Living In A Ghost Fighter Wor...

By RedLovesViolet

2K 887 410

"Hindi ko alam kung paano ako napunta sa mundo ng mga Ghost Fighters. Ang alam ko kasi pinapanood ko lang sil... More

A/N
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 4

101 44 10
By RedLovesViolet

Shane

   "Eto hija ang magiging silid mo." Wika sakin ng mommy ni Dennis. "Binilhan na rin pala kita ng mga damit."

   "Naku maraming salamat po. Pano nyo nga po pala alam na dito po ako makikitira?" Nagtataka lang kasi ako.

   "Sinabi na sakin ni Dennis kanina lahat at kung saan at paano ka napunta dito sa mundo namin." Malumanay na sabi nya.

   "Sya nga pala, pakitignan na lang yung mga damit panloob kung sakto sayo. Ang sabi kasi ni Dennis malusog ang dibdib mo at ang pang upo mo." Namula tuloy ako sa sinabi nya. Tinignan ko si Dennis, nagkibit balikat lang sya.

   "Hehe, salamat po mommy." Nahihiyang sagot ko. "Kelan po pala kayo namili nito?"

   "Kanina lang hija. Tamang tama nasa mall ako ng tumawag sya sakin."

  "Ah." Tangong sabi ko.

   "O sya magpahinga ka na. Kung may kailangan ka pa wag kang mahiyang magsabi sa amin. Nandyan lang sa kabilang kwarto si Dennis." Lumabas na sya ng kwarto. Naiwan kami ni Dennis sa loob. Katahimikan ang namayani.

   "Thank you for everything." Nakayuko kong sabi.

   "Wala ka dapat ipagpasalamat. Sige na magpahinga ka na." Isinara na nya yung pinto ng kwarto. Hinanap ko kung may cr ba yung kwarto. Hay salamat meron naman. kumuha ako ng pantulog. Infairnes ang daming pinamili. Halatang mayaman. Pumasok na ako ng cr.

   Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin dito. Sinigurado kong nakalock lahat ng bintana ko.

   Bumaba ako sa kama para kumuha ng maiinom. Feeling ko kasi natuyo na yung lalamunan ko.

   "Di ka makatulog?" Nagulat ako sa nagsalita. Si Dennis pala. Nakasandal sa may pintuan. Ang cute nya ngayon. Nakapantulog rin sya.

   "Oo eh. Namamahay lang siguro ako." Palusot ko. Pero napaparaning lang talaga ako sa takot.

   "Ganon ba? Wag kang mag alala masasanay ka rin."

   "Hanggang kelan ba ako dito? Saka pano ako nagkaroon ng kakayahang magpagaling?" Di ko mapigil na itanong sa kanya.

   "Hindi ko rin masasagot yang tanong mo."

   Bumuntong hininga na lang ako. Wala rin pala syang alam.

   "Akyat na ako." Sabi ko at nilagpasan ko na sya. Nag give way naman sya sakin.

———
   Iminulat ko yung mga mata ko dahil pakiramdam ko may nagmamasid sakin. Nagulat pa ako ng bumungad sa mukha ko yung mukha nila ate Charlene at Jenny na nakangiti.

   "Kumusta ang tulog mo?" Parang pusang tanong ni ate Charlene.

   "Okay lang naman ate. Pano kayo nakapasok dito?"

   "Di mo kasi nailock yung pinto mo. Bihis ka na para makapasok na tayo." Si Jenny yung sumagot.

   "Ah. Sige maliligo lang ako."

   Kumilos na nga ako para pumasok. Pag dating namin sa school napahinto ako sa paglakad.

   "Bakit Shane?" Takang tanong ni Jenny sakin.

   "Para kasing may sumusunod satin." Nagpalinga linga pa ako.

   "Halika na bilisan na lang natin." Suhestyon ni ate Charlene. Binilisan namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa hallway na wala masyadong dumadaan.

   "Waahhh!" Napasigaw kaming tatlo ng biglang may tumalon sa harapan namin. Ito yung guro na nakita ko kanina sa baba.

   "Hahaha." Malademonyong tawa nya.

   "Sa wakas makukuha na rin kita. Mapapa saakin na ang buhay na walang hanggan." Dagdag pa nito. Ibig sabihin hindi talaga sya isang guro. Nagpanggap lang pala sya.

   Humakbang sya palapit samin. Napaatras naman kami.

   "Takbo!" Sigaw ko at tumakbo kami ng mabilis. Hindi pa kami masyadong nakakalayo ng bigla na naman syang sumulpot sa harapan namin. Pulang pula yung mata nya. Lumabas na rin yung mga pangil nya.

   Akmang susunggaban nya na ako ng sapakin ko yung mukha nya.

   "Ouch! Ang tigas ng mukha nya." Reklamo ko. Nakita ko syang napadapa sa sahig. Pagkakataon namin yun para tumakbo.

   "Maghiwalay tayo." Mungkahi ko sa kanila. "Dito ako sa kanan, dun naman kayo ni Jenny sa kaliwa."

   "Hindi pwedeng mag-isa ka lang Shane, delikado." Pagtanggi ni ate Charlene.

   "Akong bahala. Basta humingi kayo ng tulong." Kinindatan ko pa sila.

   "Sige. Hahanapin namin sila Eugene." Pagsang ayon ni Jenny.

   Tumakbo sila pakaliwa at ako naman pakanan. Nakita kong nakasunod pa rin yung halimaw sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko lang na madamay sila dahil sa akin kaya pinahiwalay ko sila sa akin. Nakarating ako ng rooftop kakatakbo.

   Nakakita ako ng pamalo at pinulot iyon.

   "Sa tingin mo maililigtas ka nyang hawak mo, magandang binibini?" Nakakalokong tanong nya sakin.

   "Tignan natin?" Nakataas kilay na sabi ko. Hinawakan ko ng mahigpit yung bakal na napulot ko.

   Nakita kong tumatakbo na sya papunta sa akin. Inihanda ko naman yung sarili ko. Bago sya makalapit sakin, hinataw ko na agad yung tiyan nya ng ubod lakas. Nakita kong napaubo sya ng dugo.

   "Walang hiya kang babae ka." Galit na turan nya sakin. Akmang susugurin nya na naman ako ng hatawin ko sya sa ulo. Nakita kong sumirit yung dugo mula sa ulo nya.

   "Aahhh! Papatayin kitang babae ka." Pasugod na naman sya sakin pero naiwasan ko sya. Hinataw ko ulit yung ulo nya. Doon na sya nawalan ng malay. Ewan ko baka patay na dahil nakita kong nabasag yung ulo nya.

   May naririnig akong mga yabag. Hinawakan ko ulit ng mahigpit yung pamalo ko.

   "Bilisan nyo baka nandito sila." Boses ba yun ni Jenny?

   Biglang bumukas yung pintuan ng rooftop at iniluwa nun sila Jenny kasama sila kuya Eugene, kuya Alfred at Dennis.

   "Mukhang hindi nya naman kelangan ng tulong eh." Nakangiting sabi ni kuya Eugene sabay thumbs up pa sakin.

   "Binibini, ikaw ba may gawa nyan?" Nanlalaki yung matang tanong ni kuya Alfred. "Ang lakas mo pala. Natalo mo sya. Hahahaha."

   "Ikaw lang naman ang laging talo eh." Napatingin ako sa isang sulok. Si kuya Vincent nakasandal sa may poste.

   "Kuya..." Tumakbo ako at niyakap sya. Wala lang nasanay lang ako na manlambing kahit kanino. Naramdaman kong gumanti naman sya ng yakap.

   "Teka nga, kanina ka pa nandyan?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

   "Oo kanina pa. Nakita ko rin kung anong ginawa mo sa halimaw na yan. Brutal ka rin pala, hmp!" He pinch me on my nose.

   "Awww. Masakit yun ah." Reklamo ko. I pinch his nose also. Nagtawanan kami pareho.

   "Ano kayang meron kay binibining Shane at kaya nyang patawanin ng ganyan si Vincent?" Napalingon tuloy ako kay kuya Eugene. Animo nagiisip dahil hinihimas himas nya pa yung baba nya.

   "Wala ka na don Eugene." Nakapoker face naman na sagot ni kuya Vincent.

   "Tara baba na tayo baka mahuli tayo sa klase." Aya samin ni Jenny.

   "Nakatulog ka ba?" Tanong ni Dennis sakin habang pababa kami ng rooftop.

   "Ah, oo. Kahit pano nakatulog ako." Nakangiting tugon ko.

   "Teka nga pala bakit ang aga mo umalis ng bahay?" Usisa ko. Hindi kasi kami sabay pumasok eh.

   "May pinag usapan kasi kami nila Eugene." Sagot naman nya.

   "Ah. Okay." Yun lang at nagpatuloy na kami sa pagbaba ng hagdan.

   "Salo!" Nagulat ako ng may binato sya sakin. Isang cellphone. Buti na lang nasalo ko.

   "Para san to?" Kunot noong tanong ko.

   "Tawagan mo ako pag nagkaproblema gaya nito." Kumaway pa sya sakin at umalis. Gez bakit ang gwapo ng rambutan na yun.

   Tinignan ko yung phone sa kamay ko. Kinalkal ko yung phonebook at nakita kong nakasave yung number nya dun. Binura ko yung Dennis at pinalitan ng Red Roses. Hehehe trip ko lang.

   Nakakatuwa naman, old school yung phone keypad is real. Ibinulsa ko na lang yun at pumasok na sa classroom.

————
   Uwian na. Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si ate Charlene. Nakasibilyan na sya. Kasama ko ngayon si Jenny since classmates kami.

   "Madali kayo. May problema na naman tayo." Natatarantang balita nya.

   "What? Ano na naman yun ate?" Tanong ko habang nakahawak sa noo ko. May nahawakan akong insekto ata sa bangs ko.

   "Waahh!" Sabay spray ni ate Charlene ng kung ano sa bangs ko.

   "Ano ba yun ate? Its just an insect."

   "Hindi yan ordinaryong insekto Shane, kapag nakagat ka nyan kokontrolin nya yung utak mo hanggang sa maging halimaw ka." Nahintakutan naman ako sa sinabi nya.

   "Ganon ba? Halina kayo umalis na tayo rito." Hinawakan ko si Jenny sa kamay.

   Nakakapagod na tong ginagawa namin. Puro takbo na lang yung nangyayari. May nakita kaming mga tao na parang mga zombie na sa kalsada.

   "Ayan na, nakagat na rin sila." Bulalas ni ate Charlene.

   Napalingon tuloy samin yung mga zombie. Nakita namin na patakbo sila sa amin ngayon. Kaya no choice kundi tumakbo rin kami.

   "Paano yung mga tao dito ate? Alam ba nila ang nangyayari ngayon?" Concern na tanong ko.

   "Oo. Yung iba nailikas na sa ligtas na lugar." Sagot nya habang tumatakbo kami.

   "Aaayyy!" Tili ni Jenny. May nakahawak na kasi sa kanya. Akmang kakagatin na sya kaya agad kong sinuntok yung mukha nun. Nabiyawan nya naman si Jenny.

   Tumakbo ulit kami. Kada humaharang samin ako ang sumusuntok o kaya sumisipa. Nakakaramdam na rin ako ng pagod sa ginagawa ko. Hanggang kelan ba kami tatakbo. Parang hindi sila nauubos.

   Tinignan ko si ate Charlene kada may makita syang insekto inisprayhan nya ng dala nya. Halatang pagod na rin sila. Kanina pa kasi kami tumatakbo.

   "Ate, nasan ba kasi sila kuya Eugene. Alam ba nila to?" Di ko kasi sila makita eh.

   "Hehe. May pinuntahan lang sila. Wag kang mag alala saglit lang yun sila." Tugon nya habang naka peace sign.

   "Gez, pano na tayo ngayon nito." May sumulpot na naman na zombie. Sinuntok ko ulit yun.

   "Ouch!" Daing ko. Masakit na kasi talaga yung mga kamao ko. Nakita ko rin na may mga dugo na rin yun.

   "Ayos ka lang Shane?" May pag aalala sa boses ni Jenny.

   "Ayos lang ako." Sagot ko kahit hindi. Parang pag nagtagal pa ito ay hindi ko na kayanin pang lumaban.

   "Dito tayo." Sigaw ni ate Charlene. Pumasok kami sa masikip na eskinita.

   Sabay-sabay kaming sumalampak sa lapag. Grabe ang hingal namin ngayon.

   "Grabe matagal pa ba sila? Lahat ba silang apat umalis?" Sunod-sunod na tanong ko kay ate Charlene.

   "Oo magkakasama sila." Sagot nya habang humihingal.

   "Pasensya ka na Shane kung wala kaming maitulong sayo. Wala kasi kaming alam sa pakikipaglaban." Nakayukong sabi ni Jenny.

   "Wala kang dapat na ihingi ng pasensya Jenny. Ayos lang ako wag kang mag alala." Niyakap ko sya para mapanatag sya.

   "Ako walang yakap?" Singit ni ate Charlene.

   "Lika. Magyakap tayong tatlo." Nagtawanan kami. Natahimik lang din kami ng may makita kaming anino na dumaan. Pasalamat naman kami at hindi kami nakita.

   "Makita ko lang yang apat na unggoy mamaya lagot sakin yang mga yan." Inis na sabi ko.

   Natigilan na naman kami ng makita namin na may taong nakatayo sa lulusutan namin. Pumihit kami patalikod para tumakbo pero may tao rin doon. Lagot na, wala na kaming lusot.




*VOTE

*COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

51.9K 2.1K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
301K 12K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
4.1M 191K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...