Steal thy heart (PUBLISHED BY...

De AnnSyvil

1.1M 24.1K 1.9K

**TEASER ONLY*TEASER ONLY*TEASER ONLY** Iniwan si Natalie ng Boyfriend nya at sumama sa ibang babae, not just... Mais

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 -SPG-
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 -SPG-
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 FINALE

Chapter 20

19.6K 597 50
De AnnSyvil

Natalie

Maingat na ibinukas ko ang pinto ng condo ko. Shit! Hindi ko matandaan kung nakapaglinis ba ako ng matino kanina! Sa mga nagdaang araw kase, puro pagmumukmok at pag eemo ang ginawa ko. I tried painting, but I was easily distracted. Hindi ko nga alam kung ilang araw na ba ang lumipas na puro si Caleb lang ang nasa isip ko.

Hindi ko na naalala na maglinis ng bahay ko.

Kase naman kung bakit pumayag payag pa 'ko na pumunta si Caleb dito! Kung makapang hipnotize naman kase 'yung mga mata nya, ganon na lang!

Ang daya!

"What are you doing? Let me in." that's when I realized I was blocking the way.

Napaka demanding nito kahit kelan. Slow motion na pumasok ako sa loob ng condo ko. Nang mamataan ko ang maruruming damit sa paanan ng kama ko ay agad kong dinamba iyon. Mabilis na hinagis ko ang mga damit sa hamper sa pinakasulok ng kwarto. Dinakma ko lahat ng kalat na nakikita ko at mabilisang niligpit iyon. Susme! Bakit ba napakaburara ko?

Nagulat na lang ako nang bumagsak ang malaking bulto ni Caleb sa ibabaw ng kama ko. I stared at him horrified. Please, sana naman mabango pa ang bed sheets ko! Feel at home naman kase masyado ang lalaking ito! 

But now seeing him there.. Parang ang sarap magpagulong gulong sa kama kung ganyan din lang naman ang nakalatag!

Dahil nga hindi na nagawang magpalit ng damit ni Caleb ay ang puting tshirt at pajama parin ang suot niya—mabilis lang naming dinakma ang susi ng kotse nya at kumaripas na kami dito. Umangat ang laylayan ng tshirt niya, at nahantad ang kalahati ng itinatago—itinatago nga ba?—niyang abs. At hindi lang 'yon! Wait there's more! Yung V shape sa ibabaw ng garter ng kanyang pajama, nakahantad din!

Pasimpleng pinahid ko ang gilid ng labi ko para makasiguro na walang laway na tumulo doon.

Susmarya! Ingat na ingat akong huwag nang bumaba pa mula roon ang mga mata ko at baka iba na ang makita ko! Tuluyan ng mababahiran ng kaberdehan ang utak ko! Utang na loob, tukso layuan mo ako!

"Liked the view?"

Mula sa gitna ng katawan ni Caleb ay lumipad ang mata ko patungo sa mukha niya. He was grinning at me. Hudyong 'to! Nagawa pa 'kong buskahin!

"Tse!" awtomatikong napa-about face ako at tinungo ang work area ko. Nagkunwari akong nagliligpit ng mga kalat mula roon, pero ang totoo, pilit ko lang naman na itinatago ang pamumula ng pisngi ko.

Kung bakit kailangan na lang ako laging mahuli ni Caleb na tinititigan ang katawan niya? At kung bakit hindi ko rin naman mapigilan ang titigan siya? Ang hirap ng kalagayan ko. Ang hirap pigilan ng nararamdaman ko!

"Wow."

My head whipped as I heard Caleb's awed voice. He was standing at a life size painting of a naked woman. It was of color black, yellow and blue. Her hair's cascading down her curvy body, her arms are extended as if freely giving herself in. Ang pinakapaborito kong parte ay ang mukha niya. Her lips to be exact, she had this mysterious and yet naughty smile promising love and at the same time, passion and pleasure.

Napangiti ako. Ginawa ko iyon siguro mahigit isang taon na ang nakakalipas, I was so happy back then—so inlove and so loved—iyon ang highlight ng relationship namin ni Axel. Binuo ko iyon nang inakala ko ay handa na 'kong ibigay ang lahat lahat sa kanya.

"You're fucking good, Natzkie!" humarap sya sakin. Yung mga mata niya, nagniningning na parang proud na proud siya sakin.

It warmed my heart. Nobody had ever looked at me like that. Sure, nagagalingan sa’kin ang bestfriend kong si Libby, siya ang number one fan ko eh, number two lang ang nanay ko. Madalas pinupuri din naman ako ni Axel, pero hindi ganito. Hindi ganito ‘yung feeling na parang gusto na 'kong patayuan ng rebulto nitong kaharap ko. Siguro dahil ramdam ko na sinsero talaga si Caleb? Na hindi niya sinasabi ito dahil kailangan nyang sabihin. Totoong nagagalingan talaga siya sakin.

"Do you have, like, a gallery or something?" aniya. "I'm sorry, I'm not really much into art. But this," itinuro niya ang painting. "This is amazing."

Nahigit ko ang hininga ko habang unti unti siyang lumalapit sakin. His hands found my face. "You are freakin' amazing, Natalie." titig na titig sa’kin ang kulay brown niyang mga mata. His milk chocolate eyes hipnotized me yet again. Kusang bumaba iyon sa labi kong nakaawang ng mga panahon na 'yon. I wet my lips with my tongue, nakoconscious ako sa ginagawa niyang pagtitig sa mga labi ko. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na ayaw kong halikan niya 'ko.

Gusto ko, in fact, kaunti na lang, I will stand on my toes and bring my lips to his. Magpapakaaggressive na 'ko!

Sayang lang, kase biglang tumunog ang cellphone niya.

Napapadyak ako nang tumalikod siya para sagutin ang tawag. At ang pagpadyak ko na iyon ay lumikha ng maliit na ingay but enough to catch Caleb's attention. Nahuli niya ang disappointed expression ko sanhi para matawa siya.

Mas lalo akong pinamulahan ng pisngi. Damn it! Why does he have to see me do that? Ano na lang ang iisipin niya sakin?!

Oo, patay na patay na 'ko sa kanya pero hindi na niya dapat pang malaman 'yon!

Lahat na ata ng bagay na nakakahiya, nangyari na sa akin!

"Hey," maya maya ay untag ni Caleb. Nakaupo na 'ko noon sa stool sa harap ng canvass ko. Tinutusok tusok ko ang natuyong pintura sa paleta ko. "I'm sorry, that was my assistant. May kaunting problema sa hotel."

I looked at him from under my lashes. He was standing on my right, his eyes were fixed on the canvass. "Kailangan mo bang pumunta ng hotel?"

Kagyat na napatingin siya sakin. "No. Kaya na nila iyon." tumalungko siya sa gilid ko at hinawakan ako sa balikat upang iharap ang katawan ko sa kan’ya. "Besides, hindi kita iiwan lalo na't alam kong nabitin ka." sinamahan niya iyon ng makalaglag panty na kindat.

Ang lalaking ito!

"Hoy, super kapal mo naman, Caleb Damien Yung! Nabitin ka d’yan!"

Umingos siya. "Sus! Bakit ba napaka pakipot mo, Natzkie? Why can't you just say that you like me, too?"

"A-ah, eh.. H-ha?" kandautal na sabi ko.

Caleb laughed, showcasing his perfectly aligned and sparkling white teeth. "Cmon, Natalie, let's not play dumb here. I already told you, I like you. So much. And we both know you like me as well. Gusto ko lang marinig mula sayo na so much din ang pagka like mo sakin."

My lips twitched at pinigilan kong matawa. 

Umasim ang mukha ni Caleb. "'Wag mo 'kong tatawanan, maiinis na talaga ako sa’yo! Just fucking tell me you like me, too, Natzkie! It kills me to not know!" he grabbed my shoulders and pulled me in a standing position. Inilapit niya ang mukha saakin at pinakatitigan ako. He was so close, halos maduling na ako. "Sabihin mo sakin na gusto mo 'ko, Natalie, bigyan mo ako ng rason para hindi na kita ibalik sa ex mo."

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita, pero walang lumabas na sound. Speechless ako sa mga pinagsasabi ni Caleb.

"Please, just say it, Natzkie." he looked at me expectantly.

Kumibot kibot ang labi ko. OMG. Kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko!

"Say it." he urged. "Or do I have to kiss you first?" nakangisi na siya this time.

Natorete naman ako. Mabilis pa sa alas kwatro ang mga salitang lumabas sa bibig ko. "G-gusto din kita!! Gustong gusto!" 

Caleb's smile widened as I said those words. Nangislap ng husto ang mga mata niya. Segundo lang ang pagitan nang higpitan nya ang hawak sa mga pisngi ko at bumaba ang labi niya sa labi ko.

He kissed me tenderly. Iyong tipong parang dampi lang ng bulak ang nararamdaman ko. Tanging ang nasa isip ko lang ng mga panahon na 'yon ay ang kaalamang nagkakagustuhan kaming dalawa ni Caleb. Hindi lang pala nagkakagustuhan kundi sobrang nagkakagustuhan! Kinikilig ang mga matres at bahay bata ko!

Naramdaman ko na lang ang pagkawala ng labi ni Caleb sa labi ko. Nakapikit pa 'ko noon. When I opened my eyes, I saw him staring at me like I am the most beautiful girl in the world. My heart swelled. Para akong dinuduyan sa sobrang saya na nararamdaman. Parang may clouds, rainbows and butterflies sa paligid, ganon kasaya!

Nagulat pa ako nang bigla nya akong pangkuhin. I giggled as I put my hands around his nape. I couldn't take my eyes off him. Araw araw ko atang aalalahanin ang expression ng mukha nyang ito. Napabuntong hininga ako. Haaay.. Ang sarap naman na may isang Caleb Damien Yung na nagbubuhat sa patungo sa... Kama.

Oh shit! Dinadala niya ako sa kama ko!

Anong binabalak niya? Ngayon na ba? Kakasabi ko pa lang na gusto ko siya! Ready na ba ako na makipag chuk chak chenes sa kanya? Teka! Nagpapanic na 'ko!

In like pa lang naman kami sa isa't isa! Hindi pa in love! Dapat in love muna bago in lust! Napakabilis naman ng lalaking ito!

He gently laid me in bed. He was grinning at me from ear to ear. Ayan na! Unti unti siyang lumapit saakin at sumampa sa kama. Gusto ko sanang sabihin na hubarin muna nya ang damit—este, tsinelas niya kasi marurumihan ang bed sheet ko. Pero napipilan ako. Alam kong dapat pinipigilan ko na sya sa ginagawa niyang paghalik sa noo ko..teka! Seryoso? Sa noo talaga? Ano 'ko lola?!

Caleb was chuckling as he settled himself beside me. "What sweetheart? Why do you look so disappointed?"

Napanganga ako. Ang hudyong 'to! Hindi nakapagpigil na hinampas ko siya sa dibdib. Napaigik ang loko.

Hahampasin ko pa nga sana ulit nang hulihin niya ang kamay ko. "Ang sakit, Natzkie ha? Isa pa, rereypin na talaga kita!"

Nandilat ang mata ko, kasabay niyon ay dumapo muli ang palad ko sa matigas niyang..dibdib.

Continue lendo

Você também vai gostar

8.7M 130K 77
Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa m...
221K 3.5K 47
Why does it every time I see you, heard you - no even if I just felt your mere presence you always make my heart beat like a love song?
418K 7.5K 31
Jace Michael Villaluz Nyah Valero
324K 5.7K 24
Montenegro Heirs 2: "You made me madly smitten inlove with you. Deal with the consequence." Rewane Bresies Montenegro is a professional horse traine...