Numb is in

By asherinakenza

1.5M 23K 1K

Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban m... More

(PROLOGUE)
CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: Summmmmmmerrrrrrr! :)
CHAPTER 8: TRUTH ?
CHAPTER 9: TRUTH (PART 2) [FLASHBACK]
CHAPTER 10: <3
CHAPTER 11: </3
CHAPTER 12: Crazy
CHAPTER 13: Iniipis mo yung puso ko (^_^V)
CHAPTER 14: Awkwardddddd!
CHAPTER 15: He Love's Me.
CHAPTER 16: I'll be watching you (Part 1)
CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)
CHAPTER 18: Virus/Stolen Kisses..
CHAPTER 19: Priceless
CHAPTER 20: Don't wanna lose you.
CHAPTER 21: A Special Friend?
CHAPTER 22: Playful friend.
CHAPTER 23: Not Again..
CHAPTER 24: Meet Cassiel..
CHAPTER 25: A date with my boss?
CHAPTER 26: You Make Me Perfect.
CHAPTER 28: Closure..
CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..
CHAPTER 30: Promise
CHAPTER 31: I wanna be with you.
CHAPTER 32: Bestfriends..
CHAPTER 33: Truth.Lies.Love
CHAPTER 34: The Wedding...
CHAPTER 35: Goodbye..
CHAPTER 36: Don't look back..
CHAPTER 37: The Victim
CHAPTER 38: Bad Day..
CHAPTER 39: I gotta find you.
CHAPTER 40: Pain and Tears
CHAPTER 41: Revelations.
CHAPTER 42: Hatred
FINALE : ♫ It will rain ♫
EPILOGUE

CHAPTER 27: He's Real..

25.8K 384 5
By asherinakenza

CHAPTER 27: He’s Real..

 

Dedicated kay Tita ko! Tita ko sa SAMANTOP! Yaaaaa! Solid SAMANTOP kami! :D

 

 

ALEXIS P.O.V

 

“Whatever happen, please...don’t leave me...”

 

“Whatever happen, please...don’t leave me...”

Paulit ulit yan sa isip ko, hindi ko alam kung bakit niya ba naisip na iiwan ko siya.. Nung isang gabi ko pa iniisip yan! Aish.. Nandito nga pala ko ngayon sa company nila, O.O ang laki lang ng company nila! Naalala ko tuloy yung company ni Daddy, ganito din kalaki yun eh.. Tss, pag pumupunta kami nila Mommy at Dixie para dalan ng pagkain si Daddy.. Ayaw kasi ni Daddy ng luto ng iba gusto niya kay Mommy lang..  Nga pala kaya ako nandito, maghahatid ako ng coffee sa office ni Matthew.. third rule niya nga diba.. Tss..

“Ah, excuse me? Saan dito yung main office ni Matthew Cortezano?” – tanong ko dun sa babaeng nasa may gilid ang table at busy pagtatype.

“Ahm, sino po sila?” – nakangiting tanong niya! Wow mukhang mabait ah!

Sasabihin ko bang girlfriend niya ko? Hmm.

“Ah..gi-girlfriend niya.. Alexis Punzalan.” – pakilala ko.

Ngumiti ulit siya.

“Ah, dito po yung office ni Sir.” – turo niya sa katabing pintuan niya, secretary siguro ‘to ni Matthew.

“Kanina pa po hinihintay ni Sir.Matthew yung coffee niya eh.” – natatawang sabi niya.

Nagpasalamat ako, saka dahan dahang binuksan yung pinto... To my surprise....

May isa pang pinto! -_- , sliding door naman siya.. Black.. hindi siya mahilig sa black?.. dahan ko binuksan pa.slide yung pinto..npagpasok ko..

“Look who’s here..the so called girlfriend..” – nag init bigla yung ulo ko ng makita at marinig ko yung boses nitong babaeng ‘to!

“Ah, yeah.. did you miss me?” – sarcastic na tanong ko.

“Why would I?” – maarteng tanong niya..

Tumawa ko ng mahina.

“Bakit? Hindi mo ba namiss ang GIRLFRIEND ng fiancé mo?” – taas kilay kong tanong sakanya..

Narinig kong umismid siya, haha! Nakakaasar? Why? Naging kaibigan ko si Denisse nung high school kami pero bakit galit siya sakin? Dahil ba gusto niya talagang makasal kay Matthew??

Lumapit ako kay Matthew na kanina pa nakakunot noong pinapanood kaming dalawa ni Denisse.

“Hey.” – bati ko sakanya, I give him a smack in his lips, mukhang nagulat pa siya.

“Good Morning Babe!” – nakangiting bati ko kay Matthew, nilakasan ko talaga para marinig nung Denisse na yan -_-.

“Morning baby..” – sagot niya, at saka ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko.. Chansing yan! -_-

“Tss, PDA.. Aalis na ko.. hindi na maganda nakikita ng mga mata ko..” – bulong ni Denisse.

“May sinasabi ka?” – pagtataray ko.

“Hey, baby.. don’t be rude..” – suway sakin ni Matthew..

Tss! Ako?! Rude?!!

Inirapan ako ni Denisse! Kainis.

“Denisse, tatawagan nalang kita. Mag ingat ka.” – at talagang tatawagan pa?! Ingat?!

Lumabas na si Denisse, at patalpak na inislide yung pinto! Sino ngayong rude..

Inalis ko yung kamay ni Matthew sa bewang ko,.. naiinis kasi talaga ako..bakit kasi tatawagan pa?!

“O, bat biglang sumimangot ka?” – tanong niya.

“Wala!.”

Tinatanong niya talaga?!

“Are you jealous?” – natatawang tanong niya.

Tinalikuran ko siya, pero hinila niya ko at hinawakan niya ulit ako sa bewang.. Nakasandal ako ngayon sa table niya, sobrang lapit namin sa isa’t isa. Nilagay niya yung buhok ko sa gilid ng tenga ko.

“Wag ka ng magselos.. kinausap ko lang naman si Denisse, gusto ko ng itigil yung pagiging mag fiancé namin.” – sabi niya.

“Pero, tatawagan mo pa rin siya.. :3” – nakangusong sabi ko.. hindi ko alam pero napapansin ko sa sarili ko na nagiging isip bata ako pag kasama ko si Matthew..

Tumawa siya at mahinang hinampas yung lips ko.

“Wag ka ngang gumanyan.” – natatawang sabi niya.

“Tatawagan ko siya kasi kailangan naming makausap si Dad at yung Dad niya na wag na ituloy yung arrange marriage namin.” – seryosong sabi niya.

Tahimik lang ako.. nakatungo padin..

“Hui, ngumiti ka na..” – pagpipilit niya.

Tumungo lalo ako.

“Tss, ang baby ko nagseselos.. Lika nga dito.” – niyakap niya ko.. Tumungo siya sa shoulder ko..

“Kahit sino pang babae ang iharap mo sakin, wala paring tatalo sayo.” – madiin na sabi niya.

“I love you...” – bulong niya sa tenga ko..

Di ako sumagot. -_-

“Hui, I love you.” – ulit niya.

Ayoko parin sumagot, naiinis ako bakit ba?!

Umalis siya sa pagkakayakap sakin.. saka niya ko...

Hinalikan.

*O*

Mabilis ko namang tinugon yon,.. I heard him giggle.. kaya napatigil ako.. tinignan ko siya ng masama..

“Bat tumatawa ka?!!” – sigaw ko sakanya.

“HAHAHA! Is that your way of saying you love me too?” – natatawang sabi niya..

Oo nga noh? Hindi ko siya sinasagot pero sa halik niya tumugon ako.. *O* , nakaramdam akong hiya! *-*

Humigpit yung hawak niya sa bewang ko.

“I liked it..” – bulong niya.

He kiss me again, gently.. he slid his tongue to mine.. and trying to reach my tongue..so I did the same..

“Sir—“ – napapitlag kami ni Matthew ng marinig naming may tumawag sakanya!

“Hindi ka ba marunong kumatok?!!” – naiinis sa tanong ni Matthew dun sa babaeng nakausap ko kanina, nakahawak parin siya sa bewang ko..

Tumalikod ako.. >///<.. nakakahiya..

“So-sorry po Sir!! Akala ko po kasi,. Ano.. wala.. po kayong ginagawa.. ibibigay ko lang po sana ‘tong mga pipirmahan niyo.” – nauutal na sabi ng secretary niya.

“And what do you think I’m doing?!!” – Matthew ano ba! Bakit tinatanong mo pa yan!

“A..ano po! Ah!... nag cocoffee po sir!!”

O.O

What the...

Agad lumabas yung secretary niya..

Biglang nakaramdam kami ng hiya ni Matthew sa isa’t isa! Nagkatinginan kami pero agad din naman kaming nag iwas ng tingin..

“Ah, ano! Pang umaga nga pala ko sa coffee shop! Si-sige! Aalis na ko!!” – pag sisinungaling ko saka tumakbo palabas ng office niya.

Hindi na ko nag abalang tumingin sa secretary niya. Kasi naman nakakahiya talaga! Mabilis kong pinindot yung elevator.

*DING!*

Pagbukas.

Isang matangkad na lalaki ang nakatingin sa mga mata ko, hindi ko alam pero kinabahan ako bigla.. Tingin ko yung edad niya nasa 40 plus.. nakatingin lang siya sa mata ko..

“Ahm, sir nandito na po tayo.” –sabi nung babaeng sa tingin ko secretary niya dahil sa daming dala ng folder nito.

“I know.” – punong puno ng awtoridad ang boses niya.

Tumungo ako, saka siya lumabas ng elevator. Nagmadali akong sumakay ng elevator at agad pinindot yon pababa ng ground floor..

Ano kayang meron? Bakit kinabahan ako?.. sino ba yung lalaki na yon..

Paglabas ko ng company nila Matthew, nakahinga ako ng maluwag! Woo, pero.. sino ba kasi yon..

Bzzzzzzzzzt.Bzzzzzzzzzzzzzt.

Grabe lang mag vibrate yung cellphone ko bulsa ko! -_- kinuha ko yon..

 


Calling: +63927********

Huh? Sino ‘to?

Sinagot ko yon.

“Hello? Sino ‘to?” – tanong ko.

Hindi sumasagot?

“He—“

*toot*

Pinatayan ako? Peste yun ah! Tawagan ko kaya? Tss wag na! Sayang load ko!

Naglakad na ko, day off ko ngayon! Saan kaya makapunta..

Bzzzzzt.bzzzzzt.

Ayan nanaman! Tumatawag nanaman yung number!

“HOY! KUNG WALA KANG MAG—“ – nagulat ako sa nagsalita sa kabilang linya.

Sumama yata bigla yung mood ko..

“Magkita tayo.” – sabi niya.

Hindi ako makasagot. Napatigil ako sa pag lalakad..

“Nanjan ka pa ba?” – tanong niya.

Parang umurong yung dila ko..

“Tsk, alam kong nanjan ka.. hindi kita pipilitin sumagot.. hindi rin kita pipilitin pumunta.. basta maghihintay ako sa plaza ng school natin nung high school tayo..” – yun lang ang sinabi niya.

Bumalik yung kaba ko na kaninang naramdaman ko ng makita ko yung lalaki dun sa elevator.. tss, nakatayo pa din ako dun.. hanggang sa matauhan ako ng may makabangga sakin na tao..

“So-sorry po!” – sabi ko dun sa babae.

Pero hindi niya ko pinansin..

Naglakad ulit ako..

San ako pupunta?..

Sisiputin ko ba siya?

Bakit bigla siyang bumalik?..

Ang dami kong tanong..

Babalik ba siya? Ngayong...

Alam kong..

Naka move on na talaga ako..

DENISSE P.O.V

 

Umagang umaga nainis ako.

Why would I miss her?

Tanga ba siya? Naiinis ako sa bitch na gaya niya.

Mahinhin siya nung high school kami, minsan maharot.

Pero hello? Bakit ba kasi siya napunta siya sa club?

Tss, ayoko na rin itanong kay Matthew.. Naiiis lang ako..

Tawagan ko na nga lang si Nick, kuya siya ng friend ko.

“Hey! Denisse! Zup!” – masiglang bati niya.

“Kuyaaa!” – sigaw ko.. namiss ko siya! Kuya kuyahan ko na rin kasi siya! ang hirap talaga kapag only child.

Tumawa siya.

“Asan ka Kuya? Gusto ko ng kausap.” – ayan nanaman isip bata.. tss.

“Nandito ko sa bar ko, punta ka nalang.”

*toot*

Pinatay na.

Tsk, maaga pa para pumunta ako dun.. hmm, yeah may bar si Kuya Nick. Nagdrive na ako at madaling pumunta sa bar niya.

Pagdating ko dun. Syempre madilim, at yung counter lang ang may ilaw, nakita ko si Kuya Nick nag mimix ng alak. Umupo ako sa stool.

“O, nandito ka na pala!” – nakangiting bati niya, saka binigyan ako ng margarita.

“Thanks Kuya.” – sabi ko.

“Problema? Fiancé mo nanaman ba?” – natatawang sabi niya.

“hello?! Bat ko siya poproblemahin.. naiinis ako sa girlfriend niya.” – sabi ko, then uminom ako.

“Alam mo, iisipin ko inlove ka sa fiancé mo!” – pang aasar niya, lagi niya yan sinasabi, hindi naman talaga ako inlove sa mokong na yon! Never, ayoko nga sa martyr na manhid pa na gaya niya.

“Whatever you say.” – natatawang sabi niya. Saka nag ayos ng mga alak sa cabinet niya.

“Nick yung ano—“

O.O

 Ah! Sh*t! Anong ginagawa nitong sira ulo na ‘to dito?!!!

“Oh, Cloyd nakuha mo na ba yung extrang muddler?” – tanong ni Kuya Nick sakanya.

“MAGKAKILALA KAYO????!!!” – sigaw ko.

Napatingin sakin si Kuya Nick.

“Hmm, yeah. Partner ko siya dito sa bar, bakit Denisse?” – nagtatakang tanong ni Kuya Nick.

“Arrrrggghhh! Sh*t!!” – sigaw ko saka tumayo at naglakad!

Sa dinami dami ng pwede niyang kapartner bakit yung gag*ng lalaki na yon pa! sh*t talaga!!

“Denisse!! Sandali lang!!” – sigaw ni Cloyd! I hate him!

I hate him! I hate him!

Hinila niya ko sa kamay!

“ANO BA?!!!” – sigaw ko.

Napansin kong papalapit si Kuya Nick samin.

“Uh-huh? So, kaya pala kahit anong gawin kong asar sayo sa fiancé mo hindi ka mapaamin na inlove ka, kase sa iba ka inlove.” – pang aasar ni Kuya Nick.

“fiancé?” – pagtatakang tanong ni Cloyd.

“SHUT UP!!!” – sigaw ko.

“Sa tingin ko kailangan ko na munang umuwi..” – nakangiting sabi ni Kuya Nick saka kinindatan ako.

Tinap niya si Cloyd sa shoulder nito. At parang may binulong!

“Gag* ka pare!” – sigaw ni Cloyd sakanya.

“HAHA! Sige maiwan ko na kayo.” – saka tuluyan na ngang lumabas si Kuya Nick!

Ah sh*t!! Narinig ko pang nilock niya yung pinto ng bar!! Nakakainis!!

“Mag usap tayo.” – pakiusap ni Cloyd.

“Wala tayong pag uusapan! Buksan mo yung pinto! Alam ko, alam mo yung code ng pinto ng bar niyo! Wag mo itanggi! Diba partner kayo ni Kuya Nick!!”

Pero tinignan niya lang ako! Ayoko ng tingin niya! Naiinis ako! Ayoko tignan yung mata niya! Dahil..

Dahil alam ko kahit anong oras lalambot yung puso ko sakanya..

Umiwas ako ng tingin,. Bumalik ako sa stool, at dun umupo.. kahit naman magsisigaw ako dito hindi niyo bubuksan yung bwisit na pintuan na yan!

Umupo din siya sa tabi ko.

“Mag-uusap tayo.. pero sandali lang.” – sabi ko.

“Okay lang.” – sagot niya.

Natahimik kami sandali.. hanggang sa siya na rin yung bumasag sa nakakabinging katahimikan dito sa bar..

“Sorry..” – panimula niya.

“Hindi ko naman talaga sinasadyang gawin yon.. alam mong hindi ko kayang gawin yon.” – yun na nga eh! Alam kong hindi niya kayang gawin pero ano? Ginawa niya.. may iba siya! tss, OO! Nagbreak kami dahil sa isang babae!

“Alam ko hindi acceptable yung reason ko kung bakit nagawa ko yon..” – talagang hindi katanggap tanggap! Dahil lang nag cool off kami ng one week may iba na?!! Cool off, pesteng cool off yan.. bat ba kami nag cool off?! Trip ko lang! Gusto ko lang mapag isa..

Pero, kung ako yung gustong mapag isa, bakit ako nagalit nung malaman kong may iba siya?! tss, tanga...mahal ko nga...

“Pero Denisse.. alam mong mahal kita..” – bulong niya. Parang may nagkakarera sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko..

Pero ayoko..

“Huh! Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba alam na ikakasal na ko?” – pagsisinungaling ko, kahit alam kong hindi naman namin itutuloy ni Matthew yung kasal.

 Kumunot yung noo niya.

“Gulat ka?.. Gusto mo ba malaman kung sinong fiancé ko?” – sarcastic na tanong ko..

Tinignan niya ko sa mata, nakakatakot yung tingin niya..

“Si... Matthew ang fiancé ko.” – sabi ko.

Napatayo siya, at sinipa yung bar stool!

“Sh*t!!” – sigaw niya.

Humarap siya sakin at hinawakan ako sa balikat.

“You’re not gonna marry that jerk!” – sigaw niya.

“Wa—“ –

Hinalikan niya ko..

Sa hindi ko malamang dahilan .. tinugon ko yon.. at mas lumalim yung paghalik niya sakin..

Sabay kaming bumitaw sa halik naming dalawa.

Nagtitigan kami..

“I miss you..” – bulong niya..

I smiled at him.. and he kissed me again.. hungrily but passionately!

Binuhat niya ko ng parang bagong kasal.. pero patuloy niya padin akong hinahalikan.. naramdaman kong naglakad siya..

Tumigil siya sandali paghalik sakin at may pinindot siya dun sa isa sa mga cabinet ng mga alak.. at kusang bumukas pa.slide yung isang cabinet pa.left side..

O.O

Tumambad sakin ang isang kulay blue na kwarto.. kumpleto ng gamit..

Tinignan ko siya ng buong pagtataka..

   “This is not the time to be amaze hon.” – bulong niya sa tenga ko..

He carried me to the bed..

He’s on my top.. and start kissing me again..   

..to be continued...

 -------     

                                                     

“ASH”

Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.4K 274 32
Imagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.
98.3K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...
13.7K 250 48
Close na close ang dalawa, merong taong naiinis kay Dixie dahil sa sobrang close nila ni Cove. Kahit merong tao sa paligid niya na nagsasabi na gusto...