THE COLDEST (in major revisio...

By JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... More

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata XXI. The TRANFEREES

14.2K 262 14
By JannaMaePH

Zai's PoV

Natapos na ang buwan ng Hunyo. Panibagong buwan ang parating. Sa nakalipas na araw ay natutunan na rin namin mag-adjust ni Hope sa hideout bilang aming tahanan. Naging maayos ang paglipat namin doon. Kaonti man ang gamit ay sapat lang sa mga pangangailangan namin sa pang-araw araw. Maging si Charity ay nagpumilit ding tumira doon. Kaya naman ngayon ay tatlo kami. Kasama ko ang magpinsan. At sa ngayon ay maayos ang paninirahan namin. Tipid man ay nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.

Tungkol naman sa nangyari nung Acquaintance ay wala pa rin silang maiturong suspect kung sino ang namaril. At hanggang ngayon nga ay nag-iimbestiga pa rin ang school patungkol sa nangyari. Mahirap ng alamin ang bagay na iyon. Ilang araw na rin silang nag-iimbestiga ay wala pa ring nararating. Lumipas na nga lang ang pangyayaring iyon sa mga estudyante. At sinabing baka daw may nan-trip lang dahil Acquaintance party noon.

"Zai ang astig talaga ni thunder. Elibs ako! Gusto ko rin ng kagaya nya." si Hope yan. Ang tinutukoy nya ay ang bago kong motor.

Hindi ako lumingon o sumagot manlang sa kanya.

"Uy Zai bibili din ako ng kagaya ni thunder ha.. Pretty please." sabi nya ng nakanguso at magkadaop ang mga palad. Tsk. How annoying.

"Bahala ka." naiiritang sabi ko.

"Waaa! Talaga? Sabi mo yan ah. Yiee! Ano kaya ipapangalan ko don sa magiging motor ko? hmm."

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa silid-aralan. Habang si Hope malalim ang iniisip. Siguro pinag iisipan na nya kung ano ipapangalan nya sa bibilhin pa lang nyang motor.

Maya maya'y nagsalita na rin sya, "Zai, pwede bang maging kapatid ni Thunder si Shadow?" tanong ni Hope habang naglalakad pa rin kami.

"Shadow?" takhang tanong ko habang diretsong naglalakad sukbit sa isang balikat lamang ang itim na backpack habang nakapamulsa ang isang kamay.

"Oo, si Shadow. Ang bago kong motor." nakangiting aniya na bahagya pang hinarangan ang dadaanan ko.

"Tsk. Wala pa nga may pangalan na." bulong ko.

Pero sadyang malakas ang pandinig ni Hope. "Oo, ganun talaga. Galing ko noh nakaisip ako agad. Ganda ba?" tanong nya habang nakabaling sa akin at nakangiti.

"Tsk." yun lang at nagtuloy na ko sa paglalakad.

Ngunit.. "Araaaaaay!" bigla kaming napahinto ni Hope sa paglalakad ng marinig namin ang sigaw ng isang babae. Nakadapa sya sa sahig at nagkalat na ang mga librong dala nya.

"Zai kawawa naman yung babae, mukhang high school palang." si Hope yan at balak sanang lapitan yung babae ngunit pinigilan ko sya at hinawakan sa braso.

"Ako na." usal ko sa mahinahong boses. At marahang naglakad papalapit sa nagkukumpulan na ngayong mga estudyante. Ayokong madamay sa gulo si Hope o sino man sa mga kaibigan ko hanggat maaari.

"Ha! Haharang harang ka kasi sa daan."

"Tama! At napaka-slow pa ng isang yan friend!"

"Balita ko nga. At ang sabi pa'y babagsakin na daw ang mga grades nyan." Kanya kanyang bato ng mga salita ang tatlong babae pa na sa tingin ko ay mga college na din kagaya namin ni Hope. Madadaanan namin ang High School department patungo sa building namin.

"Tabi! Andyan na ang maangas at astig na si Zai baka mahawa tayo!"

"Oo nga! Mukhang makikigulo din sya. Tignan natin ang laban nya kila Ivory."

"Naku! Delinquent ngang talaga yan tignan mo makikielam pa."

"Totoo yan friend pati grupo nina Lindsy ay kinalaban nyan."

Tsk. Hindi ko alam kung nag-uusap lang ba sila o sadyang pinaparinig sa akin ang mga sinasabi nila. Napakabibilis nilang manghusga.

"Pwede ba! Tsismisan kayo dyan ng tsismisan hindi naman kayo nakakatulong! TABEEE!" sigaw ni Hope sa mga nakaharang na estudyante.

"Ohh.. Look who's here girls, Zai and her friend Hope." nakataas ang isang kilay na wika ni Ivory.

"Humingi ka ng paumanhin sa kanya." malumanay na sabi ko kay Ivory at nilipat ang tingin sa ngayo'y papatayo ng h.s student. Naaalala ko sya. Ngunit dala ng pagkakataon ay hindi kami gaanong nagkakilala. Una sa lahat ay sya ang naunang lumapit at kumausap sa akin.

"Ha! Tanga sya at slow kaya sya nadapa kaya bakit naman ako magsosorry?! Pwede ba pinapatawa mo naman ako. Over my beautiful sexy dead body!" mataray na sabi nya at pumayawang.

Tsk. "Kitang kita kong pinatid mo sya." seryosong sabi ko at nakita ang gasgas sa siko nung estudyateng h.s na ngayo'y pinapagpag ang marumi na nyang uniform. Samantalang si Hope ay nakaalalay sa kanya.

"Friend mukhang papalag sayo si Zai. Ang kapal ng mukha e panget naman mahirap pa." sambit ng isa sa mga kasama ni Ivory at umirap.

"Tignan lang natin papatalsikin ko sya kasama na ang kaibigan nya dito sa SVU bago pa sya makapalag. Hindi makakahindi sa akin si Daddy alam mo yan." ganting taas ng kilay naman ni Ivory sa kaibigan.

"Lagot na si Zai at Hope, board member ang daddy ni Ivory dito sa school."

"Naku! Mabuti nga yun mapaalis na sila dito. Gulo lang ang dala nila."

Madami ang nagbulungan matapos ang sinabing yun ni Ivory at mas lalong dumami pa ang mga estudyante. Tsk.

"Halika na Zai, wala tayong mapapala dyan kay Ivory may sayad yan sa utak." bulong ni Hope sa akin. At nilingon ko naman ang nadapang high school student.

"Okay na ko ate Zai, wag mo ng patulan sina Miss Ivory baka ikaw pa mapasama." malumay na sabi nya. Tumango naman ako sa kanila bilang sagot. At sakto namang tumunog ang bell.

"Hindi pa tayo tapos Zai!" sigaw ni Ivory papalayo na sa lugar namin kasama ang mga kaibigan nya.

"Tignan mo yun may pahabol pang sigaw." saad ni Hope at "BALIW!" pahabol na sigaw din nya kay Ivory.

"Tsk. Sabi mo wag ng patulan." usal ko at siningkitan ng mata si Hope.

"Hehe, peace! [^__^]v" sabi nya at nag peace sign.

"Tsk." napailing na lang ako at sabay na napangiti rin kay Hope.

Dadalhin sana muna namin ang nadapang estudyante sa clinic ng school ngunit tumanggi ito. Kaya naman dumiretso na lang kami sa third floor kung saan naroroon ang silid-aralan nila.  "Ano nga palang pangalan mo? Okay ka na ba talaga? Sigurado bang hindi ka na magpapadala sa clinic?" sunod-sunod na tanong ni Hope ng makarating kami sa room ng third year.

"Okay na po ako. Salamat sa inyo ate Zai, ate Hope. Ako nga po pala si Miracle." pasasalamat at pakilala nito at tumungo.

"Haa? Paano mo kami nakilala?" takhang tanong ni Hope. "Hindi pa naman kami nagpapakilala sayo ah." dagdag na sabi ni Hope na bahagya pang kumunot ang noo sa kausap.

"Kilala ko na po kayo, maging si Ate Zai noon ko pa kilala. At palagi kayong naikwekwento sa akin ni Cha--" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil biglang may dumating.

Humahangos pa itong sumigaw. "Miracleeee! Oh my gosh anong nangyari sayo?" bakas ang pag-aalala sa tanong ni Charity. Marahil sya ang nagkwento kay Miracle ng mga bagay-bagay tungkol sa amin ni Hope. "Nagmamadali akong bumaba kanina dahil may nagsabi sa aking inaaway ka na naman nila Ivory ngunit pagdating ko doon ay wala ka na." saad pa ni Charity at saka pa lang kami napansin at nilingon. "Couz? Unnie? Anong ginagawa nyo dito?" takhang tanong niya.

"Sya ba ang nagkwekwento?" tanong at baling naman ni Hope kay Miracle na sa palagay ko'y bagong kaibigan ni Charity.

Tumango naman ito bilang sagot at tinignan ang pinsan."I hope hindi nya ako sinisiraan sa mga sinasabi nya." naka-ngusong sabi ni Hope.

Biglaan naman ang paniningkit ng mga mata ni Charity sa pinsan. "Tch! Pig!" asik ni Charity kay Hope at dinilaan ito.

"Nerd!" ganti ni Hope at sinungayan si Charity.

Habang nagtatalo ang magpinsan ay nakatungong lumapit sa akin ang bagong kaibigan ni Charity na si Miracle. Nakahawak pa ito sa laylayan ng puti nyang blouse. "Uhh.. Ehh.." nahihiyang panimula nito.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa inasta nya. Tumingin ako sa malayo tsaka nagsalita. "Sabihin mo na. Ano ba yun?" tanong ko at sumandal sa rails ng hallway.

"A-ano kasi.." atubili pang sabi nya. At biglang tumungo ng malalim sa harap ko. "Sorry po nang dahil sa akin muntik na po kayong mapaaway kina Miss Ivory. Baka po balikan nya kayo at totohanin nya yung pagbabanta nya. At tsaka po noong mga nakaraang araw di ko kayo malapitan kasi pinagbawalan ako nina Miss Ivory kasi daw po delinquent kayo at maangas." at tumungo pa syang lalo.

Napabuntong hininga naman ako. At sinenyasan syang wag ng tumungo. "Dahil ba don kaya hindi ka na lumapit pa sa akin?" tanong ko. Palagi ko syang nakikitang nagtatago pag paparating ako. At kung hindi naman ay tatakbo. Nakakapagtaka ang mga ikinikilos nyang iyon ng mga nakaraang araw ngunit di ko na lang pinagtuunan ng pansin.

"H-hindi po. Sinabihan po kasi ako ni Miss Ivory na wag na kayong lapitan pa dahil hindi daw po kayo magandang impluwensya sa aming mga nakababata sa inyo." seryosong sabi nya at batid kong nagsasabi sya ng totoo. "P-pero hindi po ako naniniwala na masama kayo. Lalo pa po na palagi kayong kinukwento ni Charity sa akin. Napatunayan kong hindi totoo ang sinasabi ng iba tungkol sa inyo at kay Ate Hope." dagdag nya. Seryoso lang naman akong nakikinig sa kanya at nagpasyang hindi sumagot.

Ngunit ng mapansin kong mataman nya akong tinitignan at parang sinasabing kailangan nya ng sagot mula sa akin ay hindi na ako nakatiis at nagpasya ng magsalita. "Ang karakter at katangian ng isang tao ay hindi maibabase sa pisikal nyang anyo. Minsan ay kailangan nating kilalanin mabuti ang isang tao upang lubos natin syang maunawaan." seryosong sabi ko na nakatingin sa malayong parte ng school grounds. Ngunit di nagtagal ay binalingan ko rin sya ng tingin. At kumunot pa ang noo ko ng makita syang nakangiti at magkadaop ang mga palad habang nakatingin at matamang nakikinig sa akin. Kulang na lang magningning ang mga mata nya habang tinititigan ako.

Bahagya akong nailang sa ginagawa nya. "Wow. Ang cool nyo po mag-explain. Tama nga si Charity matalino nga po talaga kayo. Idol ko po kayo grabe!" bulalas nya at ibinuka ang mga braso na animo'y lilipad at diretsong niyakap ako.

"Huk!" hindi ako nakagalaw o nakakilos manlang. Bago sa akin ang pakiramdam na mayakap.

Nang mapansin nyang hindi ako gumalaw at magreact sa ginawa nya ay bigla syang naconscious at kusang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "H-hehehe, sorry po. Sobra lang po talaga akong natuwa." aniya at muling tumungo. "P-pwede ko po ba kayong tawaging A-ate Zai?" alinlangang tanong nya na medyo nahihiya.

"WAAAAAH! OMO! ZAAAAAI LATE NA TAYOOO!" biglang sigaw ni Hope at aligagang lumapit sa akin. "Kasalanan mo 'to nerd inaway mo kasi ako e!" reklamo ni Hope at inirapan si Charity.

"Hmp! Ikaw 'tong nakipagtalo pa sakin e." asik  naman ni Charity. "At wala kayong klase couz para sabihin ko sayo noh!" ismid ni Charity sa pinsan at nilapitan na ang kaibigang si Miracle na nasa katabi ko.

"ANOOO?! Paano mo naman nalamang walang klase aber? Nagbell na nga kanina!" asik ni Hope sa pinsan.

"Just so you know couz nakalagay sa bulletin board sa baba na walang first subject ngayon dahil pinatawag ni Dean ang mga lecturer natin." paliwanag ni Charity sa pinsan. At tumango tango naman si Miracle kay Hope bilang pagsang-ayom sa sinabi ni Charity.

Samantalang napapahiyang bumaling naman si Hope sa akin. "Zai.. totoo ba?" tanong nya sa akin at mukhang zombie na napahiya dahil naglabasan ang mga kaklase nina Charity at Miracle sa classroom sa lakas ng sigaw nya.

Hindi naman ako sumagot bagkus ay ipinakita ko na lang ang text ni Nyx sa akin kanina na nagsasabing wala ngang klase si Agusan.

Ngayon ay napapahiya syang bumaling sa mga kaklase ni Charity at nag peace sign na may pilit na ngiti sa labi sabay bulong sa akin. "Zai umalis na tayo dito ngayon na." atubiling sabi nya.

"Tsk. Lakas kasi ng boses mo parang fire alarm."

"Halika na.. Mamaya mo na ako pagalitan." at dali dali nyang ikinawit ang mga kamay nya sa braso ko dahil pinagtitinginan pa rin sya ng mga estudyante ng high school.

Nang makatalikod kami ni Hope ay biglang nagsalita si Miracle. "Ate Zai?" patanong na sabi nya.

Nilingon ko sya at tipid na ngumiti. Alam na siguro nya ang sagot sa tanong nya kanina. "Yey! Salamat ulit Ate Zai! Ingat kayo ni Ate Hope. Bye!" wika nya at kumaway kaway kasama ang malapad na ngiti. At doon ko napatunayan na hindi sya slow.

"Bye unnie, bye couz. Kitakits mamaya!" paalam naman ni Charity. "Uy nginitian ka ni Unnie Zai. Alam mo bang bihira sya ngumiti. Paano mo sya napangiti?" dinig kong tanong ni Charity kay Miracle habang papalayo na kami ni Hope. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Charity kung sakaling sa akin nya yun itanong. Siguro nga'y hindi na ako ngumingiti kagaya nang dati. Nabago na ako. Binago ako ng panahon.

Habang naglalakad naman kami patungo sa ikaapat na palapag ng building ay pana'y ang pagsisisi ni Hope sa pagsigaw nya kanina. Kaya naman pandalasan din ang bulong nya sa sarili na hindi na sya sisigaw kahit kailan hanggang sa makarating kami ng silid-aralan.

Nang makaupo kami ni Hope ay nakiupo din sa kalapit na upuang bakante si Nyx. "Uy mga teh, alam nyo na ba yung balita ha?" tanong ni Nyx na nakalapit pa ang mukha sa amin.

"Hindi pa. Ano yun? Spill it dali!" excited na sabi ni Hope. Parang bumalik na agad ang energy nya.

"Tch! Hopeless napakaenergetic mo ha. Hindi ka naman excited nyan?" sarkastikong usal ni Nyx.

"Psh!" maktol ni Hope. "Sabihin mo na kasi."

"Oh eto nga ang kumakalat na balita ngayon sa buong campus na may lilipat daw ditong mga kalalakihan dahil na-kick out sa dati nilang school kaya wala si Miss Agusan ngayon dahil ayun kasama na siguro nya ang mga yun sa Dean's office." akala mo reporter na balita ni Nyx.

"Kyaaah! Gwapo daw ba ha? Gwapo?" animo'y kiti kiting tanong ni Hope.

Blaaaag!

Napalingon ang lahat sa aksidenteng nabagsak na upuan o sabihin na nating sinadyang itumbang upuan. "Halaaa! Ayan ang ingay nyo kasi nagalit yata si fafa Enzo. Sssh lang tayo." usal ni Nyx.

"Oh, continue." sabi naman ni Hope na pabulong.

Nagkwekwentuhan lang sila ng magawi ang tingin ko sa labas ng classroom. Nakita ko si Ace na paparating kasama si Andrei.

Nang magtama ang paningin namin ay ako na ang kusang umiwas. Nakakatawa lang isipin na ibang iba sya sa nakilala kong Ace dati.

Wala man pinagbago ang itsura nyang pisikal ngunit ang Ace dito sa school ay ibang iba sa nakilala ko. Marahil ay sadyang sikat lang sya dito at ginagampanan nya yun.

"Yun nga, galing daw sa BSU yun ang sabi sabi." narinig kong kwento ni Nyx.

"Diba don kayo galing ni Zai?" tanong ni Mona na kay Hope nakabaling.

"Oo, sino naman kaya ang galing sa BSU ang nakick-out? Wala na kasi kaming balita don simula ng lumipat kami dito." saad ni Hope ng may pagtataka.

"Balita pa'y mayayaman daw ang mga yun bakla dahil nakick-out na e makakapasok pa rin dito. Alam nyo naman kasi dito basta may datung ka e pasok ka." saad muli ni Nyx.

"Nasa anong year at section ang mga tinutukoy mo?" tanong ni Hope nang biglang dumating si Miss Agusan.

"Goodmorning class!" bati nya.

"Goodmorning Miss Agusan!!" bati ng buong klase.

"Okay, seatle down. I have an announcement to say." banggit nito sa istriktong boses. At nakatayo pa din. Samantalang ang buong klase ay nakaupo na.

"First and foremost ipasa muna ang assignment." saad nya at bumaling na ako sa bag ko upang kunin ang ipapasa.

"All papers in?" tanong ni Miss.

"Yes Miss." sagot ng buong klase.

"For the announcement, mayroon tayong mga bagong transferee at dito sila sa klase ninyo inilagay." paunang sabi ni Miss.

"Kyaaah! Yun ba yung nababalitang mga gwapo daw?"

"OMG! Gwapo po ba talaga Miss?"

"Kyaaah! Asan na po sila?"

Iba't ibang reaksyon at komento ang nanggaling sa klase. Karamihan ay mga babaeng animo'y kinikiliti.

"OMG Zai yun na ata ang sinasabi ni Nyx kanina." usal ni Hope matapos akong sikohin.

Tsk.

"Ooops! Sorry. Di ko sinasadyang masiko kita Zai." aniya at ibinaling na ulit ang tingin kay Miss Agusan.

"You may now enter the classroom." baling ni Miss sa pinto at iniluwa noon ang apat na lalaki.

"OH MY GAAAAD!" biglang tili ni Hope. Tsk. Nakakahiyang katabi ang isang 'to.

Nang dahil doon ay nakaagaw sya ng atensyon. "H-hehe, gwapo.." tatango tangong usal ni Hope. Tsk.

"Kyaaah! Oo nga ang gwapooo nila!"

"Wooot! Mga bagong papables!" si Nyx ang sumigaw nyan.

"Yiiie! Ang hot nila. OMG!"

"Tama nga ang balita mga hot hunks sila! Hihihi."

"Kinikilig ako sa kanila. Oh my Gaaad!"

Kanya kanyang tili at sigaw ang mga kaklase ko kabilang na si Hope at Nyx. Tsk.

itutuloy..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE. AND DON'T HESITATE TO LEAVE A COMMENT. SALAMAT! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 53.6K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
3.3M 112K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
2.7M 71.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
422K 16.6K 48
Saellyn Yosjua was born with golden spoon in her mouth, being spoiled with all the things she want, and was even trained to act like a princess. But...