talagang capitalized ang VILLEGAS. OO na, alam ko na. Parang engot lang talaga itong si Paeng. 

At bongga may credit card nga sa drawer at naghihintay nga sa lobby ng building ang driver. Sosyal! May driver na ako, unlimited gastos pa. Ito na ba ang dream come true ko? Hindi din. Kung sana hindi si Paeng, sana dream come true na. Baka nga nightmare come true pa. Pumayat na nga ako kakasilbi sa Paengot na yun eh. Haysss….hell come true talaga.

“Ma’am saan po tayo?” Tanong ni Manong driver. Ninamnam ko muna ang salitang Ma’am tapos ngumiti. Ang sarap lang pakinggan. Papalitan ko kaya ng Donya. Donya Ana. Bagay! Wahahaha.

“Ulitin mo po Kuya.” Sabi ko ng nakangiti.

“Ma’am saan po tayo?” Humagikgik ako. Kinikilig lang eh noh? Adik! Ang laki pa ng ngiti ko.  Tapos hindi ko pa din sinagot ang driver, instead tinitingnan ko ang mga buildings na nadadaanan namin. After 5 minutes, saka ko lang hinarap ang driver.

“Dalhin mo ako sa opisina nila Paeng Kuya.”  Todo ngiti pa ako niyan.

“Paeng po?” Ay sayang walang Ma’am. 

“Yung asawa kong engot!” Nakita kong ngumiti ang driver sa sinabi ko.

“Ahhhh.. sa office ni Sir Ralph.” Sir Ralph daw. Arte talaga.

“Tsss… opo.” Tapos bumalik na ako sa pagtingin tingin sa paligid, sa nagtataasang building, sa madaming sasakyan, sa mga taong tumatawid  at sa batang binuksan ang pinto ng isang taxi at may kinuhang bag tapos tumakbo ng mabilis.

“Ma’am andito na po tayo.” Umikot ang driver at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Tumigil kami sa driveway ng isang napakataas ng building. Nalula ako kaya hindi ko na tiningala kung gaano kataas kasi baka magkastiff neck  ako.

Feel na feel ko naman pagbaba ko ng kotse. Feel na feel ko ang pagiging Donya. Sayang dapat naggown ako. Dala ko pa naman ang sinuot kong damit nung nagReyna Elena ako. Sana yun ang sinuot ko, siguro bagay yun sa building na to. Wahahaha. Pina assist ako ng driver sa guard  na nasa labas ng building tapos yung guard dinala ako sa may babae sa reception.  Ang ganda ng babae, ang kinis ng kutis kasi ang ganda ng pagkakamake up.  Nakaupo siya sa circular desk at sa likod niya may silver na malalaking letters na nakasulat, “Villegas Twin Tower”

Ngumiti ang babae pagkakita sa akin. Siyempre ngumiti din ako.

“Good afternoon Ma’am. How may I help you?” Pinunasan ko ang dugo na tumulo sa ilong ko. Wahahaha. Joke lang. Hmmm.. Pero paano nga ba niya ako matutulungan? Ipapapolish ko kaya ang sapatos ko? O kaya magpapedicure ako?

“I’m here to visit Mr. Raphael Villegas.” Shucks! Buong buong english yun ha. Pinraktis ko kanina yan sa condo ng mga 1 hour. 

“Do you have an appointment Ma’am?” Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa tapos sabay taas ng kilay. Pasalamat siya wala akong dalang blade kasi kung meron inahit ko na ang lahat ng kilay niya. Eh ano ngayon kung nakashort, shirt at tsinelas lang ako. Naligo naman ako kanina at nagsuklay ah! Nagpolbo pa! Echusera!

“No.” Sabi ko at umismid. Pag yumaman na ako, bibilhin ko ang building na ito at itong babaeng ito ang una kong patatalsikin. At kailangan ba ng madaming tanong bago ko makita si Paeng?  Eh ultimo brief nga niya nakita ko na eh!

Ngumiti ulit ng plastic ang babaeng puno ng make up. “May I know your name… Ma’am?” Parang ayaw pa niyang sabihin ang Ma’am. Hay naku lang ha! Bakit mahilig ang author sa mga malditang receptionist?

Ngumiti ako ng napakatamis sa receptionist. Asar na ako eh. Pero si Paeng nga hindi umuubra sa akin ito pa kaya?

“Pakisabi sa kanya na ako ang kanyang….kunsensiya.”  Todo ngiti pa din ako na plastic. Nanlaki ang mata ng receptionist.  Tapos kinuha ang phone at nagdial.

Tapos narinig ko ang sinabi niya.

“Guard, sino ang nagpapasok sa babaeng ito na nasa harap ko? Baka sindikato ito, nagpapasok kayo sa building ng kung sino sino. Makakarating ito sa Management. Palabasin niyo ito sa building.” Ako? Sindikato? Eh kung sindihan ko kaya ang pwet ng babaeng ito?

Maya maya pa may na isang guard tapos hinawakan ako sa braso. Hindi siya yung guard na nag assist sa akin kanina.

“Te-teka Kuya!” Mukhang kakaladkarin pa ako palabas ng building na to. Wala pa naman akong cellphone at pera. Paano ko makokontack si kuya driver.

“Teka nga lang!” Inaalis ko naman ang kamay ko na hawak niya. Ampupu! Ang dami ng nakatingin kasi mukhang kinakaladkad na ako. Hindi ito makatao, maka-kalikasan at makabansa!

“Ma’am, istorbo po kasi kayo sa mga tao dito.” Bakit? Bakit ako istorbo?  Bawal nang makipagkita sa asawa? Eh Ana kasi may kunsensiya ka pang nalalaman.

Papalabasin na sana ako, as in nasa glass door na kami na automatic na nagbubukas nung may mahagip ang mga mata ko na pumasok sa entrance ng building. And since medyo magkalayo ang entrance sa exit siguro hidni niya ako napansin pero hindi ako maaring magkamali.  Kaya inipon ko ang lahat ng lakas at boses ko at sumigaw ng…

“PAEEEENNNGG!!!!” Napatigil ang lahat ng tao, pati ang guard na humahawak sa akin, nagulat sa ginawa ko. At lahat sila napatingin sa akin.  Napatigil din si Paeng sa paglalakad at napatingin sa akin. Pero mabilis ang guard kaya nakaladkad niya pa ako. Siyempre nagpakaladkad ako para may effect.

“What are you doing with her?” Parang koreanovela lang ang eksena. Minamaltrato ang bidang babae at darating ang leading man. Walang originality ang author. Hahaha.  Nakakunot pa ang noo ni Paeng niyan. Lalo tuloy siyang pumapanget. Wahahaha.

“Si-sir, tumawag kasi ang reception na nag iistorbo daw ang babaeng ito sa loob.” Nagkautal utal na ang pagsasalita ang maangas na guard.

“Let go of her. How dare you treat my wife like this?”Naks!  Ang lakas ng boses ni Paeng. Kung makasigaw naman mukhang pag aari niya ang buong building. Pinakawalan ng guard ang braso ko. Kaya hinila ako ni Paeng malapit sa kanya.

Nakita kong namutla ang guard. Gusto kong tumawa ng malakas. Ano ka ngayon? Lumapit ako lalo kay Paeng at sinabing…

“He raped me.”  Mahina lang ang pagkakasabi ko pero narinig ni Paeng at ng guard.

“What!!!?” Nanlalaki ang mata ni Paengot.

“Si-sir! Hi-hindi po!” Nanginginig na ang guard.

“Anong hindi? Hinawakan mo ang braso ko. Hindi mo ba alam na ikinasal kami dahil…mmmpp mmmpp!” Hindi ko na natuloy kasi tinakpan na ni Paeng ang   bibig ko. Hala ang bango ng palad oh! Tapos inakbayan ako at inilayo sa guard.

Naglakad kami kahit madami ang nakatingin. Naalis na din ang kamay niya sa bibig ko at nakaakbay na siya sa akin.

“Why are you here?”

“I’m bored at home.” Napakamot siya ng batok.  Tapos napadaan kami sa harap ng receptionist na nakatulala sa amin.

“That woman degraded my humanity.” Napatingin ng seryoso si Paeng sa receptionist na namutla.

“We’ll deal with all of them later, wife.” At alam kong narinig ng lahat ang sinabi niya. Proud na proud naman ako. Lumingon ako sa receptionist at tinaasan siya ng kilay.

Lumingon si Paeng  sa akin na parang natatawa. Tapos may binulong na..

"Humanity.." Tapos pinigilang tumawa. badtrip!

Tapos bumulong sa akin.

“Ana, bakit english ka ng english?” amused na amused ang tono niya.  Bakit masama mag english?

“Akala ko ba englishan ngayon? Bakit? Dumudugo na ba ang ilong ko? Pahiram panyo.”

Tumawa siya ng malakas na dinig sa buong lobby ng building tapos ibinigay sa akin ang panyo niya. Adik din naman itong si Paeng.  Pumasok na kami ng elevator at may nakisabay sa amin. Nasa pinakalikod kami at nakaakbay pa din siya sa akin. Nawiwili ata?

“Bakit hindi mo sinabi sa akin pupunta ka?” Tiningnan ko siya ng masama.

“At paano ko sasabihin sayo? Hindi ka nag iwan ng number.  Hindi naman kita matext dahil iniwan mo ang cellphone ko sa bahay.”  Sabi niya kasi ibibili na lang niya ako ng bago.

“Tapos ang boring boring doon sa bahay mo. Wala pang pagkain, nagtiis na naman ako sa itlog mo. Isusumbong kita kay Grandma, ginugutom mo ako.”  Wala akong pakialam kung madami man ang nakakrinig sa amin. 

“Hindi ko man lang matetext sina Mama para makamusta.” Reklamo ko pa.

“Sige ibibili kita mamaya ng cellphone.” Nagalak ang kalooban ko. Mukhang good mood siya ngayon.

“Samahan mo din akong maggrocery maya maya.” Kinuha niya ang cellphone niya at may tiningnan.

“Sige.” Sabi niya maya maya.

“At magshopping.” Papayag yan!

“What!? Papasamahan na lang kita kayElisa.” Tiningnan ko siya ng masama. Mula ulo hanggang paa, pabalik sa mukha niya. Tapos tumaas ang kilay ko.

“Damn! Sige na nga!” I smiled triumphantly  Wahahahaha.

Kala mo ha! Susunod at susunod ka sa akin Paeng at wala kang magagawa.

Pero bakit nga ba sinusunod ako ng Paengot na to?

Bakit nga ba?

It's for me to know and for you to find out.

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 156 9
What will you do ? If everything is a Lie ... [ Short Story ] ***** Story Started : December 1, 2015 Story ended : December 7 , 2015 @2015 @LouieJean...
1M 3.8K 8
| COMPLETED | 20 October 2016 - 17 February 2017 | MR.PERFECT SIDE STORY | Mistakes. Secrets. Sin. Tara Nina Geronimo is walking on a lifetime of dec...
1K 137 41
The story of Jenim Essa Santiago. ©shanexyz
11.9K 697 13
The Prodigal _____ Sa panahon ng bagong milenyo, pagtatagpuin ang dalawang alibughang anak ng langit sa hindi inaasahan pagkakataon. ...