Another UpDate for the another chapter.
Just enjoy :)
Chapter 27: Evidence
Sheeria's POV
Ahhrayy ang sakit ng ulo ko. Sambit ko sa aking isipan. Napalinga linga ako sa paligid, napakadilim at napakabanas. Salamat na lang sa kakaunting hangin na dumadampi sa aking balat pero minuminuto lang ito kung umihip kaya ramdam ko pa rin ang init. Para akong sinusunog at pinarurusahan, wala akong makita kahit maliit na liwanag sa aking kinatatayuan, tila hindi nageexist ang liwanag sa lugar na aking kinatatayuan. Sinubukan kong tumayo, pero sa pagtayo ko naramdaman ko ang mga tali na nakapalibot sa aking katawan. Muli kong naramdaman ang pagkahilo, sinabayan pa ng sakit ng aking ulo.
"Oh you're awake." isang boses ng babae ang aking narinig sa di kalayuan, lumingon lingon ako at nagbabakasakali na makita ko siya. Pero napakadilim talaga kaya hindi ko mahanap kung saang direksyon ba siya naroroon.
Tok tok tok tok tok tok
Malakas ang pagtunog ng takong ng kanyang sapatos na tila papalapit sa akin, sinubukan kong magpumiglas sa mga taling iyon. Ng biglang may maramdaman akong kamay na pumatong sa aking balikat.
"Don't be afraid SS." kakaiba ang boses niya, ngayon ko lang narinig ang boses na iyon. Pero ang kamay niya tila familiar sa akin, parang pumatong na dati ang kanyang kamay sa pareho kong balikat.
"Where am I?" malakas na loob kong tanong sa kanya.
"Sorry SS." malungkot niyang sambit.
"Charrr, I'm just kidding you know. Sheeria Sammontah Sy, the famous model but now the famous victim hahaha." biglang nagbago ang boses niya sa mga sandaling iyon, nagiging familiar na siya. Nagkakaroon tuloy ako ng idea kung sino ang kausap ko.
"Hey tawag ka ni My Lady." napalingon ako sa maliwanag na pinto na nakabukas, may nakatayo doong lalaki na hindi ko maaninag ang mukha.
"Bakit mo naman pinatay ang ilaw?" tanong ng lalaking iyon sa kausap kong babae kanina.
Click
Binuksan niya ang ilaw, kaya naliwanagan ako na makita sila. Pero laking gulat ko ng makita ang hitsura nilang dalawa.
Pareho silang nakasuot ng maskara, nakasuot din sila ng gloves. Para naman saan ang gloves? Tanong ko sa sarili.
"Bye SS, Our Lady is here so get ready." napahabol tingin lang ako sa babaeng iyon na kausap ko lang kanina.
Lumabas na sila ng kwarto at muling isinara ang pinto, mabuti na lang at binuksan nung lalaki yung ilaw.
Pero mas lalong bumanas kaya mas naireta ako. Hindi ko alam ang gagawin, tila nagblanko ang utak ko kung paano gumawa ng paraan para makatakas.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Wyte's POV
"Wyte!" napalingon ako sa labas ng marinig ko ang boses ni Leanna.
"Oh Leanna bakit?"
"I have an idea kung sino ang pepwedeng dumukot kay SS."
"Sino naman?"
May iniabot siyang recorder.
"Anu naman ang gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya.
"Matalino ka ba talaga? Record yan mula sa office ko, here pakinggan mo." pinakinggan ko nga ang record.
"Okay na ba ang plano?"
"Okay after that idala niyo siya sa akin. Doon sa napag usapang lugar. Tanda mo ba yun?"
"Sige babye na, mahaba haba na ang napag usapan natin. Ge bye."
"Anu sa tingin mo?" napakunot ako ng noo.
"Hoy anu?" napatingin lang ako kay Leanna, para kasing narinig ko na ang boses na iyon dati.
"Makakatulong ba?" muli niyang tanong sa akin.
"Pwede na, pero kailangan pa natin ng mas malaking ebidensya."
"Teka, diba kahapon hindi ka makapunta dito dahil busy ka. Then ngayon nakakuha ka kaagad ng ebidensya."
"Bakit masama ba yun?" nahiwagaan ako sa ikinikilos ngayon ni Leanna, parang may hindi siya sinasabi sa akin.
"Sige Leanna salamat sa ibedensya na ibingay mo. Papasok na ako." agad na ring umaalis si Leanna ng mga oras na iyon. Pinagmasdan ko lang siya paalis ng tent kung saan dito muna kami maglalagi habang iniimbestigahan ang headquarter.
"Sino yun?" nilingon ko ang nagtanong si Zekiell lang pala.
"Ah si Leanna. May ibinigay lang. Tara pasok na tayo." pumasok na kami ni Zekiell sa loob.
Leanna's POV
Sana lang nakatulong ako kahit kakaunti, para mahanap na si SS. Magdadalawang araw na kasi siyang nawawala, nag aalala na rin ako sa kalagayan niya baka hindi na siya nakakakain ng ayos.
"Ma'am CEO Reeyah doesn't approved your proposal."
"What?" bungad na salubong sa akin ni Lieda (Leyda assistant ko) na kadarating ko pa lamang.
"Yes ma'am, other directors approved your proposal but only CEO Reeyah doesn't approved, diba po her approval was the most important of all."
"Bakit naman?"
"Here ma'am." iniabot sa akin ni Lieda ang isang papel. Agad ko naman iyong tiningnan.
"I don't see any mistake of that ratings ma'am, actually it's almost reach the highest issue up to this day. Kaya nakapagtataka nga po kung bakit hindi niya inaprobahan ang proposal niyo."
"Do you have any idea?" tanong ko sa kanya.
"Have no idea ma'am." agad na sagot ni Lieda.
"Where's Dea?"
"After you go, she said she has an emergency at her restaurant."
"Did she left any notes?"
"Nothing ma'am."
"Okay prepare your things, then after that come to my office."
"Okay ma'am."
Pumasok na ako ng office sabay upo sa couch, I can't believed it. Dumagdag pa talaga si Reeyah sa problema ko, bakit naman kasi hindi siya pumayag. May mali ba sa proposal ko? Hayyy makapagpahinga nga muna. Nakakapagod talaga.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Someone's POV
"Kamusta ang proposal niya?" tanong ko kay Reeyah.
"Okay naman, ang ganda nga eh. Teka bakit kailangan ko pang hindi aprobahan ang proposal niya, maayos naman kahanga hanga."
"You don't understand Reeyah, kaya nga ikaw ang ginawa kong CEO."
"Le...
"I said don't call my name, subukan mo ulit na banggitin ang pangalan ko at malilintikan ka sa akin."
"Okay okay, pero please after this pwede bang ibalik mo na ang lahat sa dati hmn."
"Fine fine, in one condition."
"Anu naman yun?"
"Make her suffer."
"Who? Leanna or Lena." tanong niya sa akin.
"Teka, anu ba kasi ang kasalanan sayo ni Leanna? Bakit mo siya pinapahirapan? May ginawa ba siya sayo, malaki ba ang kasalanan niya at pati carrer niya ay sinisira mo, diba matagal na kayong mag....
"Stop it Reeyah, napapadami na ang sinasabi mo."
"I will call you kung sino. Kaya makakaalis ka na."
"Sige, tuparin mo ang sinabi mo. Kung gusto mong mangyari ang lahat ng gusto mong mangyari."
Umalis na si Reeyah palabas ng office ko. Pinagmasdan ko ang pag alis niya sa lugar ko kung saan walang nakakaalam kung sino ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 28 na po ang sunod guys...
Hehehehehehe sensya na po sa mga typos, just enjoy lang po.
Love ya guys... :)