DEAL AND MARRY HER?

By greatgabriel

789 28 0

You'll never forget the guy who broke your heart, BIG TIME... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 6

51 2 0
By greatgabriel

It was just a conventional morning. I had to get up at pumasok sa trabaho. I was staring sa ceiling at may iniisip. Tumingin ako sa bedside table ko at kinuha ang alarm clock. I knotted my eyebrows; it was the first time in a long time na nauna ako sa clock. I sighed at tumayo na. Pagkatapos kong makaligo at makapag-ayos pumunta na ako sa kusina and ate breakfast. Gustuhin ko mang mag-coffee hindi ko na nagawa. I grabbed my car keys sa counter at umalis na.

Auko talagang maabutan ng rush hour kaya ko inagahan. Pagdating ko sa opisina binati agad ako ng guard ng good morning. Kumunot naman ang noo ko. Matagal nang security guard ng company si manong. Mabait naman siya sa pagkakarinig ko, maybe it was just me that felt really awkward around him. I decided to give him a timid smile and moved towards my private office.

When I reached my table I turned my computer on right away. I shouldn’t waste my precious time. Lately, kung hindi ako nale-late, ay undertime naman ang drama ko. Baka mareport pa ko kay Tito Vince nito mahirap na lalo pag nakarating sa parents ko. May proposals ako na kailangang matapos ngayon, bigla ko namang naalala ang secretary ko kaya nagpasiya kong tumayo at silipin siya.

Well. I was really shocked when I’ve found out that she was earlier than me. It was so unusual of her. I was facing her back and obviously di pa niya napapansin na nasa likod na niya ko. Nakaupo lang siya at hawak-hawak ang compact mirror niya. I tapped her and slowly she turned to me.

Napahawak ako sa dibdib ko na parang nag-marathon sa bilis ng tibok. Para akong hihimatayin sa gulat. Sino ba ng hindi? Kung ang kaharap mo ay hindi mo na makilala sa sobrang kapal ng pintura sa mukha.

“Ay mam, andiyan na po pala kayo!” Tumayo naman siya agad at humarap sakin.

“Hey, bakit ka nagpapaganda sa ganitong kaaga? Muntik na akong himatayin sa itsura mo Mindy.”

Pinalo naman niya ng mahina ang balikat ko. “Naku mam. Baka po kasi makita ko ngayon iyong bago nating General Manager. Ampogi niya mam!!!” Napatili siya sa harap ko. Sinenyasan ko naman siya na hinaan niya ang boses niya.

I have nothing against Mindy when it came to her work. She was so capable being my secretary. Masipag and focus lang sa work. Though madalas kesa minsan may kalandian talaga. Pero hindi naman ako judgmental pagdating sa trip ng mga tao as long as they never forget their responsibilities. Sa four years ko dito sa company wala akong narinig na hindi maganda kay Tito Vince about Mindy, even when he hired her as my secretary.

She snapped her finger in front of my face, pulling me out from my thoughts. I looked at her. "You should see him mam, dahil hindi lang panga niyo ang malalaglag kundi pati underwear niyo..." She said while giggling.

Oo nga pala hindi ko pa na mi-meet ang bago naming GM. Sabi ko naman sa sarili ko. "Ehh kahit siya matatakot sa mukha mo pag nakita ka. You absolutely look like a party clown now."

She frowned. "Si boss talaga kahit kelan sobrang prangka."

"Bawasan mo at ayusin mo ulit ang make-up mo because it creeps me out." Sabay turo sa mukha at buhok niya. "One more thing. Please fix your hair. Para kang hindi naligo ehh..."

She smiled at me pagkatapos niyang hawakan ang buhok niya. Maya-maya pa napansin kong dumadami narin ang tao sa opisina namin.

"Ahh mam tapos ko na po pala iyong pina-draft niyong proposal. Ipiprint ko nalang po." Mindy said.

"Oo nga pala. Iyon nga pala ang rason kung bakit ako nandito. Good job Mindy." I looked at the wall clock, it was five minutes before eight. "If you're done. Pakihatid nalang ang papers sakin...and please ice cold coffee." Pahabol ko at bumalik na sa office ko.

Chineck ko naman agad ang mga saved copies ng previous proposals na ginawa ko sa computer. Kailangan ko tong aralin uli kahit auko dahil may nawawalang pera ang company. Di naman nagtagal pumasok na si Mindy dala ang mga kailangan ko.

"Pakilapag nalang dito." Sabay tapik sa mesa.

"Mam I received a call from Alex de Dios, tinatanong po niya kung anong schedule niyo for today. Pero siyempre hindi ko po binigay dahil wala akong instructions from you." Umupo siya sa seat sa harapan ko.

I shifted my gaze to her from what I was doing. Kumunot ang noo ko sa narinig. Alex? "May iba pa ba siyang sinabi? Parang wala naman akong kilalang ganon ang name?"

"Meron pa po siyang sinabi. Na kaibigan daw po siya ni Simon? And he wanted to ask you out on a date. That's why he was asking about your sched." Hindi ko alam kung maiinis ako sa itsura ng secretary ko. Para siyang natatawa na ewan. Hinawakan ko naman ang pisngi ko. Naalala ko na si Alex ung nag-serve sakin ng drinks. Binalik ko naman ang tingin kay Mindy.

"Are you sure na date ang sinabi niya? Nakakapagtaka lang kasi..." Sabi ko naman.

"He was very persistent pero nasa inyo ang loyalty ko kaya kahit boses pogi siya ehh tiniis ko talaga." She answered giggling.

"Mabuti naman. Dahil sesante ka na pag nagkataon." I demanded. Mukha naman siyang maiiyak. "Joke lang." Pahabol ko.

"Ehh mam nagbilin po siya ng call back kung sakaling hindi kayo busy ngayong araw."

Hindi ko narin masyadong napansin na mabilis lumipas ang oras sa opisina. Nagpatulong narin ako kay Mindy na hanapin ang ibang files about sa past projects ng company. I lifted my wrist and I saw that it was already past lunch. Agad ko namang sinabihan si Mindy that she may take her lunch at bumalik after half-hour dahil maraming kailangang gawin. Before she left, she asked me if I would like something to eat. Sinabi ko nalang na mag take-out siya para sakin ng burger.

I continued studying the papers on top of my table. Hindi madaling hanapin kung saan nagkamali, lalo na't ako rin naman madalas ang gumagawa ng proposals. I tried calling tito Vince's private line pero walang sumasagot. I needed to talk to him hindi lang dahil sa pinapagawa niya sakin, most importantly he has to know that I had to get married. Urgent.

Ang daling isipin ang hirap namang gawin. May kumatok sa pinto ko.

"Come in." I answered. It was Mindy at hawak ang lunch na pinabili ko. I asked her to call tito Vince's private line at itanong kung pwede siyang makausap mamaya. I wanted to pay a visit at his office. Tumango naman siya sakin at lumabas na uli.

Nilantakan ko narin ang pagkain sa harap ko. Late lunch again. Pag nasa office talaga at maraming trabaho ganito ang napapala ko. Minsan nga napapaisip ako kung bakit maganda padin ako...Sabagay mas gusto ko naman iyon kesa magmukhang bungol...

"Mam ok daw po sabi ni sir Vince wala naman daw po siyang meeting later."

Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

------------------------------------------------------------------------

Napaangat ang ulo ko sa pagkakasubsob sa mga papeles. "Mam, tawag po kayo ni Sir Vince sa opisina niya." Tinanguan ko nalang ang secretary ko. I almost forgot my itenerary for this day. Agad naman akong tumayo at nag-ayos ng sarili at tinungo na ang opisina ng uncle ko. While I was walking hindi ko maiwasang kabahan. Iniisip ko palang na sasabihin kong magpapakasal ako ng walang kaabog-abog ay natatakot na ko. Kung possible to swim in your own sweat ginawa ko na. God. Bakit ba kailangan saking mangyari to?

I was standing in front of the door for what seemed like a minute when I decided to lift my hand and knock. Narinig ko namang may magsalita which was an indication na pwede nakong pumasok. I letNakatayo at nakatalikod si tito habang nakatingin sa bintana. Bigla naman siyang lumingon when he heard that someone closed the door.

"To what do I owe the pleasure of this visit lady?" He started while looking at me, a smile playing on his lips.

"Hindi po ba pwedeng na-miss ko lang ang paboritong tito ko?" Sabi ko naman sa masayang tono.

His smile widened while motioning his hand,  inviting me to have a seat.

Umupo naman ako sa settee, at dahil hindi naman si uncle ang uri ng taong madaling maloko, napansin niyang aligaga ako na parang langgam.

I shifted my gaze at him from the floor and inhaled deeply. "I'm getting married..."

"What?!" nagbago na ang kaninang maaliwalas na mukha naabutan ko. He was really surprised of what I had said. Gusto kong maging honest kahit isa manlang sa kapamilya ko. I didn't want to bother my parents about my issues.

Tinitigan niya ko ng matagal at dahil kinakabahan parin ako sa reaction niya nagpahabol ako ng sasabihin. "Nana's testament pushed me to do so." I said.

"I really don't know what to say. Alam ko namang may kundisyon sa mana mo pero di ko akalaing ganito." Hinawakan niya ang ulo niya at yumuko. I gave him so much to think for the day at inaatake nako ng konsensiya. Pwede kayang sabihin kong joke lang iyon? Kaso magmumukha naman akong timang. Besides, malalaman din niya kay attorney ang lahat.

He looked at me with disbelief still written on his face. Perhaps he couldn't believe her own mother was capable of such ridiculous codicil.

"It's true tito. Gustuhin ko mang isiping biro ang lahat. I couldn't bring myself to spill this to my parents. I hope you understand kaya kayo ang pinili ko." I got up off my feet and strided towards the window that overlooked the business city. It was only four in the afternoon pero sobrang dilim sa labas dahil sa hindi kagandahang panahon. Buti nalang maganda ko. May dahilan parin ako para maging masaya sa araw nato...

Well I've always loved the rain. Kahit naman kasi papano may magandang memories parin ako with it when I was younger.

"May groom ka na ba?" Tito Vince asked me. Napangiti naman ako habang nakatalikod. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Matagal din bago ako nakasagot. Shet lungs. Ni hindi ko magawang banggitin ang pangalan ng kumag. May mga panahon kasi na kapag iniisip ko palang ang pangalan niya nag-iinit na ang ulo ko.

"Yes." I whispered. Ni hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko. But base upon the look on his face he did.

"It's settled then. Civil wedding lang dapat kayo." He added.

"Pumapayag kayo na magpakasal ako?" I asked.

"I've known you young lady since you were a kid. Alam ko namang hindi kita mapipigilan gustuhin ko man." Tumayo siya at nagpunta sa bar para magsalin ng brandy.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa labas. It was starting to rain.

"I want to meet this unfortunate guy. Hindi ko manlang alam na may nobyo ka na pala. Isa ba siya sa family friend natin?" He said out of nowhere. Pero napansin kong nakangiti na siya hindi nga lang umabot sa mata.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Deads na. Humarap uli ako kay Tito Vince. "Hindi ko pa po siya nakakausap tito. I only have three days left, including this day." I honestly uttered.

Nakakainis lang because I sent him a message and tried calling him many times a night ago. Nakuha ko ang number niya kay Jessica. Pero ni isang reply wala manlang akong nakuha. Hindi ko din talaga gusto ang pakiramdam na naghahabol nanaman ako sa kaniya.

Hindi nga ba? Of course not. Sagot ng isang bahagi ng utak ko.

"And when do you plan to talk to this guy?"

I don't know...I wanted to to tell. But I have caused him enough worries for the day.

"Later this night, I'll go to his place." I shifted my gaze to him. "I mean sa opisina niya." I added. Nakita ko kasing nagsalubong ang mga kilay niya. He must have caught the wrong idea.

I prayed so hard. God forgive me for lying...I thought while crossing my fingers behind me.

Sino ba naman ang matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaking isang beses lang niyang nakita after eight long years. I must be insane. Baka nga tama si Rico, na kailangang kalimutan ko nalang siya...

Pero ayaw mo? Bakit?

Because I want him to pay for all the pain he caused me. Maaring mali para sa iba ang rason ko. Pero ito ang naiisip kong paraan para makita niya ko na may narating na ko kahit papano, na may alam akong gawin, na hindi na ko kagaya ng dati.

I'd like to think that this was all a blessing in disguise.

"Handa ka na bang magpakasal? Hindi ordinaryo ang papasukin mo iha. Hindi naman iyan ginagawang biro. Mahal ka namin at ayaw ka naming mahirapan. We have known you for having a fickle mind and heart." I stared at my uncle. He has always been a father figure to me. Lalo na nang mga panahong nagalit ako sa sarili kong tatay.

He smiled at me at tinuloy ang sinasabi. "Hindi nalang ikaw Gabriel ang magde-decide for yourself. It won't end just because you said so." He was so serious telling everything to me. I could understand na nag-aalala siya and I bet he has always known how I treated men in my life. Hindi man halata minsan dahil may pagkamayabang ako, pero disappointed din ako sa sarili ko sa aspetong iyan.

"I can manage tito." I smiled apologetically. I must really have disappointed him in so many ways.

Madalas kesa minsan natatapakan ko din talaga ang utak ko. I was just thankful sa mga tao sa paligid ko na hindi nagsawang intindihin ako. I walked towards one of the seats and immersed myself into it. I folded my arms across my chest and closed my eyes.

Continue Reading

You'll Also Like

730K 37.1K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
128K 2.8K 19
Dice and Madisson
92.6K 1.7K 32
* (rough draft, Filipino, and discreet version of My Drop-Dead, Gorgeous Rebound) In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton ba...