An Open Letter to My Ex ✔

By quosmelito

10.5K 505 48

Sometimes we spend our lifetime looking for love in a different place, and tend to overlook the right one in... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - Epilogue

Seven

328 17 2
By quosmelito

"I'm really sorry about last time, babe."

Umiling ako habang nakangiti. "Naintindihan ko naman. And bumawi ka naman ngayon. So apology accepted."

Hinawakan niya ang kamay ko saka iyon hinalikan. "Let's have dinner again tomorrow."

"I'd love to." Puno ng sigla kong sagot.

"Oh wait." Binitiwan ni Drew ang kamay ko at tinungo ang kotse niya.

Binuksan niya ang pinto at ipinasok ang kalahati ng katawan. Parang may kinukuha siya sa backseat.

Nang bumalik siya ay may bitbit na siyang teddy bear at isang box ng chocolates.

"For you. Peace offering."

"Oh. Hindi naman na kailangan, but thank you. Bakit hindi ko ito nakita kanina sa kotse mo?" Kinuha ko ang mga iyon at niyakap ang stuffed toy.

"Secret." Nakangiti niyang sabi. "Pasok ka na. Gabi na rin oh."

Yumuko siya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Thank you ulit, Drew."

"No problem. Bukas ha?" Sagot niya sabay ng pagtunog ng phone niya. Dinukot niya iyon sa bulsa at tiningnan ang tumatawag bago iyon pinatay.

"Bakit di mo sinagot?"

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Prank caller."

Bahagya akong naalarma dahil base sa sagot niya ay parang matagal na siyang binubulabog ng prank caller na iyon.

"You mean, hindi ito ang unang beses na tinawagan ka ng prank caller na yan?" Isinatinig ko ang naisip.

"Don't worry about it, babe."

"Well, change your number then. Baka mamaya stalker mo na rin yan. Marami na ang masasamang loob ngayon."

"Hindi ako pwedeng magpalit nang ganun lang. Dito ako kino-contact ng clients ko. Pero wag kang mag-alala, I'll consider your idea. I have to go now, babe. Get inside."

"Okay. Ingat sa pag uwi. Goodnight."

"'Night."

Hinalikan niya ako sa noo bago sumakay ng kotse at umalis.

Nangingiti akong pumasok sa building at sumakay ng elevator.

"Hmm." Pinanggigilan ko ang hawak kong teddy bear. Sakto lang ang sukat niyon. Hindi malaki, hirin kaliitan. And it smells good.

Nang makarating ang elevator sa third floor ay lumabas na ako at pumasok sa unit ko.

Masaya ako dahil nagkaroon rin kami ng time ni Drew sa isa't isa. Nagtampo ako sa kanya dahil hindi siya sumipot noong nakaraan at balak ko talagang hindi siya kibuin, pero nang makita ko siya sa harap ng pinto ko ay kaagad nawala ang pagkainis ko sa kanya.

"Buti umuwi ka pa."

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nakaupo si Markus sa sofa at nanonood ng TV.

"Sa dinner ako galing. Natural lang na gabihin ako." Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "Look." Nakangiti kong ipinakita sa kanya ang mga ibinigay ni Drew.

"Pfft. Galing sa boyfriend mong hilaw? May pagka-jologs talaga yon."

Nasaktan ako sa sinabi niya kaya hindi ako kumibo.

"Sino pa ba ang nagbibigay ng tsokolate at stuffed toy sa kasintahan nila sa panahon ngayon?" Dugtong pa niya habang nakaismid. "He should've given you something more significant. Stuffed toys and chocolates are for teenag--."

"Stop! Just stop." Putol ko sa sasabihin niya. "These are his gift. At kahit basahan ang ibigay sa akin ni Drew ay maa-appreciate ko!"

Tumayo ako at diretsong pumasok sa kwarto. Padabog kong isinara ang pinto saka iyon ini-lock.

Hindi man lang siya maging masaya para sa akin. Kahit simpleng bagay lang ang mga ibinigay ni Drew ay malaki ang importansya ng mga ito sa akin. I mean, hindi naman iyong presyo ang mahalaga kundi iyong fact na naalala ka.

Ugh. I hate Markus. He's such a party pooper.

Ang saya ko pa naman na okay na kami Markus tapos pipintasan lang niya iyong regalo sa akin nong tao.

Hinintay kong kumatok si Markus pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin akong naririnig sa pinto.

Ibinaba ko sa kama ang tsokolate at teddy bear saka binuksan ang pinto.

Naka-off na ang TV at wala na roon si Markus.

Pinuntahan ko ang kusina pero wala rin siya roon.

Pfft. Hindi man lang nagpaalam na aalis na siya.

-------------------------------------------

***Markus' POV***

Kahit basahan tatanggapin niya basta galing sa hambog na yon?

Hah!

Naiinis akong nagdrive pauwi ng condo.

Ganoon ba kahalaga sa kanya yong lalaking yon? I really hate that Drew guy.

Nang makarating ako sa condo ay nagbabad ako sa bath tub. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga lang doon. Naiinis din ako kay Kalen dahil hindi siya nagpaalam sa akin.

Pagdating ko sa apartment niya ay wala siya roon at kung hindi ko pa siya tinawagan ay hindi ko pa malalaman na nakikipag-date siya sa jologs na yon.

Oo, may karatan siyang gawin ang gusto niya. Pero may usapan kaming sasabihin niya sa akin kapag may lakad sila ng Drew na yon. Lalo lang akong nairita nang ipakita niya sa akin ang mga regalong natanggap niya. Para bang ang mga iyon na ang pinakamagandang regalong natanggap niya sa buong buhay niya.

Makaraan pa ang ilang minuto ay umahon na ako at nagbanlaw. Nagpatuyo lang ako ng katawan saka nahiga.

Inabot ko ang phone sa side table. Nag-scroll ako sa contacts at huminto sa pangalan ni Kalen.

'Baby.'

Hinagis ko ang phone ko sa kama at hindi na itinuloy ang balak kong pagtawag sa kanya. Nagbihis ako at nagbukas ng laptop.

Tinawagan ko si Mommy nang makita kong online siya.

"My baby, gabi na bakit gising ka pa?"

"Good morning, mom." Bati ko sa kanya dahil umaga ngayon sa New Jersey. "Mangangamusta lang."

"Hmm. Mangangamusta? Katatapos lang nating mag usap kanina. Let me guess. Nag-away na naman kayo ni Kalen." Hindi iyon tanong. She knows me well.

"Kasi naman, mom. Masyado siyang bilib don sa boyfriend niyang jologs eh."

Kinuwento ko kay Mommy ang pangyayari kanina.

Tumawa siya saka umiling.

"Markus, my baby. You're jealous."

"I am. I mean, marami rin naman akong nairegalo sa kanya na mas maganda sa ibinigay ng lalaking yon. Pero tuwang tuwa na siya sa maliit na stuffed toy."

"Hindi ko maintindihan ang mga kabataan ngayon. Bakit kasi hindi ka pa magtapat, anak? Your dad and I will be more than happy. Alam mo namang wala kaming tutol sa kung sino ang gusto mo. And Kalen is such a good kid."

"It's not that easy, mom. May boyfriend siya and he treats me as his bestfriend. Kung higit man doon ay kapatid lang." Nahiga ako at in-adjust ang laptop para makita pa rin ako ni Mommy.

Tinirik ni Mommy ang mga mata niya saka umiling. "Mas torpe ka pa kaysa sa Daddy mo. No wonder na sa kanya ka nagmana."

Hindi ako kumibo at tumitig lang sa kisame.

Bumuntong hininga si Mommy bago ko marinig na tumunog ang phone niya. "Wait, Markus, diyan ka lang." Saglit siyang nakipag usap bago siya muling bumaling sa camera.

"I have to go, baby. May lakad kami ng mga amiga ko. I'll call you tomorrow morning. And please, don't leave my other baby alone. Go back there. Baka bumangon si Beatrice sa hukay kapag nalaman niyang pinababayaan mo ang unico hijo niya."

"Okay mom. I love you."

"I love you. Goodnight."

Isinara ko ang laptop at nanatiling nakahiga hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako.

-------------------------------------------

***Kalen's POV***

Kinabukasan ay nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana perp nanatili pa rin akong nakahiga sa kama.

Wala naman akong gagawin ngayong araw kundi ang maghintay na mag-gabi para sa dinner date ulit namin ni Drew.

Nang maalala ko si Markus ay napasimangot ako.

Umalis ba siya dahil sinigawan ko siya? Kasalanan naman niya kung bakit ko siya binulyawan. At umalis siya na hindi man lang nagpapaalam. Ni hindi man lang siya tumawag o nag-text kung nasaan na siya.

Bumaling ako sa side ng kama na siyang puwesto niya saka ko iyon hinimas. Nakakapanibago lang na hindi ko siya katabing matulog kagabi. Dahil don ay hindi ako agad nakatulog.

Bago ko pa man siya ma-miss ay naligo na ako at nagpasyang magsulat na lang. Malapit na akong makayari at meron pa akong two weeks bago ang deadline.

Mas maganda kung matatapos ko na ang sinusulat ko nang mas maaga para makapagpahinga ako.

Nagsuot ako ng salamin at nagsimulang tumupa sa keyboard ng laptop. Hindi pa ako nakakaisang page ay naabala na ako ng tunog ng buzzer.

Tumayo ako at sumilip sa peephole para tingnan kung sino ang nasa pinto. Wala akong makita kaya binuksan ko na lang iyon.

Tumambad sa akin isang life size na kulay baby blue na teddy bear. Sa tantya ko ay mas malaki pa iyon sa akin.

Para sa akin ba ito? Inilibot ko  ang mga mata ko sa hallway pero wala namang tao roon.

Humakbang ako palapit sa higanteng stuffed toy at muntik na akong mapalundag nang may lumabas mula sa likod non.

"Boo!"

"Markus! Muntik na akong atakihin sa puso!"

Tumatawa siyang tumabi sa stuffed toy habang hawak iyon.

"For you."

"Para saan? Tara sa loob." Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto at pinauna siyang pumasok yakap ang stuffed toy.

Nang makapasok siya ay isinara ko ang pinto at sumunod sa kanya sa kwarto ko. Ihiniga niya sa kama ang higanteng teddy bear at halos masakop niyon ang lahat ng space.

"I just wanna say sorry."

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.

"Sorry about what?"

"Sa mga sinabi ko kagabi."

"Ano bang sinabi mo kagabi?"

"Alam mo na yon. Gusto mo pa bang ulitin ko na jologs ang boyfriend mong hilaw?"

"Markus!" Sinimangutan ko siya saka ko nilaro ang paa ng stuffed toy. Napakalambot niyon. Mas malambot pa yata sa binigay ni Drew. "Bakit mo naman ako binigyan ng teddy bear? Kala ko ba pang-"jologs" lang to?"

Ngumito siya saka ako inakbayan. "Syempre pag sa akin galing, sweet. Pag sa iba, jologs."

"Pfft."

"Sorry rin sa pag alis ko kagabi nang walang paalam. Nainis kasi ako sayo eh."

"At bakit? Ikaw nga ang nakakainis eh."

"Ba't ako? Sino ba ang hindi nagpaalam na makikiagdate siya? At kung di pa ako tumawag ay di ko pa malalaman. May usapan tayo di ba?"

Tumango ako pero nanatili akong nakasimangot.

"Sorry rin. Pero hindi mo naman kailangang pintasan yung regalo sa akin ni Drew."

"Okay. I'm sorry. Bati na tayo?"

Nagkibit ako ng balikat saka muling hinawakan ang stuffed toy.

"Bakit sobrang laki naman nito? Saan ko to ipupwesto ngayon?"

"E di doon sa sulok." Turo niya sa bakanteng sulok ng kwarto. "Nagustuhan mo ba?"

Bahagya akong tumango.

"Tango lang? Ganyan pa naman kalaki ang binili ko para pag wala ako ay may mayayakap ka pa rin."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Nagustuhan ko. Sobrang lambot at ambango pa. Pero..."

Bigla akong nahiya sa sasabihin ko kaya di ko na itinuloy.

"Pero?"

"Wala. Kumain ka na ba? Mag order na lang tayo."

"Hindi pa. Wag mong ibahin ang usapan. Anong pero?"

-------------------------------------------

***Markus' POV***

Yumuko siya at tila nahihiyang nilaro ang sariling mga daliri.

"Mas gusto kong ikaw ang niyayakap ko." Pabulong na sabi niya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti kasabay ng kakaibang ligaya sa puso ko.

"Wala ka kagabi. Kaya hindi ako kaagad nakatulog." Dagdag pa niya. Natatawa ko siyang binuhat saka hinagis sa tabi ng teddy bear. "Markus!"

Tumabi ako sa kanya saka siya niyakap.

"Na-miss din kita."

Naramdaman ko ang pagsubsob niya sa dibdib ko kasabay ng pagyakap niya sa akin. We stayed like that for a couple of minutes. Nakahiga, magkayakap. No words, but full of content.

"Anong pangalan ng teddy bear na binigay mo?" Mayamaya ay tanong niya.

"Kailangan ba yon? Yung kay Drew ba may pangalan?"

"Wala."

"Okay ako na magpapangalan. Wag mo nang pangalanan yung kay Drew ah."

"Psss."

"Ahm. What about Jake?"

"Like, Jake the dog, sa Adventure Time?"

"Mmm-hmm."

"Teddy bear ang papangalanan natin, hindi aso."

"Winnie?"

Umiling siya saka tumawa.

"What? Cute naman si Winnie the Pooh ah."

"Iba pa."

"Ahm. Eh kung ikaw na lang ang mag isip?"

Saglit siyang tumahimik habang nilalaro ang butones ng backpocket ko.

"Alam ko na!" Tumingala siya na namimilog ang mga mata. "Let's call him Kalvie."

"Kalvie?"

"Mmm-mmm. Kal from my name and Vie from your second name Vienne."

"I like it." Nakangiti kong sabi. "Sige from now on," hinila ko ang kamay ng teddy bear saka iyon iniyakap kay Kalen. "Tatawagin ka na naming Kalvie."

Nilingon ni Kalen ang stuffed toy sa namumungay na mga mata. "Hello, Mr. Kalvie." Saka siya bumalik sa pagkakayap sa akin at muling nilaro ang bulsa ko.

Mayamaya pa ay narinig ko na ang mahina at cute niyang paghilik.

Napapangiti akong pumikit at lalo siyang hinapit palapit sa katawan ko.

-------------

Continue Reading

You'll Also Like

244K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
205K 9.5K 56
MOST IMPRESSIVE RANKING: Two Moons #1 out of 10 stories Boyslove #31 out of 19k stories LGBT #158 out of 5.6k stories boyxboy #89 out of 6.5k stories...
126K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???