SA narinig kong balita mula kay sir Joseph kanina... Nawala na ang antok ko. Bago kami umalis ng Pampanga ay maayos pa kaming nagpaalam sa isa't isa ni Josephine sobrang okay niya pa nung mga oras na iyon pero makalipas lamang ang ilang oras ay malalaman ko na wala na siya.
nakahiga ako sa aking kama at hindi makatulog. Pakiramdam ko ay nabigo kami sa isinagawa naming misyon dahil hindi namin siya nagawang iligtas. Dapat pala ay pinilit ko na lamang si Josephine na sumama sa amin. Ano kayang nararamdaman ng mga mahal niya sa buhay? Paniguradong nasasaktan sila ngayon.
Ilang beses kong pinipikit ang aking mata para makakuha nang tulog ngunit para bang hindi ako tinatablan ng antok ngayon. Malapit ng sumikat ang araw, and yet, gising pa rin ako.
Instead na pilitin kong makatulog ang sarili ko, kinuha ko ang jacket ko at lumabas ng dorm, I need to divert this attention. Madilim pa sa paligid at tanging mga streetlights lang ang nagbibigay tanglaw sa paligid.
Mabuti na lang at hindi nag-iikot ang guard dito sa Merton Academy kung kaya't malaya akong nakakapag-ikot ngayon. Nakapasok ang kamay ko sa bulsa ng aking jacket, dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin. Sinusubukan kong magpaantok pero hindi talaga nawawala sa isipan ko ang nangyari kay Josephine.
Kung nag-stay pala kami sa Pampanga ng kahit isang araw... Malamang ay hindi ito nangyari.
Binabagtas ko ang daan patungo sa school field, katahimikan ang nananaig sa paligid. Tanging tunog lang ng mga insekto ang maririnig at ang aking hakbang sa sementadong pathway. "Pati ba naman sa paglalakad, mukha kang tanga?" napahinto ako sa paglalakad at napaangat ng tingin.
Kaharap ko ngayon si Seven, suot niya ang itim niyang hoodie. Napakunot ako ng noo dahil wala akong ideya kung bakit gising pa siya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Walking." Tipid niyang sagot. "Can't sleep?" Tanong niya sa akin.
Mapait akong ngumiti at umiling.
***
NAKAUPO kaming dalawa ni Seven sa bench malapit sa field. Tinatanaw namin ang kalawakan nito na tanging nga ilaw lang ang nagbibigay liwanag. "Hindi ka makatulog dahil sa nabalitaan mo?" Tanong sa akin ni Seven.
Napakunot ang aking noo dahil nalaman niya na agad ang dahilan. "Sa ating dalawa, ikaw yata ang mind reader." Sabi ko sa kanya.
"Ang dali mong basahin, Jamie," sabi niya. He's not even looking at me, he's just looking at the field. Sinong mag-aakala na magiging ganito ka-relaxing ang paggala sa Merton Academy nang madaling araw?
"Hindi mo ba naisip kung paano ang mga magulang ni Josephine? Anong nangyari sa kanila matapos mawala ang kanilang anak," sabi ko at mapait na ngumiti. "Sa tuwing naiisip ko iyon, nakokonsensya ako dahil may kakayahan tayong mailigtas siya pero hindi natin nagawa. Pakiramdam ko tuloy ay nag-fail tayo sa misyon."
"If you're asking kung kumusta ang mga magulang ni Josephine... Tuloy lang ang buhay nila. They will just forget Josephine's existence, aakto lang sila na parang wala lang. Nakalimutan mo yata na kapag isang lawbreaker ang pumatay sa'yo at namatay ka sa devil hour ay kakalimutan ka lang ng mga tao. Name-maintain lang nito ang balanse ng mundo." Paliwanag sa akin ni Seven.
"Iyon na nga ang masakit. Kakalimutan ka lang ng mga tao. Patay ka na nga, parang mas pinatay ka pa dahil nagpatuloy lang ang mga tao sa paligid mo na parang wala lang," sabi ko habang nakatingin sa paa ko.
"Pero naaalala mo siya. Hindi totally nakalimutan ang pagkabuhay niya dahil naaalala mo siya. Naaalala natin siya." Seven corrected me. Kahit papaano ay napagaan ni Seven ang pakiramdam ko through his words.
Tama si Seven. Napangiti ako at tumingin sa kanya. Tumingin din sa akin si Seven at may maliit na ngiti sa kanyang labi.
'You're trying to read what's on my mind again, dumbass.'
"Hoy! Paano mo nalaman na binabasa ko na naman ang isip mo?" Reklamo ko sa kanya.
"See? Binasa mo ang isip ko. I know how risky it is kapag tumitingin ako sa mata mo kung kaya't nag-iisip ako ng ibang bagay. I don't have any powers para malabanan ang ability mo na 'yan pero kung gagamitan ng utak ay hindi mo talaga mababasa ang aking iniisip." Tumawa si Seven at makalipas ang ilang segundo ay napatawa na rin ako.
"Seven, pwede mo ba 'kong turuan makipaglaban?" Bigla kong pagtatanong sa kanya. "Dahil sa nangyari kay Josephine, naisip ko na kailangan matutunan ko ring protektahan ang aking sarili. Hindi naman sa lahat ng oras ay nandyan kayo nila Ace para tulungan ako. I need to learn to protect myself 'coz I don't want to be forgotten." Paliwanag ko sa kanya.
Alam kong hindi pang-front line ang ability ko, wala ring kasiguraduhan kung talaga bang kaya kong magbigay nang utos sa kung sino. But still, I want to learn to fight.
"Sure. Every Tuesday and wednesday, 9pm. Tuturuan kita kung paano gamitin ang kutsilyo for safety purposes." Sagot sa akin ni Seven at tumayo na siya. "Malapit ng sumikat ang araw, I think we need to go back to the dorm." Sabi niya sa akin.
Tumayo na rin ako. "Thank you, Seven." Nakangiti kong sabi sa kanya.
We both headed on our dorm room, hindi na ako natulog dahil maaga-aga ang klase ko ngayong araw. Dinaan ko na lang sa pag-inom ng kape para kahit papaano ay manatili akong gising.
Isinuot ko ang uniform ko at inilagay ko ang badge ko bilang tanda na parte ako ng class zero. Ngayon, masasabi kong part ako ng klaseng ito, walang dahilan para mahiya lalo na't maraming natutulungan ang klase namin.
Naglalakad ako patungo sa college namin dahil nandoon ang una kong klase, pagkapasok ko pa lang sa hall ng College of Science ay sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko.
"Welcome baaack!" Sabay-sabay na sigaw nina Casey, Diana, at Aris.
Napangiti ako dahil sobrang hyper nilang tatlo. "Kung i-welcome ninyo naman ako ay parang nag-ibang bansa ako." Pabiro kong sabi.
"Syempre 'te, ang tagal mo ring nawala. Kasama mo pa yung nagagwapuhang taga-Class zero, naburyo ako sa Merton. Wala bang love team na nabuo sa inyo?" Pagpapaulan na tanong sa akin ni Casey. Sabay-sabay kami ngayong unaakyat sa second floor habang nagkekwentuhan.
"Walang gano'n, mars."
"Okay ganito na lang, may changes naman bang naganap?" Tanong naman ni Casey sa akin. Etong tatlong 'to, kung hindi ko lang mga kaibigan ay mapagkakamalan kong dakilang mga tsismosa ng college namin.
"Changes? Hmm..." Saglit akong nag-isip at nakatingin sila sa akin na parang hinihintay ang aking sasabihin. "I think, mas naging close kami. Mas nakilala ko sila maigi and nakapag-bonding kami kahit papaano." nakangiti kong sagot sa kanila. Kahit naman may masamang nangyari sa Pampanga ay hindi maipagkakaila na naging masaya rin naman ako.
Paliko na kami sa isang pasilyo at saktong nakita namin si Ace, he's holding his phone at mukhang nakatapat sa kanya ang kamera. "Yoh! Jamie girl! Say hi to my vlog!" Sabi niya at inilapit sa akin ang camera.
Napakunot ako ng noo, "hindi ka pa rin tumitigil sa pagiging vlogger wanna be mo?"
"Syempre naman! Yung mga ganitong klaseng mukha, hindi dapat tinatago. Ganito yung tipo ng mukha na dapat shine-share sa buong mundo." Itinaas baba niya ang kilay niya at ngumiti. Ace is nice, sobrang hangin nga lang. Sa mata niya ay siya lang ang nag-iisang gwapo sa buong mundo.
"Ang kapal talaga," umirap ako sa ere at natawa naman siya. Nauna ng kaunti maglakad sila Aris Diana para makapag-usap kami ni Ace. "Kumusta na yung mga sugat mo?" I asked him.
"Ayos lang, hindi na siya masyadong masakit. But I am still hoping na hindi siya magpeklat dahil--"
"Mababawasan ang fans mo," ako na ang nagdugtong dahil alam na alam ko na ang lalabas sa kanyang bibig.
"Mismo, Jamie girl! Sige mauna na 'ko I still have a class sa ground floor. See you around," he waved as a goodbye. "By the way, mag-subscribe ka sa channel ko."
Napailing naman ako sa kalokohan ni Ace. Lumapit na ako kanila Aris na naghihintay sa akin. "Mukhang close na nga kayo ni Ace, ha." sabi ni Aris habang may mapanuksong ngisi na nakaguhit sa kanyang labi. Actually, hindi lang siya dahil ganoon din sina Casey at Diana.
Upang makalusot sa mga tanong nila ay nag-isip na ako ng magandang dahilan. I looked at my wristwatch. "Bye na guys, may klase na 'ko and baka ma-late pa ako." Paalam ko.
Wala na silang nagawa nung umalis ako at nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Pumasok ako sa classroom at umupo sa aking pwesto. Ilang minuto lamang ay pumasok na ang aming professor sa aming classroom kung kaya't inilabas ko mula sa aking bag ang notebook ko.
***
NATAPOS ang unang klase ko ngayong araw. Sadly, I have 4 hours vacant and may klase pa sila Aris kung kaya't matagal-tagal akong walang magiging kasama.
Umupo ako sa benches sa heroes park dito sa Merton Academy nung may matanggap akong text mula kay sir Joseph.
From: Sir Joseph
There's a Lawbreaker that wandering around Valenzuela area. For those students na vacant hour ngayon ay pumunta kayo ro'n.
I breathe in, tumayo ako at naglakad patungo sa gate. Kapag miyembro ka talaga ng class zero ay parang imposible ng magkaroon ng normal na araw.