Stella Royal Games

By StarryKyamii

62.5K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? More

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 6
Royal 7
Royal 8
Royal 9
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 14
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 19
Royal 20
Royal 21
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 18

1.7K 81 24
By StarryKyamii

Royal 18

Meteor's POV

"Are you ready to enter the mirror maze?"

Nagsigawan ang mga manonood. They're cheering for their favorite teams, possibly the ones whom they placed their money on.

Trust me, kapag Stella Royal Games talamak din ang pustahan.

Pero sa kabila ng ingay ng mga manonood, naglalaro lang sa dalawang pangalan ang isinisigaw nila. Team Arcturus and Team Vega.

"This is your emcee, Mono Bear, officially opening the second day of Stella Royal Games!" rinig ko ang excitement sa boses ni black-and-white stuffed toy bear. "Let the Mirror Maze begin!"

Huminga ako ng malalim. This is it.

It's payback time.

I heard the sound of a gun shot, Mono Bear's signal to take off our blind folds. Mabilis na nag-adjust ang mga mata ko sa ilaw. I scanned the place, and found myself standing in a long corridor full of mirrors.

Quite interesting.

Kahit saan ako tumingin, iisang repleksyon lang ng babae ang nakikita ko ngayon--buhok na kasing puti ng nyebe at matang kasing pula ng dugo. Mabuti na lang at naka-inom ako ng potion para makapag-transform sa isang imaginary character sa sinusulat ko.

Nagsimula akong maglakad sa mahabang pasilyo. Kahit saan ka tumingin, iba't ibang klaseng salamin ang bubungad sa 'yo. Kahit 'tong mismong nilalakaran ko, gawa rin sa salamin.

Simple lang naman ang quest ngayong araw: Last mage standing in the heart of the mirror maze. Ibig sabihin, kailangan ko pang hanapin ang pinaka-sentro ng maze at i-eliminate ang mga kalaban ko.

The tricky part is the mirrors here are not ordinary. One wrong move and you'll trigger a trap.

Patuloy ako sa paglalakad nang matapakan ko ang isang salamin at lumubog.

Tch. How stupid of me.

I suddenly turned around, unsheathing the staff Old Man gave me. In just a split second, the old staff transformed into a sword, its blade slashing the incoming arrows from behind.

Akala ko hindi na mauubos ang mga panang sumasalubong sakin. They're coming from nowhere in fast pace, looking like shooting stars because of the fire that surrounded it.

Pero sanay na ako sa ganito. Old Man and I used this kind of training countless times. Although I can bet that Astro is walking back and forth right now, probably worried sick about me. Ngayon niya lang kasi akong nakita na sumabak sa labanan.

After slashing the last fire arrow, I proceeded walking the straight path. I made sure that I won't trigger any more traps, nakakapagod lang kasi kapag nai-involve ka dito.

Habang papalayo ako ng papalayo, parami ng parami ang naririnig kong kakaibang tunog na nanggagaling sa iba't ibang parte ng maze. Mukhang napapasabak ng husto ang iba pang mga kasali sa larong ito.

"Well, what do we have here?"

Awtomatikong napataas ang kilay ko.What on earth is this hideous creature doing here?

"Do I know you?"

He chuckled at my question. Ugh, hindi 'yan ang hinihingi kong sagot.

"Oh you don't, my lady, but I bet you'll remember me once I beat the hell out of you right here at this very moment."

Naglabas siya ng pares ng sandata at sumugod sa akin. He was trying to speed up his pace as he swung his two deadly swords. Patuloy lang ako sa pag-iwas sa mga tira niya, not even drawing out my staff once again.

"You're pretty good for a girl. As expected from the Empire of Sirius," kumento nito at tumalon palayo sa akin.

"You, sir, are pretty ordinary for this tournament. As expected from the Alpha Centauri Empire," sarcastic tone filled my voice. "Always bringing the ordinary mages in the tournament."

"Oh? Do you want me to refresh your memory, My Lady? As far as I know, we ranked 5th last time, ahead of one spot from the Mighty Sirius."

Tumawa siya at nagpatuloy, "And now, we're doing the history all over again. Prepare My Lady, for I will engrave my name on your mind forever."

Ugh. Nakakainis naman tong lalaking 'to. Masyadong nagpapaka-trying hard sa pagsasalita ng formal. Porket ba nasa live television kami, akala niya teleserye na? Tsk.

Masyadong pasikat.

Itinago niya ang dalawang espada sa kanyang likod at naglabas ng isang maliit na bote na naglalaman ng pulang likido. Hindi na siya nag-aksaya pa ng isang segundo at ininom ang laman nito.

Napataas ang kilay ko nang sumigaw siya ng malakas. So ano? Idadaan lang niya ang labanan na 'to sa sigaw? Oh please.

Lalong lumakas ang sigaw niya nang maglakad ako papalapit. Baka siguro akala niya, nagra-radiate siya ng malakas na aura kapag sumisigaw, katulad nung sa movies.

God, he should think again.

My hand formed into a ball of fist and found its way to his hideous face. Halos malunok niya ata ang pagsigaw niya kaya para siyang nasasamid na tumilapon pababa.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis eh.

Pinunasan niya ang dugong tumulo sa gilid ng labi niya at inalalayan ang sarili sa pagtayo. Akmang sisigaw pa ito pero inunahan ko na at sinuntok ko ulit sa mukha.

Hindi ko na pinatagal pa. Umikot ako para bumwelo, bahagyang nag-bend patagilid at itaas ang paa para tumama ang sakong sa parte ng mukha niya kung saan ko siya sinuntok ng dalawang beses.

Napayuko siya nang sundan ko ito ng pagtuhod sa tiyan, at pagkatapos ay may tinamaan akong parte sa kanyang leeg para mawalan siya ng malay.

Bumagsak siya sa sahig. Dahan-dahan akong lumalayo sa kanya habang sinisiguradong nawalan talaga siya ng malay. Papalakad na ako palayo nang biglang may humablot sa isang paa ko.

Naging mabilis ang pangyayari, nakapaglabas pa siya ng espada at sinubukang patamain ito sa binti ko. Tinapakan ko ang isang kamay niya na nakahawak sa paa ko at sinubukang iwasan ang espada, pero nagawa pa rin ako nitong daplisan. Ang mas matindi pa, dinuraan niya ang sugat ko.

Ah shit.

"You're going to regret this, pig."

Sinipa ko ang espada niya papalayo at tinapakan ko ang kanyang mga kamay.

"Anong gagawin mo?!" sigaw niya sa 'kin.

Inilabas ko ang staff at ginawa itong pana. One.. Two.. Three..

Limang camera ang nandito at nakatutok sa pwesto namin ngayon. Isa-isa ko itong pinatamaan at siniguradong hinding-hindi makikita sa television ang gagawin ko.

Alam kong mabilis nila itong maaayos agad pero, I have just enough time to do this.

"What you did there," paninimula ko. "Is a rude act to perform to a Princess."

"Princess? Anong sinasabi mo?!"

Ngumiti ako at yumuko. Inilapat ko ang dalawang daliri ko sa noo niya.

"Shh. It's a secret. Now, off you go to dreamland."

"HOY--!"

And the next thing they knew, the cameras are back, focusing on the man lying on the hall of mirrors. His eyes were wide-opened and his jaw was dropped, as if he saw Death right in front of him.

He is still alive and breathing, yet, like a statue, he is no longer moving.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa pinakasentro ng maze. Ngayon, hindi lang traps ang iniiwasan ko, pati na rin ang mga kasali. Ayoko ng maabala pa, nakakapagod lang.

Pero kahit anong gawin kong pag-iingat, alam kong hindi basta-basta ang maze na 'to.

"Yaaah!" Dire-diretso akong tumakbo paakyat sa dingding hanggang sa naramdaman ko na ang gravity na humihila sa 'kin pababa.

Bago pa man ako mahulog, bumwelo na ako at tumalon mula sa dingding patungo sa higante, na ngayo'y nakaluhod sa sahig dahil sa malalim na sugat na itinanim ko sa binti nito kanina. Ipinuwesto ko ang staff na anyong espada ngayon, at itinutok sa batok ng higante.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong hugutin ang espada sa higante. Kasabay ng pagbaba ko mula sa batok nito ay ang unti-unti nitong pagiging abo.

Ugh, kung bakit ba kasi ang hirap hanapin ng sentro nitong maze. Hindi ko na alam kung ilang higante na ba ang nakalaban ko dahil sa patibong na salamin na nahahawakan o naaapakan ko.

Nahawa pa ata ako sa kalaban ko kanina, napapasigaw na rin ako pag may laban. Tsk, such an outstanding act Meteor. Do note the sarcastic tone involved.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko narating ang sentro ng maze. At iisang tao lang ang naroon.

"Sirius."

Kung pwede ko lang sanang gamitin ang mga apoy ko ngayon, pinaulanan ko na sana 'to unang kita ko pa lang sa mukha niya at sa crest na naka-tattoo sa katawan niya.

"Vega."

Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila kay Tyrone. I'll make sure they're going to regret that act.

"How's your little friend? I hope he gets well soon." He chuckled.

Calm yourself, Meteor. Calm yourself. Wag kang magpapa-apekto sa sinasabi niya.

I managed to display a smile. At sinundan ko na iyon ng suntok.

I gave him a series of punches and kicks. Hindi ko siya tinantanan hanggat hindi napupulbos ang mukha niya. The beast inside me was eager to get him killed. Ang nakakainis lang, hindi siya lumalaban pabalik.

"Why won't you fight back?!" hingal na hingal kong sabi.

He spit blood on the floor and smiled at me. Itinaas niya ang dalawang kamay at sumigaw, "I give up!"

Nagulat ako sa ginawa niya. Is he insane?!

P-Pero.. nanalo ako. Even if it's not a fair fight, we still gain those points.

That's 10 points for crying out loud!

Narinig ko ang boses ni Monokuma-bear na nag-echo sa buong maze.

"We have a winner for today's event. Let's give it up for, Sirius!"

Nakatitig lang ako sa kanya habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Monokuma-bear.

"Since they won this game, the Sirius Empire will be climbing to a higher spot--"

Napakunot ang noo ko nang biglang tumigil sa pagsasalita ang emcee. Ilang segundo ang lumipas bago muli siyang nag-announce.

"Since the Sirius Team committed an act that is against the law of the Games on the first day, the Royal Council has decided that they will not be given any points for today's game. Thus, the winner of this battle would be the Vega Empire for making it to the heart of the maze."

Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao sa labas. Muling napunta ang atensyon ko sa kaharap ko ngayon, na hindi na halos makahinga sa kakatawa.

"You piece of shit."

Pinunasan niya ang luha sa mga mata at malawak na ngumiti sa 'kin.

"You see, there's no thrill in fighting back. It's even more interesting to see your reaction after winning such game, yet receiving no points. Nice try, Sirius. You're too close but still not good enough."

~

"Are you alright?"

Nag-angat ang tingin ko mula sa binabasang libro papunta kay Astro na nakasandal gilid ng pintuan.

Bahagya akong tumango.

"Look Meteor, you already did what you have to do. You won the game. Hindi mo naman kasalanan--"

"I'm fine, kuya. I just need some time alone."

Tumango-tango siya. "Come and see me when you want to talk about it, okay?"

Kitang-kita ko sa mukha ni Astro ang sobrang pag-alala. I could imagine how stressed he was during my game. Marami na nga siyang inaalala, dumagdag pa ako.

"Don't worry about me, Astro. Giving a damn over petty things is not my hobby. You know that."

Natawa siya sa sinabi ko. "Well, I guess my little sister is back with her old self. 'Wag mong kalimutang linisin ang sugat mo. I'll be going."

I smiled at him at bumalik ang atensyon ko sa binabasang libro. Hindi ko pa man natatapos basahin ang isang pahina nang may muling kumatok.

"Come in."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at papalapit na mga yabag papunta sa 'kin. Without even glancing up, I knew it was him.

"How was it?" tanong ko kay Blizzard. There was no answer kaya bigla akong napatingin sa kanya.

Nakatitig siya sa binti kong may benda. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil na rin sa maskarang bumabalot sa mukha niya.

I snapped my fingers in front of him. Doon lang bumalik ang atensyon niya sa 'kin.

May iniabot siyang mga papeles. Mga reports siguro tungkol sa misyon namin sa underground. Inutusan ko kasi si Blizzard na simulan na kanina ang misyong iniatas samin ni First Shadow. Hanggat maaari, gusto ko ng malaman ang tungkol dito dahil nararamdaman kong may koneksyon ito kay Tyrone.

"I managed to collect information from 5 incidents. We have four more to go." He said.

I quickly scanned the documents. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang maramdaman ko ang paghawak niya sa paa ko.

"You do know that sitting in a Royal's bed is against the rules?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nakatitig lang siya sa bendang nakapaikot sa binti ko.

Ano bang problema nito?

"Bli--"

"Where did you get this?"

"From the games."

Napakunot ang noo niya and I don't know if my mind is playing with me but somehow, he looked so worried.

Ano bang problema niya?

"Can we just focus on our mission?" I told him.

Tumingin siya sa 'kin at tumayo. Mabilis na napalitan ng seryosong ekspresyon ang nag-aalalang mukha niya.

Or maybe it was just my imagination. I mean c'mon, the thought of him worrying about me? That is absurd.

"The three other locations are nearby, but the last one may take few hours to reach it." He paused for awhile as if he was in deep thought. "You should stay here and rest. I'll continue the research."

Ngumiti ako sa kanya. "Sorry, already did the packing." Kinuha ko yung backpack na nasa ilalim ng kama, nilagpasan siya at dumiretso sa pintuan. "Let's not waste time, shall we?"

Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ko siyang napapailing na lang.

~

Sinimulan naming puntahan ang mga natitirang lokasyon kung nasaan nawala ang mga potion makers and spell casters. Nagtanong-tanong kami ni Blizzard tungkol sa nasabing pagkawala ng mga ito, baka sakaling makahanap kamo ng iba pang posibleng dahilan kung bakit sila kinukuha. Sinubukan naming i-trace ang kanilang mga galaw para malaman kung sino ba ang posibleng susunod na target nila.

Bukod sa magkakaparehas na spell casters at potion makers ang mga ito, they do have some other things in common. All of them are sixty and above and they were kidnapped as soon as the moon is on its peak. Sa gabi gumagalaw ang kung sino mang gumagawa ng krimeng ito. Darkness surely helps him or her to do the act.

"We will inform you as soon as we track them down." Lumabas ako sa pintuan at nakipagkamay sa nakausap namin.

"Maraming salamat po Fourth, Fifth shadow." Yumuko naman ito bilang paggalang. "Mag-iingat po kayo."

One more location and we're done. Kaso gaya nga ng sinabi ni Blizzard, aabutin kami ng ilang oras bago makarating rito. Mag-gagabi na nang makarating kami sa village kung saan matatagpuan ang bahay ng huling taong dinukot.

Napatigil sa paggawa ang mga taong nakatira doon nang makita nila kami. Mabilis nilang binitawan ang mga hawak at yumuko bilang pagbibigay galang sa Shadows. Hindi naman nagtagal at sinalubong kami ng Village Chief o ang head ng lugar kasama ang ilang gwardya nito..

"Magandang gabi ho, Ma'am Fourth, Sir Fifth." Bati niya. "May maipaglilingkod po ba kami sa inyo.

I handed him a photo of a house. "I'm looking for this one. Do you know where it is?"

"Ay opo! Sundan niyo po ako."

Nasa pinakadulo ng village ang hinahanap naming bahay. Nagpasalamat ako sa Village Chief, isang signal na rin na pwede na siyang umalis.

Kumatok si Blizzard sa pintuan. Hindi naman nagtagal at pinagbuksan kami ng isang babaeng mukhang kasing-edad lang namin. Halatang nagulat siya sa mga hindi inaasahang bisita. Mabilis na lumabas siya ng bahay at yumuko.

"Magandang gabi po Master Fourth, Master Fifth."

Tinanguan ko siya bilang pagsagot. "May we come in?"

"Opo, pasok po kayo. Pasensya na po at magulo ang bahay."

Pumasok kaming dalawa ni Blizzard. Katamtaman lang ang laki ng bahay. Makaluma ang mga gamit sa loob, simula sa mga upuang gawa sa kahoy hanggang sa mga figurines na nandoon. Nakapagbigay pansin rin ang isang malaking cabinet na puno ng mga makalumang libro. May ilang nakabukas na libro sa may bilog na lamesa sa sala. Bukod doon, malinis at halatang alagang-alaga ang buong bahay.

Pinaupo kami ng babaeng nagngangalang Sara, habang pumunta siya sa kusina para maghanda ng inumin. Matapos ang ilang minuto ay muli siyang bumalik dala-dala ang isang tray na may lamang dalawang tasa ng tsaa.

"You probably know why we are here, don't you?" Tumango siya sa tanong ko. "Kaano-ano mo ang biktima?"

Umupo si Sara sa tapat namin at nagsimulang magkwento. Apo siya ng sinasabing nawawalang potion maker. Siya na lang ang natitirang kamag-anak nito simula noong mamatay ang mga magulang niya sa aksidente noong bata pa lamang siya. Tahimik at simple ang buhay ng mag-lola bago mangyari ang aksidenteng iyon. Parang ordinaryo lang ang gabing iyon, kalmado at tahimik. Ni hindi niya inaasahan na sa paggising niya, wala na ang kanyang lola.

May ilan pang tinanong si Blizzard na dumagdag sa mga impormasyong nakuha namin. Nang matapos siya, ako naman ang sumunod na nagtanong.

"May alam ka bang organisasyong na miyembro ang lola mo?"

Hindi nakasagot si Sara. Inilabas ko ang isang picture kung saan naroon ang lola niya kasama ang dalawa pa sa mga nawala. Iniabot ko ito sa kanya at itinuro ang halos hindi na makitang tattoo sa kamay ng lola niya.

"Do you know about this symbol?" muling tanong ko. Nakatitig lang siya doon sa litrato.

"Sara, magiging malaking tulong itong impormasyon na ito sa paghahanap namin sa lola mo at sa iba pa sa lalong madaling panahon."

Huminga siya ng malalim at tumayo. Dumiretso siya sa kwarto ng wala man lang sinasabi. Nagkatinginan kami ni Blizzard. Mukhang meron nga itong koneksyon sa simbolong napansin ko sa litrato.

Muling bumalik si Sara dala-dala ang isang libro at ilan pang mga litrato. Ipinakita niya sa akin ito at ipinaliwanag ang misteryosong grupo kung saan miyembro hindi lamang ang lola niya, kundi pati na rin ang walo pang nawawala.

If that's the case, then my hunch was right.

"Matagal-tagal na panahon na po simula noong huli silang magkausap. Simula noong nalipat na sila sa magkakaibang lugar, nawalan na rin po sila ng koneksyon sa isa't isa."

Tumango-tango ako. "I guess we already have the information we need. Thank you for collaborating with us, Sara."

"Sana po, mahanap niyo na po sila. Nag-aalala na po ako sa lola ko. Mahina na po ang puso niya."

"Don't worry, I'll make sure we can track them down as soon as possible."

Tumayo ako para makipag-kamay sa kanya but to my surprise, bigla akong nahilo at napaupo.

"O-okay lang po ba kayo Master Fifth?"

"Are you alright?"

Sabay na tanong nina Sara at Blizzard. Napahawak ako sa ulo ko, parang umiikot ang buong paligid. Humawak ako kay Blizzard bilang suporta.

Anong nangyayari sa 'kin? Bakit ganito? Wala naman 'to kanina ah.

"Azure! Azure!" rinig kong tawag ni Blizzard. Hindi na ako nakapagsalita pa. The next thing I knew, everything was dark.

It's cold, and I'm freezing to death.

Nagising ako dahil sa panginginig ng katawan ko. Para akong kinukuryente, hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

I tried to scan the place, masyadong madilim dito hindi ko maaninag kung nasaan ako. Muli akong napapikit.

Ah shit. It's cold.

Bigla akong nakaramdam ng mainit na dumampi sa noo ko. Sinubukan kong magmulat. Wala akong nakita kundi isang anino sa harap ko.

"B-Bliz..zard." Para akong nauubusan ng hininga.

"I'm here." He whispered.

"C-cold.. I..I'm freezing." Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bigla na lang nag-uunahan na tumulo ang luha ko. "I-It's cold.. in h-here."

Sinubukan kong huminga ng malalim pero nahihirapan ako. Gusto ko ng umuwi, asaan si mommy? Ang lamig lamig dito.

Sinubukan akong patahanin ni Blizzard pero tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan kahit na hirap na hirap na ako sa paghinga. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Pati ang katawan ko, ayaw rin tumigil sa panginginig.

Ang lamig lamig. Bakit hindi mawala yung lamig?

Naramdaman kong sumampa si Blizzard sa kama at humiga sa tabi ko. Iniabot niya ang kamay ko at hinigit niya ako papalapit. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo ko at isinandal sa braso niya. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya na bumalot sa katawan ko.

Warmth.

"B-Blizzard.. Wag.. mo 'kong.. iiwan ha?"

"Shh. I won't leave you. I'll stay here. I promise." Naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa noo ko at pagkatapos ay ipinatong niya ang baba niya sa ulo ko.

He started humming a lullaby. Lalo akong sumiksik sa kanya, at niyakap naman niya ako ng mahigpit pabalik. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

~

Kyamii's Note: Ngayon ko lang narealize na malapit ng mag-1 year ang Stella. Banzaaaai! Anyway, I do hope you enjoyed this chapter. Penny for your thoughts? =))

Oh and if you have time, feel free to check my new story, House of Cards. Just click on the external link or visit my profile :) Have a nice day!

By the way, I might start dedicating the chapters (dahil ngayon ko lang narealize na hindi pala ako nagdededicate dito. Hahahaha) So yeah, it's random dedication for those active readers. =)

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...