Pay Mo' SS (FAMOUS)

By AillexSkcy

611K 4.7K 160

Kilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na baba... More

Prologue:
Characters:
Chapter 1: Work Hard
Chapter 2: Weird
Chapter 3: 40°C
Chapter 4:
Chapter 5: Private Place
Chapter 6: Classmate
Chapter 7: New Suspect
Chapter 8: Angel to Demon
Chapter 9: Red Paper
Chapter 10: Red Paper II
Chapter 11: Cry out
Chapter 12: The Party
Chapter 13: Meet Sheekk
Chapter 14: Deal
Chapter 15: First Kiss
Chapter 16: I Agree
Chapter 17: Debt
Chapter 18: Imagination
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Back to work
Chapter 21: Jealous
Chapter 22: Crazy
Chapter 23: Slow Motion
Chapter 24: Magic Word
Chapter 25: Fire
Chapter 26: The Missing
Chapter 27: Evidence
Chapter 28: Mask
Chapter 29: Another Evidence
Chapter 30: Warrant of arrest
Chapter 31: Last Day
Chapter 32: Story of Leanna
Chapter 33: Under Arrest
Chapter 34: Troy
Chapter 35: Anniversary
Chapter 36: Double Check
Chapter 37: Fast Forward
Chapter 38: Free
Chapter 39: News
Chapter 40: Coordination
Chapter 41:
Chapter 42: Picture
Chapter 43: Can I quit?
Chapter 44: Sorry
Chapter 46: Broken Hearted
Chapter 47: I thought
Chapter 48: THE INTERVIEW
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: FLASHBACK
Chapter 51: Vulgar
Chapter 52: PLEASE
Chapter 53: Fourth to the Last Chapter
Chapter 54: Third to the Last Chapter
Chapter 55: Second to the Last Chapter
EPILOGUE

Chapter 45: Safe

5.7K 49 0
By AillexSkcy



Here is my another UD for all of you guys...

Just enjoy this chapter :)

.
.
.
.
.

Chapter 45: Safe

.
.
.
.
.

Charee's POV

"Tita nagpakita na po ba sa inyo si Wyte?"

"Hindi pa, bakit?"

"Ah magpapasama lang po sana, dalawang araw ko na kasi siyang hindi napapasin dito sa headquarter."

"Busy lang yun."

"Saan naman po?"

"Eh anu ba ang dapat pagkabisihan niya?" Balik kong tanong kay Zekiell.

"Nga pala si Laxy?"

"Ah si Laxy po, mamaya po kami magkikita."

"Kamusta, may mga nakalap ba kayong bago?"

"Uhm sa ngayon po wala pa. Pero baka mamaya kapag nagkita na kami ni Laxy."

"Okay, maaga nga pala akong aalis. Pupunta na dito maya maya si Officer Jacob, and about kay Lena, kahit napawalang sala na siya magmatyag ka pa rin sa bawat galaw niya."

"Okay po."

.
.
.
.
.
.
.

Leveen's POV

Anu na ang gagawin ko? Baka mahuli nila ako? Dapat lang iyon sa akin, ang sama sama ko kasi.

Kringgggggg

Agad ko ring sinagot ang cellphone.

"Hello."

"Dea, nasaan ka na?"

"Bakit?"

"Nagkakagulo na dito sa office."

"Ha! Anung anung nagkakagulo?"

"Puntahan mo na lang ako para mas malinaw ang usapan natin!"

"Ok sige sige, papunta na."

Agad kong kinuha ang susi ng kotse at lumabas ng bahay.

Anu na naman kaya ang ginawa ng babaeng iyon? Hayy akala ko ba matalino siya?"

.
.
.
.
.
.
.
.

Leanna's POV

Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Troy? Nagagalit ako na naiiyamot na masaya, di ko magets ang feelings ko. Lalo na kanina nung magkayakap kami, then ngayon nasa iisa kaming kotse magkatabi at magkaholding hands habang nagdadrive siya.

Ang bilis ng pangyayari magmula kanina.

"Okay ka lang?"

Napalingon ako sa kanya ng tumigil ang sasakyan. Nakatitig ako sa kanya, hindi kumukurap ang aking mata, ilang segundo pa bago ako magsalita.

"Nothing." Nakatitig pa rin ako sa kanya ng sabihin ko iyon sa kanya.

Ng napansin ko nakatitig ako agad kong tinanggal ang seatbelt at sinubukang lumabas, pero may humawak ng kamay ko. Nilingon ko si Troy.

"Ganun na lang ba yun?"

Napastock ako sa aking kinauupuan, habang hawak ni Troy ang aking kamay.

"Kung wala ka pang nararamdaman para sa akin ayos lang, maghihintay ako hanggang mahalin mo ako. Nandito lang ako palagi." Ramdam kong hinalikan niya ang kamay ko, sa kadahilanang napalingon ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita Leanna."

Napakurap ako sa sunod niyang sinabi.

"Hinahanap na ako ni Wyte, pwede ka ng bumaba. May trabaho pa ako."

"Okay, ingat ka."

Agad niyang binitawan ang kamay ko at bumaba, alam kong naiintindihan niya kung bakit ganito ako sa kanya, matapos ang mga nangyari noong una. Kaya mas mabuting hayaan ko muna siyang mag isip isip sa nararamdaman niya sa akin.

Leveen's POV

"Reeyah bakit?"

"Napakawalang hiya mo Dea! Ang sabi mo papalayain mo na ang pamilya ko! Bakit ganito?" Salubong na sampal ang natanggap ko mula sa kamay niya.

"Anung?" Nagulat ako ng makita ang video.

"Pinalaya ko na sila!" Sigaw ko kay Reeyah.

"Anung pinalaya? Nagpadala ka pa nga ng mga body guard para saktan sila! Anu ba talaga ang problema mo Dea? Ginagawa ko naman lahat lahat ah! Kung may problema kayong magkakaibiga huwag mo akong idamay!"

"Si Sheekk." Pabulong kong sabi.

"Bakit mo idadamay ang kaibigan kong si Sheekk? Nasa state na siya at nagrereview, pati ba naman siya idadamay mo?"

"Can you please calm down Reeyah! Hindi mo alam ang lahat! Wala kang alam sa mga nangyayari!"

"Yun na nga eh, wala akong alam kaya ginawa mo ito!"

"Please maniwala ka sa akin, hindi ko yan ginawa. Sa totoo nga nung nakaraang linggo ko pa sila pinapunta sa property niyo. Please maniwala ka sa akin Reeyah."

"I quit. Bahala ka na sa kompanya, huwag mo na akong tatawagan kahit kailan. Kung gusto mong maghigante ikaw ang gumawa hindi ako."

Agad na umalis si Reeyah. Tila tinusok ng malalaking tinik ang aking puso, hindi lang tinik kundi masasakit na pangyayari na nagpagising sa akin na itigil ko na ang mga ginagawa ko, dapat pala noon ko pa ito itinigil. Dapat lang ito sa akin dahil napakasama ko.

Bakit naman naisipan ko na si Sheekk ang gumawa? Pero ang sama kasi ng kutob ko ng masabi ko ang pangalan niya.

.
.
.
.
.

Third Person

Mabilis na nakarating si Leanna sa opisina ni Sandro, habang si Troy naman ay pumunta sa bahay ng ate niya na si Lena Lopez.

"Troy napadalaw ka."

"Ate gaano katagal bago mawala ang sakit ng nararamdaman ng babae kapag nasaktan sila?" Walang prenong tanong ni Troy.

"Bakit may niloko kang babae?"

"Ate hindi naman sa ganun."

"Troy kaming mga babae matagal makamove on, specially kung sobrang sakit ng ginawa sa amin. Teka sino ba yan?"

"I don't want to mention her name, please give me an advice ate."

"Okay, sige dalawa ang klase ng babae once na maloko sila. Una once na niloko kami ang damidaming pumapasok sa isip namin. Isa na doon na hindi na kami magtitiwala, pati na rin yung iiwas kami sa taong nanloko sa amin then hanggang friends na lamang ang magiging status namin dun sa nanloko, hindi na hihigit sa friends hanggang doon na lang, dahil nasaktan na kami kaya ayaw na naming maulit pa. Pangalawa if nasakyan kami ang hirap namin mapa oo ulit, gusto namin yung sinusuyo kami, susubukin muna namin kung nagbago na ba siya or hindi pa, then papasok doon yung mangingilatis sa bawat kilos at galaw ninyo, hindi naman kami imbestigador naniniguro lang dahil masakit kaya. Pero feeling ko kakaiba yang babaeng iyan?"

"Bakit naman ate?"

"Eh sa lahat ng niligawan mo ito yung unang beses na nagtanong ka about sa babae."

"Ganun ba?"

"Oo kaya."

"Okay, ganito na lang. Tandaan mo lahat ng mga sinabi ko sayo, anu yun?"

"Huwag manloloko ng tao. Siya ate alis na ako, maglilinis pa ako ng bahay."

"Wow himala ang bunso namin naglilinis ng bahay, teka anung nakain mo?"

"Inspiration lang ate."

"So si girl pa rin, hayy ang lakas talaga ng tama ng bunso namin sa babaeng iyon."

"Nga pala kamusta na pala ang kaso? Iniimbestigahan ka pa rin ba nila?"

"Sa pagkakaalam ko oo, ang dami pa rin kasing nakakalat na media sa labas."

"Hayaan mo ate, may hawak na kami ni Sandro na bagong evidence and may bagong suspek na pinag aaralan kami, kaya alam kong wala kang kinalaman sa pagkawala ni SS."

"Salamat bunso, hayy sana nga makita na si SS, ang daming naghihintay sa kanya. Nasaan na ba kasi siya?"

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Someone's POV

Agad ko ring binuksan ang pintuan pagkababa na pagkababa sa elevator, dahan dahan ko iyong hinala at kinawangan ng makapal na pinagsama samang papel. Kinakabahan ako sa ginagawa ko pero dapat ko itong ituloy, kahit na alam kong mahuhuli kailangan ko pa ring gawin ito. Papasok na sana ako ng may marinig akong yabag na pararating, kaya isinara ko ulit ng dahan dahan ang pinto, itinago ko ang puting papel dahil posible itong makita sa liwanag. After a couple mimutes nakalayo na ang mga yabag na iyon, kaya agad ko na ulit binuksan amg pinto at agad na akong pumasok sa kuwarto, sinimulan ko na ring kumapa kapa sa madilim na kuwarto, napabaling ako sa kanan ng mapansin akong may kaunting liwanag doon. Nilapitan ko iyon, pero tila habang lumalapit ako siya namang nalayo sa akin.

Hindi ko na lamang itinuloy ang paglapit doon, ipinagpatuloy ko na lang ang pagkapa sa madilim na paligid, may napansin akong gumagalaw sa bandang kanan ko kaya nilapitan ko iyon kinapa ko muna. Sinimulan ko sa naaaninag kong bahagi, malambot iyon at malapad. Nagtataka ako feeling ko unan iyon, dahil sa hugis nito. Pero hinayaan ko na lamang. Maya maya pa biglang may tumayo sa harapan ko, kaya napataklob ako ng bibig kahit na may taklob talaga ang mukha ko.

Biglang bumukas ang ilaw kaya napadapa ako ng makita ko ang kama, sa ilalim ako dumapa. Sa wakas naaninag ko rin ang buong paligid, kinakabahan ako, natatakot at nangangatal dahil muntik na akong makita.

"Dea, Leanna and Sheeria best friend forever and ever."

Isang record ang aking narinig mula sa itaas ng kama, nagtataka ako sa aking narinig at ang daming pumasok na mga tanong na gusto ko agad ng kasagutan. Maya maya pa biglang namatay na ang ilaw, dali dali naman akong lumabas sa ilalim ng kama. Wala na akong ibang naisip pang gawin kundi ang nag-iisa kong plano, kumuha ako ng panyo at saktong ipinantapik sa bibig ng taong nakahiga sa kamang iyon.

Nagpupumiglas siya pero agad ring nakatulog dahil sa inilagay kong pampatulog na pabango, agad ko siyang binuhat dahan dahang lumabas ng kuwarto, mabigat siya pero tiniis ko iyon makuha ko lang siya.

.
.
.
.
.
.

Mabilis akong nakalabas ng bahay habang kasama ang taong iyon, tulog pa rin siya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Agad ko na ring pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon.

KINABUKASAN

"Sino ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi ako umimik, ipinakita ko lang ang bond paper na may nakasulat.

"Anung kailangan mo sa akin? Kasabwat ka ba nila? Anu bang kasalanan ko sa inyo? Sabihin mo sinaktan ba kita, tinarayan ba kita? Anu?"

Imbes na sumagot nagsulat ako sa bond paper at ipinabasa sa kanya.

"Kung gusto niyo akong patayin, bakit pinapatagal niyo pa?"

Muli akong ngsulat sa papel.

YOU ARE SAFE NOW!!!









Continue Reading

You'll Also Like

53.4K 1.3K 52
When we first met, my heart was filled with love and joy. I could not ever imagine life without you. Now, due to my selfish ways, I no longer ha...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
54.8K 1.5K 54
What will happen if The Bobo Meets The Gago ??? What if the Poor meets the Rich ..? Matututunan ba nilang mahalin ang isat isa ?? Does their relation...
970K 18.9K 39
Different personalities. Different kind of living. Will their story be sweet or will they overcome obstacles to be together? Will the guy be able to...