The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.4M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 8

290K 11.4K 2.4K
By JFstories

NAPASANDAL muna ako sa pader nang ilang minuto. Iniisip kong mabuti kung paano ko sasabihin kay Marlon na wala akong nautangan.


Mayamaya ay pumasok na ako. Sumalubong sa akin ang galit niyang mga tingin. "Kahapon pa kita tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot?!"


Napayuko ako. "Sorry. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa 'yo..."


"Sasabihin na ano? Na niloloko mo lang ako? Na pinapaasa mo lang ako?"


Napapikit ako nang mariin. Parang gusto ko ng maiyak. "Hindi sa Ganoon, baby. Wala lang talaga kasi akong mautangan..."


Napamura siya.


"Pero, baby, wag kang mag-alala. May trabaho na ako. Pag-sahod ko, mag-aabot ako sa 'yo."


"Kailan pa? Kapag tapos na ang exam ni Shena? For Pete's sake, Martina! Kahapon pa namin hinihintay ang pera! Sabi mo mangungutang ka?!"


"S-sorry..." Pumiyok ako. Pinipigilan kong wag maluha. "W-wala kasi akong mautangan."


Dinampot ni Marlon ang unan at ibinato sa kung saan. "Gumawa ka naman ng paraan! Hindi ka naman kasi gumagawa, eh!"


"B-baby, gagawa ako ng paraan. P-promise, bukas mangungutang ulit ako."


Nahiga siya sa hospital bed niya at tinalikuran ako. Narinig ko ang pagsinghot niya at mahinang paghikbi. "B-bakit kasi sa akin nangyari ito?"


Napabuntong-hininga si Marlon saka malungkot na umiling.


"B-bakit pa kasi ako nalumpo? Bakit?!" Garalgal ang tinig niya. "Bakit ako pa?!"


Naglandas na ang mga luha ko. Awang-awa ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran. "S-sorry, baby..."


Tinabig niya ang kamay ko. "Bakit kasi ako ang nalumpo? Bakit hindi na lang ikaw?"


Nanlalambot akong lumayo sa kanya. Paglabas ko ng pinto, napahagulhol ako mag-isa.


Sana nga ay ako na lang ang nalumpo. Para sana ay hindi siya nagkaganito. Para sana ay hindi siya nagbago. Para sana ay mahal niya pa rin ako.


....


PINANINGKITAN ko ng mata si Gracia nang mapansing ko na kanina pa siya nakatitig sa akin. "Ano na naman 'yang mga tingin mo riyan, 'insan?"


"Naaawa ako sa 'yo, 'insan." Nasa canteen kami ng mga sandaling ito. "Bakit kasi kinalaban mo si Prof M? Iyan tuloy, naghihirap ka ng ganyan."


"For your transformation, hindi ako nahihirapan!"


"Anong transformation? Baka information?"


Umirap ako. "Basta iyon na iyon!"


"Pero makapangyarihan talaga itong nakalaban mo, 'insan. Biruin mo, professor mo sa umaga, manager mo sa gabi. Mukhang wala talaga siyang balak na tantanan ka!"


Napayuko na lang ako. Tama naman siya. Kapag professor ko si Rix, ako lang ang may exams. Ako lang ang abala sa recitation dahil ako lang ang lagi niyang tinatawag. Ako lang ang maraming assignments. Ako lang din ang lagi niyang pinaparusahan kapag nale-late ako. Iyong iba, hindi naman.


Kapag manager ko naman siya, wala siyang ibang ginawa kundi utusan ako. Madalas niya akong pagalitan sa harapan ng mga katrabaho ko. Wala akong rest day. Isang linggo na akong nagtatrabaho sa coffee shop niya pero trainee pa rin ako.


Kailan niya kaya ako gagawing waitress para naka-uniform na rin ako na tulad sa aking mga katrabaho? Ano ba talaga kasi ang trip niya sa buhay? Wala ba siyang ibang magawa?


Manager pa rin ba siya ng bandang Black Omega Society? Saka di ba marami siyang negosyo? Paano niya pa napagkakasya ang oras niya? Parang sobrang dami niyang time para lang buwisiten ako. Sobrang boring na boring na ba siya sa buhay niya?!


"Kung ako sa 'yo, mag-sorry ka na," payo ni Gracia matapos sumipsip sa straw ng softdrinks na iniinom niya.


"Iyan ang hindi ko kayang gawin. Kapag ginawa ko 'yan, iisipin ng tarantadong 'yon na panalo na siya. Hindi ko matatanggap ang pag-ngisi ng mokong na iyon."


Pride na lang ang natitira sa akin, at hindi ko iyon balak lunukin. Mahirap man ako at dukha, ang prinsipyo ko ang aking kayamanan sa mundo. Ako yata si Martina L. Manalaglag. Sanay sa hirap, sanay sa lusak, hindi pasisindak!


Napangiwi na lang si Gracia. Mukhang suko na siya. "Ah, bahala ka na nga, 'insan. Basta ako, hindi ako nagkulang ng paalala sa 'yo!"


Napakamot ako. "Eh, 'insan. Ngayong may work na ko, puwede na ba kong mangutang sa 'yo?"


"Wala ka bang balak na umalis dyan sa coffee shop? Lalo ka lang niyang pahihirapan."


Narinig niya kaya 'yong sinabi ko?


Napabuntong-hininga ako. "Saka na ko magre-resign kapag sumuweldo na ko. Tiyak na hindi ako pasasahurin ni Manager kapag basta na lang akong umalis."


"Ikaw ang bahala."


Kumamot ulit ako ng ulo. "Puwede ba akong mangutang sa 'yo, 'insan?"


"Ano ba itong nabili kong softdrinks, lasang tubig? Iyong sa 'yo ba?"


"Hindi naman," sagot ko matapos kong sumipsip. Kung hindi pa nakapangutang sa canteen namin, hindi pa ko makakainom ng softdrinks. Nakahingi nga ako ng cupcake kay Gracia pero isang kurot lang naman.


"Badtrip. Siguro hinaluan ng tubig ang softdrinks na 'to para dumami."


Nagkamot na lang ulit ako ng ulo. "'Insan, pautang naman, oh!"


"Nasabi mo na ba kay Kuya Maximus 'yong tungkol sa kalagayan mo?"


Umiling ako. "Hindi pa. Kapag natubos ko na ang scooter niya, saka ko sasabihin. 'Insan, pautang ako."


"Ano bang plano mo sa unang sahod mo?"


"Baka ibayad ko muna sa balance ko sa upa at sa AVON. Pautang, 'insan."


"Eh si Marlon, kumusta?"


"Hayun, galit sa akin. Pautang, 'insan, puwede ba?"


"Saan ka ba nagungupahan–"


"Tangina, 'insan, pautang naman oh!" Hindi ko na siya pinatapos. Nabibingi kasi siya kapag narinig na niya ang salitang 'utang'.


Nalukot ang mukha niya. "Magkano ba kasi?!"


"Tatlong libo. Kailangan lang ni Shena sa tuition niya."


"Si Shena? Iyong kapatid ni Marlon?"


Tumango ako.


"Eh, ikaw nga walang pambayad ng upa at sa Avon mo, tapos uunahin mo pa ang tuition ng kapatid ni Marlon? Insan, okay lang maging boba ka, tanggap kita. Pero 'wag namang tanga!"


Napanguso ako. "N-nakapangako na kasi ako kay Marlon, eh."


"'Insan naman. Unahin mo naman muna ang sarili mo. Hirap na hirap ka na ngang diskartehan ang kapiranggot na tuition mo rito, aako ka pa ng tuition ng ibang tao?!"


"Mapapautang mo ba ako o ano?"


Tumikom ang bibig niya habang nakatingala at nakatingin sa likuran ko.


"'Insan?" pukaw ko sa kanya kasi bigla na lang siya riyang natulala. Nakakapagpatulala ba kapag inuutangan ka?


Inginuso ni Gracia ang likuran ko. Hindi ko alam kung ano ang inginunguso niya, pero parang gusto kong kabahan bigla. Marahan akong lumingon para alamin kung ano iyon. Nang tuluyang makalingon ay ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. Ang nasa likuran ko ay isang matangkad na lalaking nakatayo. Walang iba kundi si Rix Montenegro! Anong ginagawa niya rito?!


Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. "If you need an advance payment, just tell me. I'll wait for you in the coffee shop later."


Napalunok ako. Naririnig niya pala ang pinag-uusapan namin.


Pagkasabi ni Rix niyon ay lumabas na siya ng pinto. Habol-tingin pa siya ng ilang babaeng studyante habang papalabas. Kahit ang cashier sa canteen at guard na babae ay kandahaba ang leeg.


"Oh, narinig mo, 'insan?" ani Gracia. "Sa kanya ka na raw mangutang, 'wag sa'kin!"


Bagsak ang panga ko. Kakayanin ba ng pride ko na mangutang sa kanya?


....


"AHEM!" Tumikhim ako nang madatnan ko si Rix sa counter desk ng coffee shop. Parang ang linis-linis at ang bango-bango niya sa suot na plain white manager's polo at black slacks pants. May suot siyang specs na black rimmed. Ang mukha niya ay napakaamo sana, parang sa isang anghel, kung hindi lang siya ngayon nakasimangot sa akin.


Bakit ba kung hindi seryoso ay nakasimangot siya? Pasan niya ba ang mundo?


"You're late, Martina." Pagkasabi ay binato niya ako ng plastic na may lamang waitress uniform nitong coffee shop. "Get ready."


Nanlaki ang mga mata ko nang masalo ko ito. "Waitress na ko? Hindi na ko trainee?"


"You just passed."


Kamuntik na akong mapatalon sa tuwa. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang naranasan ito. Ang makapasa sa isang bagay. Sa buong buhay ko kasi, lagi akong bagsak. Ako lagi ang nasa pinakababa, ako lagi ang kulelat.


Pero sa puntong ito, pakiramdam ko ay ako iyong bida. Para ako 'yong nakakaangat at nasa taas. Para akong nanalo sa lotto!


Lumapit sa akin si Rix at inabutan ako ng sobre. "Here."


"Ano 'yan?"


"Your advance salary."


Kinuha ko iyon. Parang ang kapal kaya sinilip ko ang laman. Ilang lilibuhing pera ang nakita ko sa loob. "Magkano 'to?"


"Twenty thousand."


Namilog ang mga mata ko. "Ha?"


"Ikakaltas ko 'yan sa sahod mo."


"Baka wala na kong sahurin nito, Manager?"


"Ayaw mo ba?"


Kinuha ko ang tatlong libo at ibinalik ko sa kanya ang iba. "Tatlong libo lang ang kailangan ko."


"Hindi ko na matatanggap 'yan. Nasa system na 'yan ng accounting natin. The complete amount will still be deducted to your salary even if you return it to me."


Inirapan ko siya. Ano kayang meron? Bakit parang ang bait niya ngayon?


"Ano pang tinatanga-tanga mo? Naka-duty ka na, kaya magpalit ka na ng uniform." Bigla na namang nagsalubong ang mga kilay niya.


Nanakbo na ako sa employee's entrance at nagpalit ng damit sa locker room. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ni Kevin, katrabaho ko na waiter. Matanda lang sa akin ng isa o dalawang taon. Guwapo ito pero sa pilyong paraan.


"Congrats!" Nakangiti siyang sumalubong sa akin.


"Thank you," sagot ko kahit hindi ko siya masyadong feel.


Naiirita kasi ako sa lalaking ito. Masyado siya kung madikit sa akin. Palagi niya akong hinahawakan sa baywang sa tuwing magkakasalubong kami. Madalas niya ring hinuhuli ang palad ko kapag nagkukwento siya sa akin. Kaunti na lang talaga at malapit ko na siyang bayagan.


Nakakapagtakang niyakap niya ako. "Finally, hindi ka na trainee."


Pasimple ko siyang itinulak. "Ah, oo nga, eh. Sige, work na ako." Paalis na ako nang humabol siya.


"Siya nga pala, Martina. Sama ka sa'min mamaya."


"Saan naman?" tanong ko. Kaswal ko lang itong kinakausap dahil ayaw ko namang masabihang snob.


"After ng duty, sama ka sa'min sa bar."


"Anong meron?"


"Wala lang. Party-party." Pinisil niya ako sa braso.


"Hindi ako sigurado." Hinila ko ulit nang pasimple ang aking braso mula sa pagkakahawak niya.


"Please, sumama ka na. Kasama naman natin ang buong crew eh. Sige na, minsan lang naman. Celebration lang din dahil hindi ka na trainee. Sige ka, kapag hindi ka nag-join, iisipin ng mga katrabaho natin na wala kang pakisama."


Napalunok ako. "Ah, eh, sige, bahala na."


Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ulit ako. Pasimple ko siyang itinulak.


"Basta, mamaya ha? After duty."


Tinanguan ko na lang siya.


....


ANG INGAY NAMAN DITO, nakakahilo pa iyong mga ilaw. Nandito ako ngayon sa bar kasama ang mga katrabaho ko. Ayaw ko sanang sumama, kaso mapilit si Kevin. Isa pa, naudyukan na rin ako ng ilang mga katrabaho namin.


"Oh, Martina. Tagay ka!" Inabutan ako ni Kevin ng isang basong beer.


"Hindi ako nag-iinom."


"Sige na, isa lang."


"Hindi talaga."


Lumapit sa akin si Kevin at sumiksik sa upuan ko. Inuudyukan kasi siya ng mga katrabaho namin na mahina raw siya, dahil hindi niya ako kaya.


"Oy, may loveteam na sa trabaho natin! Martina and Kevin!" tukso pa ng mga katrabaho namin, kahit pa ilang beses ko nang binanggit na may boyfriend na ako.


Idinukdok naman sa akin ni Kevin ang baso ng beer. "Isa lang, Martina. Sige na, 'wag mo naman akong ipahiya sa mga kasama natin."


"Hindi ako nag-iinom. Saka baka malasing ako."


"Puwede kang matulog sa amin."


Lalo namang naghiwayan ang mga kasama namin.


Nakatitig ang lahat sa akin, naghihintay sa aking gagawin. Okay, sige na. Pagbibigyan ko na sila. Pero isang beses lang. Pagkatapos ay uuwi na ako. Napapikit muna ako bago ko tinanggap ang beer na ibinigay sa akin ni Kevin. Humugot ako nang malalim na paghinga bago ko iyon nilagok. Hindi ko na lang pinansin ang pait nito kahit muntik na akong masuka.


Palakpakan sila nang maubos ko ang laman ng baso.


Hahawakan sana ako sa kamay ni Kevin pero nakaiwas ako. Ilang sandali lang ay may iniaabot na naman siyang isang baso ng beer sa akin. "Oh, last na talaga ito."


Parang biglang umikot ang paningin ko. Isang baso pa lang iyon ngunit nahihilo na agad ako. "Ayoko na, Kevin. Nahihilo na ako."


"Please, last na 'to."


Tumayo ako sa pagkakaupo para iwasan siya. Ang kaso ay hinuli niya ang pulso ko. "Last na talaga."


"Uwi na ko."


"Hindi ka uuwi, Martina. Ubusin muna natin ito."


"Nahihilo na nga ako, eh." Iwas ako nang iwas pero mapilit talaga si Kevin. Ayaw niya akong tigilan, eh nanlalabo na nga ang paningin ko sa kalasingan. Ang taas kasi ng tagay kanina at mukhang malakas talaga ang sipa.


Bumuga siya ng hangin. "Fine. Once na mainom mo ito, uuwi na tayo."


"Talaga?"


Tumango siya at inabutan ako ng isang basong beer.


Kinuha ko iyon at ipinwesto sa aking bibig. Akma ko nang iinumin iyon nang may mainit na palad na humawak sa pulso ko.


Napatingala ako sa nagmamay-ari ng kamay. "R-Rix?"


Hindi lang yata ako ang natulala nang makita siya.


Nagtatagis ang mga ngipin niya habang ang bughaw niyang mga mata ay tila nahaluan ng apoy dahil sa init ng titig niya ngayon sa akin.


"Martina, you're not going to drink it." Matigas at malamig ang boses niya na aking narinig.


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

138K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8M 61.5K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...