Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twelve

1.5K 50 4
By MicxRanjo


HINDI na kumatok si Caleb at basta na lang itinulak pabukas ang pinto ng pager room. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang estudyanteng lalaking naroon at si Erina na nakatayo sa harapan ng mga ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Kay Erina niya agad itinutok ang paningin tsaka mabilis na nilapitan.

"Caleb! Hi." Kumaway si Erina kahit nasa mismong harapan na siya nito tsaka maluwang na ngumiti. "Visiting you, and the school." Nilingon nito ang dalawang binatang napatayo sa kanyang pagdating, parehas na nakatingin sa kanila. "I will be a student here soon, it's nice meeting you both." Tsaka naman ito kumaway sa dalawa.

Napakunot siya ng noo, tila nakagaanan ng ng loob ni Erina ang mga ito. "Tara." Hinawakan niya ito sa braso upang igiyang palabas.

"Uy, teka, ikaw ba si Caleb Guerrier?" Habol ng isa sa mga binata.

Walang ngiti na nilingon niya ito. "Oo, gusto mong makita ang student ID ko?"

"H-ha? Hindi na, naniniguro lang." Tumigas din ang reaksiyon nito, hindi nagustuhan ang kanyang tono.

"He is Caleb for sure, and he's my boyfriend. Isn't he cute? Especially when's he's mad." Matamis na ngiti ni Erina.

Kay Erina naman napatingin ang mga ito, maging siya.

"Erina." Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi.

Ngunit tumawa lang ito, saka ito na ang humila sa kanya palabas ng silid. "Thank you, guys." Pahabol nito bago sila tuluyang nakalabas.

Hinila ni Caleb ang kamay ni Erina palabas sa exit stairs tsaka isinara ang pinto. Hindi pa siya tuluyang nakababawi nang hininga sa ginawang pagtakbo. Binitiwan niya ang kamay nito saka hinarap, nakangiting mga labi pa rin nito ang naghihintay sa kanya.


"Bakit ka narito?"

Sa halip na sumagot, dumikit ito sa kanya at iniyapos ang mga braso sa kanyang batok, tiningala siya. "I miss you."

Bahagya siyang napapitlag, napatitig rito, napaisip sa kaagresibuhang ipinakita. Ibang-iba ito kay Marie, walang pakialam sa paligid at gagawin ang anumang naisipan.

"E-Erina, baka may makakita sa atin." Subalit tila may sariling isip ang kanyang mga kamay na pumatong naman sa balakang ng kaharap.

"Walang makakakita, sarado ang pinto, at nasa second floor tayo. Besides, I have a great news."

"May dumaraan din kaya dito. Anyway, ano 'yon?"

"Relax." Isang mahinang kurot ang ibinigay nito sa kanyang pisngi. "Smile." Tsaka nito pinisil ang kanyang magkabilang pisngi.

"Erina." Natawa siya. Kinuha niya ang mga kamay nito tsaka ikinulong sa kanyang mga palad.

"Kiss me." She whispered. Her eyes were twinkling in such emotion he could tell why.

Saglit lang siya napaisip bago bumaba ang kanyang mukha rito, idinikit ang mga labing sabik din. Nagsalubong ang kanilang mga labi, agad na umawang upang tikman ang isang matamis na paghahalikan. Hindi katulad noong una, mas palagay na sila sa ginagawa, hindi nananatiya at sa halip ay mas mapaghanap, mas lumalalim, at alam kung saan patungo.

Umalis siya sa pagkakasandig sa pader, iginiya si Erina sa dating puwesto at ito naman ang isinandig niya roon nang hindi pinuputol ang kanilang paghahalikan. Itinukod niya ang isang kamay sa pader, habang ang isa naman ay sumuksok sa likuran ng buhok nito upang igiya pang lalo sa kanya.

Umungol si Erina, marahang tapik ang ibinigay sa kanyang dibdib. Pinutol niya ang pakikipaghalikan, idinikit ang noo sa noo nito, sabay silang lumanghap ng hangin habang nakatingin sa isa't isa.

"Out of breath?" he teased.

Umiling ito. "I hear footsteps, I think someone is coming." Nguso nito sa may pababang hagdanan.

Tila naman siya nahimasmasan at agad na inilayo ang sarili. Pinakiramdaman niya ang mga yabag, narinig nga niya subalit nasundan iyon ng pagbukas ng isang pinto, saka sumara.

Nakahinga siya nang maluwag. "Mukhang bumaba sa basement."

"You're that scared to be found out?" Napalis ang ngiti nito.

"H-hindi. Ayoko lang masangkot sa isang malisyosong eskandalo. Lalo ka na, babae ka pa naman."

"Here we go again. What is wrong with this? We're a couple."

"Kahit na, may tamang oras at tamang lugar para sa mga bagay-bagay."

"So, we can't kiss here when I start my schooling here?"

Naitaas niya ang mga kilay, napangiti.

"What?" Ito naman ang napakunot ng noo.

"Pwede naman, medyo discreet nga lang. Ayoko lang ng bulgar."

"Oh gosh! Loosen up, will you?" Hinila nito ang kanyang kuwelyo tsaka siya muling hinalikan sa labi, maikli lang, patuka-tuka, paulit-ulit, may tunog pa na nagdulot ng echo sa kapaligiran."

Hindi niya naiwasang matuwa, "Erina." Pinigilan niya ito.

"Say you miss me." Tila naghihinampo nitong reaksiyon.

"I miss you."

"Really? You do?" Bigla'y sumilay na muli ang matamis nitong mga ngiti.

"Oo. So, ano na iyong great news mo?"

"I already told you, dito ako mag-aaral. I'd like to be in your class. What course are you taking?" Pinadulas nito ang mga palad sa kanyang mga kamay, isinalikop ang mga daliri sa kanya.

"Business Ad."

"Right, it's explainable since your family runs most of the businesses here. Ako naman, susunod sa iyo, to support you, you know." Nagkibit balikat ito, nanatili pa rin ang matamis na mga ngiti. Tumingkayad ito't humalik sa kanyang baba.

Masaya siyang muli itong makita. Makaharap. Masilayan ang magandang mukha at ngiti. At sa totoo lang, nalulunod ang kanyang damdamin sa kalambingang ipinapakita nito. Hindi niya akalaing magugustuhan ang pagiging agresibo nito.

"Why are you looking at me like that?"

"Ha? Wala lang, sobra lang akong nasorpresa sa pagparito mo."

"Good, that was the plan-- to surprise you. Anyway, may klase ka pa? It's almost six in the evening."

Umiling siya. "May binabasa lang ako sa library nang manawagan ka. Bakit?"

"Let's go. You drove here, right?" Lalong lumuwang pagngiti nito.

Tumango siya.

"Ako rin. How about you leave your car here and ride with me? I want to sit with you."

Napaisip siya, pagkuwa'y tumango. "Sige, saan ka nag-park? Hahanapin ko lang si Rommel para ibigay itong susi ng jeep ko tsaka kita pupuntahan sa sasakyan mo."

Erina told him where to find her. Bago pa siya tumalikod para hanapin ang kaibigan ay muli siyang hinila't napaharap siya rito

"Going without giving me a kiss?" Ngumuso pa ito.

Napangiti siya tsaka yumuko upang gawaran ito ng maikling halik sa labi, ngunit sa halip ay dumiin ang mga labi nito sa kanya dahilan upang maging matagal ang pagdampi ng kanilang mga labi sa isa't isa.

"Five days is too long to wait, Caleb...I miss you so much," she whispered before letting him go. "I will wait for you in my car, don't be too long, alright?"

Napatango siya na tila may kapangyarihan itong pasunurin siya.

"Laters, babe?" Kindat nito.

Doon lang siya tila natauhan, napakunot ng noo. "Ano?"

Tumawa ito, tuwang-tuwa sa kanyang reaksiyon.

Napailing na lang siya, tsaka sila sabay na umalis.



NAKATAYO si Erina sa may hood ng jeep nito, nakasandig ang puwitan roon habang ipinaiikot sa daliri ang ring ng susi sa daliri. Maikling puting shorts ang suot nito at fuchsia colored cropped shirt, litaw ang mapuputi nitong mga braso at tiyan. Tsinelas ang gamit sa mga paa at sunglasses naman na nakapatong sa ulo. Napansin niyang halos lahat ng dumaraan sa parkingan ay pinapasadahan ito ng tingin, agaw pansin kasi ang maputi nitong kutis at maikling kasuotan.

He thought of a word to describe her--trouble-maker. Hindi niya akalaing mahuhulog ang kanyang loob rito, sobra-sobra pa sa kanyang inakala.

Sinabihan niya si Rommel na gamitin nito ang kanyang jeep sa pag-uwi nito sa Del Rio at sabay na silang babalik ng bayan sa Linggo ng hapon. Tumawag na rin siya sa ama at sinabing hindi siya uuwi ng dalawang gabi at araw, hindi naman ito nag-usisa sa maikli niyang paliwanag at pinayagan siya.

"Erina."

"Hey!" Sa tuwina'y matamis na ngiti nito ang kanyang palaging nakikita, at sa tuwina rin ay napapatigil siya upang pagmasdan iyon. She has the sweetest smile he had ever seen.

Inihagis nito ang susi sa kanya at nasalo naman niya iyon. Umangkas ito sa passenger side habang siya naman ay pum'westo sa driver's seat.

"Let's go to our hiding place." Humagikgik ito, walang kiyeme sa pagpapakita ng nararamdaman.

"Hiding place?" Hindi niya tuloy maiwasang mahawa.

"Yes, a place just for you and me, our little lovenest. 'Wag kang magulat ha, nagdala ako ng folded futon." She laughed.

"Ha? Bakit? Para saan?" Pinatakbo na niya ang jeep.

"So that it won't hurt."

Napakunot ang kanyang noo. Pinilit niyang ipokus ang sarili sa pagmamaneho subalit hindi niya magawa dahil sa mga sinasabi ng katabi. "Ang alin?"

Tumawa ito. "Watch out, you're going to kill us. I don't want to die a virgin, you know." Turo nito sa pick-up truck na sinusundan nila na muntikan na niyang mabunggo dahil bigla itong nagpreno, buti na lang at nakapagpreno din siya agad.

Nilingon niya ito, kinakabisa sa reaksiyon kung nagbibiro ba ito.

"You're looking at me like that again," she tsked, "You are falling so deeply in love with me, but no worries, I'll take it all in." Kindat nito habang patuloy sa paghagikgik.

Nagpakawala siya nang isang malalim na hininga. Ipinilig ang ulo. Inayos niya ang sarili at nilinaw ang isip. Pagkuwa'y napangiti. Kailangan na niyang masanay sa pagiging malaro ni Erina.



MADILIM na nang makarating sila sa Del Rio. Walang buwan na nakatanglaw sa kanila sa pag-akyat sa burol. Ipinarada niya ang jeep sa gilid sa paanan ng burol kung saan ay mapuno, kahit paano ay tago ang jeep doon.

"I brought us an oil lantern, flashlight and...something for protection?"

"P-protection? S-saan?" Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo sa kanyang bumbunan.

Nagpatuloy lang ito sa paghahalungkat sa likuran ng jeep, "Oh, katol for mosquitos." Ipinakita iyon sa kanya. "It should protect us from those little blood suckers."

Tumikhim siya, napangiti sa sarili. He let out a sharp breath and quickly finger-brushed his hair. Kinuha niya ang mga dapat dalhin at binitbit ang mga iyon.

"Don't worry, I have your fave chippy snacks, and I baked some cookies and muffins for our breakfast. Oh, I already put a cooler in the cottage and a portable single stove, we can have fresh instant coffee in the morning and fried eggs if you want. I went to grocery shopping and prepared all these ahead of time. Aren't you proud of me, huh?" Siniko siya nito animo nagyayabang.

Huminto siya sa paghakbang, humarap dito saka hinaplos ang ulo nito. "Yes, baby girl, I'm so proud of you." Balik niyang biro.

Bigla itong sumimangot. "Baby girl? Yuck! I'll show you this baby girl later and see if you can still call me like that, hmp." Tumalikod ito at nauna sa pag-akyat sa burol.

Siya naman ang napangiti. Tumalima na rin siya, binilisan ang paghakbang upang makahanay rito.


Continue Reading

You'll Also Like

609K 22K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
95.7K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...