The Bet For Lust

By Areezz_Sy

496 29 11

Natuklasan ni Angelie na siya pala ay pinagpustahan. Nalaman niyang premyo lamang siya mula sa isang taya ng... More

Synopsis/Disclaimer
Rhea Angelica Tuvierra
Jacob Ferran Salazar
1: Reunited
2: Shades

3: Ina

70 5 2
By Areezz_Sy

JACOB

I woke up early in the morning, but before I get up from my bed, thirty minutes yata akong nakatulala sa kisame at inalala ang nangyari kagabi.

“Pare, kanina pa kami naghihintay sa ’yo. Huwag mong sabihing hindi ka a-attend sa stag party ni Coso? Last night na nang pagiging bachelor nito, a-absent ka pa!” Simone said from the other line.

“Hindi naman, on the way na ako. May aksidente kasi sa daan kaya nagkaroon ng heavily traffic. Expect me there in ten minutes. Maaga pa naman!” I answered after I checked out the time in my Rolex.

“Maaga pa talaga sa ’yo ang ten pm, huh? Madaya ka, ang dami na nilang nainom!” wika nito sa akin dahil kanina pang seven pm nagsimula ang party.

“At least ikaw, Simone, hindi pa lasing. Meaning may aabutan pa akong matino r’yan, hahaha!” I laughed out.

“Yeah! Aanhin pa ang pagiging owner ng Bar kung ako mismong may-ari ay mahina sa alcohol content, hahaha! Anyway, kanina pa sila nagsasaya sa pakikipaglambutsingan sa mga strip teaser na hinired pa ni Yvez. Namputsa, mas excited pa siya sa groom to be. Init na init ang gag*, hahaha!” he said, and roared too into laughter.

“Hahaha! Pigilan mo, magmumukha na naman iyang asong ul*l!” sabi ko at napahawak sa bluetooth headset na nasa tainga ko habang tumatawa.

“Hahaha, hangga’t hindi nakakagulo, puwede pa. Pero pag-ayaw nang papigil, ipapadampot ko na sa bouncers at ipapahatid kay Olive. Tingnan ko lang kung hindi siya umalulong sa armalite ng nanay niya. Tutal naman hindi rin siya marunong matakot sa ama niyang General, pero kay Tita siguradong todas siya, hahaha!” Hindi pa rin mapigil ang tawa ni Simone.

“Hahaha! Ang hard no’n, Pare. Tigang kasi, hayaan mo na. Two months na silang hiwalay ni Luna kaya nagkakaganyan ‘yan, hahahah!” muli ay napabunghalit ako ng tawa.

“Hahaha! Ano pa nga ba? Oh, sige na, see you later. Kailangan ko pang i-check ang nasa kabilang VIP room, baka knock-out na ang mga babaeng nag-iinom doon,” paalam na nito na sinang-ayunan ko.

“Sure, nandito na rin ako. Magpa-park na lang. See you there,” sagot ko at nagmaniobra na sa slot ng parking lot.

Papunta na ako sa VIP room na inookupa ng mga kaibigan ko nang makita ang isang babaeng pasuray-suray na naglalakad sa hallway at gumagabay na lamang sa pader.

Not until Simone suddenly appeared and helped the woman who was intoxicated by the wine. Poor girl! Iinom-inom, hindi naman pala kaya! I shrugged my shoulder before I decided to run where they needed help.

Nang makalapit na sa dalawa upang tulungan ang kaibigan ko… “Oh, God!” I mumbled.

I was surprised when I recognized her. Oh, Fvck! Damn my silly head!

“Angelie!” Now, I am panicking to mention her name.

But Simone placed his index finger on his lips and marked me up to shut my mouth. “Get her home, I am going to check out my cousin inside the next room,” he said in a fainted voice.

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Simone. Mabilis ring nangunot ang aking noo at pinag-aralan ang sinabi nito. Seryoso ba talaga siya na ako ang mag-uuwi kay Angelie sa bahay nila? Ngunit sa halip na itanong pa, mas minabuti kong huwag na lang kumibo. Hindi na ako nagdalawang-isip na sundin ito upang saklolohan ang dalagang nakatulog na dahil sa sobrang kalasingan. Dahan-dahan ko siyang iniangat para buhatin palabas ng bar.

Habang naglalakad, napapailing na lang ako habang tinititigan ang kaniyang mukha. “Finally, I found you, my Baf!” I said while my heart quivering, fadeless!

When we arrived at their home, si Drew ang sumalubong sa amin. “Oh, Jacob? Angelie? What happened to her?” he asked while the line furrowed on his forehead.

“She was drunk. Buti na lang ay agad siyang nakita ni Simone. Then he asked me to take her home dahil ‘yung pinsan niya, lasing na rin,” sagot ko at agad din naman niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Pinatuloy ako sa loob habang karga pa rin ang kakambal niya.

“Need help? Ako na kaya ang mag-akyat sa kaniya sa itaas?” wika nito sa akin ngunit tinanggihan ko.

“No, I insist. Ituro mo na lang kung saan ang kuwarto niya,” tugon ko at tumalima naman ito.

“This way,” pagdaka ay sinundan ko naman.

Nang makarating sa kuwarto, dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya.

“I thought she was going to the reunion. Are you with them? Dapat na ba akong magtaka dahil magkasama kayo, and yet umuwi pa siyang tulog dahil sa kalasingan?” then he narrowed his eyes on me.

“No, it’s not a sort of your thoughts. Kararating ko lang sa bar nang makita siyang pasuray-suray na naglalakad palabas ng VIP room. Nagkataon lang na stag party ng isa kong kaibigan kaya ako nagpunta roon. Hindi ko inakalang siya pala ang babaeng inaalalayan ni Simone at hindi rin naman alam ni Angelie na ako ang naghatid sa kaniya pauwi rito,” sagot ko.

“Hmm… well, I gladly appreciate it. Thank you for taking her home safely, Pare,” he said.

“You're welcome. By the way, give it to her as she woke up in the morning. Malala tiyak ang hangover niyan,” I said and handed the foil pack of ibuprofen.

“Oh, sure. Thank you!”

“Okay, It’s going to be late. I will go ahead,” paalam ko at hinatid na niya ako hanggang sa may pintuan.

Habang lulan na ng aking sasakyan…

“Paano ko ba sasabihin kay Drew na ang kapatid niya ay ex-girlfriend ko? Ano man ang nangyari sa amin ni Angelie noon, natitiyak kong wala pa rin itong alam tungkol sa naging past namin. Dahil kung mayroon man, noon pa sana ay kinompronta na niya ako. Paano ko nga ba ipaliliwanag na ako ang naging dahilan ng pag-alis ng kapatid niya eight years ago? Tatanggapin ko naman kung gugulpihin niya ako pero hindi naman ganoon ang nangyari. At wala rin siyang nabanggit na kahit ano about sa kinaroroonan ng twin sister niya noon.

Matagal kong inasam na makakuha ng info about her, pero wala. Matagal kong hinanap si Angelie to the point na siya ang dahilan kung bakit sumama ako sa pamilya kong mag-migrate sa US sa pagbabaka-sakaling mahanap siya roon. Pero malaki ang America, ni bakas ng anino niya ay hindi ko nakita.

Hindi rin naman nagtagal noon at kinailangang umuwi ng isa sa amin dahil nagkataong nagkaproblema ang isa sa negosyo namin dito sa Pilipinas. Ako ang nag-volunteer na umuwi rito para ayusin ang problema sa kumpanya. Nagbabaka-sakali rin na muling makikita si Angelie. Pero wala pa rin. Ang daming tanong na PAANO ang nabuo sa utak ko. Mga tanong na hindi ko alam kung paano nga ba sasagutin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag ang side ko about sa pustahang naganap noon, na kagagawan ng mga gagong kaibigan ko!

My flashback ended when I heard my nephew’s voice. “Tito Jacob?” he knocked and called me from the outside.

“Tito Jacob, are you awake?” he sounds between the sobs. I instantly get a frown and force myself to get up from my bed. I wonder why he’s in such. It's too early being me to worry about his likes.

I walked towards the door to open it, but Aemiel expressed his sad face in front of me while his mother placed her arms across her chest.

“Oh, what happened? Why you shed on tears, young man?” I asked my nephew as he positioned his hands behind his back, then he looks up in a way reluctant to answer me.

“Aem?” I mentioned his name.

“T-tito… I-I am sorry!” I narrowed my eyes, then ask him why.

“Why, Aem? What’s with that apologize?” I calmly asked.

“I-I broke, Tito!” he stammered.

“Hmm? You broke what?” I asked again, but this time I got a line graven on my forehead.

“Tell him! You could never hide what you did, Aem. It’s all your fault anyway. Go, let him see that!” my sister said.

“I brought it and ran up the stairway, but unintentionally it has been falling. Promise, I didn’t intend to be it’s broken, Tito. Please excuse what I’ve done! I broke your phone!” then he slowly handed me up the cracked gadget. He did apologize, but despite this was wailing extremely.

I heaved a sigh, then kneeled to face him and pinch his chin. “No worries, Aem! Ang phone kapag nasira, madaling palitan. At ang pagiging mabait mong bata at pag-amin sa kasalanan ay enough na para hindi ako magalit sa iyo. Ikaw kaya ang favorite kong pamangkin,” sabi ko at napaingos naman si Jena sa itinuran ko.

“What the spoiler uncle, huh? Next time, huwag mong iiwanan ang phone mo sa kusina para hindi napaglalaruan ng bata. At sana minsan, matuto ka namang magalit sa pamangkin mo para matuto siya sa pagkakamali niya at hindi maging spoiled. Huwag mo laging kinakampihan para hindi siya laging dumi-depende sa iyo. Kaya lumalaking spoiled, eh! At isa pa, nag-iisa lang ‘yan kaya paanong hindi siya ang magiging favorite mo? Naku! Ewan ko sa inyo, magsama kayong mag-Tito!” masungit na sambit ng kapatid ko sabay walked out sa harap naming dalawa.

“Nagme-menopause na ba ang Mama mo at gano’n kasungit? Kay aga-aga, eh!” puna ko sa ina ng batang katabi ko.

“Humanap ka na nga ng bagong Papa mo para may sumasalo sa kasungitan niya. Para hindi tayo ang napagdidiskitahan niya, tsk!” dagdag na sabi ko kay Aemiel na kakamut-kamot sa kaniyang ulo.

“She always busted her suitors to push them away. I don’t know what she wanted for me to have a new father. It was more than five years since my Papa passed away because of that car accident. Tito, you have to find a new boyfriend for her,” then he let out the unbelievable suggestion.

I laughed hard after I heard it. “Hahaha! Kanina lang masyado ang pag-iyak mo, ngayon ay parang matanda ka naman kung magsalita. Aminin mo, anong ginawa sa iyo ng Mama mo?”

Napalabi siya bago sumagot. “She lifted up my ear!”

Anong bago ro’n? Gawain niya talaga ang mamingot kahit noong bata pa kami. Hindi na ako magtataka kung ginagawa niya rin ito sa anak niyang AFAM.

“But to be honest, Tito, I’m not worried about your broken phone! I am worried about Mama’s inhibiting me to play ML! Nye,” he said and showed me his kind of toothless smile, then do a peace sign. Agad ko siyang pinaningkitan ng mga mata at pinamaywangan.

“Aba’t, Aemiel!” sabi ko pero agad na itong tumakbo.

“Hahaha, sorry na!” wika nitong kahit papaano ay nakakaintindi at may alam na sa pagsasalita ng tagalog though they live in the country for almost half a year only.

“Sige, takbo! Kapag inabutan kita, lagot ka sa akin!” banta ko at hinabol pa rin siya pababa ng hagdan.

Ewan ko ba, ang gilas tumakbo ng bub’wit na ‘to, hindi ko siya inabutan hanggang sa makarating kami sa kusina.

Naratnan naming naghahain ng breakfast si Jena. Yeah, though she’s older than me, hindi ko naman siya nakasanayang tawaging Ate. Eleven months lang naman ang tanda niya sa akin, kaya siguro gano’n. Sanay na siya sa pagtawag ko sa pangalan niya.

Then, there I saw the cravings of my mom, who is still living in the US. Boiled native peanuts and poached tamarind that was newly squeezed into a bowl. Nagtataka man kung bakit ito ang nakahaing almusal namin ngayon ay nagkibit-balikat na lang ako. Miss na siguro siya ni Jena. But then, akma pa lamang akong kukuha ng mani nang biglang tapikin ni Jena ang kamay ko.

Aray! Bakit?” tanong ko sa kapatid ko habang magkasalubong ang aking kilay.

“Nag-toothbrush or nagmumog ka man lang ba?” masungit na wika niya sa akin.

“Mabango pa rin naman ang hininga ko kahit kagigising ko lang. Hindi ako napapanisan ng laway,” pagyayabang ko na agad namang ikinataas ng kilay nito.

“Sa kaniya mo sabihin ‘yan. Huwag sa akin,” aniya sabay turo ng nguso sa babaeng papalapit sa amin.

“Hi, Jacob!” she greeted me.

“Ina?” I honestly suprised.

“Yup! Good morning, Baby!” then we kissed on cheeks.

“What a surprise, Ina? Hindi mo sinabing darating ka. Sana nasundo kita sa airport,” sabi ko sabay akbay sa kaniyang balikat palapit sa mesa at ipinaghila siya ng upuan.

“Just like what you said, I wanted to surprise you!” she widely smiled.

“What time did you arrive? Mukhang nakapagpalit ka na ng damit from the trip?”

“Ahuh! Actually, kagabi pa! At wala ka pa no’ng dumating ako rito. Saan ka nga pala nanggaling kagabi? Nagtapon ka na naman ng sperm cell mo?” walang prenong sambit niya na ikinahalakhak ko.

“Hahaha! Ina, naman. Hindi ko kailangan itapon, hindi naman ako ang nagko-control. Sila ang dapat na mag-ingat. Takot lang mabuntis ang mga model na iyon!” wika ko at kinindatan siya nang mabanggit ang career ng mga babaeng nakakasama ko sa kama. Yeah! In the first place, they all knew that we were just in a fling, not in a state of being seriously connected.

“Ay, puro! Puro ka kalokohan, Jacob! Mamaya niyan makatiyempo ka at makabuntis nang hindi sinasadya, naku! Sinasabi ko sa iyo, ayoko ng basta kung sinong babae lang ang magiging ina ng apo ko! Ang gusto ko ‘yung babaeng matino, disente at maipagmamalaki mo bilang may bahay mo. Naiintindihan mo ba?” she asked.

“Yes, Ina!” palagi kong sagot sa palagi niya rin na tanong.

But despite of that, hmn… na-miss ko ang sermon ng ina kong mahal. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin na nakita ko na ang babaeng walong taon ko nang hinahanap. Dahil hangga’t wala pang linaw sa amin ang lahat, hindi ko muna maaaring sabihin ang tungkol sa kaniya. Ang babaeng sa simula pa lang, sa kaniya na inihahalintulad ang soon to be daughter-in-law niya.

“Uhmm, Ina, let’s have a breakfast. Have a seat, Jacob. Gawa na rin ang kape ninyo,” Jena said while placing the cups on the table.

“Magpapa-welcome party ka ba, Ima?” I asked before taking a sip in my cup.

“No need. May reunion ang amigas kaya doon na lang isasabay ang celebration. Why did you ask, son?”

“Hmn, nothing! But I will surely be busy in a few days or weeks. So, baka madalang ninyo akong makita,” I answered.

“Hmn, business as usual, right? Why don’t you try to look for someone else para may pag-ukulan iyang perang kinikita mo? Hanap-buhay nang hanap-buhay wala naman sariling pamilya na binubuhay! Bakit kaya hindi na lang iyang love life mo ang asikasuhin mo, huh, Jacob?” sermon niyang muli sa akin.

“Ina, uso ang “Patience is a virtue”, ‘di ba? Ramdam ko naman na malapit na!” sagot ko na nakapagpalaki ng mga mata niya.

“Oh? Ngayon lang kita narinig na sumagot nang ganyan, may target ka na? Oh, well, sana nga! Huwag kang paasa, huh?! Pero umaasa pa rin ako na magkukrus muli ang landas ninyo. At sana... available pa!” she said, but I just shrugged my shoulder with the same deep wishing in my heart.

I took another sip of coffee, then stand up from my seat. “Oh? Kape lang? Hindi ka na magbe-breakfast?” she chased question when I started to walk away.

“Yes, Ina! Tatanungin ko kung available pa siya,” I simply answered.

“What? Is she already here?” she asked again, but I chose to shrug and went upstairs to prepare myself.

Paglabas ko sa opisina, dumiretso ako sa store just to buy a new phone, a replacement for my broken one. Kahit hanggang ngayon napapaisip ako kung bakit naiwan ko ang phone na iyon sa kusina. Sadyang lutang ba ako noong umuwi sa bahay kagabi or okupado lang talaga ang isip ko ni Angelie?

Oh, God! It was all about my Angelie. I couldn't believe that I saw her again after so many years! And I know that it's not the last because we are just getting started.

After paying the bill, nadaan ako sa Sunnies. I felt hypnotized in a manner I couldn’t explain. So, I walked inside, and my eyes took a gaze around. I took some steps toward the sunglasses display and hold some of them, pero hindi pa ako nagtatagal sa kinatatayuan ko nang marinig ang hiyaw ng isang babaeng nakatalikod mula sa akin.

Angelieee!” she shouted.

Bigla ang pagkabog ng dibdib ko nang marinig ito. Mabilis akong tumingin sa kinaroroonan ng babae upang alamin kung sinong Angelie ba ang tinutukoy nito, and how I was surprised when I recognized her.

It was Jean. Agad ang pag-ilap ng kaniyang mga mata nang lumapit ako sa kaniya.

“Jean, I heard you right? Are you with Angelie? Where she is?” magkakasunod na tanong ko at luminga sa paligid.

“H-huh? Eh… si Angelie? Wala naman akong Angelie na tinatawag, ah. Ah-oh! My sorry! M-mali ka ng dinig. It was Analie, yeah! Si Analie, ‘yung cousin ko. I just called her to ask about this kung bagay ba sa akin, para mabayaran ko na sa cashier,” sabay angat sa shades na hawak nito.

“Kaya lang nagmamadali, eh, sira kasi ang tiyan. Alam mo na, najejebs kaya... hayun. Nananakbo papuntang restroom. T-teka nga! Bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo? Ano namang paki mo kung sakaling nandito siya? FYI lang, Mr. Salazar, hindi naman ibig sabihin na por que pag-aari mo ang buong mall na ‘to, eh, uso na ang magkaroon ng PAKI sa EX mong wala naman dito? Ano ‘to, huh? PAKI-EXplain!” aniyang nakataas pa ang isang kilay.

Sa halip na maki-argumento, umiling na lang ako bago sumagot, “Nothing. I thought you called her Angelie pero siguro nga mali lang ako ng dinig. Sige na, I will go ahead,” paalam ko at dahil wala naman akong napili, kibit-balikat akong lumakad palabas ng Sunnies Station, at iniwan si Jean na alam kong nakasunod ang tingin sa akin.

But I am still striving, na mayroong Rhea Angelica Tuvierra ang biglang susulpot sa harapan ko para magkasalubong kami.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
420K 6.1K 24
Dice and Madisson