The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.4M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 7

307K 12.6K 2.9K
By JFstories

NAKU! Na-late na naman ako! Hindi sana ako mali-late kung hindi ko nakita iyong nakapaskil na hiring sa Barista Express, coffee shop iyon na malapit sa area kung saan ako umuupa.


Kailangang-kailangan ko ng trabaho kaya napa-apply tuloy ako ng wala sa oras. Sayang kasi kung palalampasin ko ang pagkakataon, mukhang sosyal pa ang coffee shop kaya sana malaki ang pasahod doon.


Nagpasa agad ako ng biodata dahil baka maunahan pa ako ng iba, ang kaso ay resume pala ang hinahanap nila. Mabuti na lang talaga at napilit ko iyong manager ng shop na to be followed na lang ang resume ko.


Hindi ko lang alam kung makakapasa ako matapos ang interview ko. Inaantok pa kasi ako at hindi ako nakasagot nang maayos sa mga tanong. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos. Hindi nawala sa isip ko iyong nangyari kagabi.


Paano nga ba nangyari iyon? Bakit ko nga ba niyakap ang pesteng lalaking iyon?


Para kasi akong lasing sa kalungkutan kagabi. At nagkataong siya lang ang naroon kaya ko nagawa iyon. Wala sa sariling nayakap ko si Rix Montenegro dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.


Ipinilig ko ang aking ulo. Ayoko ng maalala iyon. Hindi ko naman sinsasadya, nadala lang ako. Pero niyakap ko siya. At niyakap niya rin ako. Umiyak ako at nakasubsob ang mukha ko sa matigas na dibdib niya.


Napangiwi ako. Pagkuwan at sinampal ko ang sarili. May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya pagkatapos ng yakap na iyon? Wala akong ibang nagawa buong magdamag kundi sisihin ang sarili ko. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko: bakit ko ba nagawa iyon?!


Binatukan ko ang aking ulo. Ngunit panandalian ay nagliwanag ang mukha ko nang may isa pa akong maalala. May nangyari pa rin namang maganda kagabi. Iyon ay ang pagkabusog ko sa manok na dala niya.


Hay, isa pa iyon sa hindi mawala sa isip ko. Hindi mawala sa bibig ko ang lasa ng pritong manok na dala ni Rix kagabi. Matagal na kasi akong hindi nakakakain ng manok. Ang sarap talaga!


Thinkful na rin dahil sa dala niyang pagkain – wait. Thankful pala.


Thankful na rin ako sa kanya dahil may dala siyang pagkain. Nakatulog ako nang may laman ang tiyan.


Tagaktak ang pawis ko bago ako nakarating sa aming classroom. May jeep at bus na nga pala kanina kaya ang saya. Ang problema lang, wala talaga ako kahit singkong barya, kaya naglakad pa rin ako papasok.


Nakasalubong ko ang aking mga kaklase na palabas ng pinto. Si Gracia ang bumati sa akin. "'Insan, bakit ngayon ka lang?" Bumulong siya sa akin. "Yari ka kay Prof. Mainit ang ulo niya, malamang pag-iinitan ka na naman."


Napalunok ako. Pagod na nga ako, puyat, at wala pang laman ang tiyan dahil walang almusal, mapag-iinitan pa. Ang saklap namang kapalaran.


"Kanina ka pa niya hinahanap. Akala yata absent ka. Dalian mo na, pumasok ka muna roon, magpakita ka."


Napalunok ako. Hindi ko yata siya kayang harapin matapos ang nangyari kagabi. Hello? Nagdikit lang naman ang aming katawan. Para sa akin, big drill na iyon.


Big deal pala.


Tumikhim ako pagpasok ko ng classroom. Wala na ang mga classmates ko, lahat nasa canteen na o sa next subject nila kaya malamang na si Rix na lang ang nasa loob niyon. Yari!


Nadatnan ko si Rix na nakaupo mismo sa desk. Bahagya siyang nakatungo, pero kahit ganoon ay ang lakas pa rin ng dating niya. Mukha nga siyang naka-pose lang sa ayos niyang iyon. Dinaig niya pa iyong mga model sa billboard sa Edsa.


Naka-long sleeve shirt siya na kulay light blue na v-neck. Natatanaw ko tuloy ang makinis niyang leeg at ang tambok ng Adam's apple niya. Hubog ang muscles niya sa balbon niyang braso na nakikita dahil sa nakatupi niyang manggas.


Hawak ko ang aking dibdib nang humakbang ako palapit sa kanya. Dalawang dipa pa ang layo ko sa kanya pero nasisinghot ko na kung gaano siya kasarap—este, kabango.


"You're late."


Nang mag-angat siya ng mukha, tumama sa akin ang kulay asul niyang mga mata na nasa likod ng suot niyang glasses. Hindi ito nagtagal dahil umiwas din siya agad ng tingin.


Umiwas din ako ng tingin sa kanya. "Sorry."


Tumayo siya at namulsa sa suot na fitted denim. "Kumain ka ba?"


"Ha?" Tiningala ko siya.


"I-iyong dinala kong pagkain, kinain mo ba?" Lumikot ang mga mata niya.


"Kaunti lang. Hindi naman kasi ako gutom," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay naubos ko ang lahat ng dala niyang pagkain. Gutom na gutom kasi ako kagabi.


Bigla siyang sumimangot matapos mapatitig sa akin. "Tsk. Bakit naman pawis na pawis ka?"


"H-ha?" Pinunasan ko ang pawis ko sa noo.


"Here." Inabutan niya ako ng panyo na mukhang mas mahal pa yata sa akin. "Help yourself. Kapag ako ang nagpunas ng pawis mo eh baka mangyakap ka na naman."


Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. "Ang kapal mo! Eh gumanti ka rin naman ng yakap sakin kagabi, ah!"


"I just did that because it seemed like you needed it."


Tinalikuran ko siya matapos hablutin ang panyo na inilahad niya. Ipinunas ko ito sa mukha ko. Ang bango naman nito. Pagkatapos ay iniabot ko ito sa kanya nang hindi siya nililingon. "Oh, heto na panyo mo! Ambaho!"


Hindi ko talaga kayang makita ang mukha ng siraulong ito na pinagtatawanan ako matapos ang nangyari kagabi. Alam kong nakita niya ako na luhaan. Nagkataon lang na nasasaktan ako ng mga oras na iyon kaya nakita niya ang kahinaan ko.


Kinuha niya ang panyo sa akin at ibinalik sa kanyang bulsa. Hindi ko mapigilang hindi siya lingunin. May pakiramdam kasi akong kanina pa siya nakatitig sa akin.


At hindi nga ako nagkamali. Nakatitig nga sa akin ang mokong. Salubong ang kanyang mga kilay. "Why are you late?"


Hinawi ko ang aking buhok upang takpan ang aking mukha. "N-nag-apply kasi ako ng trabaho..."


"Huh? Why? Nag-aaral ka, 'tas magtatrabaho ka?"


Inirapan ko siya. "Pakialam mo ba?!"


"I'm your professor, Martina. I'm also your second parent, that's why I'm concerned."


Napabuga ako ng hangin. "Kailangan ko ng pera. Nakita mo naman, di ba? Mag-isa na lang ako sa buhay. Iyong nag-iisang kapatid ko, may sarili na ring buhay, hindi na ako pwedeng umasa pa ron."


"I will not allow you to do that."


Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "Sino ka ba, ha? Boyfriend ba kita?" Dinuro ko siya sa dibdib. "Puwede mo kong pahirapan, pero wag mo nang pakialaman ang buhay ko!" Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na siya.


Nakakailang hakbang pa lang ako palabas ng pinto nang balikan ko siya.


"Isa pa, Prof. 'Wag na 'wag ka nang pupunta sa tinutuluyan ko!" Tiningala ko siya.


Nakatingin lang siya sa akin at walang imik.


Lumabas na ako ng pinto pagkatapos. Ano bang balak niya, kontrolin ang buhay ko? Sino ba siya? Hindi ko nga siya kadugo eh, so bakit ko siya susundin?! Neknek niya!


....


"'INSAN, seryoso ka ba? Kakayanin mo ba?" Bakas sa mukha ni Gracia ang pag-aalala nang ihatid niya ako sa coffee shop na in-apply-an ko kahapon. Tinawagan kasi ako rito kinagabihan at ipinaalam sa akin na nakapasa ako bilang bagong waitress nila.


Tuwang-tuwang ako. Kahit papaano ay may ibibigay na akong pera kay Marlon. Makakapag-ipon na ako pambayad sa operasyon ng kanyang binti.


Hindi na kasi ako makapag-AVON. May utang pa kasi ako doon dahil sa order na naibigay ko kay Rix, hindi ko pa kasi nababayaran iyon at tumubo na sa penalty.


Tumango ako sa tanong ni Gracia. Kakatapos lang ng klase namin. Nagpasama na ako kay Gracia dito dahil excited siya nang malaman niyang nakapasa ako sa isang trabaho. Para daw kasing hindi kapani-paniwala na makapasa ako.


Oo, alam ko namang slow ako. Ewan ko ba, pinipilit ko namang mag-aral, pero mahina yata talaga ang utak ko. 'Sabi nga ng tiyahin ko noon, late bloomer daw ako noong bata ako. Nainuman daw kasi ako ng kung anu-anong gamot noong nasa tiyan pa lang ako, hindi raw kasi alam ng mama ko na buntis na pala ito. Hayun, naapektuhan daw yata ang utak ko. Five years old na ako pero hindi pa ako gaanong nakakapagsalita. Hindi rin daw ako nakakaunawa ng instruction.


Noong lumaki naman ako, mahina pa rin ang pick up ko. Mahina rin ako sa pagkakabisado. Naka-graduate lang ako ng high school dahil masipag ako. Kumbaga ay pasang awa. Sa college naman ay nataong madali ang entrance exam nitong maliit na public university system dito sa lugar namin.


Bago pumasok sa madilim na coffee shop ay piniglana ako ng pinsan kong si Gracia sa braso. Sinipat niya pa ang salamin ng coffee shop. Bakit daw kasi ang dilim sa loob. Hindi niya yata alam na uso na ngayon ang mga shop na madilim kasi nga antibiotic—este aesthetic.


Hinarangan ni Gracia ang glass door nang akmang papasok na ako. "Teka lang, Martina. Nag-aalala lang kasi ako. Baka mamaya ay bar pala itong in-apply-an mo at hindi coffee shop."


"Belief me, 'insan. Coffee shop talaga itong napasukan ko at hindi bar."


"Anong belief? Baka believe."


"Parehas lang 'yon." Pumasok na ako sa loob. "Past-tense ng believe ay belief. Hindi mo ba alam iyon?"


"Ay, ewan!" Tila gusto na niya akong kutusan.


Pumasok na kami sa loob. Sinalubong kami ng waiter. "Welcome to Barista Express."


Doon na nakalma si Gracia nang makita niya na wala namang sumasayaw na sexy girls sa loob. Madilim lang talaga kasi dim lights ang mga ilaw. Ang bango-bango rin at ang linis-linis. Mukhang sosyaling coffee shop talaga.


"Ah, hello po," bati ko sa babaeng staff na nasa may cashier. Parang kaedad ko lang. Working student din siguro. "Applicant po ako. Puwedeng malaman kung nasaan po ang manager niyo? Tinawagan niya kasi ako kahapon. Nakapasa raw ako."


"Ah, ganoon ba? Maupo po muna kayo, Miss. Tatawagin ko lang po ang manager namin."


Umupo muna kami ni Gracia sa bakanteng table na nasa dulo ng coffee shop habang naghihintay. Nilingap namin ang paligid.


Napasinghap si Gracia. "Ang bango ng aroma ng kape!"


"Sabi sa 'yo, hindi bar ito. Hayan at amoy kape!"


"Mabuti na 'yong nag-iingat, 'insan." Bigla niyang iniba ang usapan. "Siya nga pala, bakit hindi pumasok si Prof M?"


"Malay ko roon!"


Wala si Rix kanina kaya naman parang mga nanlalata ang mga kaklase ko kanina sa subject niya. Parang mga tamad na tamad at inaantok. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng lalaking iyon kung bakit siya biglang um-absent. Ano na naman kaya ang trip niya?


Hindi kaya nagtampo iyon dahil sa nasabi ko sa kanya kahapon? Hmp! Bakit ko ba iniisip ang nararamdaman niya? Eh wala naman akong pakialam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya!


Mayamaya ay may lumapit sa aming matandang lalaki. Nakasuot ito ng formal suit. "Good afternoon."


Tumayo ako at kinamayan ito. "Hello po. Ako po 'yong tinawagan niyo kagabi. Martina L. Manalaglag po ang name ko."


"Yes, you are hired. Kaya lang may problema, hija..."


Nagkatinginan muna kami ni Gracia bago ako bumalik ng tingin sa kanya. "A-ano po 'yon?" Kabado na ako. Baka kasi trabaho na ay maging bato pa.


"Kanina lang, may bumili ng coffee shop na ito. Siya na ang magiging manager ng shop na ito."


"Po? Eh, paano po ako?" Nanlaki ang mga mata ko, biglang gumuho ang mga pangarap ko. Hindi lang basta manager, kundi owner mismo. Ang tanong, hired pa rin ba ako?


"You have to wait for the new owner of this coffee shop. Siya na lang ang magde-decide about your application."


"She's hired," isang lalaki ang nagsalita sa likuran.


Magkapanabay kaming napalingon ni Gracia sa likuran at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata namin ng makita ron ang isang matangkad na lalaki.


Rix?!


"He's here," anang matanda. "The new owner of this coffee shop. Siya si Mr. M."


Nagmula sa pinto si Rix Montenegro at lumapit sa amin. Nakasuot siya ng manager's uniform. Hindi siya naka-glassess sa pagkakataong ito. Hinas ang kanyang buhok at pantay na pantay ang pagkakasuklay. Sa akin siya nakatingin nang tuluyang makalapit sa amin.


Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Congratulations. You are hired."


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

820K 27.7K 37
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 38K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...