Claiming the Beauty

By RaceDarwin

35.1M 662K 65.5K

18+ advised. More

Claiming The Beauty
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One

Chapter Fifty Seven

266K 6.7K 587
By RaceDarwin


"GOOD morning, babe.."

"Good morning." Nakangiting sinalubong ni Shamcey ang binata. Kagigising lang nito. At eksakto katatapos lang niyang maghain para sa breakfast. Nagulat ito.

"Wow, nakapagluto ka na pala."

"Maaga ako gumising para magluto ng breakfast mo."

"How.. wifely." Tumaas ang kilay nito, pero impressed na tumingin sa kanya. Matamis na hinalikan niya ito sa labi.

"Uhhm, sarap." Namimilyong dumapo ang kamay nito sa pang-upo niya at pinisil.

"Ayan ka na naman. Itong luto ko ang almusalin mo, hindi ako, ha?"

Ngumisi ito at umupo na. Sumabay na rin siya dito mag-almusal. Pinanood niya itong magana na kumain. Kakaiba ang sigla nito ngayon. Mabilis nitong tinapos ang pagkain.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Maaga ako ngayon. May meeting kami ni Vincent kasama ang stockholders."

"Okay.."

"Babe, hindi na kita maihahatid.. May pupuntahan ka ba ngayon?"

"May trabaho pa ako sa Helios, di ba?"

Napatigil ito sa pag-aayos ng butones.

"Siguro sasabay na ako sa 'yo. Kailangan ko rin naman magtrabaho." sabi niya. Nakatapis pa ang tuwalya sa kanya at tumutulo ang tubig sa katawan.

"No, you don't need that anymore."

"Sabi mo?"

Ipinatong nito ang kamay sa balikat niya. "You don't need to work from now on. Nasa Helios ka pa rin naman because I want to see you everyday. Gusto ko lang na hindi ka mawala sa tingin ko. But now, sigurado na naman ako na di ka mawawala.."

"Confident ka na, ganon?"

"Hindi. Ang sinasabi ko lang, okay lang tumigil ka na sa trabaho mo. You don't need it anyway. Akin ka na and you are my top priority now."

"So, sinasabi mo tutustusan mo na lahat ng pangangailangan ko? Responsibilidad mo na ako, ganoon?"

He nodded. "Bakit parang galit ka?"

"Bakit parang kabit na naman 'yung feeling ko?" She glared at him. "No, thanks. Magtatrabaho pa rin ako."

"Why?"

"Dahil ayaw ko maging responsibilidad mo, Kiefer. I still want to earn money on my own. Di dahil babae ako at lalaki ka na may milyones sa bank account, gagawin na kitang ATM machine. Thank you, but no thanks."

Hindi na nakipagtalo pa sa kanya ang binata kahit mukhang gusto nitong tumutol. "May palag?"

"Okay, okay.. Di ko na ipipilit. Baka magalit ka na naman."



NABURA ang ngiti ni Shamcey nang sumibad na palayo ang sasakyan ni Kiefer. Inihatid din siya nito kahit sinabi nito na nagmamadali ito. Gusto niyang palakpakan ang sarili niya sa galing ng pag-arte niya. Mabigat ang loob na umatras siya at napahawak sa dibdib niya.

Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang paninikip ng dibdib. Ang daming tanong. Ang daming kasagutan. Ngunit natatakot siyang komprontahin.

Bakit, Kiefer?

Bakit hanggang ngayon ay may silid pa rin ang dati nitong nobya sa bahay nito? Sigurado bago pa lang siya sa pagpasok sa relasyon. Pero hindi siya tanga. Anong dahilan para panatilihin pa ang mga gamit ng dating karelasyon nito doon? Ang kwarto na sigurado siyang pinagsaluhan ng dalawa noon.

Ang bigat ng dibdib niya habang inaalala kung paano niya natagpuan ang mga photo albums sa ilalim ng kama. Ang daming litrato. Masasayang litrato nito habang kasama ang dating nobya nito.

Alam niya hindi siya dapat makaramdam ng insecurity.. Pero bakit ganon? Pakiramdam niya may kahati siya sa lalaki. Kaya ba hindi nito magawang ibukas ang sarili sa kanya? Mayroon pa rin bang parte sa puso nito na nakalaan sa nakaraan nito?

Naalala niya ang babae na nakita niyang kasama nito.. Hindi siya sigurado kung iyon 'yon.. Pero ang lakas ng pakiramdam niya.

"Shamcey." Sinalubong siya ni Marsh pagbukas niya sa pinto ng apartment nila.

"Si Mama?" tanong niya.

"Umuwi na siya. At buti nga wala na siya dito bago pa niya nakita 'yong dapat ikaw ang makakita."

"Anong dapat ko makita?" Naguguluhan na tumitig siya sa kaibigan. Pansin niya ang pagkabalisa nito. May pag-alala sa mukha nito.

Hinigit siya nito. May isang box na nakapatong sa mesa. May bakas na doon na nabuksan 'yon.

"Wag ka magalit na nabuksan ko. Hindi ko alam bakit sa akin nakapangalan ang box na 'yan. Details ko 'yung nakalagay. Pero hindi naman para sa akin pala ang laman."

Nalukot ang mukha na hinawakan niya 'yon. "Di ko maintindihan.. Para sa akin?"

Saka niya nakita ang maliit na card na nakalagay. For Ms. Escudero.

Napatingin siya kay Marsh. Kumabog ang dibdib niya sa pag-aalala na nakaguhit sa mukha nito. Umiwas ito ng mata.

Ibinalik niya ang tingin sa box. Sa isang mahabang buntong-hininga, mabilis na binuksan niya iyon. Isang photo album ang nakita niya.. Kumunot ang noo niya. Anong kinalaman sa kanya ng album na 'yon?

"Marsh, ano 'to?"

"Tingnan mo."

Isa isa niyang binuksan ang mga litrato. Pictures iyon ng isang batang lalaki. Parang compilation mula noong isinilang ito hanggang sa kasalukuyang edad nito.. Napansin niya na ang gwapong bata nito. Kulay brown ang mga mata at sobrang pamilyar ng ngiti nito.

Nakita na niya ito! Parang kidlat na humagupit ang realisasyon. Ang batang iyon ay walang iba kundi ang batang kasama ni Shy!

"Marsh, hindi ba pamangkin ni Shy ito?" sabi niya sa kaibigan."

"Pamangkin? Anong sinasabi mo?"

"Pamangkin niya ito. Itong bata."

"Si Shy na kaibigan natin?" paninigurado ni Marsh. "Paanong nangyari.." Namutla ang mukha ng kaibigan na parang may narealize.

"Oo. Nakita ko sila sa mall kahapon na magkasama.." Nasa huling page na siya nang matigilan. Napako ang titig niya sa lalaking nakakarga sa baby.

Tila huminto ang pagtibok ng puso niya. Nanginginig na iniangat niya ang litrato at namumutlang tinitigan iyon. Baka dinadaya lang siya ng paningin niya. Baka nakakahawig lang..

But it's him.. Si Kiefer talaga 'yon habang karga ang isang taong gulang na bata. "Marsh.." Lumingon siya sa kaibigan. "Hindi ko maintindihan.. Kaano-ano ni Kiefer ang batang 'to?"

Hinaplos nito ang balikat niya. "Ito ang gusto ko pa sabihin sa 'yo kahapon. Hindi kita matawagan ng ayos."

Hindi lang ang album ang laman ng box. May pair ng medyas doon na pambata. Hindi nakaligtas sa kanya ang maliit na letrang nakatatak doon.

Baby Kierro..

"Montejo." Parang bombang sumabog ang mahinang boses na 'yon.

Napalingon sila ni Marsh sa pinto.

---

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

64.1M 1.2M 78
Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na yata niya. Wala naman itong kasalanan s...
Shameless By Race Darwin

General Fiction

12.5M 212K 53
'Desperate times call for desperate measures' seems to perfectly describe Emily Calixto's life. In the day, she might be a hardworking student, but a...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
3.6K 561 33
Walang gamot or treatment sa pagiging " PAASA " kasi hindi naman yan Mental disorder! alam nyo kung ano? - Attitude Disorder - PS : joke only! eh a...