Chapter 40: Coordination
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Leanna's POV
"Si Wyte po?" tanong ko sa babaeng nasa front desk.
"Sino po sila?" balik niyang tanong sa akin.
"I'm Mianna Leanna Lacsinto."
"Wait for a while na lang po." pagkasabi niya ay agad niyang idinial ang number sa telepono.
"Hello Mr. Bautista, may naghahanap po sa inyo. Mianna Leanna Lacsinto daw po." agad niyang sambit sa telepono.
"Okay po, sige po."
Ibinaba na niya ang telepono.
"Pasok na po kayo." agad na akong pumasok ng sabihin niya iyon.
.
.
.
Pagkapasok ko agad akong sinalubong ni Wyte.
"Oh Leanna bakit?" salubong niyang tanong.
"May sasabihin lang ako."
"Anu ba yun? Pasok ka." pumasok na kami sa office ni Sandro.
"It's about SS."
Napansin kong nagkatinginan sina Sandro at Wyte ng banggitin ko ang mga iyon.
"Teka may problema ba sa sinabi ko?" tanong ko sa dalawa.
"Wala naman Leanna."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dea's POV
Parang pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko sa aking mga kaibigan, huh namimis ko na ang kulitan namin, everytime na magbobonding kami, hayy anu ba naman Leveen? Huwag ka ngang maawa sa kanila, hayaan mo na sila kaya na nila ang kanilang sarili at may kanya kanya na kayong buhay.
Haisst anu ba kasi ang gagawin ko, paano ko ba sasabihin kay Leanna at SS ang mga ito.
Para kasing natauhan ako sa sinabi ni Reeyah.
Flashback
"Leveen, alalahanin mo naman na tinuring ka nilang kaibigan. Oo naiinggit ka sa kanila noong bata pa lamang kayo, dahil halos hindi maipaglayo ang dalawa, pero Leveen iba na ang sitwasyon ngayon."
"Huwag kang makialam sa akin Reeyah, basta gawin mo na lang ang mga iniuutos ko sayo. Ang alalahanin mo ay ang nanay mo."
"Fine kung ayaw mong makinig sa akin fine, hindi na kita papakialaman. Pero tandaan mo binigyan kita ng warning, kaya huwag mo akong sisisihin na wala ka na namang kaibigan."
"Hoy for your information, marami akong kaibigan. Remember Jona, Haile and Krisel. Sila, sila ang mga kaibigan ko."
"Kaibigan mo ba ang mga iyon, kaibigang iniwan ka sa ere."
"Hindi nila ako iniwan sa ere!"
"Leveen parang ginagawa mo rin sa iba ang ginawa nila sa iyo. Oo kaibigan ang turing mo sa kanila, pero sila, hindi ka nila itinuring na kaibigan, then after nilang maglahong bigla nasaan sila nasa ibang bansa para takbuhan ka sa mga kabutihan mong ginawa. Leveen parang isa ka na rin sa mga tao sa mundo na ginagamit ang pagkakaibigan para lang maghigante."
"Umalis ka na."
"Tss sige aalis na ako baka hinahanap na ako ng mga client ko."
End of Flashback
Feeling ko tama nga ang sinabi ni Reeyah, iniwan ako ng mga kaibigan ko noon dahil ginamit lang nila ako. Then ngayon ako naman ang nanggagamit para gawin din sa kanila ang mga ginawa sa aking ng mga walang kwentang tatlong iyon.
"Dea honey."
"Mom, Leveen po ang pangalan ko!" sigaw ko kay mommy.
"Leveen, teka wala akong anak na Leveen ang pangalan. Si Dea lang ang anak ko."
Nasaktan ako sa sinabi ni mommy, oo may kapatid ako si Dea. Namatay siya noong araw na pumunta kami sa bahay nina Leanna noong kaarawan niya. Pinipilit ko kasing magkaroon din ng dress katulad kay Leanna, pero ayaw ni mommy. Kaya naisip kong isama si Dea after nung event sa mall para maghanap ng ganoong dress, magaling kasi pumili ng dress si Dea.
Pero hindi ko inaasahan na may mangyayaring hindi maganda.
Haisst ayaw ko ng balikan ang araw na yun, naiisip ko lang na ginamit lang talaga ako nina Jona, Krisel at Haile. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Dea, sila ang dahilan kung bakit ganito ang buhay ko, hayy huwag ka nga umiyak Leveen hindi bagay sayo. Makaalis na nga lamang dito sa bahay, kainis.
"Alis lang po, may pupuntahan lang." pagpapaalam ko sa mommy.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sandro's POV
"Come on Sandro, Wyte hindi ako ang kalaban dito."
"Yun na nga Leanna, yun yung pinopoint out ko."
"Ang alin?"
"Okay sige tatapatin na kita. But huwag kang magagalit, pwede?"
"Anu ba kasi iyon?"
"Isa ka kasi sa hinihinalang may kinalaman sa pagkawala ni SS."
"Sandro!" napalingon kami ni Leanna kay Wyte ng isigaw niya ang pangalan ko.
"Wyte patapusin mo muna siya." mataray na sabi ni Leanna.
"Look Leanna, pwede ka ng umuwi."
"No! Hindi pa tapos magsalita si Sandro kaya patapusin mo muna siya pwede?" medyo napatingin sa ako kay Leanna kaya napataklob siya ng bibig, medyo tumaas kasi ang boses niya.
Hayy para silang aso't pusa kung magsigawan, pero bagay sila kapag nagagalit haha.
"Leanna kailangan naming mag ingat." sigaw ni Wyte.
Okay OP ako, teka manonood na lang ako sa kanila.
Sabay upo sa couch.
"Oo alam kong kailangan ninyong mag ingat, pero ibang usapan na kasi ito. Oo may ebidensya na kayo, pero may idea na ba kayo kung sino? Diba wala naman?" tanong niya sa aming dalawa, kaya napatayo ako bigla.
"Leanna ayaw lang namin na may masabi ang media."
"Wyte kilala mo ako, simula grade school magkakilala na tayo. Please naman gusto ko lang tulungan ang kaibigan ko."
"But."
"Sino ang naghinala sa akin na may kinalaman ako dito? At gaano siya kasigurado na tama ang hinala niya?"
"It's about your voice record Leanna." singit ko sa kanila.
"Ah yun lang ba? Haist voice record na nakalagay sa office ko noon. Wala na akong pakialam doon."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Laxy's POV
Sorry Sheeria, nadamay ka pa sa kawalang hiyaan ng ama mo. Kung sinabi niya agad ang totoo ide sana hindi ito nangyayari sayo.
Hayyy bakit kasi ikaw pa ang nagustuhan ko? Pwede namang iba na lang, pero sayo lagi bumibilis ang tibok ng puso ko. Hayaan mo matatapos rin ito, kailangan ko lang talaga ang coordination mo.
Nakatingin lang ako sa mirror window sa itaas habang pinagmamasdan si Sheeria na nakaupo at nakatali habang pinapakain ng isa ko pang kasamahan.
Napaiwas ako ng tingin, ng bigla siyang lumingon sa kinatatayuan ko. Naglakad lakad ako upang hindi niya mahalata na nakatingin ako sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Leanna's POV
"Bakit naman?" seryosong tanong ni Wyte.
"Anu pa ang gagawin ko doon? Eh wala na rin naman akong trabaho." mataray kong sagot.
"Hindi iyon ang pinupunto ko, ang akin ay ang bagong boses na nadetect sa voice record." napatingin ako agad kay Sandro ng dalos dalos niyang sinabi ang mga iyon.
"Anu dalawang boses ang nakarecord?"
"Oo, tama yung isa kay Lena nga. But another record iyon para masapawan ang boses nung tunay na nasa office mo."
"Dea!" bulong ko sa sarili ko.
"Oh Leanna, bakit natulala ka diyan? May idea ka na ba kung sino ang laging nasa office mo at may katawagan?" napalingon ako kay Wyte, nasa gitna kasi ako kaya kanan kaliwa ang paglingon ko.
"Uhm, wala pa sa ngayon. May sumagi lang sa isip ko."
"Ah ganoon ba, sige ganito na lang kung gusto mong makatulong irerequest ko sa kompanya niyo na hingiin ang CCTV footage."
"Resign na ako."
"Huh!" gulat na sabi ni Sandro.
"Ang OA, hoy dalawang beses ko na yang nasabi sayo ngayon mo lang narinig?"
"Ah hindi, teka pwede pa naman na hingin diba?"
"Ang alam ko binura na nila, mag dadalawang linggo na kasi akong walang trabaho eh."
"Ganoon ba."
"Sige sa bahay ka na lang, then tatawagan ka namin if ever na kailanganin namin ang tulong mo, okay."
"Okay, sige alis na ako may bibilhin pa kasi ako eh."