Elemental Warriors (Book 1)

By Zachriel13

117K 1.1K 62

Sorry the story is uploaded on dreame, hope you can support me there More

Prologo
Ang Mga Tagapagmana
Ang Tournament
Buhay At Kamatayan

Ang Demon Child

16.8K 258 16
By Zachriel13

 "Princessa Lian, nandyan na po ang mga kaibigan nyo" sabi nang isang babae na pumasok sa isang kwarto.

"Salamat" sabi nang isang babaeng may berdeng buhok at kulay brown na matang kawangis nang sa pusa.

Sya ay nakasuot nang kulay maroon na cloak, ang buhok nya ay naka pony-tail na tirintas hangang dulo, sya ay may tengang patulis at may kayumangging balat.

"Sa wakas natapos ka narin" sabi ni Naht (Prinsipe nang Forest Castle, may berdeng buhok at mata. Sya ay may kaputiang balat at naka-cloak nang berde)

"Tayo na" yaya ni Mabe (isang babaeng may pilak at maikling buhok, mga matang pusa at patulis na tenga, may suot na maroon na cloak)

"Ano kaya ang makukuha nating kakayahan?" sabi ni Gyn (isang babaeng may itim at mahabang buhok, berdeng mga mata at berdeng cloak)

"Sana naman may makuha akong monster form" sabi ni Worp (isang lalakeng may pilak na buhok matang pusa at patulis na tenga, nakasuot nang maroon na cloak)

"O ba't tahimik ka?" tanong ni Mach (isang lalakeng may itim na buhok, berdeng mga mata at cloak) sa kasama nilang naka berdeng cloak rin.

"Ha..." sabi ni Drake (isang lalakeng may mahabang puting buhok at pulang mga mata) na nagulat kaya walang naisagot.

"Ako bang iniisip mo" sabi ni Lian na yayakapin sana si Drake mula sa likod kaso nakaiwas ito at bumagsak si Lian sa lupa una ang mukha at nagtawanan ang mga kaibigan nya

"Ayos ka lang?" tanong ni Drake kay Lian na tinulungan itong bumangon.

"Ok lang, bakit ka kasi umiwas" sabi ni Lian habang nag-papagpag.

"Tayo na at baka gabihin tayo" sabi ni Mabe nang makitang di nasaktan si Lian.

"Mabuti pa nga" sabi ni Naht bago sila nagsimulang tumakbo at tumalon sa mga puno.

----------------------------------------------------------------------------------

"Nandito na tayo" sabi ni Lian nang makarating sila sa templo nang mga elemento.

"Eksakto, wala nang pila at kalalabas palang nang huli" sabi ni Mach na nakatingin sa lalakeng nakapulang cloak na palabas nang templo.

"Papasok ba kayo sa templo?" tanong nang isang gwardia na lumapit sa kanila.

"Opo, kami po ang mga bata mula sa Animal at Forest Castle" pakilala ni Naht para sa lahat.

"Pumila na kayo at isa-isa kayong papasok sa loob" sabi nang gwardia na sinunod naman nang mga bata pagkatapos nilang mapagtalunan kung sino ang mauuna.

"Sige na maaari ka nang pumasok" sabi nang gwardia kay Drake na nasa unahan.

"Pumasok ka lang sa pintuang mabubuksan mo" sabi nang isa bago pumasok si Drake.

----------------------------------------------------------------------------------

"Ang laki" sabi ni Drake na tinignan ang paligid at nakita ang pintong may simbolo nang Zircon.

"Mabuti pa simulan ko na sa huli" sabi ni Drake na lumapit sa pinto at binuksan.

Ang loob nang kwarto ay gawa sa diamante.

"Nakapasok ako!" gulat na sabi ni Drake na naglakad sa loob.

"May isa pang nakapasok?" sabi nang isang boses bago umilaw ang simbolo at lumabas ang isang uri nang maliit at mabalahibong nilalang na may mahabang tenga at patusok na dyamante sa noo.

"Anong nangyayari!" gulat na sabi ni Drake dahil umilaw sya nang itim na may shade nang pula.

"Ibinibigay ko sa'yo ang isang barrier na kayang harangan ang ano mang bagay na tatama rito" sabi nang tagapagbantay bago umilaw si Drake.

"Sala..." di na natapos ni Drake ang sasabihin dahil nawala na ang tagapagbantay.

"Sunod ang Yore" sabi nito pagkalabas nya sa Zircon at tumapat sa pinto nito.

"Bumukas din?" sabi ni Drake nang subukan nya itong buksan.

"Tuloy ka" narinig nyang sabi nang isang boses.

Ang loob ay simple lang, meron lang itong malaking hourglass sa gitna at naka-dapo sa taas nito ang nilalang na may katawan nang tao at ulo, pakpak, kamay at paa nang agila.

"Mukhang di nga nila nagawa ang sinabi nang dating tagapagmana" sabi nang tagapagbantay, na nakatingin sa itim at pulang ilaw kay Drake.

"Anong ibig mong sabihin?" naguluhang sabi ni Drake.

"Hindi pa ito ang tamang oras, ibinibigay ko sa'yo ang kakayahang maka-punta agad sa ano mang lugar na naisin mo" sabi nang tagapagbantay bago sya nawala.

"Teka lang" habol ni Drake pero hindi na bumalik ang bantay.

Sinunod nya ang Xeno, ang loob nang kwarto ay gawa sa bakal.

"Ibinibigay ko sa'yo ang kakayahang gawing bakal ang iyong lamang loob, para proteksyunan ito sa ano mang pinsala" sabi nang nilalang na may katawan nang tao at ulo, kamay at paa nang toro.

"Kasama rito ang..." sabi nang tagapagbantay kaso tumigil ito at nawala.

"Ano kayo yon?" nagtatakang sabi ni Drake.

Sunod ang Weald, ang loob nang kwarto ay puno nang halaman at mga puno.

"Bakit parang mali yata ang suot mong cloak?" tanong nang isang nilalang na gawa sa bato at napapalibutan nang halaman at mga sanga nang puno.

"Bakit?" tanong ni Drake na muling naguluhan.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang palaguin ang mga halaman at..." sabi nang tagapagbantay na napatigil.

"At?" tanong ni Drake.

"Mabuti pa sya na ang magsabi nang isa pa" sabi nang tagapagbantay bago ito nawala.

"Teka lang, sinong sya?" habol ni Drake kaso wala na yung tagapagbantay.

"Ang Vestige, di pa daw ito nagbibigay o bumubukas man lang sa kahit kanino" sabi ni Drake na tumapat sa pinto nang elemento nang anino.

"Nabuksan ko!?" masaya at gulat na sabi nito bago tuluyang binuksan ang pinto.

Ang loob nang kwarto ay may liwanag na nakakasilaw.

"Sa wakas, may dumating narin na karapat dapat" sabi nang isang boses kasabay nang paglabas nang itim at pulang ilaw kay Drake.

"Karapat dapat?" tanong ni Drake na nakatakip ang braso sa kanyang mata.

"Ibinibigay ko sa'yo ang buong kakayahan nang Vestige" sabi nang boses.

"Buong ka..." din na natapos ni Drake ang sasabihin dahil bigla syang nanghina at napaluhod.

"Bilang Mimic ikaw ngayon ay kayang kontrolin ang anino, kaya mong gawin itong sandata o maging anino, kaya mo ring gayahin ang eksaktong galaw at kakayahan nang sino mang nakita mo maging ang isang tagapagmana" sabi nang boses.

"Hawak mo rin ako ang tagapagbantay nang Vestige, kapag ginamit mo ako bilang monster form ay makakaya mong gayahin ang ano mang monster form nang ibang elemento kasama na ang mga espesyal na kakayahan nito" dagdag nang boses bago naging normal ang ilaw.

"May nakuha akong monster form at hindi lang basta moster form, moster form nang Vestige" masayang sabi ni Drake kahit medyo nanghihina habang lumalabas nang kwarto.

"Pwede na kong lumabas" sabi ni Drake na naglakad na palabas.

"Pero di ko parin alam ang pangalawang binigay nang Weald" sabi nito na bumalik at tumapat sa pinto nang Ultra.

"Sa tingin ko ganon rin ang Xeno" sabi nito bago binuksan ang kwarto.

Ang loob nang kwarto ay puno nang mga simbolong hindi maintindihan ni Drake.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang madaling maintindihan ang mga bagay-bagay" sabi nang isang nilalang na pinagsama-samang leon, kambing at ahas.

Sinunod nya ang Taboo, ang loob nang kwarto ay...

"Anong nangyayari?!" gulat na sabi ni Drake dahil bigla syang lumutang pagpasok nya sa loob.

"Huwag kang matakot" sabi nang isang uri nang nilalang na may katawan nang kalabaw at ulo nang baboy na nasa gitna kasabay nang paglabas ulit nang ilaw kay Drake.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang magpalutang nang kahit na ano mang bagay at kontrolin ito" sabi nang tagapagbantay bago sya nawala.

"Spirit na ang sunod" sabi ni Drake paglabas nya nang Taboo at tumapat sa pinto nang Spirit, kaso bigla syang tumalsik palayo nang sinubukan nya itong buksan.

"Anong nangyari?" sabi ni Drake na hawak ang likuran habang tumatayo.

"Anong nangyari dito?!" humahangos na sabi nang isang gwardia palapit kay Drake.

"Tumalsik po ako nung sinubukan kong buksan ang kwarto nang Spirit" sabi ni Drake na lumapit sa pinto pero ngayon ay tumalsik agad sya.

"Nakakapagtaka?" sabi nang gwardia na sinalo si Drake.

"Ngayon lang tumangi nang ganito ang Spirit" isip nang gwardia pero "Mabuti pa laktawan mo nalang ang Spirit" sabi nang gwardia habang itinatayo si Drake.

"Mabuti pa nga po" sabi ni Drake na tumapat sa Radiant, habang naglakad palabas ang gwardia.

Ang loob nang kwarto ay merong mga laser na nakakalat sa buong kwarto.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang madaling makabawi nang lakas" sabi nang isang isang uri nang nilalang na may walong ulo at mahabang leeg na nasa iisang katawan.

Sunod ang Quake, ang loob nito ay gawa sa lupa na para bang nasa ilalim nang lupa.

"Ibinibigay ko sayo ang katatagan na parang bato" sabi nang isang malaking pagong na gawa sa lupa at bato naman ang bahay nito sa likod na may mahabang leeg at mala-dragon na ulo.

"Bakit po?" tanong ni Drake dahil nakatingin lang sa kanya ang tagapagbantay.

"Wala, makakalabas ka na" sabi nang tagapagbantay bago ito nawala.

Sunod ang Panacea, ang loob nito ay purong puti at nasa gitna nito ang lalagyan nang simbolo at nasa taas ang isang nilalang na may parang dragon kaso ito ay may patusok na buntot.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang magpagaling gamit ang iyong mga anino at nang dilim" sabi nang tagapagbantay bago nawala.

"Dilim? Di ba ayon yung kahinaan ko dapat?" naguguluhang sabi ni Drake habang lumalabas.

Sunod ang Ocean...

"Ano to?" sabi ni Drake dahil puno nang tubig ang loob nang kwarto.

"Sana makalabas ako rito nang buhay" sabi ni Drake na nag-ipon nang hangin bago pumasok sa loob.

Sa loob ay nakita nya sa gitna ang isang malaki at mahabang nilalang na parang ahas.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang makahinga sa ilalim nang tubig" sabi nang tagapagbantay matapos makita ang ilaw na nangaling kay Drake.

Sunod ang Nirvana

"Ano nanaman to" sabi ni Drake dahil walang aapakan sa loob nang kwarto na para bang lumulutang ang kwarto sa himpapawid.

"Subukan mong iapak ang paa mo sa loob" sabi nang isang uri nang ibon na may ulo nang aso, paa nang leon at buntot nang peacock.

"I apak" sabi ni Drake na sinunod ang sinabi nang tagapagbantay at may ulap na lumabas sa kanyang aapakan hangang sa gitna malapit sa tagapagbantay.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang lumipad nang malaya sa himpapawid" sabi nang tagapagbantay nang makalapit si Drake at makita ang ilaw na nangaling rito.

Sunod ang Mystic, ang loob nang kwarto ay nagbabago nang itsura.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang maging mahinahon kahit na sa oras nang kagipitan" sabi nang isang nilalang na may katawan nang usa, paa nang kabayo, buntot nang toro, iba-ibang kulay na likod at isang sungay sa ulo.

Sunod ang Lightning, ang loob nang kwarto ay puno nang koryenteng dumadaloy sa dingdeng.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahag maging immune sa koryente" sabi nang isang malaking ibon na may koryenteng mata at malakas na hangin ang lumalabas kapag pinagaspas nya ang pakpak nito.

Sunod ang Knowledge, ang loob nang kwarto ay puno nang mga makabagong bagay na ngayon palang nakita ni Drake.

"Ibinibigay ko sayo ang talento sa pag-gamit nang ano mang sandata" sabi nang isang nilalang na mukhang lobo, may dragon na paa sa unahan, mahabang buntot, malaking patusok na tenga at patusok na dila.

Sunod ang Juggernaut, ang loob nito ay puno nang mga ulo nang halimaw.

"Ibinibigay ko sayo ang isang mabilis na reflexes" sabi nang isang nilalang na may ulo at katawan nang tao pero ito ay may mga kuko nang ibon, pakpak, sungay at buntot.

Sunod ang Inferno, ang loob nang kwarto ay gawa sa apoy. Maliban sa isang platform papuntang gitna.

"Sana hindi ako masunog" isip ni Drake bago pumasok.

"Galing ka sa Forest Castle?" tanong nang isang malaking ibon na may pinaghalong ginto at pulang balahibo.

"Opo" sagot ni Drake kahit na hindi nya alam kung bakit.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang maging immune sa apoy" sabi nang ibon matapos nitong tumingin kay Drake nang ilang segundo bago nawala.

"Bakit kaya?" nagtatakang sabi ni Drake habang palabas.

Sunod ang Hail, ang loob naman nito ay gawa sa yelo maliban rin sa daanan papunta sa gitna.

"Matapos ang sobrang init, sobrang lamig naman" sabi ni Drake bago pumasok.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang maging immune sa lamig" sabi nang isang puting kabayo na may isang sungay sa ulo pagkatapos makita ang ilaw kay Drake at bago ito nawala.

Sunod ang Gust, ang loob nang kwarto ay may malakas na hangin.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang tumawag nang hangin" sabi nang isang kabayong may pakpak bago ito naging hangin at nawala.

"Fatality ang elemento nang kamatayan, mukhang wala talaga silang pinapapasok dito" sabi ni Drake na nakatingin sa pinto na may pa-ekis na kadena.

"Matagal na ko dito, dapat pumunta na ko sa susunod" sabi ni Drake na papunta na sa kasunod na pinto kaso bumukas ang pinto nang Fatality.

"Pano bumukas yan?" nagtatakang isip ni Drake na nakatingin sa pintuan na naka-todo nang bukas at nakita nya ang loob na may malalaking sulo sa dingdeng na may apoy.

"Mabuti pa isara mo na at pumunta ka na sa susunod" sabi ni Drake sa sarili na lumapit upang isara ang pinto.

"Sa wakas, dumating ka na rin" sabi nang isang nakakatakot na boses mula sa loob.

"Si..." di na nya natapos ang sasabihin dahil may biglang humawak sa braso nya at hinila sya papasok kasunod ang pagsara nang pinto.

"Anong nangyari?" sabi ni Drake habang tumatayo kaso napabagsak sya patalikod nang nakita nya ang isang nilalang na may itim na pakpak at kasuotan, dalawang mahabang sungay at puno nang dugo ang katawan.

"Sa wakas, may nabuhay rin at nakapuntang Demon Child dito sa kinalalagyan ko" sabi nang dyablo.

"Demon Child?" naguguluhang sabi ni Drake na nakabawi na at nagsimula nang tumayo.

"Hindi ako ang demon child dahil matagal na syang patay" sabi ni Drake.

"Nasayo ang Dark Elements, ang patunay na ikaw ang Demon Child na karapat-dapat maging sisidlan ko" sabi nang dyablo bago tumawa.

"Dark elements" sabi ni Drake na naalala ang sinabi nang Weald.

"Pero nag-kakamali ka dahil hawak ko na ang Vestige, at wala pang taong dalawa ang nakukuhang elemento" sabi ni Drake.

"Nakain ko na dati ang Vestige kaya lagi ko na itong makakasama sa iisang tagapagmana" sabi nang dyablo bago naging itim ang apoy sa paligid.

"Anong nangyayari?!" naalarmang sabi ni Drake dahil gumalaw ang mga apoy papunta sa kanya.

"Nag-simula na ang seremonyas para sa bagong Demon Child" sabi nang dyablo bago sabay-sabay na tumama kay Drake ang mga apoy.

"Aaaaaahhhhhhh!" sigaw ni Drake na napaluhod dahil sa sakit habang nababalutan sya nang apoy.

Hindi nagtagal ay naging itim na lupa ang apoy na nakabalot kay Drake. Pagkatapos non ay unti-unting pumuporma ang lupa sa itsura ni Drake bago ito naging itim na bakal. Ang bakal ay naging itim na yelo bago nabasag upang maging itim na hangin kasunod nang pag-tubo nang itim na baging sa kanyang paanan na pinuluputan sya kasunod nang pagbago nito at naging itim na tubig pababa sa paanan nya na pinalitan nang itim na koryenteng dumaloy sa kanya bago bumalik sa mga sulo at bumalik na sa pagiging normal na apoy.

"Hindi to maaari" sabi ni Drake na nakaluhod parin.

"Kung ayaw mo kong lumabas, kailangang huwag kang mamatay hangang di ka pa umaabot nang 33-taong gulang" sabi nang dyablo.

"Huwag mamatay, pano ko yon magagawa? Siguradong patay na ko oras na malaman nilang hawak ko ang Fatality" sabi ni Drake habang tumatayo.

"Ayon ang maling akala nila, hindi nila dapat katakutan ang Demon Child hangang buhay pa ito. Dapat nila itong katakutan oras na mamatay ito" sabi nang dyablo bago sumanib kay Drake.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Drake kaso biglang nagbago ang paligid nya.

"Pano ko nakalabas?" naguguluhang sabi ni Drake na nakatingin sa kadena nang pintuan nang Fatality bago nahilo.

"Umiral nanaman siguro ang imahinasyon mo" sabi ni Drake bago naglakad at tumapat sa pinto nang Ensanguined.

Ang loob nang kwarto ay puno nang dugo, ito ay dumadaloy sa may dingdeng papunta sa gitna nang kwarto.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang gumawa nang sandatang gawa sa dugo kasama na ang paggaling nang sugat na pinagkunan mo nang dugo" sabi nang isang uri nang itim na aso na may malaki at pulang mga mata at "webbed" na paa.

"Sunod ang Dawn" sabi ni Drake na tumapat sa pintuan na may simbolo nang Dawn.

"Kung ako sayo hindi ko na susubukan pang pumasok dyan" narinig nyang sabi nang isang boses.

"Sino ka?!" nagulat na tanong ni Drake na tumingin sa paligid.

"Ako si VIEL ang huling Demon Child bago ka, magsisilbi akong gabay mo para matutunan mo ang paggamit sa iyong mga kakayahan" sabi nang boses .

"Ibig sabihin totoo ang nangyari kanina, pero paano?" sabi ni Drake na natulala.

"Syempre totoo yon, espirito mo lang ang ipinasok nang Fatality para hindi ka mapahamak" sabi ni Viel.

"Hindi ka makakapasok dyan kasi kasalungat mo ang Dawn" dagdag nito dahil tulala parin si Drake.

"Kung ganoon ayon ang dahilan kung bakit ako tumalsik kanina nang sinubukan kong buksan ang Spirit" sabi ni Drake na natauhan na.

"Sinubukan mong pumasok sa kwarto nang Spirit!" gulat na sabi ni Viel.

"Oo, bumubukas kasi lahat nang pintong binubuksan ko, isa pa hindi ko naman alam na ako ang..." sabi ni Drake kaso natigilan ito at naglakad na papunta sa kwarto nang Crypt.

Sunod ang Crypt, ang loob nito ay purong dilim maliban sa mahinang ilaw sa gitna nang kwarto.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang makakita sa dilim" narinig nyang sabi nang isang boses.

Sunod ang Brutish, ang loob nito ay puno nang larawan nang mga hayop.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang mag-paamo nang kahit na ano mang hayop" sabi nang isang nilalang na may katawan nang leon at ulo, pakpak, unang paa nang agila.

Sunod ang Amplitude, ang loob nang kwarto ay parang sa kalawakan.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang makipag-usap sa iba gamit lamang ang isipan" sabi nang isang malaking nilalang na mukhang ahas at may pakpak nang ibon.

"Sa wakas, tapos na din" sabi ni Drake pag-kalabas nya nang kwarto.

"Mabuti pa lumabas na ko" sabi nito bago naglakad palabas.

"Bakit nga pala kailangan kong mabuhay hangang 33-taon kung ayaw kitang lumabas?" tanong ni Drake habang naglalakad sya palabas.

"Dahil ang mga tagapagbantay ay mananatili lang sa tagapagmana hangang 33 taon nila, ang panahon na ito ay dapat gugulin upang matutunan nang mga tagapagmana ang kanilang kakayahan" sabi ni Viel.

"Edi hangang 33-taon lang ang kakayahan namin?" sabi ni Drake.

"Hinde, lalong lalakas ang kakayahan nyo dahil sasanib na sa inyo ang monster form at sa oras na iyon ay mawawala na kaming mga gabay nyo" sabi ni Viel.

"Magiging isa?!" sabi ni Drake na natigilan sa paglalakad.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman magbabago ang itsura mo, lalakas lang ang kakayahan mo" sabi ni Viel.

"Wala nga rin palang tagapagmana ang isang elemento habang nabubuhay ang ginawa nitong tagapagmana" dagdag nito.

"Narinig ko yon kaya nga daw mahirap makumpleto ang mga tagapagmana at dati parin nila gustong makumpleto ang mga ito, maliban sa Fatality" sabi ni Drake na nagsimula nang maglakad.

"Pinag-darasalnilang makumpleto ang mga tagapagmana?" natatawang sabi ni Viel."Oo,malaking tulong daw kasi kapag nakumpleto ang mga tagapagmana dahilsa mga kakayahan nang mga ito" sabi ni Drake na hindi napansinang pagtawa ni Viel."Hindinila alam na malas na makumpleto ang mga tagapagmana?" sabi niViel kaso hindi ito narinig ni Drake dahil sinalubong sya nang mgakaibigan nya.

Continue Reading

You'll Also Like

243K 18.4K 29
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
DARK WEB By

Mystery / Thriller

6.1K 123 27
Handa ka na bang pasukin ang misteryong bumabalot sa kinatatakutan at kontrobersyal na Dark Web?.....Tunghayan ang kwento ng nilalang na matapang na...
77.2K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...