Man and Wife (Wifely Duties 2...

Par FGirlWriter

2.3M 77K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... Plus

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Twenty-One

90.7K 2.9K 627
Par FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-ONE

*Flaws in human are given,

in order not to be perfect.

But just to be real.*

***

AGATHA'S mind was... quiet. Not peaceful. Just quiet. It stopped from thinking. It paused all the emotions wiring throughout her system.

She silently prayed but in the middle, she stopped. Tumigil lang siyang bigla. Ibinaba niya ang magkasalikop na mga kamay at dumilat.

She never thought that she'll get a phase in her life wherein her spiritual life doesn't make sense at all. Mahina na lang sa sistema. Nawawalan ka na lang ng gana.

And what makes her more frustrated about herself? Ayaw niyang mawala ang pananampalataya. Ayaw niyang manlamig sa Diyos. Pero... pero nawala na ang dating pagkasabik na nararamdaman niya sa tuwing kinakausap niya ang Panginoon. It's harder to admit that she's slowly drifting apart even in her faith.

She does not want to be without a God. Because she knew she'll just feel emptier knowing that she was once found but then, got lost again.

Bakit kaya ganoon? Ano kayang rason? Saan siya banda napagod? Bakit nanlalamig?

"Mommy, good morning!" Riana climbed the top the bed and hugged her around the waist. "Our breakfast is ready! Daddy cooked something delicious!"

Niyakap niya ito at kinintilan ng halik sa noo. "Good morning..." Nilagyan niya ng sigla ang tinig. Bumangon na si Agatha at hinawakan ang kamay ng anak.

Magkasabay silang bumaba ng hagdanan. Pagkadating sa dining room ay nakaupo na sa high chair sina Adam at Rade. Maging si Rainiel ay nakaupo na rin doon. Naka-pajamas pa ang mga ito.

Napakurap si Agatha nang makita ang iba't ibang klase ng putahe at prutas na nasa ibabaw ng lamesa. Ang juice ay nasa isang mataas na lalagyanan. Tatlo iyon at iba't iba rin ang kulay.

Anong mayroon? Bakit tila naghanda si Reeve ng ganito kaaga?

Si Reeve ang laging naghahanda ng breakfast. Siya tuwing lunch at dinner. Nagkasundo kasi silang dalawa na siya ang mag-aasikaso sa mga bata habang nagluluto ito ng agahan. Tuwing lunch time ay umuuwi si Reeve mula sa trabaho. It's either susunduin siya nito mula sa therapy at sabay silang uuwi o uuwi ito para mag-lunch at ihahatid siya sa therapy.

Kapag wala naman siyang therapy sessions ay umuuwi pa rin si Reeve tuwing tanghalian para matulungan siyang mag-asikaso sa mga anak nila.

Sa kabila ng napagusapan nila isang linggo na ang nakakaraan, sa kabila nang pag-amin niya nang nararamdaman, nanatili silang magkatuwang ni Reeve para sa mga anak nila.

Mag-asawa sila at kahit pa may problema siya sa sarili at sa pagsasama nila, hindi mabuting madamay ang mga anak nila.

Civil naman sila ni Reeve. Mas marami na silang napag-uusapan mula nang mag-usap sila isang gabi sa garden ng bahay nila.

"If you want to define yourself, Agatha, I'll support you. Kung ayaw mo 'kong nasa tabi mo, kahit sa likod lang ako, ayos na. And when you're ready to love, again, I will be just here."

When Reeve said that, her heart melted because of the sincerity and love that was lace around his words.

Lalo siyang na-guilty sa nararamdaman.

"Mommy, take your seat."

Yumuko siya at nakita na lang si Rainiel na hinawakan na rin siya sa kabilang kamay. Hinila siya ng dalawang anak at pinaupo sa kabisera ng lamesa.

"Wait. This is Daddy's chair—"

"No, Mommy. Today, it's your chair!" Riana cheerfully said.

Napakurap siya. "Why?"

"Because it's your birthday!" Rainiel answered.

"Birthday! Birthday!" palakpak ni Adam.

Napatuwid ng likod si Agatha. Really? It's her birthday today?

As if on cue, Reeve entered from the kitchen. Nasa kamay nito ang malaking cake na may kandila.

Nagpalakpakan at nagkantahan na ang mga anak.

"Happy birthday, Mommy! Happy birthday, Mommy!" Rainiel and Riana sang happily.

Reeve smiled at her. Huminto ito sa tabi niya at ibinaba sa harap niya ang cake.

"Happy birthday, Agatha."

"Thank you..." nakangiting pasasalamat niya. "I wasn't able to remember..."

"It's August 13," ani Reeve. "Hindi mo pa ba naaalala ang birthday mo?"

Umiling siya. "I had memories of the celebrations. Katulad noong bata pa ako at nang mag-dalaga ako. But never the date..."

"Mommy, blow your candles!" Rainiel excitedly said.

"Whisper your prayer muna, Mommy," Riana reminded her.

Prayer... Napakurap si Agatha at napatingin sa mga kandila. She's thirty-four years old now...

Pinikit niya ang mata at inusal ang dasal na hindi niya madasal-dasal.

After a short prayer, she blew her candles.

The kids clapped and cheered. Kanya-kanya nang hingi ng cake at pagkain ang mga ito.

"Thank you!" Tumayo siya at isa-isang hinalikan sa pisngi ang mga anak. "You didn't forget Mommy's birthday."

"I always wait for your birthday, Mommy," ani Rainiel. "It's good that you got home after you've been gone for a while. Akala ko, hindi tayo makaka-celebrate ngayon, eh."

"Mommy's here already. Buti nga at nakauwi na 'ko. You thank Daddy for that, okay?" aniya sa panganay. Na-open up na sa kanya ni Reeve noong isang araw ang behavior ni Rainiel kapag ang mag-ama lang ang magkasama.

Ito na daw ang bahala kay Rainiel. Dahil kapag pinagsabihan niya mismo ang anak ay magpanggap na naman si Rainiel na maayos kay Reeve kapag nakaharap siya.

Hindi talaga maisip ni Agatha kung bakit naging labis na masama ang pakikitungo ng panganay nila kay Reeve. Kaya ngayon, kahit man lang sa mga salita ay matulungan niyang ma-build up si Reeve kay Rainiel. Nakikita naman ni Agatha ang pagpupursige ni Reeve na makabawi sa lahat ng anak nila.

Hindi na kumibo si Rainiel at nagpatuloy sa pagkain nito ng hotdog bread nito. Abala na rin sa sariling pagkain si Riana. Aasikasuhin niya sana sina Adam at Rade pero pinigilan siya ni Reeve.

"I'll take care of these boys," he said. "Kumain ka na. It's your day."

"Sigurado ka?"

Tumango ito. "Sana magustuhan mo ang mga pagkain. Rainiel suggested your breakfast favorites. Riana helped me during the preparations."

Umupo na siya sa kabisera at nagsimulang kumain. Pagkatikim niya sa mga pagkain ay napangiti siya. Masarap nga ang pagkain...

Lihim siyang napasulyap kay Reeve. Pasalit-salit na sinusubuan nito ng pagkain sina Adam at Rade.

Agatha looked down and smiled. She does appreciate Reeve's efforts. Lalo na nang bago siyang balik sa bahay nila.

Kaya nga lalo siyang na-frustrate. Dahil na-o-overpower pa rin ng hindi magandang emosyon niya ang dapat na pagmamahal niya para sa asawa.

Naaawa na rin siya dito. Pero ano bang magagawa ni Agatha? Kahit siya ay hindi maintindihan ang sarili niya.

Pagkatapos kumain ay hiniwa na ang cake para makain ng mga bata. Her birthday breakfast ended well.

Tumayo na si Rainiel para maghanda sa soccer practice nito. Riana helped Reeve gather the dirty plates. Siya naman ang umasikaso kina Adam at Rade.

Naglalaro na si Rade sa crib nito habang si Adam naman ay sa playmat. Sumama si Riana sa mga kapatid nito at nakipaglaro.

Umakyat muna ng kuwarto si Agatha para i-check ang phone niya. Birthday niya pala ngayon, magte-text o tatawag si Trisha at ang mga pinsan niya. That's the thing she's sure about. Naaalala niyang ganoon ang mga ito.

At pagkakita niya nga sa phone ay puno iyon ng miscalls at text greetings mula kina Trisha at sa mga pinsan niya.

Nag-reply siya isa-isa sa mga ito ng pasasalamat. Habang ginagawa niya iyon ay pumasok si Reeve ng kuwarto.

"I'll just get the car key. Paalis na kami ni Rainiel."

Nilingon niya ito at nakitang nakahanda na itong umalis. Mula nang mag-usap sila nito ay hindi na sa kuwarto nila natutulog si Reeve.

Kahit hindi sila magkatabi ni Reeve noon ay sa kuwarto naman ito natutulog pa rin. Sa spare bed sa sahig ito natutulog dahil katabi niya gabi-gabi sina Rainiel, Riana, at Adam. Rade stills stays in the crib para walang makadagan dito.

But after their talk, nagboluntaryong lumipat ng kuwarto si Reeve. He sleeps in Riana's room. Nandoon na rin ang ilan sa mga damit nito.

Alam niyang nasaktan niya ang asawa sa mga inamin niyang damdamin kaya naiintindihan ni Agatha ang pasya nitong lumipat ng ibang kuwarto kahit hindi naman kailangan.

"Papasok ka ba sa trabaho ngayon pagkatapos mong samahan sa soccer practice si Rainiel?" tanong niya rito.

He shook his head. "Why? May pupuntahan ka ba?"

"Ahm... hindi ko kasi naaalalang birthday ko pala ngayon. I wanted to stay here all day with the kids, pero nag-confirm kasi ako sa isang... meeting ngayon."

"Iyan ba 'yong sa tumawag sa'yo noong Wednesday?"

"Yes..."

Noong isang araw lang ay nagulat si Agatha nang tawagan siya ng isang prominenteng music group at pinasusubok siyang mag-audition bilang piyanista.

Agatha felt thrilled. Ang alam niya ay every month, may musical play or recital ang grupong iyon sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

"Ihahatid kita. What time?"

"Alas dos pa naman sa hapon. Ayos lang bang..." Napayuko siya nang bahagya. Nahihiya. "Ayos lang ba kung samahan mo 'ko? Sabihan na lang natin sina Mommy na mag-baby sit sa mga bata."

Tumango si Reeve. "I'm more than glad to join you later. Sigurado kang... gusto mong samahan kita?" naninigurado pang tanong nito.

"I'm sure... I mean, hindi ko pa sinasabi sa iba. Kahit kina Mommy. O kahit kay Trisha. Walang nakakaalam na may offer sa'kin na ganito. Ikaw pa lang."

Reeve smiled. Nakatitig lang ito sa kanya. Tila may gusto pang sabihin o gawin. Pero sa huli ay nagpaalam na ito.

Fast forward to the afternoon, Agatha was nervous inside the car.

"Kababalik lang ng alaala ko kung paano tumugtog. Paano kung magkamali ako sa audition mamaya?" hindi niya mapigilang sambitin.

"You play from the heart, Agatha," Reeve calmly said. "Kahit magkamali ka pa sa pagtugtog, makikita naman siguro nila ang emosyon doon. At kung gaano ka kagaling. Don't worry too much."

Pumikit siya at pinagkiskis ang mga kamay. "Parang ayoko na lang tumuloy..." kinakabahan pa rin niyang sabi.

She heard Reeve sighed. Paglingon niya rito ay nakatutok lang ang mga mata nito sa pagmamaneho.

"Agatha, if you'll easily fear the first step in reaching your dreams, you won't be able to go to the next step and the next one. Kung magpapadala ka sa kaba at takot na baka hindi ka magaling bago mo pa subukan, wala ka talagang maaabot."

Huminga siya nang malalim. Matagal niya nang gustong gawin ito at ngayong may pagkakataon na, hindi na dapat siya kabahan ng ganito.

Pagkadating nila sa isang opisina sa Quezon City ay may tatlong babaeng mag-o-audition din na kasabay ni Agatha.

Thay are all obviously younger than her. Mukhang mga dalaga pa...

Huminto ang paa niya sa labas ng pinto. Napalingon sa kanya si Reeve.

"Agatha?"

Napatingin siya rito. "Huwag na lang kaya ako tumuloy?"

Napakunot-noo ito. "We're here already. Bakit hindi ka pa tutuloy?" Nilapitan siya nito. "Come one, show them how great you are."

"Pero, Reeve, nakita mo ba ang mga kasabay ko? Mga bata pa sila. Mas bagay silang makuha bilang part ng music group kaysa sa'kin. You know, you were right before. Hindi dapat ako dito. Let's just go home and be with our children and—"

"Agatha, look." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Sinalubong ang mga mata niya. "Are you getting insecure because they are younger?"

"If they'll get this part, it will be better for them. Ako naman, ina na 'ko. May mga anak. Hindi na dapat ako sumasali sa—"

"Hindi kita nagawang suportahan noon dito nu'ng mas bata ka pa. And thinking about it, you married me when you should have been doing this. Inuna mo 'ko kaysa sa pangarap mo. Pero hindi ibig sabihin niyon, hindi na nararapat sa'yo 'to. Hindi pa naman huli. Subukan mo, Agatha. Let's go inside and you play your best piece. Alright?"

Hindi pa rin mapakali si Agatha. "But I'm already thirty-four and—"

"Dreams know no age," he defiantly said. "Now, go inside and show them that after four children, your music is the still the greatest thing they can ever hear."

"But—"

Malakas siyang hinila nito papasok hanggang sa audition room.

"I don't play that great, Reeve," she worriedly said.

"You do! I heard you play the piano many times before. At narinig ko kahapon nang tugtugan mo si Rade. Amidst your condition, you still have it. Ito ang hindi nawala sa'yo, your God-given talent. Come on, Agatha."

Nagpumiglas si Agatha at umurong palabas. But Reeve kept pulling her inside. Matatawa sana siya sa hilahan nila kung hindi lang siya kinakabahan ng matindi.

"Mrs. Agatha Monteverde."

Natigilan silang dalawa at napatingin sa tumawag ng pangalan niya.

"You're next. Please, be ready in five minutes."

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Bakit siya kaagad? Nag-umpisa na pala? Gaano ba sila katagal na naghihilahan ni Reeve?

Impit siyang napatili nang hilahin siya ng malakas ni Reeve sa kamay at halos tumakbo na siya dahil sa laki ng mga hakbang nito papunta sa harapan.

"Are you Mrs. Monteverde?" tanong ng isang lalaking may hawak ng clipboard sa kanya.

"She's my wife. It's her turn, right?" ani Reeve.

"Yes. What piece will she play? Para ma-accompany ng violin."

Nilingon siya ng asawa. "What will you play?"

Nakagat niya ang ibabang labi at nahihiyang napayuko. "I-I... I'll play my own piece..."

"May dala po ba kayong sheet card para masundan ng violinist at ng panel?"

Napahawak siya sa strap ng shoulder bag niya. Ano bang naisip niya at original piece ang plinano niyang tugtugin?

Mas madali siguro kung Canon in D or Fur Elise na lang dahil alam iyon ng mga nasa panel. But she was not able to practice any of those...

"Reeve!" saway niya rito nang kunin nito ang bag niya.

He hastily rummaged inside the bag. Nakita naman agad nito ang folder. "Ito ba iyon?" tanong nito sa kanya pero kinuha na nito ang ilang kopya at binigay sa lalaking kausap. "Are these copies enough?"

"Wala pa pong title?" tanong pa ng lalaki.

Umiling siya. "Wala pa 'kong maisip..." Kinuha niya na ang bag mula kay Reeve

"Sige po. Please, stand by, Mrs. Monteverde."

Nang nakaalis na ang lalaki para ibigay ang musical sheets, hinampas niya si Reeve ng bag niya.

Pero nakaiwas ito. He lightly chuckled. "Now, stay calm, Agatha. Enjoy the experience."

She sighed, surrendering. "O-Okay..."

Reeve stared at her. With his dark night eyes adoring. "Just play like you always do. You'll be alright."

Tinawag na ulit ang pangalan niya. Lakas loob na tumapak siya ng entablado, nagpakilala sa panel, at saka umupo sa harap ng piano.

Pumikit siya at huminga ng malalim. She placed her fingers in the right keys and she started playing the piano.

Ang tugtog na lumalabas sa wala pang pamagat niyang kanta ay malamyos at mabagal lang sa umpisa. It slowly transitioned to a fast and cheery beat the next

Pagdating sa pangalawang verse, mabagal na ulit ngunit malakas ang bawat bitaw sa nota. Hanggang sa bumilis na—inaabot pati ang mas matataas nang nota.

At parang galit na unti-unting natunaw, bumagal na ulit ang tugtog ngunit malakas pa rin. Hanggang sa naging malambot ang bawat pindot ni Agatha sa mga teklada.

Umuugoy.

Sumusuyo.

What should be the title of her original piece? Hindi niya pa rin alam. Pag-iisipan niya pa.

She ended her four-minute play with a cheerful beat.

Agatha heard a clap from a singular person. Hanggang sa dumami 'yon at natanaw niya ang pagtango at ngitian ng mga panel sa isa't isa.

"Mrs. Monteverde, what inspired you to create what you just have played?"

"Ahm..." She unconciously searched around the crowd. Hinahanap ng mga mata niya si Reeve. "I can't remember... but when I started playing the piano, again, it just came out so I wrote it down..."

Tumango-tango ang nagtanong.

"Do you have any experiences performing in live musicals or concerts? You play like a soulful professional!" papuri ng matandang babaeng kasama sa panel.

Napangiti naman si Agatha sa komplimentong iyon. "I play at our house... I play for my four children..."

"Four?!" gulat ang mga ito. "We do know you're married pero hindi ka naman mukhang may apat na anak. Aakalain pa naming dalaga ko kung hindi lang kami nakatingin sa salutation mo."

"So you never played professionally and in front of a wide audience?"

"I played in a couple of recitals nang nag-aaral pa 'ko. But before I graduated from my second course, I got married and had my first son then." She remembered. Isang semester na lang sana pero nabuntis siya kay Rainiel kaya hindi muna siya pinapasok ni Reeve hanggang sa makapanganak siya.

Nang matapos niya naman ang music course ay nag-focus na siya sa asawa at pamilya.

"This will be your first time to work, kung matatanggap ka?"

Tumango siya. Maraming tanong pa ang sumunod bago tinawag ang susunod na pangalan para tumugtog.

Pagbaba ni Agatha ng stage ay para siyang nakahinga nang maluwag. She roamed her eyes and saw Reeve sitting in the front row.

Lumapit siya at umupo sa tabi nito.

"Did I play well?" tanong niya rito.

Agad naman itong tumango. "That's a great piece! I never heard you played that before. I felt your music."

Agatha was smiling widely and more confidently now. "Makuha ako dito o hindi, ang mahalaga nasubukan ko. I can audition naman ulit, right?"

"Of course. At sasamahan ulit kita."

"Para may kumaladkad sa'kin once I chickened out?" biro niya.

Ngumisi ito. "Definitely."

She chuckled and rested her back. Sumandal siya sa upuan at pumikit. Magandang tumugtog ang sumunod sa kanya. Pati ang sumunod pa. But somehow, she felt relaxed all over. Hindi na niya iniisip kung nagustuhan ba siya at matatanggap. She just felt good now that she tried.

After the audition, ang resulta daw ay ipapadala through email.

"Sa'yo nakatingin ang panel, I bet they chose you," sabi ni Reeve habang naglalakad sila pabalik sa sasakyan nito.

"Sana..." Tiningala niya ito. "Thank you for coming with me."

Si Reeve talaga ang gusto niyang makasama dito. Nais ni Agatha na bigyan ng chance ito na ipakita ang suportang dati ay hindi niya natanggap mula dito. Kahit pa iba na ang nararamdaman niya, hindi niya naman ipagkakait kay Reeve ang mga bagay na dapat lang na alam nito bilang asawa niya.

"While I was sitting there, watching you play, I can't help but reminisce the time that I first saw you play the piano," biglang pagkukuwento nito. "I have no plans to stay in that event. Pero hinintay kong makatugtog ka dahil nakita kita sa hilera ng mga tutugtog."

Hindi niya maalala iyon. But Agatha imagined the scene. "You stayed hanggang sa makatugtog ako?"

Tumango ito, nilagay ang kamay sa bulsa ng suot nitong jacket. "I was first drawn to you because of your music. Dapat inalala ko 'yon para hindi kita pinigilan noon sa pagsali sa mga ganito. You belong here, too."

Nagkibit balikat siya. "Siguro kaya hindi ko na rin pinilit nang hindi ka pumayag noon dahil nasa isip ko rin ang mga bata."

"I'm sorry if I wasn't supportive enough before," ani Reeve. "Maybe I was being selfish. I feared that once you got a job in music, magkukulang ang oras mo sa'min ng mga anak natin. But, ironically, I was the one who did that."

"Bumabawi ka naman na ngayon. Iyon na lang ang isipin mo," she cheered him up. "Ano palang balita kay Rainiel? Anong nangyari sa soccer practice niya? Was he rude to you, again?"

"No. Pero hindi niya lang ako kinikibo, Kakausapin niya lang ako kapag may kailangan siya. That boy..." Nasa kalagitnaan ng inis at adoration ang tinig nito.

"Siguro kailangan ay ibahin na natin ang disiplina lalo na sa kanya. Na-spoil si Rainiel dahil siya ang panganay." Aminado si Agatha doon. "I don't want him to grow up like that..."

"I'll handle him. Sabi ng Mama ay magkaparehas kami ng ugali ni Rainiel."

"Mapagtanim ka rin ng sama ng loob?"

"Dati. Nang hindi pa kita nakikilala."

Oo nga pala. Nakuwento na nga nito iyon. Ang mga ginawa niya noon para magawa na nitong magpatawad...

Nang nasa loob na sila nang sasakyan ay sinulyapan niya ang asawa. Reeve must have noticed because he glanced her way while he's driving.

"I can't remember how we celebrated my past birthdays before. But this day is a good memory to keep. Simpleng selebrasyon lang kaninang umaga kasama ang mga bata. And for the first time, I get to experience the first step towards my dream," sinserong wika niya. "I just want you to know that I appreciate your efforts for this day."

Lalo na nang sinamahan siya nito sa therapies dahil rekomendado ng doktor. Kahit ayaw niya, Reeve subtly made her understand why he's needed.

Ngumiti lang ito at binalik ang atensyon sa kalsada. "I'm glad you're enjoying your day."

"Reeve, gusto mo bang um-attend tayo ng marriage counselling?"

Tila nag-isip pa ito. Pagkatapos ay tumango. "That sounds good. Gusto mo rin ba?"

"Oo sana..." Naisip ni Agatha, kailangan din nilang mag-asawa iyon. Sa loob ng siyam na taon ay maraming naipon na issues sa pagitan nilang mag-asawa na hindi pa nila malalaman kung hindi lang siya naaksidente at nagka-amnesia. Ang sabi ng psychiatrist niya, ang suppressed feelings niya noon ay naglalabasan dahil hindi naman niya maalala na dapat pa lang itago iyon. Her feelings and negative emotions ran wild and affected her deeply. Lalo na sa tingin niya sa asawa.

But Agatha knew she can't be controlled by the past and negative emotions alone. Dapat ay siya ang kumontrol niyon. Kundi ay lalo lang siyang maguguluhan lalo na sa mga ginagawa niyang pagpapasya. In her every decision, she must consider her children and her marriage with Reeve. Hindi puwede um-ayaw lang siya. She has a family. She must fight herself.

"We never sought professional help before. Kaya tayo napunta ngayon dito. We are learning from our mistakes and we need that, don't you think so?"

"I do think so. Naisip ko na rin iyan. Hindi ko pa lang masabi sa'yo dahil nasa isip ko, nagte-therapy ka pa."

"I can manage," she softly said. "Para sa'ting dalawa naman 'to."

"What about we go for marriage counselling kapag mas stable na rin ang memories mo? Two more months in your psychiatrist then we'll attend counselling together. Let's focus on you first."

Lumabi siya at tumingin sa labas ng bintana. "Paano ka?" Naisip ni Agatha, kapag nag-marriage counselling sila, matutunan niya kung paano pa rin maging asawa kay Reeve habang kinikilala niya ulit ang sarili. "How about let's start next month? Masyado nang matagal ang dalawang buwan pa."

"Hmm..." He kept thinking. "Kung maganda ang progress ng therapies mo, then let's start next month. Kung kailangang mas matutukan ka pa, then next next month. What do you think?"

Nag-isip din mabuti si Agatha. May point naman si Reeve lalo na at dalawang seryosong bagay ang ginagawa niya ngayong therapies at gagawin niya kapag nag-umpisa na ang marriage counselling. "Okay. That's a good deal."

"May gusto ka pa bang gawin o puntahan bago tayo umuwi?" tanong ni Reeve.

"Wala akong maisip. I just want to be with the kids." She'll cuddle them all while they watch a good cartoon movie. "Umuwi na tayo."

At the end of the day, Agatha realized, she just wanted to be with her children. Not because she's obliged to be with them because she's their mother. But because she loves being around them. At maliliit pa ang mga anak niya kaya susulitin niya ang panahon na kumpleto pa ang mga ito. Dahil mabilis lang ang panahon. Before she knew it, her children will start to have their lives of their own.

At sa bandang huli, silang dalawa ni Reeve ang magkakasama sa pagtanda. Kaya nais niyang maayos sila nito.

Pagkauwi nila ay inasikaso lang nila ang mga anak. They spent the remaining days watching movies and listening to their children's stories.

The next day, Agatha received an email. Hindi siya natanggap sa music group. But she was referred to a musical theatre group. Sa susunod na buwan ang auditions at inaasahan siyang makapunta doon.

***

"HUWAG na lang kaya ako tumuloy? Baka hindi rin ako matanggap dito," aniya kay Reeve pagkarating nila sa audition place.

He ridiculously looked at her. "Isang buwan kang nag-practice para dito. Come on, give it a shot."

Huminga siya nang malalim at sinubukang ihakbang ang paa papasok sa music room pero nabato lang siya sa kinatatayuan. Ang lakas ng tibok ng puso niya at namamawis ang mga kamay niya.

Reeve gently pushed her inside. Pumihit siya patalikod para lumabas, pero hinapit na siya nito sa baywang at pilit pinaupo sa waiting area.

"Reeve..." nababahalang usal niya. She's chickening out, again.

"Nandito na tayo. Just play like you always do. Makuha ka dito o hindi, you gained another experience."

"Pero kasi baka... baka ma-reject na naman ako dito." Tiningala niya ito. "Nakakabawas ng confidence ang matanggihan, Reeve. Dahil lagi mong iisipin kung bakit hindi ka pinili. Kung anong kulang. Kung bakit hindi ka ganoon kagaling katulad ng iba."

He crossed his arms and looked straight at her eyes. "Agatha, every rejection pushes us to be better, to strive harder. We challenge ourselves beyond our limits. We cross our comfort zones. Hindi ibig sabihin ng rejection ay hindi tayo magaling. Ang gusto talagang iparating niyon ay may igagaling pa tayo. We must view that that way. Para din ipaalala na ang tunay na kalaban natin sa pag-abot ng mga pangarap natin ay ang mismong sarili natin."

Napakurap siya at napatitig dito. "You didn't say you're an encourager."

He smirked. "I got that from you."

"What?"

Tumango ito at tumingin sa stage kung saan nagsimula na ang audition. "When I became the hotels' CEO, hindi masyado naniniwala ang mga tao sa'kin. Ang board members kapag kaharap ko, mukhang suportado sila. Pero kapag nakatalikod ako, they question my guts to lead the two major hotels in the country. Ang sabi nila ay napunta lang ako sa posisyon ko dahil pinakasalan kita. I heard people talking about me. Talking about how I took the shortcut to success. Hindi naman daw talaga ako magaling. I just used my looks to charm you away."

Natahimik si Agatha. May ganoon palang nangyari dito? She can't remember...

"And then?"

"Sinabi ko 'yon sa'yo noon. Bagong panganak ka kay Riana. I felt rejected by my own company. You see, I'm the president and CEO. Nasa posisyon akong matagal kong pinangarap mula pagkabata. I am on the top. But... people don't believe I deserve to be where I am. And that's the biggest rejection I ever received. Nasa tuktok nga ako pero walang naniniwala sa'kin..." Nilingon siya nito. "Ikaw lang. Kayo lang na pamilya ko."

May napagtanto si Agatha. "Is that the reason why you work hard? You worked so hard, you lost time for us?"

Dinig ang lungkot sa buntong-hininga ito. "Partly so. I challenged myself. But it was in vain. Sa kagustuhan kong mapatunayan ang sarili ko sa iba, nakalimutan kong pahalagahan ang mga naniniwala na sa'kin noon pa," sabay sulyap nito sa kanya. "I wanted to be the perfect leader for them. Pero ang mga tao pala, kahit anong patunayan mo sa kanila, kapag ayaw nilang maniwala sa'yo, hindi sila maniniwala sa'yo. So, you just have to work in silence and let the success do the noise for you."

"Anong nangyari sa mga board members? Nakita na ba nila na dedication mo sa company?"'

"Some did. Some just don't. And I'm done. Gusto kong maging pinaka-top ang hotels natin para ipakita lang sa kanila na kaya kong gawin iyon habang ako ang namumuno. But after losing you? After realizing our children are almost growing up without a father? I'm done. Alam ko naman sa sarili kong kahit magtrabaho ako ng kalahating araw, hindi ako nagpabaya sa posisyon ko. That's enough. I think that's the true meaning of success. It's not about the amount of people who believes in you, but rather, it's the trusted responsibilities that we managed to accomplish."

Napasandal si Agatha sa kinauupuan. Pinagkrus niya rin ang mga braso sa tapat ng dibdib. "I'm sorry you have to go through all that, Reeve."

Nagkibit-balikat ito. "I got through, Agatha. Ngayon, mas malinaw na kung kanino lang dapat ako may patunayan."

Tinitigan niya ito nang mataman. Reeve is still strikingly handsome but she can see beyond that. Kahit ba wala siyang magandang alaala tungkol dito, she can almost feel how a passionate man he is.

"Enjoy this moment," sabi pa nito. "You don't have to impress the judges. Maybe just a little bit. Pero ipakita mo nang buo sa kanila kung anong klaseng piyanista ka. You don't have to be perfect. Just give them something real."

Lihim na napangiti si Agatha at tumingin sa stage. Malapit na siyang tumugtog. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay.

Natagalan pa bago siya makatugtog. At nang matapos siya ay lumagpas iyon sa oras na inaasahan nila ni Reeve na makakauwi sila. As usual, the result of the audition will be sent to emails.

"Reeve, hindi ka ba male-late sa dgroup niyo ni Prince?" tanong niya sa asawa nang nasa sasakyan na sila.

"Dgroup" or Discipleship groupis a small support group of people that shares their life and spiritual journey to each other. Para iyong bible study group. But more on it's a group of friends that gathers together para tulungan ang isa't isa sa spiritual walk ng mga ito. Kasasali lang ni Reeve last month. Matagal na daw kasi itong kinukulit ni Prince. May ganoon din daw siya dati kasama ang mga pinsan naman ni Reeve at si Trisha.

Mula nang sumali si Reeve, every Saturday night ay pumupunta ito kasama si Prince. Sa pagkakaalam niya ay sa bahay ng kapatid niya nagdi-Dgroup ang mga ito. Kasama din daw sa dgroup ng mga ito ang ilan sa mga pinsan niya. Katulad ni Kuya Reynald at Kuya River.

Reeve looked at his wristwatch. "Hindi siguro. Anyway, hindi naman strikto sa oras si Johann. Nagsisimula sila kapag kumpleto na."

"Sana makapag-dgroup na rin ako. Sino nga uli ang kasama ko sa dgroup?"

"Si Trisha, Haley, Lavender, at Sapphire. Crystal Jane got a different group. Kasama niya doon sina Erica, Pamela, at Lana."

Kilala niya na ang asawa ng mga pinsan niya kaya hindi na bago sa pandinig niya. "How about Czarina?" tukoy niya sa asawa ni Kuya Bari.

"Kung saan niya gusto. Minsan nasa grupo niyo siya. Minsan na kay Haley siya."

"I think I really need to be in a dgroup, again. My faith is hitting rock bottom," nalulungkot niyang sabi dito. Hindi sumasapat ang pagsisimba nila Linggo-Linggo o kahit pa ang pagdadasal niya.

"Sabi naman ni Doktora, puwede ka nang sumali sa social groups ulit. It can actually help you regain more of your memories if you go out more with your friends."

Alam naman niya iyon. Sa totoo lang talaga ay nahihiya siyang humarap pa sa mga pinsan ni Reeve dahil nga nagi-guilty pa rin siya sa pag-iiba ng damdamin niya. Although, nagkakaintindihan naman sila ni Reeve ng mga dapat gawin, iba pa rin kasi kapag kaharap niya na ang mga kamag-anak nito. Kahit nga sa mga biyenan niya ay nahihiya siyang makipag-usap madalas... Parang sa tingin niya ay alam ng mga itong iba na ang pagtingin niya sa asawa.

Pagdating nila sa bahay ay nakapagluto na ang Mommy niya. Sabay-sabay silang naghapunan ng mga bata. Then Reeve left for his dgroup. Dalawang oras lang naman 'yon. Nakakabalik ito bago pa makatulog ang mga bata.

When Reeve came back, Agatha was surprised that he brought home a bouquet of blue roses for her. Sa tingin niya ay nagningning ang mga mata niya. Lalo na nang maamoy iyon. She doesn't remember if she likes flowers. Pero kakaiba sa pakiramdam sa tuwing binibigyan siya niyon kahit ng kay Niel niya pa noon.

"Daddy, what's your pasalubong for us?" Riana asked. "Si Mommy lang lagi may flowers?"

"Of course, I didn't forget about you." Lumuhod ito sa harap ni Riana at mula sa isang paper bag ay naglabas ito ng isang sunflower-shaped marshmallow.

"Wow! Thank you, Daddy!" Riana kissed him on the cheeks. "I love you so much!"

"Me, too! Me, too!" Adam complained. Tumayo ito mula sa playmat at lumakad papunta kay Reeve.

Naglabas ng car-shaped marshmallow si Reeve at binigay kay Adam. Their little boy's eyes twinkled. "Love you, Daddy! Love you!" hagikgik nito.

Binuhat ito ni Reeve at pinugpog ng haik sa buong mukha.

"What do you have for Kuya Rain and Rade, Daddy?" Riana asked.

"Rade can't still eat sweets, so I just got him this." Naglabas si Reeve ng pacifier na hugis microphone.

"Wow! How about Kuya Rain, Daddy?"

Napasulyap si Agatha sa panganay nila. Tahimik lang itong nanonood ng TV. Ayaw makigulo sa pasalubong ng ama. But she noticed Rainiel silently glancing at Reeve. Pero agad din nitong babawiin.

"Hmm. I don't think your Kuya still wants sweets. Sabi niya sa'kin kanina habang nagpa-practice siya, pambata na lang daw ang marshmallows at candies."

"You got him nothing, Daddy? That's sad," ani Riana. "Kuya Rain, share tayo sa marsmallow ko. Look, o. It's big."

Umingos si Rainiel. "I don't like to eat that."

Nagkibit-balikat lang si Riana at lumapit sa kanya. "Mommy, can I eat just a little bit?"

Ibinaba niya ang hawak na bulaklak. "Gabi na, baby. Baka hindi ka makatulog dahil sa sugar. Maaga pa naman tayo magsisimba bukas. You can eat this tomorrow na lang."

Lumabi ito. "Just a little little tinybit, Mommy. I just want to taste what Daddy gave me. Please, Mommy."

Hinaplos niya ang buhok nito. "Bukas na lang. After breakfast, I'll let you finish that. Tapos ka na rin mag-toothbrush."

"Let her have a tiny bit," ani Reeve. "Makakatulog pa rin naman siguro siya. I'll just help her brush her teeth, again."

"Pero gabi na, Reeve."

"A tiny bite won't hurt." Umupo ito sa gilid ng kama at kinandong si Riana.

Napakunot-noo si Agatha. "Reeve, I said 'no'," aniya sa malumanay pang boses. "Riana knows that they can't eat sweets kapag bed time na nila."

"Hindi naman niya uubusin. Isang kagat lang. It's just a marshmallow, Agatha. Ngayon lang naman."

"Riana won't be able to sleep. Mataas ang sugar rush niya," tanggi niya pa rin.

"I'll have her drink a lot of water after. Come on, Agatha. Our daughter deserves a little bite. She's a darling."

"Bahala ka na nga." Marahas siyang tumalikod at lumabas ng kuwarto. Naghanap na lang siya ng vasa sa baba kung saan puwede ilagay ang mga bulaklak.

Sinundan pala siya ni Reeve sa pagbaba.

"Agatha, are you mad?"

"You like to spoil our children, don't you?" naiinis niyang sabi. "It's a rule since the beginning that they can't eat sweets when it's almost their bed time. Alam kong masyadong mahigpit iyon. But it's just a simple rule that the children must learn to follow."

"But sometimes, you can let lift the rule. Riana's our kindest daughter. She deserves a little reward. It's a type of conditioning, Agatha. Kapag napansin niyang pumapayag tayo minsan na maging exception to the rule siya dahil mabait siyang bata, she'll continue the good behavior."

"I know that but we can just reward her of an extra hour in playtime. Pero hindi ang pagkain ng sweets sa gabi. They must learn to wait. Gusto ko sa paglaki nila, unti-unti kong aalisin ang rule na iyon. And they will be able to understand that as long as they obey us, they can have their freedom little by little. That's discipline."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Marshmallow lang naman iyon. And what's a little bite?"

"Parang kapag nagnakaw ka. Kahit pa piso lang ang kinupit mo, it's still a form of thief. Kahit gaano pa kaliit iyan kung against the rule, kaparehas lang din iyon nang parang kumain siya ng buong marshmallow kahit hindi na nga puwede."

He looked at her ridiculously. "Then I'll just let Riana eat the whole damn marshmallow," he sarcastically said.

Hinampas niya sa dibdib nito ang bulaklak. "Don't use your sarcasm on me, Mr. Monteverde!"

"Isang kagat nga lang ang gusto ng bata. Give her a break."

"Makikita iyon ni Rainiel. Maiinggit siya at puwede niyang isumbat iyon kapag may rule siyang gustong i-break. Kasi nakita niyang hinayaan natin si Riana minsan."

"Then we'll explain to him that we let Riana take a bite because it's her reward for being helpful around the house."

"Reeve, Riana won't eat that marshmallow!" she firmly said.

"But—"

"Daddy, Mommy, don't fight na. I won't eat na po." Tumakbo sa pagitan nila si Riana bitbit ang sunflower marshmallow nito.

Parehas silang natigilan ni Reeve. Para silang parehas nauntog. Nagkatinginan sila.

Are they really arguing over a marshmallow?!

"I'll just eat this tomorrow. I'm kind of sleepy. Mommy. Can we put this inside the ref na lang po?" she kindly asked.

"O-Okay, baby." Kinuha ni Agatha ang marshmallow at itinabi mabuti sa gilid ng ref.

"I love you, Mommy. Good night." Yumakap ito sa baywang niya bago yumakap din kay Reeve. "I love you, Daddy. Good night!"

Pagkatapos ay umakyat na ito sa hagdanan. Naiwan silang tahimik ni Reeve. So...

Napatingin siya sa ref kung nasaan ang marshmallow na pinag-aawayan na pala nila.

Agatha winced. Parang ang small deal lang niyon... She looked up the same time he looked at her.

Lumabi siya habang kinagat naman nito ang ibabang labi para mapigil ang pagtawa.

But later on, they just laughed at each other.

Siguro nga at hindi malaking bagay ang pinagtalunan nila. But it goes to show that this... this is something real.

The perfect marriage could have been Agatha just agreeing with Reeve to let Riana eat the marshmallow. But what they have now is something real, including having to fight over that matter. And it's not just about the marshmallow. They started an argument on how they could raise their kids.

Inilagay na ni Agatha ang blue roses sa nakitang vase. "You're right, Reeve," she whispered.

Sumandal ito sa kitchen counter. "I'm right to let Riana have a bite?" nakangising wika nito.

"No," she chuckled. "We just have to be real."

It feels good to share her reasons and she's seeing the point in Reeve's reasons, too. Maybe they can blend it sometime. Pag-usapan lang nilang mas mabuti. Tutal para naman sa mga anak nila iyon.

***

HINDI ulit natanggap si Agatha sa pangalawang pagkakataon. It's kind of sad at first. But later on, she was convinced to try again. May ni-refer naman na bagong music company na puwede niyang pag-apply-an.

"Girl, doon ka na lang kasi sa Fresh Music. Doon ako nagta-trabaho bilang pianist," ani Trisha. "Mabilis lang kitang maipapasok doon."

Uminom si Agatha ng watermelon punch. "Hindi ba mas maganda kung matatanggap ako kasi nakita nilang may potential talaga ako?"

"Ano ka ba? Matagal ka nang gustong kunin ng kompanya. Tanong mo pa si Pamela. Siya kaya manager ko. Kasama ka sa nakakitaan niya nang talent noon pa. Kaso ako lang ang tumuloy sa FM dahil nga busy ka na sa family mo."

"Hmm. Susubukan ko muna ang ni-refer sa'kin. Kapag hindi pa rin ako natanggap dito, I'll go in your company."

"Sana magkasama na lang rin tayo sa work," anito at pumalakpak pa. "Mula highschool, first college course, at second course, magkasama na tayo. Kaya dapat sa FM ka na lang rin."

"I'll just audition one last time, alright? Babalitaan kita kapag hindi na naman ako natanggap." Surprisingly, Agatha's not that upset like the first time she got rejected. Ngayon ay pursigido siyang mag-try pa ulit.

"Nasaan na pala si Reeve?"

Nasa isang social dinner sila. But it's more like a business dinner. Invited si Reeve at sinama siya nito dahil nandoon din daw si Prince at Trisha. Kaya sumama na rin siya kahit mas gusto niyang makipaglambingan lang sa mga anak sa bahay.

"Hindi ba magkasama silang nag-ikot ni Prince?"

"I can see my husband now." Tinuro ni Trisha ang buffet table. "Hindi niya na kasama si Reeve."

Nagpalinga-linga si Agatha. Natanaw naman niya si Reeve, malapit ito sa grand staircase ng mansyon kung saan ginanap ang social dinner. May mga kausap itong lalaki't babae. Siguro ay mga negosyante rin.

"Kumusta na kayo? Natuloy kayo sa marriage counselling?"

"Nag-sign up na kami ng counselling sa CCF. Tatawagan kami kapag may available nang mag-counsel sa'min." Agatha forked a mozarella stick. "Nag-marriage counselling din ba kayo ni Prince minsan?"

Tumawa ito. "Hindi minsan. Yearly! Mukha lang kaming cool pero malalim kami lagi mag-away. Lalo na kapag hindi sinasadya nagkakaungkatan ng past kahit napatawad naman namin ang isa't isa. Pero kapag galit ka na kasi, kung ano-ano na lang nasasabi namin. Nasasaktan namin isa't isa. Kapag hindi na namin kayang dalawa, nagpapa-counsel talaga kami. Kasi 'yong galit, love din naman 'yon. Sa maling energy lang nailabas."

"Right..." Napatango-tango siya at saka nilingon ulit kung nasaan si Reeve. Ngunit napakurap siya nang makitang isang babae na lang ang kausap nito.

They were laughing about something.

"Nahiya naman ako sa cleavage niya," biglang komento ni Trisha kaya napatingin siya rito. Nakatingin na rin pala ito sa kausap ni Reeve.

Hindi niya kilala ang babae. Pero naka-body con dress ito na hanggang tuhod lang ang haba. Kurbang-kurba ang itim na damit sa katawan nito. And the neckline is almost on the top of her diaphragm.

"Hindi naman nagsabi si Duke na puwede palang um-awra ng ganyan," sabi pa ni Trisha. "Eh di sana nag-ganyan din ako! Nagbe-breastfeed pa tayo kaya malaking-malaki pa."

Muntik nang mabuga ni Agatha ang punch na iniinom. "Trisha," saway niya sa kaibigan.

"O, bakit?"

Napailing siya. "Okay naman tayo sa suot natin. This looks more sophisticated." Parehas silang naka-three fourths sleeved blouse at plated skirt na lagpas tuhod ang haba. Dahil parehas silang matangkad ng kaibigan ay bagay sa kanila ang mga ganoon.

Suminghap ito. "May pagtataray ba 'kong narinig sa'yo, Agatha Anderson Monteverde, huh?"

"Kumain na lang tayo. Malapit na rin kami umuwi ni Reeve dahil magte-ten PM na. Baka hinihintay kami ng mga bata."

Pero nakatingin pa rin si Trisha sa direksyon ni Reeve. "Wala ka na bang nararamdaman na love kay Reeve? Kahit maliit na maliit lang? Wala ka na ba talagang pakialam na may kausap siyang babae na kulang na lang idikit niya ang boobs niya kay Reeve. Hayy... may mga babae pa namang, mas gusto makipag-flirt sa mga married man."

Parang sasakit ang leeg ni Agatha dahil sa pagpipigil niyang lumingon.

Nanlaki ang mga mata ni Trisha. "Girl, may paghaplos na siya sa braso ng asawa mo!"

Napabuga siya ng hangin at hinayaan na lang ang sariling lumingon. True to that, the woman's softly tapping Reeve on his arm.

"Was he unaware of it?" bigla na lang niyang nasambit. Hindi sinasadyang napalakas ang pagbaba niya ng hawak na tinidor sa pinggan.

"Based from experience, sabi ni Prince Duke sa'kin, minsan daw hindi talaga sila aware. Pero kapag masyado nang halata, nararamdaman naman nilang mga lalaki. Sila naman daw ang kusang lumalayo kapag ganoon."

"Hindi pa lumalayo si Reeve," Agatha blankly said. The woman's still caressing Reeve in the arm. Patuloy lang sa pakikipag-usap ang asawa niya.

"Baka hindi pa siya aware. Halika, kain na lang tayo. Masarap 'tong mozarella stick nila, right? Paano ba gumawa nito? Gagawan ko sina Duchess at Pharaoh."

Napailing na lang si Agatha at kumain na rin. Pero biglang wala nang lasa sa kanya ang pagkain. Uminom siya ng punch. Naging mapait iyon sa bibig niya.

Napalakas ang pagbaba ni Agatha ng baso sa lamesa. Lumikha iyon nang ingay na nilingon nang ilan.

Trisha winced. "Cool ka lang, girl."

Huminga siya nang malalim. "I'm cool..." Pero lumingon ulit siya sa direksyon ni Reeve.

Lumayo na ang lalaki sa babae. Pasimple nitong inilayo din ang braso. But the woman stepped closer and put her hand on his chest. Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Reeve.

"Look, Trisha, Reeve's uncomfortable. Where's Prince? Papuntahin natin siya doon." she said, alarmed. "Trisha, ayaw na ni Reeve doon!"

Sa gulat niya ay tumawa pa ito. Parang nang-aasar. "Akala ko ba 'you fall out love', bakit nagseselos ka pa rin?

"H-Hindi. Reeve's just uncomfortable there. Parang kailangan niya nang tulong."

"Oh, you care."

"Of course I do. He's still my husband," she reasoned out. "At isa pa, these past few months, lagi akong tinutulungan ni Reeve around the house, around the city, even around myself."

"Uh-huh." Parang walang pakialam na sumubo ito ng mozarella stick.

Napalingon ulit si Agatha. Mas halata na sa itsura ni Reeve na hindi ito komportable.

Without thinking, she stood up. Malaki at mabilis ang mga hakbang niya. Bahala na.

Hindi niya gusto ang nakikita.

Hinila niya ang kamay ni Reeve at malakas na tinabig ang kamay ng babae.

Iba ang gustong sabihin ni Agatha. But she unconsciously blurted out, "Get your hands off my husband, bitch," she said, almost murder cold.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

418K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.6M 114K 33
Eugene Arguelles-a kind-hearted, gorgeous, serious, and irresistible single father. Nakilala niya ang babaeng babago sa kanyang buhay. Tanya Aragon-g...
19.9K 624 14
Pagkatapos barilin si Leon ng kinikilalang ama ay walang malay siyang inanod ng ilog patungo sa dagat hanggang sa mapadpad sa isang isla. A young and...
507K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020