#makeITsafePH

By PrincessThirteen00

1.1K 151 32

The #makeITsafePH is a campaign by Globe for cybersafety and security. Kindly read and spread to everyone! More

Is It Still Safe Online?
Being "Harmless" Online
Responsibility in the Online Community
Keeping Our Guard
Change
Since When?
Making IT Safe
#makeITsafePH Writing Contest

Online Care

80 19 1
By PrincessThirteen00


Sa bawat araw na dumaraan, nararanasan n'yo na bang mabahala tungkol sa inyong nakaraan? 'Yung moments na parang masarap mag-soundtrip tapos umuulan at nagse-senti ka sa kuwarto mo. Marahil ay may nasaktan na kayo dahil sa hindi pagkakaintindihan kahit hindi iyon ang pareho n'yong kagustuhan at plano? O maaaring puro kalokohan at biro ang hilig mong i-post noon at dahil sa feature ng Facebook na puwede mong makita ang luma mong mga post, natatawa ka sa sarili mo at namimili ka kung buburahin ito, ibabahagi sa iba o 'di kaya naman ay hahayaan na lamang doon.

Kalakip ng mga alaalang ito, naririyan din ang magiging mga bagay na ibabahagi mo sa mga darating na araw, buwan at taon. Hindi naman natin alam kung ano ang gagawin natin sa hinaharap. Nabubuhay tayo sa kasalukuyan mula sa mga natutunan natin sa nakaraan para sa ikakabuti ng ating hinaharap.

Kaya ang pag-iingat sa paggamit ng social media sites ay hindi basta-basta lamang.

Bukod pa rito, mainam na basahin natin ang Terms of Service bago tayo sumali sa isang social media site (o kahit saan). Maraming bagay kang matututunan lalo na kung paano tinatago at ginagamit ng platform ang impormasyon mo.

Halimbawa, ang mga "free" social media accounts ay may pinagkukuhanan pa rin ng revenue at pinakasikat na dito ay sa pamamagitan ng ads. Mapalaro, videos, o pagbabasa ng mga kwento online, may ads na nakalakip para magpatuloy na libre ang kanilang serbisyo.

Nakakainis sa sobrang dami, hindi ba? Ngunit pinili natin 'to. We signed up to their system and we allow them to store our information. Gaya ng naunang post, responsable tayo sa mga bagay na binabahagi natin sa mga taong kilala at hindi natin kilala.

Hindi maiiwasan na may bitbit tayong mabigat na pakiramdam at emusyon. Marahil wala tayong mapagsabihan kaya sa social media tayo tatakbo. We will post these things 'indirectly'. May ilan na prangka sa pagtukoy ng problema at meron din naman na sumesegway. Dito, may mga magre-react at magkukumento. But do they genuinely care? We can only hope that they do.

Pero hindi sa lahat ng oras ay maganda itong hakbang. Bago mo maisipan na ilahad sa kahit anong platform and naiisip mo, huminga ka ng malalim at huwag mong ipo-post ang mga isinulat mo. Bitawan mo nang kahit limang minuto ang cellphone mo at magpakalma. At sa pagbabalik mo, basahin mo ulit ang ipo-post mo kung ano a ng magiging dating nito sa'yo kung iba ang nag-post. The final decision always rests upon your choices.

No matter who we are, the "us" that made the mistakes in the past, the "us" that lives in the present, and the "us" that we want to develop in the future are still and will always be "us". We are and will always be responsible for the things we share with other people.

Continue Reading

You'll Also Like

73.8K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
371K 542 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]