THE WRONG MR. RIGHT By RJ NU...

By arjaynuevas

34.9K 803 318

THE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipin... More

CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 2

2.7K 49 15
By arjaynuevas

THE WRONG MR RIGHT

By RJ NUEVAS

 

CHAPTER TWO

 

Galit na galit si Ramil. Nagwawala. Nawala ang pagkabading. Biglang umapir ang macho side niya (parang si Incredible Hulk pag nagagalit. O sige na nga, parang si Jennylyn Mercado sa Rhodora X, yung bigla na lang sumusulpot si Roxanne). “Leche yun, a,” bumubula ang bibig na sabi ni Ramil.

            “Bakit?” Si Karen yon na walang alam sa nangyari dahil nakatutok pa rin sa movie habang panay ang kukot ng popcorn. Ganyan si Karen, kapag gusto ang movie, kahit siguro lumindol, hindi madidistract.

            “May nambatok sa akin,” reklamo ni Ramil.

            “Sino?”

            “Yung lalaki sa likod ko,” Sabi ni Ramil sabay lingon. At makikita niya ang lalaking nambatok sa kanya, naglalakad na palayo.

            Biglang tayo si Ramil. Nag-excuse sa mga nanonood at sinundan ang lalaki. Ang guwapong lalaki. Ang Mr. Right ko.

            “Saan ka pupunta?” tanong ni Karen.

           Hindi na sumagot si Ramil na umuusok pa rin ang tenga. Natakot ako nab aka may smoke detector ang sinehan at makitang umuusok si Ramil at may sumigaw ng sunog. Choz!

            “Karen, let’s go!” sabi ko sabay hila sa kaibigan kong panay pa rin ang nguya ng popcorn. “Baka kung ano’ng gawin ni Ramil. Alam mo naman yun, pag nagalit, nagiging Incredible Hulk at nakakalimutan niyang siya si Barbie Doll.”

            “Excuse me. Excuse me. Excuse me,” duet namin ni Karen sa mga nanonood habang dumadaan kami. Siyempre, imbyerna sila sa amin dahil ito na yung eksenang naghubad si Chris Pratt sa movie. In fairness, maganda ang katawan ng lolo mo.

Pero mas importante si Ramil!

            So, habol kami sa baklang hindi halatang bakla. Inabutan namin siya sa lobby.

            “O, ano’ng nangyari?” si Karen yon.

            “Nawala e,” galit pa rin si Ramil.

            “Hayaan mo na yon. Balik na tayo sa movie. Ang ganda e,” pagkikibit-balikat ni Karen.

            “Kapag nakita ko yon, uupakan ko yon, e.” Panay pa rin ang linga ni Ramil.

            “Bakit? Namukhaan mo ba?” tanong ni Karen habang papasok na kami ulit ng sinehan.

            “Hindi nga e. Ikaw ba, Welcome,” baling niya sa akin. “Nakita mo?”

            Oo, nakita ko, gusto kong sabihin. Guwapo siya. At siya ang Mr. Right ko.

            Pero iba ang lumabas sa bibig ko. “Hindi rin e. Ang dilim kasi. Saka nakatingin ako sa movie.” Bakit ko naman sasabihin kay Ramil na namukhaan ko ang love of my life? Di inupakan lang niya.

            In fairness, maganda ang Guardian of the Galaxy. Laugh-a-ton siya hanggang sa ending. Tawa sila nang tawa. Guwapung-guwapo sila kay Chris Pratt.

            Ako, ang iniisip ko pa rin ay ang lalaking nambatok kay Ramil.

* * * * *

            Hanggang gabi, maski nasa bahay na ako, siya pa rin ang iniisip ko.

            “Hoy, Welcome! Nakatunganga ka na naman. Tulungan mo ako dito sa longganisa.” 

            That’s my mom. Mom talaga o hahaha! Nanay ko yan. Tindera siya sa palengke. Maghapon siya sa nagtataga ng pata at tadyang at naghihiwa ng laman at taba ng baka, baboy at manok. At pag-uwi, gumagawa pa siya ng longganisa at tocino. Sipag no? Kaya pinagbubuti ko ang pag-aaral ko. Ayokong magbulakbol. Gusto ko makatapos, makapagtrabaho at maging rich. Para titigil na sa pagtitinda sa market si Mader. Itu-tour ko na lang siya balang araw sa Asia, America and Europe. Bongchi, di ba?

            Kaya rin tumutulung-tulong ako sa paggawa ng longganisa at tocino. Kahit nakakapudpod ito ng kuko dahil sa ingredient na asin. Kaya kayo, kapag kumakain kayo ng longganisa at tocino, isipin n’yo ang hirap na dinadanas ng gumagawa nito, ha? Huwag n’yo na lang isipin na kahit paano, may nakakain kayong kinaskas na kuko.

            “Bakit ka ba nakatulala?” tanong ng nanay kong hindi sanay na tahimik. Gusto niya, laging may lumalabas na salita sa bibig niya. Bungangera, in short. Pero advantage yon sa market, market lalo na pag sumisigaw siya ng Bili na! Bili na kayo!

            “Iniisip niya yung dyowa niya, Nay,” hirit ni Kuya Bal. Actually, ang palayaw niya: Balintawak. And you guess it right, ipinanganak siya sa Balintawak dahil again, hindi na naman umabot ang nanay ko sa ospital. Malaki kasi ang sipit-sipitan ng nanay ko kaya walang hirap sa panganganak. Kung saan abutan, doon na. Welcome to the world and babies.

            Heniwey, ang sabi ko kay Mader: “Hindi no. Wala pa po akong boyfriend. Imbento lang yang si Kuya Bal.”

            “Dapat lang. Nagpapakahirap ako sa palengke, gumigising ako nang maaga, at pag-uwi ko, trabaho ulit. Para ano? Para makapag-aral kayo. Para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Para hindi kayo matulad sa amin ng tatay n’yo na dahil walang natapos eto, kayod marino! Sumalangit nawa ang tatay n’yo.”  

            Yes, single mother si mader at alam naman naming ang paghihirap niya kaya matino kami. Lalo na ako. Gusto ko lang magkaboyfriend ngayong fourth year hehe. Itatago ko na lang kay Mader. What you don’t know, won’t hurt you naman.

            “Wala po akong boyfriend,” sabi ko sabay bato ng basahan kay Kuya Bal na natatawa-tawa lang. Si Kuya Bal ay second year college, kumukuha ng Engineering sa F.E.U. Full scholar. Galing no?

            “Ako ho, may boyfriend na,” hirit naman ng bunso naming kapatid, si Nova. Kailangan ko pa bang pahulaan kung saan naman inabot ng panganganak ang nanay ko? Tumpak! Sa Novaliches. Pero Aurora ang true name niya. Nova lang ang nickname para pare-pareho kami.

            Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Nova kasi 6 years old lang siya. Grade one. Layo ng agwat namin, no?

            “Good evening po.”

            Napatingin kami sa pinto, kay Jerson, kapitbahay namin, barkada ni Kuya. May dala siyang gitara. Mahilig sila ni kuya na magbasketball at maggitara. Madalas siyang pumunta sa amin dahil daw kay kuya. Pero ang totoo, may gusto siya sa akin. Paano ko nalaman? Dahil pag naggigitara siya at kumakanta ng love sone, sa akin siya nakatingin. Halos magkandaduling siya sa pagpapapungay ng mga mata.

            May itsura naman si Jerson, pero walang effect sa akin yon. Dahil halos sabay kaming lumaki ni Jerson. Kilala ko ang likaw ng bituka niya. Nakita ko ang puwet niya at pototoy noong naliligo kami sa ulanan noong mga bata pa kami. Pero sorry siya, hindi niya nakita ang pichichay ko dahil mahilig akong mag-shorts, maski naliligo sa ulan.

            Kilala ko rin ang pamilya ni Jerson. Mababait din naman ang tatay at nanay niya, masikap din para sa mga anak. Pero tipikal na pamilya, nag-aaway ang magulang niya. Naghihiwalay. Nagbabalikan. Ilang beses na yatang naghiwalay at nagkabalkan ang parents niya. At kaming mga kapitbahay ang parang audience na nanood lang sa kanila.

            In short, walang mystery.

            Ang gusto ko sa magiging jowa ko, yung may air of mystery naman. Yung hindi mo kilala, pero ang journey ay yung unti-unti mo siyang kikilalanin. Getting to know each other ba? E, di sa amin ni Jerson, wala na yon dahil nga kilala na namin ang tabas ng buhay ng isa’t-sa.

            Ang gusto ko talaga ay yung may mystery.

            Parang yung lalaking nambatok kay Ramil sa sinehan.

            Pero paano ba yan, hindi ko naman na makikita ang cute guy na yon!

* * * * *

            But I was wrong!

            (Of course, this is a love story, di ba? Boy meets girl ek-ek).

            Kaya we met again.

* * * * *

            Second day of school. Late ako. Dahil nagpasama pa ang nanay ko sa palengke. Nagpatulong sa pagbubuhat ng mabibigat na bayong na may lamang longganisa.

            Kaya ayun, late ako sa school. Kaya zombie run ang drama ko. Para talaga akong hinahabol ng mga zombies sa World War Z sa bilis ko tumakbo. Halos dala-dalawang steps sa hagdan ang ginawa ko. Kaya noong pagliko ko sa hagdan, may nakabangga ako. Isang lalaki.

            Kung sa pelikula nangyari ang nangyari sa akin, slow motion yon. At kahit nagulat siya, sasaluhin niya ako, hahawakan sa bewang, pipigilang bumagsak. At magkakalapit ang mga mukha namin. Magkakatitigan. Mukhang magki-kiss. At ang audience, magsisigawan. Kikiligin.

            Pero sorry, hindi ito movie. Walang slow motion. Hindi niya ako sinalo.

            Bumagsak ako sa sahig na semento. Mabilis. Masakit. Wa poise!

            At ang mga estudyanteng nakakita, nagtawanan. Nag-apiran.

            Inis ako. Gigil. Gusto kong awayin ang lalaking nakabunggo sa akin.

            Pero pagtingin ko, siya yun, yung lalaking nambatok kay Ramil sa sinehan.

            My Mr. Right.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 182K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
715K 36.8K 20
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
4.6M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
379K 5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...