Chapter 35

24K 559 41
                                    

Caleb

Hindi ko alam kung paano ko kakalmahin si Natalie habang nasa loob kami ng estasyon ng pulis, eksaktong isang oras matapos niya matanggap ang tawag mula sa mama niya na nawawala ang mga kapatid niya.

Ayon dito ay dapat susunduin niya ang mga bata sa eskwelahan nang makita niyang may isang itim na van na huminto sa tapat mismo ng gate ng elementary school at bumaba mula dito ang mga hindi kilalang lalaki at walang anu anong dinampot ng mga ito ang kambal. Wala na daw siyang nagawa noon kundi umiyak, wala din namang plaka ang sasakyan na maaari nitong pagkakakilanlan.

As soon as I heard Natalie crying hysterically for me outside the bathroom, I went out—still in my naked glory—and she told me what happened. Mabilis kaming nagbihis at habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Scor para tulungan ako.

Thank heavens, hindi pa siya nakakaalis ng bansa at agad din siyang sumugod sa presinto kung nasaan nga kami ngayon.

Natalie was hugging her mother and her step dad was talking to someone over the phone. Maya maya ay dumating si Nero, ang step brother niya at kasama nito ang boss nitong si Scor.

"Pare." agad kong bati sa kanya.

"Don't worry, man. Nagpahanda na ako ng check point sa lahat ng pwedeng lusutan ng sasakyan." sabi ni Scor pagkatapos ay dumiretso din agad ito upang kausapin ang hepe ng mga pulis. May ilan pang mga tauhan siyang kasama na sumunod sa kanya habang si Nero naman ay lumapit kina Natalie.

I have a bad feeling about this. Bakit parang pakiramdam ko, may kinalaman si lolo sa nangyaring ito? I fished my phone from my pants' pocket and called Ava. "Do you have intels regarding lolo's activities?"

"Wala. Bakit?"

I cursed loudly. "Nawawala ang mga kapatid ni Natalie. They're kidnapped, Ava." parang napakalayong isipin na kidnap for ransom ang nangyari. Dahil una sa lahat, Natalie's family are not that well off. Wala silang kakayanan na magpalabas ng malaking halagang pera kung iyon talaga ang pakay ng mga kumidnap sa bata

There's this possibility that it might be connected to child trafficking, but my guts are pointing to another direction.

"Oh my god." Ava sounded devastated. "I'm going to call someone in lolo's office and I'll see what I can do."

"Thanks, couz." napabuntong hininga na lang ako. Kung may kinalaman man si lolo sa nangyaring ito, hindi ko alam kung kakayanin ko pang mapatawad siya. Hindi na niya dapat pang idinamay ang mga bata dito, wala naman silang muwang. Wala silang kasalanan!

Matapos kong sikaping pakalmahin ang sarili ko ay hinanap ng mga mata ko si Natalie. Mag isa na siyang nakaupo sa nakahilerang upuan sa pasilyo ng presinto. She's nervously wringing her fingers on her lap and her lower lip is rolled between her teeth. Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya. "Hey, sweetheart.." tumingin lang siya sa'kin saglit ngunit hindi siya kumibo.

I wrapped my arm around her shoulder and pressed a kiss on her head but she didn't budge. She kept her eyes trained on her lap. "Natalie, please talk to me.."

"Not now, Caleb."

Napapikit ako. I know, now's not the time para kulitin siya. I just wanted to be able to do something for her, whether it's moral support, I don't care! I wanted to be a part of her life and I couldn't be if she doesn't stop acting cold and reserved. She needed to let me in and tell me what's going on in her head!

Oh for fuck's sake! I didn't imagine this day ending up in a freakin' disaster! Buong akala ko ay magiging maganda ang resulta ng araw na ito, matapos may mangyari sa aming dalawa, which is easily the most perfect moment of my life.. Biglang ganito..

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now