Chasing Rainbows (Completed)

By Mikays14

94.2K 1.4K 66

JB FANFIC. RESTORED. More

prelude
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29 (part 1)
chapter 29 (part 2)
Chapter 30
chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
Epilogue

chapter 24

1.5K 25 1
By Mikays14

MARCI.

We fall in love with people we can't have.

At first I thought normal lang yun sa mag-bestfriends. Yung clingy. Pero nung tumagal napansin ko parang may iba na eh.. lalo na when I saw Bea kissed Jhoana's forehead. That time, I realized, iba na. The moment na pumikit si Jhoana nung ginawa ni Bea yun sa kanya. Ramdam ko talaga na masaya siya... she's genuinely happy. Siguro nga iniisip niya na sobrang safe niya dahil sa kiss na yun eh. Alam mong may love talaga. Because of that, napaisip ako.

Ano pa bang eksenang ginagawa ko dito? Parang nagiging sagabal na ako sa kanila eh. Imbis na maging masaya silang dalawa umeeksena pa ako. Pag pinagpatuloy ko 'to sobrang bakla ng galawan 'ko.

Mahal ko si Jhoana kaya hahayaan ko na lang siya sa gusto niya. Kasi ganun naman diba pag mahal mo? Wala kang ibang gusto kundi mapasaya siya, wala kang ibang iisipin kundi kasiyahan niya.

Kaya ngayon, gusto ko ng itigil lahat ng 'to. Kahit sobrang sakit para sakin... ititigil ko na dahil alam kong wala naman din patutunguhan lahat. Masaya na ako sa mga nagawa ko kay Jho at least kahit papano nakita ko na sumaya siya, at least naparamdam ko sa kanya na mahal ko siya. Sa tingin ko naman di ako nagkulang, sobra pa nga.. pero sadyang hindi lang ako yung mahal niya.

Masakit kung masakit pero wala eh, hanggang dito na lang.

"Marci ang ganda naman dito!" Sabi ni Jho habang nililibot yung paningin niya. Nandito kasi kami ngayon sa isang sunflower farm. Favorite niya sunflower eh kaya naisipan ko na dalhin siya dito. I'm glad na nagustuhan niya.

"Sorry ha ang layo pa nito. Baka medyo hapon pa tayo makauwi." Sabi ko.

"Huh? Ano ka ba ayos lang sa sobrang ganda ng lugar na 'to parang ayaw ko na umuwi eh."

"Kailangan natin umuwi, may naghihintay sayo eh." Nakangiting sabi ko.

Natawa naman siya. "Nako! As if hintayin ako nun baka matulog lang yun o kaya buuin yung lego collection niya magdamag."

"Gusto mo talaga siya noh? Wala naman akong binanggit na pangalan pero siya una pumasok sa isip mo."

Parang nagulat naman siya. "M-Marci..."

"Bea is your home."

Napayuko naman siya. "M-Marci... a-ano bang sinasabi mo.."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Jho look at me.."

Agad din naman siyang tumingin sakin. Parang konti na lang iiyak na siya kaya natawa ako. Well, dapat nga saming dalawa ako yung umiyak eh. Pero siguro mamaya na lang ako iiyak, pag wala na siya. Kahit naman sobra akong nasasaktan kaya ko kontrolin sarili ko eh. Mas mahihirapan siya or baka maawa pa siya sakin pag nakita niya akong umiyak.

"M-Marci I'm sorry... I'm really sorry h-hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako pero sorry talaga... sorry kung---"

"Jho pwede bang ako muna? Pati ano ka ba, wag kang umiyak dyan. Baka isipin pa ng ibang tao pinapaiyak kita. Hindi naman ako marunong magpaiyak ng babae." Nakangiting sabi ko.

Ngiti lang kahit masakit na. Nag-nod naman siya tapos mabilis na pinunasan luha niya pero tulo pa din ng tulo. Hay nako Jho, hindi mo ba alam kung gaano kahirap sakin na makita kang umiiyak? Mas lalo akong nasasaktan eh.

"Una sa lahat kahit hindi mo naman sabihin ako na nakakita eh. Alam kong mahal niyo ni Bea isa't isa. Buti nga nakita ko agad eh, para hindi na ako sagabal sa inyo. Isa pa, sana Jho napasaya kita, sana na-appreciate mo kahit papano lahat ng efforts ko. Sana naiparamdam ko sayo na mahal kita, sana naramdaman mo, deserve mong mahalin Jho."

"I-I don't deserve your love, Marci... I'm sorry kung sinayang mo oras mo sa isang tulad ko.. sorry kung hindi ko nabalik sayo yung pagmamahal.. pero maniwala ka Marci mahalaga ka sakin.. s-sobra.. mahal kita pinilit ko.. p-pero hanggang kaibigan lang talaga eh.. I'm sorry."

"Hindi naman ako humingi ng kapalit sayo diba? Wag ka ng umiyak. Okay lang ako Jho.. magiging okay din ako."

Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit. "M-Marci sorry talaga... dadating din yung babaeng para sayo talaga. Sorry kung nasasaktan ka ngayon Marci..."

Bigla na lang tumulo yung luha ko. Sabi ko hindi ako iiyak eh. Niyakap ko siya pabalik kasi alam kong ito na yung huli. "J-Jho... mahal na mahal kita.. pero kung mas masaya ka sa kanya, hahayaan kita. Ganun kita kamahal eh, wala akong ibang gusto kundi mapasaya ka, gusto ko totoong masaya ka."

F*ck tears, tama na. "T-Thank you so much Marci... sa lahat lahat." Humiwalay naman siya sakin.

"Ipagp-pray ko na lang na dumating na yung talagang para sayo. Yung mamahalin ka ng sobra. Alam ko malapit na siya, ramdam ko eh. Basta salamat sa lahat Marci ha. Pero sana... sana walang mabago.. pwede naman sigurong friends pa din tayo?"

Ngumiti ako sa kanya at pinunasan luha ko. "Ano ba yan. Umiiyak pa ako. Anything for you Jho. Oo naman dito ako lagi para sayo... pero hindi muna ngayon, sobrang sakit pa kasi eh. Pero promise, friends pa rin." Natawa naman siya.

"Tunay na lalaki marunong umiyak okay? Note that. Oo naiintindihan ko naman eh... alam kong hindi pa ngayon pero soon mababalik din yung friendship natin."

"Oo... babalik muna ako sa Japan. Magmo-move on lang. Ikaw kasi eh..." Biro ko kaya napa-pout siya. "Joke lang! Hahaha!"

Natawa naman siya. "Hay... lika nga, libutin muna natin 'to. Mag-bonding tayo bago ka bumalik ng Japan."

So ayun nga nagtawanan kami, kwentuhan... parang walang nangyari. Pero alam ko naman na alam ni Jho na nasasaktan pa rin talaga ako. Pinipilit ko lang na hindi malungkot sa harap niya dahil ayokong malungkot din siya.

After nun umuwi na kami dahil hapon na rin tapos madalas na yung pagte-text sa kanya ni Bea. Haha. Si Bea talaga masyadong nagaalala. Di ko naman pababayaan Jhoana niya.

Nakarating naman kami agad sa dorm after 1 hour and 30 minutes. Medyo traffic din kasi. Grabe, ang takaw ni Jho, bumili pa kami sa Mcdo ng pagkain dahil gutom nanaman siya. Siguro nga para kay Bea talaga siya, mauubos pera ko sa kanya eh. Kain dito, kain doon eh. Hahaha!

"Nako si Beatriz nakaabang na talaga sa labas." Sabi ni Jho. Kasi nga nakatayo na si Bea sa labas ng dorm nila.

"Miss na miss na daw yung baby niya." Natatawang sabi ko. Kala mo talaga di ako nasasaktan eno? Hilig ko pa mang-asar. Tsk.

"Hoy! Anong misis ka dyan?!"

Huh? Ano daw?

"Ano Jho? Wala naman ako sinabing misis ah."

Namula naman siya. "Joke lang hehehehe. Peace and love!" Sabi niya na lang tapos kita ko pang pasimple niyang binatukan yung sarili niya.

Ang weird ha. Ano meron sa misis? Bumaba na kami ng kotse ni Jho tapos ngumiti sakin si Bea then tumingin siya kay Jho tapos nag-smile pa sila sa isa't isa. Simpleng smile lang yon pero parang nag-usap na sila. Takte, parang magiging shipper din ako ah. Joke.

Naisip ko din, pag di na ako umeksena kay Jho at Bea. Mawawalan na rin ako ng bashers sa wakas. Grabe kasi minsan mag-salita yung ibang shippers nila. Ang sakit eh. Tsk tsk. Finally tatahimik na buhay ko.

"Uy Marci thank you sa pag-hatid dito sa panget na 'to ah." Sabi ni Bea sakin.

Nabatukan naman siya ni Jho. "Leche ka pa nga!"

"Leche ka rin. Uwi ba 'to ng babae ha?" Tanong niya kay Jho.

Napatingin tuloy ako sa relo ko. 8:30 PM pa lang naman ah?

"Hiyang-hiya naman ako sayo Beatriz minsan nga inuumaga ka na sa bar kakainom eh. Uwi din ba yun ng babae ha?" Sabi ni Jho.

"Hindi. Uwi ng papi yon." Sabi ni Bea tapos kinurot si Jho sa pisngi.

Takte. Taga-narrate na lang ba ako dito? Ako na nga nasaktan, ako pa ba makaka-witness ng mga ganito? Try ko kaya kuhaan ng picture tas upload ko sa twitter? Baka sakaling tigilan na ako ng shippers nila. Tch.

"Ehem ehem." Napalingon naman sila pareho sakin. See? Nagmukha pa akong istorbo.

Hay, dapat talaga pag magkasama 'tong dalawa walang third wheel eh, sobrang mayayamot yung third wheel. Lumapit naman ulit sakin si Jho tapos niyakap ako.

"Thank you for everything. I'm sorry. Ingat ka pag-uwi ha." I smiled.

"Be happy, Jho. Ingat ka lagi. Sana tumagal kayo."

Humiwalay naman siya tapos... "Una na ako sa loob ha? Diba kakausapin mo pa si Beatriz?"

Nag-nod ako. "Sige pasok ka na."

Nag-wave naman ulit sakin si Jho tapos pumasok na sa loob.

"Ah Marci alis ka na ba? Gusto mo kumain muna sa loob?" Tanong ni Bea.

Umiling ako. "Hindi na, busog na rin ako. Ang daming pagkain kanina eh. Takaw ni Jho."

"Ah yun? Oo kaya nga mukha ng piglet yon eh." Natatawang sabi niya.

"Ingatan mo siya Bea ha. Lagi mong pasasayahin. Wag mo hahayaan na malungkot siya. Alam mo? Kitang-kita ko... mahal na mahal ka niya. At alam kong sobrang mahal mo din siya." Kitang-kita sa mukha ni Bea yung gulat.

"A-Alam mo? Marci sorry... sorry."

"Okay lang Bea. Sayo siya masaya eh. Hanga na ako sayo, papi ka talaga."

Nagulat ako dahil niyakap ako ni Bea. "I'm sorry Marci kung tinago namin sayo.. sana hindi mabago nito yung pinagsamahan natin, sana wag mabago tingin mo sakin. Sorry."

I smiled. "Basta alagaan mo siya lagi. Okay ako sayo."

Humiwalay naman siya. "Kahit hindi mo na sabihin, gagawin ko pa rin."

"Good. Sige Bea una na ako ha? Sana maging masaya kayo. Alam ko naman na hindi mo siya sasaktan."

Ngumiti naman si Bea. "Oo hindi ko gagawin yon."

Nagpaalam na ako sa kanya. Sumakay na ako sa kotse ko tapos nag-drive lang. Bahala na kung saan ako mapunta. Pero isa lang ang alam ko ngayon... Hindi pa nagsisimula, natapos na. Sobrang sakit. Yung lahat ng luha na tinatago ko kanina hindi na kinaya ng mata ko... sobrang sakit, sobrang iyak.

Pumunta na lang ako sa bar.. kahit papano mawawala yung sakit pag ininuman ko 'to ng alak. "Tanginang pag-ibig yan." Bulong ko tapos uminom ng uminom.

"Tangina talaga." Rinig kong sabi nung babae sa tabi ko.

Teka? Siya yung blockmate ko na matalino tapos mukhang introvert ah. Ano ginagawa niya dito sa bar? Nakakagulat.

"Uy... Justine.." Nag-smile naman siya sakin. "Bwisit na lalaki yon pinaasa ako. Aish! Ayoko na! Tinry ko lang naman ma-inlove eh. Tsk. Mag-aaral na lang nga ako!"

Natawa naman ako. "Pareho pala tayong broken." Natawa naman siya at parang hindi ako makagalaw... napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang biglang hindi ako makahinga ng ayos. Dahil ba 'to sa sakit ng nangyari kanina o dahil sa ganda ng ngiti niya? Ewan, pero I love the feeling.

**
BEA.

Grabe yung ginawa ni Marci. Hanga ako sa kanya. Sana talaga dumating na yung babaeng para sa kanya talaga. Akin na kasi si Jho eh. Akin lang.

"Beatriz ang ganda pa nga ng pinuntahan namin. Sunflower garden. Punta tayo dun please? Date tayo dun please please?"

"Eh dun na kayo nag-date ngayon eh." Sabi ko kaya pinalo niya ako sa braso.

"Ang arte naman eh! Kala mo naman maganda."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oh bakit? Maganda naman talaga ako ah? Hahahaha!"

"Oo nga maganda ka nga. Pero sige na kasi loveeebabe ko... date tayo dun."

"Eh ano ba meron don?" Napa-poker face naman siya.

"Baka meron dun mga sexy na babae, mga magaganda, yung mga gusto mo ganon. Naka-display don."

"Seryoso nga eh."

"Beatriz naman malamang mga bulaklak! Sunflowers ganon! Kaya nga garden diba? Kaasar naman."

"Yun lang? Ang boring dun!"

Ano naman gagawin ko dun? Di naman ako mahilig sa bulaklak eh.

"Eh kasama mo naman ako eh!"

"Ikaw lang mage-enjoy dun." Sabi ko. Okay lang naman sakin, pinipikon ko lang siya para mamaya lalambingin ko na. Cute kasi niya pag galit eh. Sarap yakapin ng mahigpit.

"EDI WAG! BWISET!" Napalingon naman samin si Jia na nasa study table niya nagla-laptop. Inalis ni Jia earphones niya...

"Kayo JhoBea hinahayaan ko magharutan dito habang gumagawa ako ng assignment ha. Pero utang na loob naman mahiya kayo saken oh. May pag-sigaw Jho?"

"Ito kasing bwiset na 'to! Ayaw ako i-date!" Sabi ni Jho tapos lumipat sa kama ni ate Ella dun siya humiga. Ako nandito sa kama niya.

"Hoy umayos nga kayo pag si ate Ella biglang pumasok dito tapos nahuli kayo bahala kayo sa palusot niyo ha." -Jia.

"Oo na Jia gawin mo na yan assignment mo ako na bahala sa love ko." Sabi ko tapos lumapit kay Jho tapos binuhat siya then binalik siya sa kama niya.

"May sariling bed ka okay? Dito ka lang. Dito lang tayo." Sabi ko kay Jho. Umirap naman siya. "I hate you ayaw mo ako i-date."

"Joke lang yun. Date kita kahit san mo gusto kahit dun na tayo matulog sa garden na yon. Payakap nga."

Binatukan niya naman ako. "Yakap lang pala gusto mang-iinis pa eh."

"Uy pati kiss kaya gusto ko." Sabi ko.

"Yan nanaman po kaharutan nila." Rinig naming sabi ni Jia.

Niyakap naman ako ni Jho kaya niyakap ko din siya. "Maiinis sana ako sayo Beatriz kaso naalala ko miss na miss nga pala kita." Sabi ng Jhoana ko. Hahahaha.

"Yiee kinilig ako dun ah!"

"Eh ikaw ba di mo ako miss?"

"Miss na miss kita Jhoana. Napakagala mo kasi eh."

"Last na yun. Next gala, tayo na lang."

"Tayo na? Okay na okay sakin yun. Girlfriend na kita ah." Sabi ko.

"Hoy wag kang nagmamadali gusto ko pa yung feeling na may nanliligaw noh. Ligawan mo lang ako. Alam mo naman ikaw lang gusto ko eh."

"Sabi ko naman diba Jho pag tayo na I'll still court you."

"Eh gusto ko nahihirapan ka eh. Paka cute mo kaya Beatriz." Natatawang sabi niya. Hay, abno talaga.

Kaya ayun, babe time kami ngayon. Sana di na dumating dito si ate Ella para masolo ko na buong gabi yung mahal ko. Hahaha. Si Jia naman puro salita lang yan walang pake yan. Di pa kasi nasasabi ni Jho kay ate Ella yung samin eh. Tanging si Jia at batchies ko lang may alam.

"Beatriz akin ka lang haaaa." Bulong sakin ni Jho.

I kissed her forehead. "Sayong-sayo lang ako, Jho." Sabi ko at niyakap pa siya.

"Tayo lang always ha." Sabi niya pa ulit.

"Yes love. Always."

Ang sarap sa feeling ng walang problema. Yung ganito lang. Okay na yung kay Marci. Sh*t... meron pa pala. Yung kay Ged pa pala. Hindi ko pa nasasabi kay Jho yung about dun. Di ako makahanap ng timing eh, siguro sa susunod na. Babe time ngayon eh. Pati wala naman na dapat akong problemahin eh, binasted ko naman agad si Ged. Sinabi kong ayoko at hindi pwede. Siguro naman tanggap na niya yun.

Sana tanggapin niya para wala ng problema at para masaya na kami ng Jhoana ko.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2K 577 14
Trust is the foundation of Love, but Love without Time makes the relationship challenged. How can they cope up for their love? if one person had no...
822K 18.6K 47
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
9K 151 14
✧ Honkai Star Rail oneshots, headcannons and alphabets ✧
10.6K 486 48
what if you are Inlove to the person na malabong maging sayo? Dahil alam mong mas masaya sya sa isa kaysa sa tuwing kasama ka nya.