Inside Feelings [2014] ✅

By marisswrites

26.8K 887 68

Have you ever experienced to love someone but you can't say your true feelings for that person? Have you ever... More

Inside Feelings...
Chapter1: The Slumbook
Chapter2: First Conversation
Chapter3: Their Facebook Conversation
Chapter4: Bubble and Chewie
Chapter5: The Chess Master
Chapter6: Bestfriend's Talk
Chapter7: The Intramurals
Chapter8: Last day of Intramurals
Chapter9: Essay Writing and Gummy's Quarrel
Chapter10: Sorry Note
Chapter11: Her Realization
Chapter12: Spreading the Rumors
Chapter13: He Started To Avoid Her
Chapter14: Her Birthday
Chapter15: Christmas Party
Chapter16: She Cries Too
Chapter17: Christmas Break
Chapter18: Classes Again
Chapter19: Teasing to Another Man
Chapter20: School Year End
Chapter21: Flasback: They Bullied Her
Chapter22: Hating Vacations
Chapter23: Third Year
Chapter24: Stay Close. Don't Go
Chapter25: Bubble and Chewie are Back!
Chapter26: Teasing Again
Chapter27; Strangers Again
Chapter28: Good Girl Gone Bad
Chapter29: Moving Forward
Chapter30: Beneath Her Beautiful Eyes
Chapter31: Happy Couple
Chapter32: They Broke-Up?
Chapter33: I Don't Know
Chapter34: Comforting Her Guy Best Friend
Chapter35: Confessing Her Hatred
Chapter36: She's Blooming
Chapter37: Third Quarterly Exam
Chapter38: Her Reason for Breaking His Heart
Chapter39: He's Going in Her House
Chapter40: Their Alone Time
Chapter41: Then She Realized One Thing
Chapter42: He Still Came
Chapter43: Consistent Visit
Chapter45: She Avoids Him
Chapter46: Pain
Chapter47: Happy (?) Valentine's Day
Chapter48: Taking Care of Her
Chapter49: Sweetest Kiss
Chapter50: The Missing Batman
Chapter51: Waiting In Vain
Chapter52: Sister's Advice
Chapter53: Junior Senior Promenade
Chapter54: After the JS Promenade
Chapter55: Text Conversations
Chapter56: Failed Attemps
Chapter57: Stolen Glanced
Chapter58: The Talk
Chapter59: Her Way of Moving On
Chapter60 (Final Chapter): Inside Feelings
Inside Feelings: Epilogue
;:Message from the Author plus Acknowledgement:;
On Publishing...

Chapter44: The Question

278 11 1
By marisswrites

Chapter44: The Question

 

Hindi ako mapalagay dahil sa mga pinagsasabi sakin ni Ginno kagabi bago niya ako inihatid pauwi. Malapit na rin ang Valentine's Day pero hindi maganda itong nararamdaman ko. Palagi naman eh. Kailan ba naging masaya ang Valentine's Day ko? Napa-buntong hininga nalang ako.

"Bes, napapano?" tanong ni Celine sakin sabay subo ng kwek-kwek na binili namin sa labas ng school.

Mahaba kasi vacant kaya nagka-oras na naman kaming dalawang mag-best friend. Kinain ko na rin 'yung sakin bago sumagot.

"Wala. May nagpapagulo lang sa isip ko." sabi ko habang ngumunguya.

"Ano naman 'yun?" tanong niya.

Tumingin muna ako sa kanya ng ilang sugendo bago ko napag-pasyahan na magsalita.

"Crush mo ba si Ginno?" tanong ko.

"What?!?!?!" gulat na gulat na tanong niya.

"OA mo naman, bes." sabi ko at kinain ko nalang ang pagkain ko, kunwari wala lang sakin 'yung tanong ko, pero deep inside, kinakabahan ako.

"Mas OA ka! Makapag-tanong naman 'to. Ni hindi ko nga masyadong nakakausap 'yun eh." sabi niya sabay nguso at subo ng kwek-kwek niya.

Natawa naman ako 'dun. Kapangit kasi ng itsura eh. Kagandang babae, kahilig mag-make face.

"Pero, totoo?"

"Oo. Grabe 'to. May boyfriend ako. At kung magkaka-crush man ako, hindi 'dun sa Ginno na 'yun. Di ko type 'yun!" sabi niya ng seryoso bago uminom ng sago.

Nagpaka-streetwise talaga kami ni Celine ngayon dahil may date kami sa birthday niya. February 21. Syempre, minsan lang 'to. Aagawin ko muna siya sa boyfriend niya. Di ko nga alam kung bakit patay na patay siya dun eh. Pangit pangit naman! De, joke. Hindi naman pangit. Hindi lang bagay kay Celine. Ganda kasi niya. Pero si Kevin, hindi siya gwapo pero hindi mo rin masasabing pangit tapos may kaya pa sa buhay. Sunod sa luho nga si Celine eh. Kaya ayun. Basta! O hindi lang talaga ako sanay na nanglalait ng kapwa? Haha! Lol. Pero hindi naman sa patay na patay si Celine kay Kevin. 'Yung tipong, Loyal lang. Ganun.

"What if magkagusto sayo si Ginno?" tanong ko ulit.

"Ano ba 'to? May pinasa ba ako sayong thesis na kailangan kong idefend sayo kaya ginigisa mo ako ngayon?" nakairap na tanong ni Celine.

"Gaga! Basta kasi. Sagutin mo nalang." sabi ko.

"Hmm," panimula niya. Kunwari, nag-iisip niya kahit wala siya nun. "De, wala. De magkagusto siya. Anong gusto mong gawin ko?"

Sa siang iglap, parang gusto ko nalang sampalin si Celine ng baril ng guard dahil sa inis ko sa sagot niya. Alam niyo ba 'yung naniningkit pa 'yung mata niya na parang napaka-tanga ko para itanong pa sa kanya 'yun? Hahaha. Pero biruan lang namin 'yun.

"Wala ka talagang balak tumino?" tanong ko ng nakangiti.

"Ano ba, girl. Seryoso is me! Kasi, hindi naman por que sinabi sayo ng isang tao na gusto ka niya, eh obligado ka nang gustuhin mo rin siya. Hindi ganun 'yun. Hindi mo kailangang i-force ang feelings mo para maging mutual para hindi ito masaktan. Utak, girl. Utak." sabi niya sabay sundot sa noo ko.

"Epal nito," sabi ko sabay hawi ng kamay niya. "Naguguluhan lang kasi ako."

"Bakit naman?"

"May sinabi kasi siya sakin kagabi nung magkasama kami. May babae daw. Mag-best friend. Hindi niya alam kung gusto niya ba or what, pero 'yun nga daw ang nagpapagulo sa kanya." paliwanag ko at pinagtutusok ang kwek-kwek na nasa disposable na baso gamit ang barbecue stick na hawak ko.

"So, inexpect mo na ako at ikaw 'yun?" tanong niya. Tumango ako. "Alam mo, bes, hindi por que sinabi niyang may dalawang babaeng mag-best friend na nagpapagulo sa isip niya, means ako at ikaw na. Maraming magbest friend dito sa Saint Lorenz. Hindi lang ako at ikaw."

"Pero Celine, hindi mo kasi naiintindihan. Nababanggit ka niya sakin minsan eh. Tinatanong niya sakin dati kung may boyfriend ka na daw ba, or kung saan ka nakatira at kung anu-ano pang basic infos mo. Tapos, kagabi lang, sabi niya..."

Naalala ko na naman 'yung sinabi niya sakin kagabi na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Iba kasi ang impact nito. Para bang isa 'yun sa mga salita na gusto kong marinig mula sa bibig niya.

"Anong sinabi niya?" tanong ni Celine ng hindi ko muna itinuloy 'yung mahaba kong sinabi.

Tumingin ako sa malayo at inalala ang saya na naramdaman ko kagabi habang sinasabi niya ang mga salitang 'yun.

Alam mo, Chewie, kapag ganitong magkasama tayo, ang saya ko.

 

Ewan ko, ah? Pero sayo ko lang naexperince 'to.

 

Oo. Ikaw lang ang nagparamdam sakin ng ganito.

 

"Huy, ano na?" napatingin ako kay Celine ng tapikin niya ako habang inaalala ko ang mga salitang sa tingin ko, kailanman ay hindi ko na makakalimutan pa, unless magka-amnesia ako.

"Wala. Sinabi niya lang sakin na, kapag magkasama kami, ang saya niya; na sakin niya lang naexperience 'yun; na ako lang daw ang nagparamdam sa kanya ng kung ano man ang nararamdaman niya ngayon." paliwanag ko.

Ibinaba ni Celine 'yung disposable cup na hawak niya na may kwek-kwek sa bench na inuupuan namin bago ipinatong sa balikat ko ang kamay niya.

"Alam mo bang Business Administration ang course ni Kuya?" bigla niyang sabi.

"So? Anong connect nun sa usapan natin?" bored kong sabi.

"Basta kasi."

"Oo. Alam ko. At Marketing ang mine-major niya!"

"Good. Alam mo rin ba ang motto nila sa Accounting subject nila?" tanong niya ulit.

"Hindi. Ano daw ba?"

"Accounting says, Don't assume, unless stated."

 

Don't assume unless stated? Malinaw na magulo. Parang gets ko na hindi. Paano ko naman kasi mage-gets 'yun kung hindi pa naman kami nagco-college, 'di ba? May toyo rin itong si Celine eh.

"Tapos?"

"Haaay. Bobo mo, girl." sabi niya sabay tanggal ng kamay niya na nasa balikat ko.

"Grabe ka naman. Bobo agad? Slow lang!" sabi ko. Tumawa naman siya.

"Hindi kasi, ibig sabihin nun, wag ka munang mag-aassume kung hindi pa naman niya sinasabi ng diretsa sayo kung ano talaga 'yung nararamdaman niya. Masakit 'yun, bes. I know how it feels when it comes to this thing. Naging assumera din ako nung first year tayo, 'di ba? Kaya ayun. Nasaktan ako. Kaya if I were you, kahit na ipinaparamdam niya sakin na espesyal ako sa kanya, ayokong mag-assume ng something na mas higit pa sa kung anong meron kami. Aantayin ko nalang na sabihin niya sakin kung ano talaga."

Alam ko naman na minsan, (madalas pala) puro monkey business lang ang usapan namin ni Celine. Pero kapag seryoso, seryoso talaga.

"At 'yung iniisip mong baka may gusto sakin ang crush mo, ouch!" naputol siya dahil pinitik ko ang tenga niya, pero nagpatuloy parin, "Wag mo nang problemahin 'yun. Kasi, kung magkagusto man siya sakin, wala naman akong magagawa eh. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na gustuhin rin siya pabalik. Almirah, may boyfriend ako. Mahal ko si Kevin kahit na ang pangit pangit nun. Mahal na mahal ko 'yun kaya hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong gwapo ang magkagusto sakin, dahil siya lang ang taong nagparamdam sakin na mahal niya ako. At kahit na ilang beses ko pa siyang binusted, hindi niya ako sinukuan. Mahal ko ang boyfriend ko, Almirah, okay?"

Nakaka-touch naman. Sigurado ako, kapag narinig ni Kevin 'yun, baka pakasalan na niya si Celine on-time. Pero syempre, joke lang 'yun. 15 years old palang sila kaya wala pa silang rights para magpakasal. Niyakap ko siya.

"Thank you, bes." sabi ko.

"Wala 'yun. Best friends tayo, eh. Kahit na inaagawan na ako ni Kenneth sa posisyon ko, okay lang 'yun. Nandito lang ako palagi para sayo."

--x

Magkasama kami ngayon ni Ginno. Nakaupo sa pavements dito sa labas ng computer shop nila Jiro. Tahimik. Walang nagtatangkang magsalita. Hanggang sa basagin na nga niya ang katahimikan na kaninang kanina pa nabuo sa pagitan namin.

"Problema?"

Napalingon ako sa kanya at halatang kanina pa niya ako inoobserbahan.

"Wala. May iniisip lang." sabi ko at ibinalik ulit sa kawalan ang atensiyon ko.

"Ano naman 'yun? Andito naman ako para makinig."

Bumuntong-hininga ulit ako bago tumingin sa kanya habang nakapangalumbaba. Medyo kinakagat ko pa ang dulo ng kuko ko sa kamay dahil nate-tense ako.

"Paano kung..."

"Paano kung?" tanong niya.

"Ugh."

"Ano?"

"Paano kung sabihin ko sayong, gusto kita, anong gagawin mo?"

Continue Reading

You'll Also Like

46.1K 1.8K 51
Perfect Two Sequel After what happened to Tyrone, Calliy's life became miserable and full of surprises.
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
7.2K 244 87
"Gusto ko ako lang gusto."
2.2K 173 77
Epistolary It's started from the buddy-buddy system in their ROTC class and training. Dosari doesn't know about love, she is focused on her studies...