An Open Letter to My Ex ✔

By quosmelito

10.7K 505 48

Sometimes we spend our lifetime looking for love in a different place, and tend to overlook the right one in... More

Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - Epilogue

One

1.4K 37 4
By quosmelito

***Markus' POV***

   "You're late." Bungad niya nang makita akong nakatayo sa booth na iyon. Actually ay kani-kanina pa ako roon at naabutan ko siyang nakadukdok sa mesa.

   Iiling iling ko lang siyang pinagmamasdan.

   "I'm not. Maaga ka lang." Sagot ko matapos kong maupo sa katapat na couch.

   "Jiro." Tawag niya sa waiter na agad namang lumapit.

   "Yes, my dearest Kalen?"

   Namumungay ang mga mata niyang nginitian ang waiter. "Half bucket and isha pang plate nito." Turo niya sa plato na hindi ko alam ang laman dahil puro tira na lang iyon.

   "Coming right up, sweetie."

   Kumindat pa ang waiter bago umalis na ikinainis ko. I hate that waiter.

   "You should go home, Kal. Halika na ihahatid na kita. You're wasted."

   "Wasted? Ano bang shinashabi mo, ha? Wala pa nga ako sa kalahati eh. Wag kang killjoy." Halos dumukdok na siya sa table.

   Tinitigan ko siya at sinuri. Kahit anong tingin ko ay talagang lasing na siya. Hindi naman siya sanay uminom. Kahit kaunting alcohol lang ang inumin niya ay mabilis siyang tinatamaan.

   Tumayo ako at lumipat sa tabi niya.

   "Come on. Wag ka nang makulit, iuuwi na kita."

   Dinampot ko ang cellphone at wallet niya saka ko iyon ibinulsa.

   Halos hindi na niya maidilat ang mga mata at namumula na rin ang pisngi niya sa kalasingan.

   "Ugh. 'Di ako lasheng. Markush Vienne Paddison."

   Tinapik niya ang kamay ko saka siya tumawa.

   "Nakakatawa initial ng name mo. MVP." Muli siyang tumawa. "Player ka ba?" Saka niya dinutdot ang dibdib ko sa nanlalambot na galaw.

   Kinunotan ko siya ng noo. Hindi ko maintindihan ang taong ito. Matagal na siyang hindi umiinom. Why now? Siguradong hindi na naman siya makakabangon bukas ng umaga.

   "Huy. Shabi ko. Player ka ba?" Pabulol na sabi niya.

   Bumuntong-hininga ako saka siya pinagbigyan sa boring niyang joke.

   "Bakit?" Patamad kong tanong.

   "Eh kashe, MVP ka." Saka siya tumawa na para bang iyon na ang pinakanakakatawang pick up line sa mundo.

   "Okay, now, let's go."

   Dumukot ako ng ilang lilibuhing bills sa sarili kong wallet at inilapag sa table. Bayad sa nainom niya at sa hindi pa dumadating na order.

   Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko saka ko hinapit ang maliit niyang katawan. He smelled like alcohol. Pero hindi niyon matalo ang natural sweet scent ng katawan niya.

   Inakay ko na siya palabas ng bar.

   "Malaya ka na. Magagawa mo na ang lahat ng gushto mo, kahit mashaktan man ako. Malaya ka na wag ka nang umasha pang magbabalik ako, lilimutin ka't hindi mabibigoooooo...hoooo!"

   Here we go again. Lasing na nga siya. He only sings when he's drunk. At isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw ko siyang nalalasing. He has a horrible singing voice.

   Nang marating namin ang kotse ay maingat ko siyang isinakay sa passenger seat saka in-adjust ang sandalan niyon pahiga.

   Habang byahe ay panaka-naka siyang umuusal ng mga salitang hindi ko maintindihan.

   Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa apartment niya. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa third floor. Agad kong in-enter ang code sa pinto ng unit niya.

   Pumasok kami habang sumusuray si Kalen. Kung hindi ko siya aalalayan ay tiyak na kakalabog siya sa lapag. Sinipa ko pasara ang pinto at tinungo ang kwarto niya.

   Sa salas ay nagkalat ang manuscripts, laptop, gamit na tasa, at ilang balat ng chocolate bars. Napapailing na lang akong nilagpasan ang mga iyon at binuhat si Kalen nang walang kahirap hirap.

   He was small afterall.

   Nang maipasok ko siya sa kwarto ay agad ko na siyang ihiniga at nilinisan ng katawan.

   "Ahh. Ang sharap maligo sha beach. Daming kabibe oh." Itninaas pa niya ang kamay na parang may itinuturo.

   "Stupid. Turn on your side." Saka ko siya itinulak para mapunasan ang likod niya.

   Oras na dumampi ang bimpo sa ibabang bahagi ng likod niya ay awtomatiko siyang tumawa. Yeah iyon ang isa sa mga parteng malakas ang kiliti niya.

   "Wag kang malikot."

   Pero dahil lasing siya ay parang wala siyang narinig at patuloy lang sa pagkislot ng katawan. Binilisan ko na lang ang pagpupunas. Pinatuyo ko ang katawan ni gamit ang tuyong bimpo saka siya pinulbusan.

   Tinungo ko ang closet niya at naghanap ng pantulog.

   Napangiti ako nang makita ko ang pares ng pajama na regalo ko sa kanya. Well, kung pwedeng i-consider na regalo ang isang bagay na ipinilit lang niyang bilhin ko para sa kanya.

   Dinampot ko ang Spiderman pajamas saka iyon isinuot sa kanya.

   "I'll leave now, okay?" Kausap ko sa kanya habang nakaupo ako sa gilid ng kama.

   Hindi siya sumagot at nanatiling nakapikit. Hinawi ko ang buhok sa noo niya saka iyon dinampian ng mabining halik.

   Naudlot ang pagtayo ko nang maramdaman kong nakakapit ang maliit niyang kamay sa suot kong damit.

   "Stay."

   Nakapikit pa rin siya. Ito iyong mga pagkakataon na hindi ko siya kayang tanggihan.

   Look at him.

   He looks like a vulnerable baby that's begging a mother not to leave. And he's not even trying look like one. Natural na sa kanya iyon.

   Napapailing akong naghubad at tumabi sa kanya. Oras na maramdaman niya ang paghiga ko ay agad na pumulupot ang braso niya sa tiyan ko, ang isang hita niya sa hita ko, at isiniksik ang mukha sa kili-kili ko.

   Sumagap siya ng hangin saka nakangiting pinakawalan iyon.

   Niyakap ko siya gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakapatong sa braso niya sa tiyan ko. Mayamaya pa ay dinalaw na rin ako ng antok.

-------------------------------------------

***Kalen's POV***

   Hmm.

   Comforting.

   Iyon ang unang pumasok sa nag-aagaw kong diwa. My room is my favorite place and my bed is my favorite possesion, except for my laptop of course.

   Ikiniskis ko ang mukha ko sa unan saka iyon niyakap. I love my pillows too. I mean, they are my friends. Pwede akong umiyak sa kanila. Pwede ko silang yakapin when I feel alone. And I can sleep on them kapag gusto kong magpahinga.

   But this pillow is different. Gumagalaw iyon na parang may sinisundang ritmo ng mabining pag alon.

   Pinakiramdaman ko iyong mabuti.

   Heartbeat ba yong naririning ko? Ang sarap niyong pakinggan. Para ba iyong paulit ulit na musika at walang katapusan.

   Kailan pa nagkaroon ng heartbeat ang unan ko?

   Siguro ay nananaginip lang ako. Muli akong nagpatalo sa antok at lalong niyakap ang unan.

   Hindi pa man ako nahuhulog muli sa pagtulog nang marinig ko ang mahinang ungol kasabay ng pagpulupot ng mga braso sa beywang ko.

   Ang nakapagpadilat sa akin ang matigas na bagay na paulit ulit na tumutusok sa pang upo ko.

   Nag-angat ako ng ulo at ang nabungaran ko ay ang tulog na si Markus.

   Anong ginagawa niya rito? Saglit akong nag-isip pero ayaw gumana ng utak ko dahil sa matinding kirot niyon.

   Muli sana akong pipikit at dudukdok sa dibdib ni Markus pero nagigising ako sa mabagal na pag angat ng beywang niya at pagtama ng bagay na iyon sa pang upo ko.

   Nagdilat ako ng mga mata. Kaya naman pala ay nakadapa ako sa ibabaw niya. Hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko sa sakit ng ulo ko.

   Habang nakapikit ay inalis ko ang kamay niya sa likod ko at nagpatihulog sa tabi niya.

   Pero sa halip na sa kama pa rin ako bumagsak ay dire diretso ako sa sahig.

   "Aww."

   Hinimas ko ang nasaktan kong balakang. "Stupid floor!" Saka ko iyon hinampas. "Aw!" Again, I hurt myself.

   "Ang ingay mo naman."

   Tumingala ako para tingnan nang masama si Markus. Nakatukod ang dalawang siko niya sa kama at pipikit-didilat ang mga mata dahil sa antok habang nakakunot ang mga kilay.

   "Kasalanan mo 'to." Nakaingos kong sabi sa kanya habang tumatayo.

   Lalong nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

   "Ako? Paano?"

   "Yeah. Kung hindi mo itinusok tusok sa akin yan." Saka ko itinuro ang bukol sa boxers niya. "Hindi sana ako babangon at mahuhulog."

   "Psss." Muli siyang nahiga saka pumikit. "Hindi ka na nasanay. Sisihin mong sarili mo dahil para kang sanggol na nakakubabaw sa akin. Saka ano naman ang masama ron? Para namang di mo pa to nakita noon."

   Umismid ako at tinungo ang closet. "Mga bata pa tayo noon. Hindi pa yan ganyan. Saka ano bang ginagawa mo rito sa unit ko?" Tanong ko habang naghahanap ng damit na pamalit."

   "Well, you should thank me. Lasing na lasing ka kagabi. Ang sabi mo kakain tayo, pero pagdating ko sa bar lango ka na sa alak."

  Now I remember.

   "And that Jiro guy stared at you like a predator waiting for its prey. Baka nga kung hindi ako dumating ay malamang na ni-rape ka na non."

   Gusto kong kilabutan sa sinabi niya. I know Jiro well, hindi siya ganoong klase ng tao. But the thought of being raped doesn't sit well in my mind.

   At lalo lang sumakit ang ulo ko dulot ng hang-over.

   Kumuha rin ako ng damit na pwedeng isuot ni Markus. Well, damit niya talaga. Kapag nakikitulog ako sa unit niya ay damit niya ang isinusuot ko sa pag uwi.

   "Oh." Hinagis ko ang gray na t-shirt at ang boxer niya na sinuot ko nang minsang abutan ako ng ulan sa condo niya. Malaki iyon at kinailangan ko pang talian ng rubber band para hindi mahubad.

   "Mauna na akong maligo."

   "Bakit ka ba kasi uminom kagabi? Alam mo namang mortal mong kaaway ang alak." Tanong niyang prenteng nakahiga pa rin.

   Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng bathroom.

   "He's back." Lumingon ako sa kanya.

   Tinitigan muna niya ako na parang binabasa ang nasa isip ko.

   "So?" Sa wakas ay tanong niya.

   Nagkibit ako ng balikat saka lumapit sa kama at naupo.

   "Wag mong sabihing umaasa ka pang magkakabalikan kayo?"

   Gusto kong mapangiwi sa itsura ni Markus. Para siyang tatay na nangangaral sa anak na kung magkakamali ka ng sagot ay makakatikim ka ng palo.

   Yes. Gusto ko iyong isagot sa kanya, but I know better.

   "I just want a proper closure." Sa halip ay sagot ko.

   Somehow ay totoo iyon. Like, napakahirap maiwan sa ere na maraming katanungan sa isip mo. Gaya ng saan ba ako nagkulang? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? May nasabi ba akong nakasakit sa damdamin niya?

   Kaya gusto kong makausap si Drew.

   A closure. A proper closure.

   Pero ayokong sabihin kay Markus na may parte pa rin ng puso ko ang umaasa na magkakaayos pa rin kami ni Drew.

   "Ano pa bang closure ang kailangan mo? Iniwan ka na nga. Meaning ayaw na niya." Masama ang tinging ipinukol niya sa akin.

   Napasimangot naman ako.

   "You don't understand. Gusto ko lang magkaroon ng tuldok ang lahat." Pabulong na sabi ko habang nakayuko.

   Marahas siyang nagbuga ng hangin.

   "You can fool everyone but not me, Kalen Avery. Bata pa lang tayo ay kilalang kilala na kita."

   Napakagat ako sa labi at napangiwi.

   Sometimes I hate Markus for knowing me like the back of his hand. Such a disadvantage.

   For a straight one minute ay tinitigan lang niya ako. And like a kid caught cheating, hindi ako makatitig sa kanya nang diretso.

   "Fine! I want him back in my life. Gusto kong magkaayos kami. Gusto kong bumalik kami sa dati. There, narinig mo na."

   Naupo siya at mayamaya ay walang ekspresyon ang mukhang tumayo. Pinulot niya ang pantalon sa sahig saka iyon isinuot kasunod ng binigay kong t-shirt.

   "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

   "Home."

   "Wait." Habol ko sa kanya sa pinto pero dirediretso siyang lumabas. Sa salas ko na siya naabutan.

   Hinawakan ko ang ladlaran ng damit niya.

   "Galit ka ba?"

-------------------------------------------

***Markus' POV***

   "Galit ka ba?"

   Nilingon ko siya.

   Naiinis ako oo. But I can't stay mad at him for too long. Looking at him now na parang batang nakakapit sa damit ko na anytime ay iiyak, it makes my heart melt.

   Bumuntong hininga ako saka ko siya hinarap at hinawakan sa balikat.

   "Kal, look at me." Tumingala siya with those big beautiful brown eyes. "I just don't want you to get hurt again."

   "But.."

   Naiinis akong bumuntong hininga.

   "Ano bang nakita mo sa g*go na yon ha?" Medyo mataas ang tonong tanong ko.

   "Don't shout at me! And don't call him that!" Sigaw niya. He looks really cute when he's furious though. Ironic, ayaw niya nang sinisigawan pero naninigaw naman siya. Tsk.

   Tinabig niya ang kamay ko at nagmumukmok na umupo sa sofa.

   I rolled my eyes.

   Okay. Now ako naman ang manunuyo.

   Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.

   "Kal."

   "I just want to be happy again, you know." Pabulong na sabi niya.

   Niyakap ko siya at awtomatiko naman siyang gumanti ng yakap.

   I really hate seeing him hurting. Kaya lagi kong ibinibigay ang gusto niya at makakapagpasaya sa kanya. His happiness comes first even if it means setting aside my own.

   "Okay. I won't stop you."

   Tumingala siya at tumitig sa akin.

   "Really?"

   Napipilitan akong ngumiti saka tumango.

   "But on one condition."

   Kumunot ang noo niya. "Ano?"

   "Kapag ayaw na niya, wag mo na siyang pag aksayahan ng panahon okay?"

   "Deal." Nakangiti niyang sagot.

   Ginulo ko ang magulo na niyang buhok. Kalen has been very precious to me since the day we met in that playground.

   And I always see to it na masaya siya kahit minsan ay masakit para sa akin.

   "How about a bubble bath?" Nakangiti kong sabi.

   Alam kong hindi niya iyon matatanggihan dahil mula pagkabata ay paborito niyang maglaro sa mabulang bath tub.

   At kahit ngayong nakalampas na kami sa teenage years ay may parte pa rin sa kanya ang isang batang musmos.

   "Tara. And back massage. I call first!" Masigla niyang sabi at nagmamadaling pumasok sa kwarto.

   He's such a child. And that makes him very vulnerable. Kaya hindi ko siya kayang iwan o ipagkatiwala sa iba. He can easily get hurt kahit sa mga simpleng salita lang.

   He needs someone to look after him. Someone that knows him and understands him. And that someone is not his asshole of an ex.

   'Then who?' Tanong ng isip ko.

   Iiling iling akong sumunod kay Kalen habang naghuhubad.

   Hindi na iyon mahalaga. I'll take care of him as long as I live.

-------------

Continue Reading

You'll Also Like

176K 3.2K 13
HIS Trilogy: Side Story Maraming nagsasabi na, "true love waits". Pero hanggang kailan ka nga ba dapat maghintay lalo na at binigay mo ang pagkakata...
52.1K 2.1K 56
I am Jamie. And this about not giving in to the madness of this world. This is all about the chasing and the running after what you truly want.
77.3K 841 10
The Full story is only available on Dreame. Search for my Pen name, IthinkJaimenlove and Follow me. Date Started: April 11, 2019. Date Finish: April...
30.9K 1.4K 26
Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers. Being a responsible child and a loving b...