Caught In His Arms (Published...

Oleh VentreCanard

60.1M 1.6M 410K

Former title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in... Lebih Banyak

LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS
Note
Prologue
-
--
Mission 1
Mission 1.2
Mission 2.2
Mission 3
Mission 3.2
Mission 4
Mission 5
Mission 6
Mission 7
Mission 8
Mission 9
Mission 10
Mission 11
Mission 12
Mission 13
Mission 14
Mission 15
Mission 16
Mission 17
Mission 18
Mission 19
Mission 20
Mission 21
Mission 22
Mission 23
Mission 24
Mission 25
Mission 26
Mission 27
Mission 28
Mission 29
Mission 30
Mission 31
Mission 32
Mission 33
Mission 34
Mission 35
Mission 36
Mission 37
Mission 38
Mission 39
Mission 40
Mission 41
Mission 42
Mission 43
Mission 44
Mission 45
Mission 46
Mission 47
Mission 48
Mission 49
Mission 50
Mission 51
Mission 52
Mission 53
Mission 54
Mission 55
Mission 56
Mission 57
Mission 58
Mission 59
Mission 60
Mission 61
Mission 62
Mission 63
Mission 64
Mission 65
Mission 66
Mission 67
--
Mission 68
Mission 69
Mission 70
Mission 71
Mission 72
Mission 73
Mission 74
Mission 75
Book 2
Epilogue
A/N
Published under Pop Fiction
THANK YOU SO MUCH

Mission 2

1M 28.9K 5.2K
Oleh VentreCanard

Mission 2


"Yes, last period na. Gusto ko na talagang umuwi" bahagya pa akong nag unat unat. Nakakapagod talaga ang araw na ito, idagdag pa ang mga nakakastress na sinabi ng hari ng mga Shokoy na 'yon. Darn.

Bakit ba hindi mawala sa isip ko ang sinabi niyang 'yon?


"I just don't want to see you cry"


"No one can ever make you cry, no one..except from me.."

Halos paulit ulit ko na itong naririnig sa tenga. Hindi ko alam kung bakit siya nagrereplay na nagrereplay, nakakasura na. I won't ever cry because of him. Over my gorgeous and sexy body. Duh?


"Florence magkwento ka naman bakit ganoon na lang ang interes sayo ng mga Ferell? May atraso ka ba sa kanila?" nagulat na lang ako sa pabulong na tanong ni Lina sa akin.


"Wala ako sa huwisyong magkwento ng bagay na 'yan. Pwede sa ibang araw na lang?" pabulong ko din sa kanya. Baka mahuli kami nitong dalawa, mahigpit pa naman ang propesor namin ngayon.


"Oh, okay" maiksing sagot niya sa akin na ipinagpasalamat ko.


"Wait, are you somewhat interested with one of them?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya. What the hell? Don't tell me she's interested with water creatures?


"What the fuck Florence?" iritadong sagot sa akin ni Lina.


"Ms. Almero and Ms. Hidalgo maaari na kayong lumabas dalawa, sa labas niyo na ituloy 'yang pinag uusapan nyo. Nakakagulo kayo sa klase ko!" halos sabay kaming mapatalon ni Lina sa aming kinauupuan. Oh boy, nahuli pa rin talaga kami kahit nagbubulungan na lang kami.

Ang daldal naman kasi nitong si Lina. Pero mas mabuti na sigurong mapalabas ng maaga, kanina ko pa talagang gustong umuwi at magpahinga.


"Yes! Early dismissal, makakatulog na rin ako ng matiwasay" sana wala pa ang mga Shokoy sa mansion.


"Early dismissal ka dyan? Ang ingay mo kasi nadamay tuloy ako" ismid na sabi sa akin ni Lina na inirapan ko lamang. Magpasalamat nga siya sa akin dahil makakauwi kami ng maaga.


"Ang arte nito, makakauwi ka na ng maaga pasalamat ka nga sa akin"


"So dapat pasalamatan pa kita ganon? Florence ang aga aga pa kaya, magtataka ang parents ko nito" halos magpapadyak siya sa kahihimutok sa akin.


"Then go shopping" I suggested.


"No way! baka pag nalaman ng papa ko akalain niya nahawa na ako sa mga estudyante dito. Kung hindi nga lang dahil sayo umalis na ako sa langit na school na ito" napapangisi na lang ako sa paghaba ng nguso niya. Why I'm having a very cute friend?


"Natouch naman ako sa sinabi mo Lina, maniniwala na ba ako?" may peke pa akong pag aalis na kunwaring luha sa mga mata ko.


"So tayo na lang sa bahay nyo Florence, ipakilala mo ako sa magulang mo" ngiting sabi niya sa akin. Parang madadala ko siya sa mansion ng mga Shokoy na 'yon? Pugad 'yon ng mga lamang dagat, hindi naman basta basta ang hitsura ng kaibigan ko. Baka pag interesan siya ng mga Shokoy, mahirap na.


"Hindi pwede" maiksing sagot ko sa kanya.


"Bakit naman? ang daya mo talaga" mukha na naman siyang dismayado.


"Basta hindi pwede day off ang katulong namin makalat ang bahay" napapangiwi na lang ako sa sarili kong dahilan.


"Hindi pwede, lets go na sabay tayong pupunta sa inyo" masigla niyang hinawakan ang braso ko na akala niya naman ay isasama ko siya.


"Lina naman, next time na lang" tamad na sabi ko sa kanya habang kinakalas ko ang braso niyang nakapulupot sa akin.


"Yan na naman ang next time mo!" nagsisimula na siyang mamula sa pagkapikon. Sorry Lina, hindi talaga pwede.


"Kaaanak pa lang ng nanay ko, tama! bawal ang bisita allergic siya sa tao" Shit! san nanggaling ang sinabi ko?


"Ano? Florence kung magsisinungaling ka dapat kapanipaniwala naman bahala ka na nga sa buhay mo" mabilis na niya akong iniwan.

Hindi ko talaga siya pwedeng isama, kahit anong pilit niya it's a big No. Sinundan ko na lang ng tanaw ang pag alis niya. Napahilot na lang ang sa noo ko. What a day?


--


Sa Mansion Ferell


Dahil maaga nga akong nakauwi sigurado akong, nag iisa lang ako sa mansion. Masarap magpahinga pag walang nagkalat na Shokoy sa paligid.


"YES! Wala pa ang mga Shokoy!" tuwang tuwang sabi ko.

Ang talukap na mga mata ko ay nagsisimula nang bumagsak, kanina pa talaga akong inaantok. Kaya nakapikit na akong naglalakad na parang zombie, ang balak ko sana sa kwarto sa baba ang gagamitin ko pero gusto ko na talagang mahiga kaya basta ko na lang ibinagsak ang sarili sa malaking sofa sa living room


"Tatlong oras lang, grabe pinagod talaga ako ng mga Shokoy na 'yon. Hindi ako magluluto mamaya, bahala sila!" nagsasalita ako kahit nakapikit.

Hindi ko na inayos ang throw pillow na nasa ulunan ko dahil mabilis na akong dinalaw ng antok. Medyo mababaw akong matulog kaya konting ingay lang ay magigising na ako pero ako 'yong tipo ng taong mabilis nananaginip.


"Hanggang kaylan ka matutulog dyan?" naririnig ko na naman ba ang boses ng Shokoy na 'yon?


"Nero kahit sa paniginip ba naman? Evaporate! natutulog ako bakit ba ang istorbo mo?" tumagilid ako ng higa.

Kainis talaga kahit sa panaginip ba naman? Guguluhin pa ako? Pero infairness mabango ka kahit sa panaginip. What the hell? Bakit naaamoy ko siya?


Nero Ferell


"Yes! wala ang mga Shokoy!" that's what I've heard from that sharp-tongue-woman, she' so noisy. I saw her walking like a zombie with her eyes closed. Idiot.

But I didn't expect what she did, she just dive on this couch and position herself in sleeping mode. And what is amazing? She just used my lap as her pillow. Great! She didn't even notice me at all? Great woman.

I looked down on her.


What's wrong with her?  I was about to move her head.

But I don't know why and I can't even explain either, Just when I saw her closed eyes while talking these nonsense things. I can't help but to stare and listen to her silently.

Looking at her right now reminds me of that frustrated dream. Naalala ko na naman ang bitin na panaginip na 'yon.

I'm did convince myself that she's not her, this girl sleeping on my lap was completely different to that innocent looking girl in my dream.

But the other side of my mind can't agree. Damn.


"Maganda ka naman Hood may katok ka nga lang sa ulo"  I'm having a problem! I can't take my eyes on her, shit!

She's prettier when sleeping.


"Hindi Nero mas maganda 'yan pag gising" hell yeah! What's wrong with me?


"Anong maganda sa babaeng 'yan? Nangangagat kaya 'yan pag gising!" I noticed that my head moved up and down as a sign of agreement, natatanga na ako.


"Argh" ginulogulo ko na ang sarili kong buhok. Anong may'ron sa babaeng ito at lagi na lang siyang nasa isipan ko? Is she something like a witch? Kaya nagkakaganito ako?

Bakit ba ang hilig hilig nitong matulog sa mismong harap ko? Nagiging bisyo na niya ito. Hindi ito pwede baka ako ang tubuan ng bisyo.

My mind suddenly stopped when I noticed something unnecessary.


"What the fuck!"

Why I'm so lucky today? Umuwi ako dahil sumasakit na ang ulo ko idagdag pa ang kalokohang ginawa ng babaeng natutulog na ito kanina.

Then what now? She's doing another headache for me?


"Gisingin mo na siya Nero. Tapos ang problema mo"


"No, let her sleep. Sulitin mo na minsan mo na lang 'yan makitang maamo"

I decided to let her sleep on my lap. She's pretty, so no harm.


"But! What the fucking fuck?"


"What the hell? Is she...is she bitting her lips?" she's bitting her lips while sleeping?

Is she trying to seduce me? Hinawakan lang naman niya ang laylayan ng damit ko tapos sinimulan niya itong hilahilahin. What is she doing right now? Is she awake?

I looked at her intently and I'm sure that she's still sleeping. Hindi niya ba alam ang ginagawa niya? She looked like an innocent child sleeping while playing her pillow case. Darn! Why I find it adorable?

Anong akala niya sa akin pillow case? What the hell? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. She's too beautiful while doing this cute act of hers. Her cute way of seducing, darn. Hindi ako papayag na makikita ito ng ibang tao, not even my cousins.


"Damn!"

Hahawakan ko na siya pero babawiin ko naman agad. Hahawakan ko ulit siya pero babawiin ko na naman.


"Fuck!"

I heard my cousin's cars and they might see us like this. Hindi kami pwedeng abutan ng ganito baka kung ano na naman ang isipin nila mahirap na. Pinagmasdan ko ulit siya, agad kong mapapansin ang pagkapagod sa kanya. Damn.


"Hanggang kailan ka matutulog dyan?" nilakasan ko ang boses ko para mas marinig niya. By that, her mannerism stopped.


"Nero kahit sa paniginip ba naman? Evaporate! natutulog ako bakit ba ang istorbo mo?" bahagya siyang tumagilid para ayusin ang tulog niya. What the fuck? Nandito na ang mga pinsan ko. They can't see us like this!


"Wake up Hood" bahagya ko siyang niyugyog.


"Ano ba?!" tinabig niya ang kamay ko habang nakapikit. Buong akala ko si Tristan lang ang mahirap gisingin. Damn.


--


Florence Almero


"Hood, gigising ka ng kusa o gigising ka ng may? Hahalikan kita kapag hindi ka pa bumangon!" I heard it from Nero's voice.

Wait? Hahalikan?


"No way!" bigla akong bumangon at mabilis akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko nang may kung anong tumama dito.


"Aray!" hawak hawak ko ang ulo ko.


"Fuck!" narinig ko ang malutong na mura ni Nero Ferell. Ano naman kaya ang ginagawa ng hari ng mga Shokoy na ito dito? Kasalukuyan niyang hawak ang baba niya. Damn, kung ganun doon tumama ang ulo ko.

Mabilis akong sumulyap sa likuran, kung ganoon ay nakauwi na pala ang mga Shokoy sa mansion. Tapos na ang maliligayang oras ko kumpleto na naman ang mga lamang dagat sa mansion.

Malamang nag cutting na naman ang mga 'yan, wala namang alam ang mga Shokoy na ito kundi magpasikat sa mga babae.


"What happened?" gulat na tanong ni Troy. Hindi ko pinansin ang tanong niya at pinapatuloy ko ang pagkikipagtitigan kay Nero nang napakatalim.


"Bakit ka ba kasi nanggigising? Alam mo naman na may natutulog!" singhal ko kay Nero.


"Lugar ko lang naman ang hinihigaan mo" mabilis na sagot niya sa akin. Nagsimula na siyang sumandal sa sofa at prente niyang itinaas ang kanyang mga paa sa center table.


"Dapat hinintay mo akong magising! Hindi ka dapat naninira ng tulog ng tao" iritadong sabi ko sa kanya.


"Paano ako maghihintay? sa akin ka lang naman humiga" tipid na sabi niya sa akin na hindi man lang ako nililingon.


"What?"


"I can't blame you Hood sanay na ko sa mga babae, iba nga lang ang style mo" napanganga naman ako sa sinabi niya. Bakit lumakas na ang hangin sa loob ng mansion na ito?


"I have my name, wag na wag mo akong tatawaging Hood! At anong style ang pinagsasabi mong Shokoy ka?" lalong nangungunot ang noo ko sa lumalabas sa bibig ng Shokoy na ito.


"Really? Kung gusto mo talaga ako Hood mag approach ka na lang ng maayos sa akin. Quit your game, pinapahirapan mo lang ang sarili mo" ngumisi siya sa akin na agad namang ikitinaas ng kilay ko. Anong ibig sabihin ng Shokoy na ito? Masama ba ang pagkakatama ng ulo ko sa panga niya kaya ganyan na ang pinagsasabi niya?


"Ang kapal mo din no? I'm not attracted sa mga hambog na kagaya mo, ganda kong to? sasayangin lang sayong Shokoy ka? Never" marahas na akong tumayo sa makalanang sofang ito. Wala akong panahong makipag usap pa ng matagal sa walang kwentang hari ng mga Shokoy na ito.


"Hey, guys? Nandito na kami pansinin nyo naman kami. Tama na ang LQ nyo" biglang singit sa amin ni Owen na lalong nagpainit ng ulo ko. What the hell? Saan nanggaling ang LQ?


"Shut up" halos magkasabay pa kami ni Nero sa pagkakasabi nito.


"Ang iinit ng ulo" bulong ni Owen habang nagkakamot ng kanyang ulo. Damn, bakit hindi na lang sila manahimik?


"Tayo na lang sa kusina, wala na naman tayong makakain mamaya ng lagay na 'yan" dismayadong sabi ni Aldus. Buti alam nila.


"Iwan na natin ang mga 'yan panigurado mamaya pa ang tapos nila" tamad na sabi ni Tristan. Bahala sila sa mga buhay nila.

Lumayas na ang apat at malamang maghahasik na naman ang mga 'yon ng lagim sa kusina. Wag lang nilang linisin ng maayos ang kusina ko, ibabalik ko talaga sila sa dagat na pinanggalingan nilang apat.


"Cut your acts Hood. Tayo na lang dalawa" napalingon ako sa Shokoy na nakaupo pa rin sa sofa. Lalo na sigurong nagasumot ang pagmumukha ko sa mga sinasabi ng Shokoy na ito.


"Ang kapal mo talaga" inikot ko ang panigin ko para makakita nang kung anong pwedeng maibato sa kanya.


"Can't see anything?" nakangisi na naman ang Shokoy sa akin. Nabasa niya ba agad ang naiisip ko? Damn. Hindi ko alam na mind reader din pala ang mga lamang dagat na ito.


"Bahala ka na sa buhay mo" nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya nang bigla na naman siyang nagsalita.


"I have an interesting story wanna hear that Hood?" nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala akong pakialam sa kung anong gusto niyang ikwento, bakit hindi na lang siya makipagkwentuhan sa mga pinsan niyang Shokoy?


"I saw something cute during your sleep" dito na ako natigilan. What the fuck? Nakita niya kaya ang nakakahiyang mannerism ko kapag natutulog? Damn.


"You..you saw it?" nahihirapan kong sinalubong ang mga mata niya. Bakas na bakas sa mapang asar niyang ngisi kung ano ang nakita niya habang natutulog ako.


"Yes very clear" halos manlumo ako nang kumpirmahin niyang nakita niya nga ang nakakainis na mannerism na 'yon. What the fucking hell? Bakit kailangang ang Shokoy na ito pa ang makakita ng nakakahiyang bagay na 'yon?


"A..re you.sure?" pagbabakasakali ko.


"Very sure" napatulala na lang ako habang siya ay hindi na matanggal ang ngisi. Bakit ba ang malas ko ngayong araw?


"Nakakainis ka talaga Nero Ferell!" patakbo na akong tumakba papataas. Damn, hindi ko maiwasang hindi mahiya, bakit sa dami ng tao ay siya pa?


"Don't worry my Hood, that's our little secret" pahabol pa niyang pang iinis.


"I hate you" pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko.


I immediately dive on my bed and buried my face on my pillows. Shit. Why him?



--

VentreCanard

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

236K 5.4K 1
ONE SHOT. Kwentong hindi fantasy ang genre kahit na Dyosa ang bida. [Cover by Khrystyn Defensor]
54.4K 1.4K 5
Sabi nga nila "kung kayo ay kayo talaga". Kahit gaano pa kayo pag hiwalayin ng mundo, ibabalik at ibabalik pa din kayo ng tadhana sa piling...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.8K 105 4
Why can't faith be nice to their love? Why can't the world agree for them to be each other's home? Why cant destiny allow them to be each other's fo...