Dedicated sa nagsabing fan siya ng libro ni Cinderella ^_^
Thank you!
-----
Wicked Chapter Twenty-Nine
"Prince? Cindy?"
Sabay na napatingin ang dalawa sa direksyon ng hagdan. Doon kasi nagmula ang boses na narinig nila. Nakita nga nila roon si Regina. Paakyat siya ng hagdan. Nang makaakyat at agad siyang lumapit sa dalawa.
"Anong nangyayari rito? Ba't nagsisigawan kayo? No," binalingan niya si Cindy na noo'y nakayuko na lang sa kagustuhang umiwas, "sinisigawan mo ang anak ko?"
"Wala po 'to. Nag-uusap lang kami," sabat ni Prince.
"Nag-aaway kayo?" tanong naman ni Regina habang nakatingin pa rin sa nakayuko lang na dalaga.
"Hindi po," si Prince ulit.
"Cindy!" pilit ni Regina. "Anong pinag-aawayan n'yo?"
"Ma, wala nga po 'to!"
Hinarap ni Regina ang anak. "Kailan ka pa naging si Cindy?"
"Mommy?"
Hindi na pinakinggan pa ni Regina si Prince. Muli niyang binalingan ang dalaga. "Hindi ka ba sasagot?"
"Ma, stop it."
"Answer me!"
Mahigpit na naikagat ni Cindy ang mga ngipin. Gusto niyang sumagot pero hindi niya magawa. Naisip na lang niyang layasan ang ginang sa harap niya. Ayaw niyang makipagtalo rito. Nakalagpas siya kay Regina pero agad siya nitong nilingon para habulin. Hinawakan siya ni Regina sa braso at pilit na pinaharap rito.
"Kinakausap pa kita, di ba?"
Bagaman naaasar ay halata pa rin sa boses ng donya ang pagpipigil. Talaga yatang ganito ang mga sosyal, may poise kahit galit.
"Tinatanong kita nang maayos tapos tatalikuran mo lang ako?"
"Ma, tama na. Hayaan n'yo na," awat ni Prince sa kanyang ina kahit alam niyang hindi na naman siya nito papansinin.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ka lumaking bastos."
Ibinalik ni Cindy ang masamang tingin ni Regina. "Alam mo, napupuno na talaga 'ko sa'yong matanda ka!"
Hindi nagustuhan ni Regina ang gayong pagsagot ni Cindy at nasampal niya ito.
"Ma!" Tanging pagsigaw lang naman ang nagawa ni Prince. Agad niyang nilapitan si Cindy ngunit itinulak lang din siya nito palayo. Nakayuko lang si Cindy. Ni hindi niya inabala ang sariling hawakan ang nananakit niyang pisngi.
"Ganyan mo ba dapat kausapin ang nagpalaki sa'yo?"
"Ma tama na—"
"Ah, wag mong sabihing ganyan ka dahil walang nagturo sa’yo ng magandang asal. Dahil ba maagang nawala ang mga magulang mo? "
"Ma?!" sigaw na naman ni Prince ngunit huli na siya.
Humahapdi na ang mga mata ni Cindy. Malalim ang bawat paghinga niya. Lakas-loob siyang nag-angat ng mukha para makipagsukatan ng tingin sa donya.
"Oo!" sagot ni Cindy. "Siguro nga lumaki akong gan'to dahil wala akong mga magulang!"
Sandali niyang hinarap si Prince. Hindi niya pinansin ang pakiusap sa mga mata nito.
"Thanks to your stupid son! Pinatay niya kasi ang parents ko."
Iyon lang at naglakad na siya palayo sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong ito, wala nang pumigil pa sa kanya.
Napatingin na lang si Prince sa kanyang ina. Nakatingin ito sa kung saan. Kuyom ang kamao nito. Napailing na lang si Prince. Humakbang na siya para habulin ang dalagang kanina pang nakababa ng hagdan at ngayon ay palabas na ng pinto ng sala.
"Cindy! Cindy! Sandali lang! Cindy!"
Nakakailang sigaw na si Prince ngunit ayaw siyang pansinin ng galit na bruha. Sa labas na niya ito naabutan, noong binubuksan nito ang gate.
"Cindy sandali lang," ang pakiusap ni Prince. Hinawakan niya pa ito sa may braso.
Kusang humarap si Cindy kay Prince sabay bawi ng kanyang sarili. "Bitawan mo 'ko, nandidiri ako sa'yo."
"I'm sorry," anang binata. "Ako na'ng humihingi ng tawad sa sinabi ni mommy. Pati dun sa pagsampal niya sa'yo kanina. Sorry talaga. Kung hindi siguro kita kinulit na kausapin ako hindi mangyayari lahat ng yon."
"Alam ko. Kasalanan mo nga. Pero tama naman siya eh. Ganito ako kasi wala akong mga magulang! Salamat sa'yo ha? Letse ka talaga!"
Kahit nagtataray, hindi napigilan ni Cindy ang mga luhang nag-akyatan na sa gilid ng kanyang mga mata. Kasing bilis ng pagbagsak ng mga iyon ang pagpunas niya sa sariling pisngi.
"Sorry," ulit ni Prince.
"Sorry? Maibabalik ba ng pesteng sorry mo yung mga magulang ko?!"
"Cindy—"
"I hate you! I really hate you!"
Parang mga patalim na itinarak sa dibdib ni Prince ang mga salitang sinabi ni Cindy. Sa sobrang sakit, naitikom na lang niya ang kanyang bibig, pati ang mga kamao niya. Parang gusto niyang suntukin ang kanyang sarili.
"Pinatay mo'ng mga magulang ko. Mamamatay-tao ka. Sinira mo'ng buhay ko! Namumuhi ako sa'yo, alam mo ba yon? Ha?"
Wala sa isip na napatango si Prince. Lalo lang tuloy naasar ang umiiyak na bruha.
"You bastard! I hate you!" sigaw ni Cindy sabay suntok sa dibdib ng tahimik na lalaki. "I hate you! I hate you! I hate you! I really hate you!"
Sa bawat salitang sabihin ni Cindy ay may suntok na tumatama sa dibdib ni Prince. Sinubukan siyang awatin ni Prince ngunit ayaw nitong papigil. Babawiin at babawiin nito ang mga kamay para saktan siya.
"Tama na," mahinang pakiusap ng binata.
"You stupid frog!"
"Tama na..."
"Jerk!"
"Cindy—"
"Murderer!"
"Cindy please!"
"I really hate you!"
Nahinto na si Cindy sa pagsigaw at pagsuntok sa binata ngunit patuloy ang pag-iyak niya. Hawak-hawak siya ni Prince sa kanyang magkabilang pulsuhan. Nananatiling tikom ang kanyang mga kamao. Sa panghihina, halos mapasandal na lang siya sa dibdib nito.
"Tahan na..." ani Prince. Itinaas niya ang mukha ng kanyang prinsesa upang punasan ang luha sa ilalim ng kaliwang mata nito. Ngunit tulad ng inasahan niya, hinampas lang nito ang kamay niya palayo.
"Pinapatahan mo 'ko samantalang hindi naman ako iiyak in the first place kung hindi dahil sa'yo!"
Hindi na nakasagot pa si Prince. Tinalikuran na siya ni Cindy at umalis.
***
"Damn! Why don't you answer the phone?" naiinis nang sambit ni Prince sa sarili.
"Bakit mo ba kasi siya tinatawagan?"
Napalingon si Prince sa kanyang inang nakaupo sa single sofa. Nakapikit ito at nakasandal ang batok sa tuktok ng sandalan. Taimtim siyang nakikinig ng magandang musikang tumutugtog mula sa nakabukas na CD player.
"Hayaan mo na lang siya. Tutal malaki na siya't kaya na niya ang sarili niya, " pagpapatuloy ng donya.
Ibinaba sandali ni Prince ang hawak niyang telepono. "Ma, ba't n'yo naman kasi sinabi yon kay Cindy? Dapat hinayaan niyo na lang. Baka pagod lang yun galing school kaya kung anu-ano na ang nasabi niya."
Dahan-dahang idinilat ni Regina ang kanyang mga mata ngunit hindi niya inabala ang sariling lingunin ang anak.
"Tigilan mo na nga ang pag-aalala sa babaeng 'yon. Anyway, two weeks from now, she'll turn eighteen. Hindi na siya bata. Pwede na siyang umalis dito."
"Ano?! Anong aalis ang sinasabi n'yo? Ma, hindi aalis si Cindy rito. Bahay niya na rin 'to. Dito lang siya."
"We will see! If I know, kating-kati na siyang umalis sa bahay na 'to. Dahil galit siya sa'yo at ayaw ka niyang makasama."
"Sabihin n'yo na po ang gusto n'yong sabihin. Pero hindi aalis si Cindy rito."
"Siya pa rin ang magdedesisyon ng tungkol dun."
"I know, but why do I feel like you're going to provoke her?"
Muling ngumiti si Regina. "I'll just give her an idea."
"Ma?!"
Napailing na lang si Regina. "Kung bakit ba kasi sa dinami-rami ng babae sa mundo, sa maling tao ka pa nahulog?"
Oo. Kahit si Regina ay alam ang totoong nadarama ni Prince para sa dalaga. Siya pa rin ang ina nito. Higit kanino man, siya ang nakakikilala at nakaiintindi sa kanyang nag-iisang anak.
"May mga mali namang pwedeng itama di ba? If you believe she's not the right girl for me, then I'll make her."
Muling umiling ang donya. "I named you Prince but that doesn't mean you should live in fairytales. Hindi lahat ng gusto natin, pwede."
Yumuko na lang si Prince. Ayaw man niyang tanggapin, tama ang kanyang ina.
Kinuha ni Regina ang remote control ng CD player sa ibabaw ng lamesita. Pinatay na niya ito.
"Hayaan mo na si Cindy. Kinaya niyang umalis, kakayanin niya ring bumalik."
Tumayo na si Regina mula sa kinauupuan niya para umakyat sa master's bed room. Naiwan na lang doon si Prince. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ng ina.
Paano nga kung umalis na si Cindy?
-----
Woah! Chapter 29! Ang dami nang chapter! Di ba parang ang boring?
Sana nagko-comment kayo para malaman ko yung insights n'yo regarding the story...
still begging for comments... please???