Pay Mo' SS (FAMOUS)

By AillexSkcy

611K 4.7K 160

Kilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na baba... More

Prologue:
Characters:
Chapter 1: Work Hard
Chapter 2: Weird
Chapter 3: 40°C
Chapter 4:
Chapter 5: Private Place
Chapter 6: Classmate
Chapter 7: New Suspect
Chapter 8: Angel to Demon
Chapter 9: Red Paper
Chapter 10: Red Paper II
Chapter 11: Cry out
Chapter 12: The Party
Chapter 13: Meet Sheekk
Chapter 14: Deal
Chapter 15: First Kiss
Chapter 16: I Agree
Chapter 17: Debt
Chapter 18: Imagination
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Back to work
Chapter 21: Jealous
Chapter 22: Crazy
Chapter 23: Slow Motion
Chapter 24: Magic Word
Chapter 25: Fire
Chapter 26: The Missing
Chapter 27: Evidence
Chapter 28: Mask
Chapter 29: Another Evidence
Chapter 30: Warrant of arrest
Chapter 31: Last Day
Chapter 32: Story of Leanna
Chapter 33: Under Arrest
Chapter 34: Troy
Chapter 35: Anniversary
Chapter 36: Double Check
Chapter 37: Fast Forward
Chapter 38: Free
Chapter 39: News
Chapter 40: Coordination
Chapter 41:
Chapter 42: Picture
Chapter 43: Can I quit?
Chapter 44: Sorry
Chapter 45: Safe
Chapter 46: Broken Hearted
Chapter 47: I thought
Chapter 48: THE INTERVIEW
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: FLASHBACK
Chapter 51: Vulgar
Chapter 52: PLEASE
Chapter 53: Fourth to the Last Chapter
Chapter 54: Third to the Last Chapter
EPILOGUE

Chapter 55: Second to the Last Chapter

8.1K 51 0
By AillexSkcy


Chapter 55: Second to the Last Chapter.

Leveen's POV

"Uhm Laxy may nasabi ba sayo ang doctor kung anung oras idadala si Leanna dito?" Tanong ni Tita Charee kay Laxy. Medyo napailing lang si Laxy at tumungo bago sumagot.

"Maghintay na lamang po tayo Tita, parating na po iyon." Magandang sagot ni Laxy sa nag aalalang si Tita Charee.

Habang naghihintay ay napansin ko ang lalaking nasa harap ko na tila kinakabahan na ewan, katabi siya ni Tita Charee. Sino pa? Edi si Zekiell. Pilit kong tinitingnan siya sa mata pero umiiwas siya sa bawat pagsulyap ko. Tila may kakaiba sa kanyang mga mata, tila may gustong sabihin pero hindi niya magawa dahil sa may kung anung pumipigil sa kanya, maya maya pa ay bigla na lamang kumulo ang tiyan ko, hindi pa kasi ako kumakain matapos ang nangyari kay Leanna.

"Laxy lalabas lang ako para makabili ng makakain, kumukulo na kasi ang tiyan ko eh. Pati yung kay Dea kumukulo na rin."

"Sige Sandro, bilisan mo na lang."

"Sige, alis na ako." Lumabas agad si Sandro upang makabili ng makakain. Kaya bigla akong napangiti dahil finally malalamnan na ulit ang tiyan ko, kanina ko pa kasi ito pinipigilan ko lang.

.
.
.
.
.

Sandro's POV

Gumamit ako ng elevator para mabilis makababa, nagulat ako ng bigla akong salubungin ng mga reporters pero may humarang sa kanila then parang familiar iyon sa akin. "NIU" basa ko sa damit nila.

Meaning nandito sina Director Mabasa? Bakit naman?

"Sumakay ka sa van." Bulong sa akin ng isang NIU guard. Agad din akong sumunod kahit na pinagkakaguluhan na ako ng mga reporters.

Pagkapasok ko sa van.

"Kamusta ang kaibigan niyo?"

"Okay lang po ma'am."

"Nga pala kaya ako naparito ay para ipagbigay alam sa iyo na may bagong nalocate si Whychael." Iniabot niya sa akin ang flashdrive kaya agad ko ring pinanuod iyon.

"Talaga bang mapagkakatiwalaan natin ang Whychael na iyan?" Tanong ng director kaya napalunok ako ng sabihin niya iyon.

"Pwede naman po siyang pagkatiwalaan diba?" Tanong kong tugon sa tanong niya sa akin.

After kong mapanood ay agad na rin akong bumaba ng sasakyan. Wala na ang mga reporter kaya mabilis akong nakarating sa isang karinderya, agad din akong umorder ng makakain naming lahat. After no'n ay bumalik na agad ako sa hospital, napatakbo ako dahil napansin ako ng isa sa mga reporter kaya dali dali akong sumakay ng elevator. Agad ko ring pinindot ang number 2 at close para hindi ako maabutan ng reporter na iyon.

Nakahinga ako ng maluwag matapos mangyari iyon. Kahit na malamig sa loob ng elevator ay pawisang pawisan pa rin ako. Pero iba ang nagpapapawis sa akin, hindi dahil sa mga reporter na iyon kundi dahil sa napanood ko mula sa ibinigay ni Director Mabasa na video. At kailangan malaman agad ito nina Laxy.

Tingggg

Lumabas na agad ako ng bumukas ang elevator, agad ko ring tinahak ang daan pabalik sa room 202 kung saan naghihintay sina Laxy. Habang naglalakad napansin ko ang isang lalaking nakasuot pangdoctor na sumusulyap sulyap sa kuwartong aking pupuntahan. Siguro iyon na ang doctor ni Leanna kaya nilapitan ko siya.

"Doc okay na po ba si Leanna?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry pare anung room ba ito?" Tanong niya sa akin.

"Room 202 po."

"Ay pasensya na maling room ang tiningnan ko, 203 pala. Pasensya na ha malabo na kasi ang paningin ko eh, pasensya na. " Lumakad siya at pumasok sa kabilang kuwarto, kung saan iyon ang tinutukoy niya. Hindi na ako nagtaka pa dahil katulad niya rin ako na medyo may kalabuan na ang mata. Hindi ko nga masyadong naaninag ang mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Pumasok na lang ako sa kuwarto at agad na kumain. Pagkakain namin ay wala pa ring dumarating na Leanna at SS. Kaya may pagkakataon pa akong kausapin si Laxy.

Kunwari kong kinuha ang cellphone ko at pasimpleng tinawagan si Laxy.





.
.
.
.
.
.
.

Laxy's POV

Nakakapagtaka, hanggang ngayon wala pa rin sina Leanna at Sheeria. Magdadalawang oras na sila pero hindi pa rin sila dumarating.

Maya maya pa ay biglang nagvibrate ang cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Pagkakita ko nagtaka ako dahil pwede naman akong kausapin ni Sandro ng harap harapan. Pero sinagot ko pa rin iyon.

Lumabas ako para kausapin siya. Pero naibaba ko agad ang telepono dahil sinalubong na ako ni Sandro.

"Bakit?"

"I need to talk to you. And I have something to tell you." Kinabahan ako sa mga sinabi niya, kaya lumayo kami sa kuwartong iyon.

Nasa tapat kami ngayon ng bintana ng second floor para mag usap at para walang makarinig.

"Nasa labas si Director Mabasa at may ipinanood siya sa akin. Then binigyan na rin ako ng copy. Heto oh." Tinanggap ko rin iyon at nagpatuloy sa pakikinig sa kanya.

"May nadetect si Whychael mula sa satellite, and he captured a location of Wyte here in Golden Hospital. Laxy kinakabahan ako kung anu ang pepwedeng gawin ni Wyte. Paano kung kaya pala wala pa sina SS ay dahil kasama nila ngayon si Wyte?"

"Don't worry Sandro, nakapalibot sa buong hospital ang NIU team. Nagtext na sa akin kanina si Director, and she confirmed na wala tayong dapat alalahanin."

"Anu yun nagsisinungaling si Whychael?" Tanong niya sa akin, napakunot ang noo niya at npasimangot.

"We don't need to panic Sandro. Naniniwala ako na ligtas sina Leanna at Sheeria."

"Okay sabi mo eh, basta kapag may nangyaring masama kay SS ikaw ang mananagot ng lahat lahat." Napatungo tungo ako sa sinabi ni Sandro.

Bumalik na rin agad kami sa room kung saan may isang midwifery kaming naabutan na naglalagay ng iba't-ibang gamit, may isang tanke ng oxygen sa tabi at isang tray na may lamang gamit.

"Pakihintay na lang po ng pasyente. Paakyat na po iyon." Pagkasabi ay agad ding umalis ang midwifery na iyon. Tumayo sina Tita at Zekiell matapos makaalis ng midwifery.

"Sasalubungin ko si Leanna, Zekiell sumama ka sa akin." Agad silang lumabas, kaya napatakbo ako palabas ng kuwarto.

"Ahhhhhhhh, takbo! Tumakbo na kayo, dali!" Napalingon ako sa aking kanan ng marinig ang sigaw ng mga nurse at pasenyente na nagtatakbuhan pababa ng hospital. Ang iba naman ay piniling gumamit ng elevator para makapagtago. Maya maya pa ay may isang babaeng papalapit sa aking puwesto para makasakay ng elevator. Hinarangan ko siya at tinanong.

"Anu po ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko na pong tumakbo! Ayaw ko pang mamatay, please kuya ayaw ko pang mamatay. Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niyang sambit.

"Sagutin niyo po muna ang tanong ko! Anu po ang nangyayari?" Sunod kong tanong.

"Ma may may mga nagkakagulo kasi sa may 4th floor. May may nag ayaw na mag asawa eh, eh yung lalaki ma may dalang patalim, ta tapos lasing pa, kaya nakakatakot." Pagkasabi ay agad na ring tumakbo ang babaeng iyon. Sinubukan kong umakyat sa 4th floor, sumama naman sa akin si Sandro at Sheekk, habang sina tita at Zekiell ay sasalubungin si Leanna. Naiwan sina Dea at Troy sa 2nd floor, kaya hindi ako masyadong natakot ewan ang dalawa.

"Huwag kayong makialam dito! Ayaw mag asawa ito!" Hawak ng isang lalaki ang isang patalim na nakatutok sa leeg ng asawa niya habang sinasakal.

Hindi ako sanay sa ganitong klase ng away. Napansin kong may mga NIU team na papalapit sa bandang likuran ng lalaking iyon, kaya hindi na ako nag atubiling lumapit pa sa kanila.

"Kuya mapag uusapan natin ito, basta ibaba mo lang yang patalim mo pwede?" Napatingin ako kay Sandro ng sabihin niya iyon, dahan dahan siyang humahakbang papalapit sa lalaking na nagbibigay senyas sa akin na pumunta sa bandang likod ng suspek. Pero itinuro ko gamit ang aking nguso ang NIU team kaya nagthumbs up na siya. Maya maya pa ay agad na inagaw ni Sandro ang patalim mula sa lalaking iyon.

Mabilis namang napaluhod ang lalaki at agad na niyakap ang binti ni Sandro matapos maagaw ang patalim.

"Pasensya na po! Mahal na mahal ko lang ang asawa ko, at at ayaw kong mawala siya sa akin! Parang awa niyo na po, mahal ko ang asawa ko, ayaw ko lang na may iba siya. Yun lang naman iyon e." Pagdadahilan ng lalaki, agad na rin naming inasikaso ang mga nangyari. Sinamahan ni Sandro ang NIU team pababa para maidala ang lalaki sa malapit na presinto.

Bumaba na rin ako at bumalik sa kuwarto.

.
.
.
.
.
.
.

Troy's POV

Nakahiga na si Leanna sa kamang inayos ng midwifery kanina, ang maamo niyang mukha ay mas lalong naging maamo. Masaya ako na ligtas na siya, kasama ko ngayon sa kuwarto sina Leveen, Zekiell at si Tita Charee. Sina Laxy, Sheekk at Sandro ay nasa 4th floor.

Nakapagtataka, wala pa rin si SS. Dapat sabay sila ni Leanna pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Lumapit ako kay Leanna at hinawakan ang kanyang kamay, hinalikan ko iyon at niyakap. Habang alam kong nakatingin sa akin ang tatlo pang kasama ko. Wala na silang pakialam kung ginagawa ko ito. Ang mahalaga mahal ko si Leanna at mahal niya rin ako. Ngayon lang ako namulat na mali ang ginagawa ko kay Leanna matapos sabihin sa akin ni SS na huwag kong tangkain na saktan ang kanyang kaibigan.


.
.
.
.
.
.
.


"Nasaan na ba sina Laxy?" Naputol ang aking pag iisip ng magtanong sa akin si Leveen.

"Lalabas lang ako sandali, babalik din ako." Pagpapaalam ni Leveen sa aming mga nasa loob ng kuwarto.

.
.
.
.
.
.
.

Leveen's POV

Bakit wala pa si SS? Nasaan na ba siya?

Bumaba ako sa first floor para icheck kung nandodoon pa ba si SS o wala na. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya bumabalik, dapat mas nuna siya kay Leanna dahil kinuhanan lang naman siya ng dugo. Ang pinatataka ko bakit hanggang ngayon wala pa siya?

"Oh Leveen bakit nandito ka?" Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.

Si Laxy at Sheekk lang pala.
"Nasa taas na ba sila?" Tanong sa akin ni Sheekk. Napatungo naman ako ng itanong niya iyon, dahil hindi ko alam ang isasagot. Wala akong maisip na sagot lalo na ngayong wala pa rin si SS sa taas.

"Baka makahalata na sina Tita at Zekiell sa patago nating pag uusap kung anu na ba ang nangyari kina Leanna at Sheeria."

"Hindi naman siguro."

"Anung hindi naman?" Nagulat ako ng may biglang magsalita mula sa likuran. Sabay sabay kaming napatinging tatlo sa direksyong iyon.

"Patagong pag uusap tsss. Anu na naman ba ito Laxy?" Natigilan ako ng marinig ang kakaibang boses ni Tita Charee habang kasunod si Zekiell. Tila galit siya na masaya na ewan. Basta halo halo ang emosyong nakikita ko sa kanya, siguro ay dahil narinig niya ng tungkol kay SS. Basta ewan, hindi ko alam.

"Sagutin mo ang tanong ko Laxy. Anu ang nangyari kay SS?" Umatras na ako ng sunod niyang itanong iyon. Hindi naman sa takot ako, ayaw ko lang na naiinvolve sa ganitong klase ng gulo, peri kailangan kong gawin dahil nangako ako kay SS na magtutulungan kami para sa kaso, at para na rin matapos na ang lahat ng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

57.3K 2.7K 49
SEVEN SERIES #1 Kellen James WARNING‼️ UNDER REVISION Madison Kiera Madrigal is a bitchy Snobber type of girl but in a good way, she doesn't want to...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
84K 943 60
How long can you wait for the love you thought impossible? How much effort do they need to be together? --- There are two languages in the story. POV...
170K 4K 40
❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging go...