Ang Demon Child

16.8K 258 16
                                    

 "Princessa Lian, nandyan na po ang mga kaibigan nyo" sabi nang isang babae na pumasok sa isang kwarto.

"Salamat" sabi nang isang babaeng may berdeng buhok at kulay brown na matang kawangis nang sa pusa.

Sya ay nakasuot nang kulay maroon na cloak, ang buhok nya ay naka pony-tail na tirintas hangang dulo, sya ay may tengang patulis at may kayumangging balat.

"Sa wakas natapos ka narin" sabi ni Naht (Prinsipe nang Forest Castle, may berdeng buhok at mata. Sya ay may kaputiang balat at naka-cloak nang berde)

"Tayo na" yaya ni Mabe (isang babaeng may pilak at maikling buhok, mga matang pusa at patulis na tenga, may suot na maroon na cloak)

"Ano kaya ang makukuha nating kakayahan?" sabi ni Gyn (isang babaeng may itim at mahabang buhok, berdeng mga mata at berdeng cloak)

"Sana naman may makuha akong monster form" sabi ni Worp (isang lalakeng may pilak na buhok matang pusa at patulis na tenga, nakasuot nang maroon na cloak)

"O ba't tahimik ka?" tanong ni Mach (isang lalakeng may itim na buhok, berdeng mga mata at cloak) sa kasama nilang naka berdeng cloak rin.

"Ha..." sabi ni Drake (isang lalakeng may mahabang puting buhok at pulang mga mata) na nagulat kaya walang naisagot.

"Ako bang iniisip mo" sabi ni Lian na yayakapin sana si Drake mula sa likod kaso nakaiwas ito at bumagsak si Lian sa lupa una ang mukha at nagtawanan ang mga kaibigan nya

"Ayos ka lang?" tanong ni Drake kay Lian na tinulungan itong bumangon.

"Ok lang, bakit ka kasi umiwas" sabi ni Lian habang nag-papagpag.

"Tayo na at baka gabihin tayo" sabi ni Mabe nang makitang di nasaktan si Lian.

"Mabuti pa nga" sabi ni Naht bago sila nagsimulang tumakbo at tumalon sa mga puno.

----------------------------------------------------------------------------------

"Nandito na tayo" sabi ni Lian nang makarating sila sa templo nang mga elemento.

"Eksakto, wala nang pila at kalalabas palang nang huli" sabi ni Mach na nakatingin sa lalakeng nakapulang cloak na palabas nang templo.

"Papasok ba kayo sa templo?" tanong nang isang gwardia na lumapit sa kanila.

"Opo, kami po ang mga bata mula sa Animal at Forest Castle" pakilala ni Naht para sa lahat.

"Pumila na kayo at isa-isa kayong papasok sa loob" sabi nang gwardia na sinunod naman nang mga bata pagkatapos nilang mapagtalunan kung sino ang mauuna.

"Sige na maaari ka nang pumasok" sabi nang gwardia kay Drake na nasa unahan.

"Pumasok ka lang sa pintuang mabubuksan mo" sabi nang isa bago pumasok si Drake.

----------------------------------------------------------------------------------

"Ang laki" sabi ni Drake na tinignan ang paligid at nakita ang pintong may simbolo nang Zircon.

"Mabuti pa simulan ko na sa huli" sabi ni Drake na lumapit sa pinto at binuksan.

Ang loob nang kwarto ay gawa sa diamante.

"Nakapasok ako!" gulat na sabi ni Drake na naglakad sa loob.

"May isa pang nakapasok?" sabi nang isang boses bago umilaw ang simbolo at lumabas ang isang uri nang maliit at mabalahibong nilalang na may mahabang tenga at patusok na dyamante sa noo.

Elemental Warriors (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon