Wonted Heat

By Whroxie

3.5M 49.7K 9.7K

Jacko thought he had everlasting love and happiness until when he was left for dead. Now, with his perfect fa... More

Intro Note
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 5

323K 4.7K 2.9K
By Whroxie

TANGHALI na pero nakahiga pa rin si Kels. Wala siyang ganang lumabas ng silid dahil alam niyang kukulitin lang siya ng kanyang daddy na lumabas at bisitahin ang site ng Zapanta Land Subdivison sa kabilang bayan, kasama si Christian. Christian, her cheating fiancé is trying to get her back. Neknek niya! Pagkatapos nitong lawayan ang best friend niya at buntisin tingin ba nito babalikan pa niya. Never! Hindi siya tanga para gawin iyon.

Nakatakda sana ang kasal nila ni Christian sa susunod na taon pero mabuti na lang at nalaman niya ang kalokohan nito. Ilang buwan na rin pala siyang niloloko ng gagong iyon at ni Paula, ang best friend niyang ahas. Ang isa sa matalik niyang kaibigang si Miles ang nakadiskubre ng kalokohan ng dalawa at isinumbong sa kanya.

Dalawang taon na silang magkarelasyon ni Christian at ngayon nga ay nag-decide ang mga magulang nilang ipakasal na sila ni Christian dahil doon din naman iyon mauuwi and she agreed. She loves him and she thought he loves her too kaya walang dahilan para tumanggi. Pero nang malaman niya ang kalokohan ni Christian, sinabi niya iyon sa kanyang daddy. Sinabi niya rin na ayaw niya nang magpakasal. Wala naman itong naging reaksiyon at hinayaan lang siya pero ngayon ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pinipilit siya nito ngayong magpakasal kay Christian dahil daw mahal pa siya ni Christian at gusto pa rin ng pamilya nitong matuloy ang kasal.

Christian's father, Nicanor de Asis, is one of the major shareholders of their company that should keep her father afloat; one of the most influential people in the country. Isa ito sa dahilan kung kaya nakilala nang husto ang kompanya ng ama sa buong bansa.

She had loved Christian and she was willing to marry him not until when he cheated on her with her best friend. Ibang usapan na iyon. Pinagmukha siyang tanga ng mga ito. Hindi ang katulad ni Christian ang nararapat na makasama niya panghabang-buhay. Ngayon ay humihingi ng tawad sa kanya ang lalaki. Tapos na raw ito at si Paula. Nakunan daw si Paula pero ayon sa kaibigan niyang si Miles ay talagang pina-abort ang bata sa kagustuhan na rin daw ni Christian. Napakasama! Mas lalo siyang nasuklam sa ginawa nito. Pati batang walang muwang idinamay.

Si Christian din ang dahilan kung bakit gusto niyang umalis. Gusto niyang magtungo sa London para sana maka-move on pero paano niyang gagawin kung ayaw ng kanyang daddy.

Mararahang katok mula sa pinto ng silid ang humugot kay Kels sa malalin na pag-iisip.

"Kels, pinapatawag ka ng daddy mo." Ang kanyang Yaya Lorita. Hinila niya ang comforter at itinalukbong iyon hanggang ulo.

"Kels, sumunod ka na, ah? Baka uminit na naman ang ulo ng daddy mo." Hindi umimik si Kels. Sa halip na bumangon ay ipinikit niya ang kanyang mata. Bahala kayo diyan!

"MAGHANDA ka, Raquel, pupunta ang mga de Asis mamayang gabi para pag-usapan ang kasal. We had decided to reschedule the wedding. We want you to get married sooner." Mula sa kinakain ay salubong ang kilay ni Kels na nag-angat ng tingin sa ama.

"Dad!" she chided.

"Next month ang napagkasunduang buwan at si Christian mismo ang may gusto niyon. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ayusin niyo." Pabaliwa nitong hayag habang patuloy sa pagkain.

"He cheated on me, dad! May nabuntis siya. My best friend."

"The child was gone. Natural na minsan na magloko ang lalaki pero ang mahalaga ikaw pa rin ang gusto niyang pakasalan, and you should be thankful for that." Hindi makapaniwala si Kels sa mga naririnig mula sa ama. Binitiwan niya ang kubyertos. Tuluyang nawalan ng gana.

"Dad, may usapan tayo na pupunta ako ng London—"

"If you'll convince Jackob Lacorte."

"I still have one week, dad."

"No need. Magpakasal ka na lang kay Christian. Iyon lang ang pwede mong magawa sa pamilya natin."

"Really, dad? Are you considering us a family? Ikaw at ako lang ang miyembro ng pamilyang sinasabi mo pero hindi mo pa magawang suportahan ang sarili mong anak. Pamilya nga tayo," she said while making sure to emphasize her sarcasm with a sickly grin.

"I won't marry Christian."

Binitawan ni Alejandro ang kubyertos.

"Stop it, Raquel! This is not about you!"

"Yeah, right. It's all about your damn business."

"My damn business that provides you a comfortable lifestyle. My damn business that catered to your every luxurious whim."

"At ngayon sarili ko ang ibabayad ko. Sana ibinigay mo na lang ako kay mom, baka sakaling mas naging masaya pa ako." Itinulak niya ang sarili patayo at iniwan ang ama sa hapagkainang nanggagalit.

"Raquel!" galit na tawag ni Alejandro sa anak pero hindi ito pinansin ni Kels. Tuloy-tuloy siyang umakyat ng hagdan at pumasok sa silid. As soon as she entered the room she burst with anger. Lahat ng bagay na mahagip ng kanyang mata ay napagdiskitahan niya. Hinablot at ipinagtatapon.

"Kels!" Nag-aalalang bulalas ni Yaya Lorita nang mapasukan si Kels na nagwawala sa loob ng silid. Agad siya nilapitan at pinigil nito.

"Kumalma ka! Ano ang nangyayari sa 'yo?"

Pinaupo siya ng matanda sa gilid ng kama at pilit na pinakalma. Ngayon lang siya nagwala. Ngayon lang siya nagpakita ng matinding galit. Hindi na niya kaya pang pigilan ang pilit na sinisikil na emosyong naipon sa kanyang dibdib. She has always been a very obedient daughter. She obediently followed her father's commands kahit hindi na siya masaya madalas sa ipinapagawa ng ama. Pero ngayon, gusto nitong makasal siya sa lalaking nanakit sa kanya. Gusto nitong kalimutan niya ang mga ginawa nito alang-ala sa negsoyo nito.

"Bakit ganoon si Dad, yaya?" Tuluyang humikbi si Kels sa sama ng loob. Tumabi sa kanya si Yaya Lorita, kinabig siya nito at niyakap.

"Hindi ka pa ba nasanay sa daddy mo?"

"Yaya, iba ito. Gusto niya akong matali sa lalaking nanakit sa 'kin. Sa lalaking hindi ko na mahal. Wala na akong nararamdaman kahit na katiting na pagmamahal para kay Christian."

Sumama siya kay Christian kagabi, nagtungo sila sa isang restaurant para linawin sa lalaki na hindi na siya makikipagbalikan pa rito. He let Christian kissed her last night to see if she still has feelings for him, pero wala siyang maramdamang kakaiba. Wala siyang maramdamang kilig man lang sa paglapat ng labi nila. Mas nagugustuhan pa niya ngayon ang halik ni Jackob. Jackob's kiss brought different kind of emotions she had never felt before. It had awakened something inside her body. His kisses created an amazingly wonderful sensation na kahit si Christian ay hindi naiparamdam sa kanya.

Siguro kaya lang din siya pumayag na makasal sa lalaki dahil pinaniwala niya ang sarili na ito ang destiny niya. Si Christian ang first kiss niya na naikwento niya kay Jacko. Katulad niya ay taga San Carlos din ang pamilya nito kaya bata pa lang ay magkakilala na sila. Magkaibigan ang mga tatay nila. Nursery pa lang ay magkaibigan na sila, magkaklase na sila hanggang sekondarya. Matagal na rin itong nanliligaw sa kanya pero ayaw niya talagang magka-boyfriend. Mas enjoy para sa kanya ang single, walang nagbabawal at walang nangingialam sa mga galaw.

Hanggang sa maging pursigido si Christian sa panunuyo sa kanya. Hindi na rin niya ito nakikitang kung sinu-sinong babae ang nakakasama, akala niya nagsawa na sa papalit-palit ng babae at naghahanap na ng seryosohan kaya binigyan niya ng tsansa. Okay naman, naging masaya siya hanggang sa malaman nga niya ang pangloloko nito. Hindi siya ganoon katanga para bigyan pa ito ng tsansa.

Si Jackob! Ito lang ang pag-asa niya. Kailangan niya itong makausap. Si Jackob lang ang pag-asa niya para makalaya sa miserableng buhay niyang ito. Pinahid niya ng palad ang basang pisngi at tinungo ang nightstand, kinuha ang cell phone na nakapatong doon at agad na tinawagan ang numero ni Jacko. Makailang ulit niya itong tinawagan pero hindi nito sinasagot kaya nagpasya siyang tumawag sa landline ng mansiyon ng Lacorte.

"Hello, Aling Laura, si Kels po ito. Nandiyan po ba si Jacko?"

"Ay sandali lang at tatawagin ko." Masigla ang boses ng matanda sa kabilang linya. Ilang sandali lang nang muli niyang narinig ang boses ng Aling Laura, ang sigla ay napalitan ng lungkot. Kapansin-pansin iyon.

"Kels, wala pala si Jacko. Umalis siya kasama si Tricia at Solidad. May pupuntahan daw."

"Gan'on po ba? Anong oras po kaya siya babalik. Sinubukan ko kasing tawagan hindi sinasagot, eh. May usapan kasi kaming magkikita ngayon."

"Hindi ko alam, Kels. Baka maya-maya lang nandito na 'yon." Nagpaalam siya kay Aling Solidad at disappointed na tinapos ang tawag. Siguro pupunta na lang siya mamaya. May usapan naman silang magkikita ngayon. Ilang beses siyang nag-text kahapon at sabi naman nito ay wala itong gagawin.

NAGPASYA si Kels na puntahan si Jacko sa mansiyon bandang alas tres ng hapon pero bigo siyang makita ang binata. Kailangan niya talagang makausap si Jacko. Baka naman kapag sinabi niya rito ang problema ay matulungan siya. Hindi na niya ito maipagpapabukas pa.

"Hindi ko alam kung anong oras darating 'yon. Kasama niya si Tricia at Solidad. Mamalengke raw ang mag-ina," ani Aling Laura na nakatayo sa kanyang harapan habang si Kels ay nakaupo sa mahabang antique na sofa.

"Gan'on po ba."

"Bumalik ka na lang kaya sa ibang araw, hija." Pilit siyang nginitian ni Aling Laura pero may lungkot sa mga mata nito na hindi naman niya nakita nang mga nakaraang dalaw niya rito.

"Kailangan ko po siyang makausap." Ayaw niyang umuwi sa bahay nila. Ayaw niyang magpakita sa mga De Asis at baka lumabas na nang tuluyan ang sungay niya ay mabastos niya ang mga ito. Alam naman na ng mga ito ang ginawa ni Christian pero bakit ipinipilit pa ang kasalang ito.

Tumayo si Kels. "Sige po, Aling Laura, maraming salamat na lang po. Pwede po bang pakisabi sa kanya na kung maaari tawagan niya ako at magkita po kami ngayon."

"Oh, sige sasabihin ko." Nagpaalam siya kay Aling Laura. Mag-aabala pa sana itong ihatid siya sa labas ng mansiyon nang tawagin ito ng isa pang kasambay kaya nagpaalam na lang siya sa matanda at muling nagbilin.

Nalabasan niya sa mansiyon si Jun, ang boy sa mansiyon. Kakababa lang nito ng tricycle at may bitbit na dalawang malaking bayong na puno ng pinamalengke. Sa araw-araw na pagpunta niya sa asyenda ay halos nakilala na niya ang mga tauhan dito.

"Ma'am Kels, nandito po pala kayo. May usapan ba kayo ni Sir Jacko?"

"Oo, kaso mukhang nakalimutan niya."

"Naku, hindi niya 'yon nakalimutan. Namili lang kami sa kabisera. Pauwi na 'yon. Pinauna lang nila ako."

Biglang sumigla ang pakiramdam ni Kels sa narinig. "Talaga?"

"Opo. Ikaw pa ba makakalimutan ni Sir, e, ang lakas-lakas mo r'on. Lagi na nga lang ipinagpapaliban ang mga meeting sa kliyente dahil sa 'yo, e." Hindi makontrol ni Kels ang pagguhit nang malapad na ngiti sa labi. Tuluyang nawala ang frustration na nararamdaman dahil sa mga narinig mula kay Jun.

Idea popped up in her mind when she saw the blue electric quad bike that was parked in front of the mansion.

"Ahm, Jun, pwede ko bang mahiram ang quad bike? Sa burol ko na lang sana hihintayin si Jacko."

"Ay sige po!" Nagmamadali nitong ibinaba ang dalawang malaking bayong na bitbit at may hinagilap sa bulsa ng short.

"Nandito sa 'kin ang susi, inabot sa 'kin kanina ni Mang Carding... ayon!" Inilabas nito mula sa bulsa ang susi at inabot sa kanya.

"Salamat, Jun. Pwede bang pagdating ni Jacko sabihin mong puntahan ako sa burol. Maghihintay ako doon."

"Sige po."

She texted Jacko before she drove straight to the hill, feeling excited and her body aches at the thought of seeing him again. Kels couldn't contain her giggle as she drove. Nang marating ang burol ay naupo siya sa paboritong spot nila ni Jacko, sa ilalim ng puno ng Mahogany. Nag-isip ng tamang mga salitang pwede niyang sabihin mamaya kay Jacko na hindi ito magagalit.

Nakakaramdam ng takot si Kels. Paano kung hindi pumayag si Jacko? Paano kung magalit ito at hindi na siya kausapin? Baka isipin nitong lahat ng ipinakita niya rito ay may kapalit; na nakipagkaibigan lang siya rito dahil may kailangan siya. Pero iyon naman ang totoo. Kaya naman talaga siya nakipaglapit kay Jacko dahil may kailangan siya. Nakakapraning!

Tumayo si Kels at tinanaw ang bahagi ng lupaing pinag-iinteresan ng ama. Maraming puno. It was a primeval forest. Napakaganda at siguradong masisira ito sa mga binabalak ng kanyang ama. Kapag nakuha ng kanyang daddy ang lupaing ito, ang mga nagtatayugang puno ay mapapalitan ng malalaking bahay. Nalulungkot siya dahil alam niya kung gaano kaimportante kay Jacko ang lupa na ito at maging sa mga tao rito. Pero paano siya? Paano ang kinabukasan niya kung hindi siya magtatagumpay sa plano niya?

Lumipas ang isang oras pero wala pa rin si Jacko, nilibang ni Kels ang sarili sa pamimitas ng bulaklak sa paligid. Sinubukan niyang tawagan si Jacko pero hindi pa rin nito sinasagot kaya nagpadala na lang siya ng mensahe sa binata.

Ang isang oras na paghihintay ay naging dalawang oras hanggang sa naging tatlong oras pero wala pa ring Jacko na nagpapakita sa kanya. Sinilip niya ang oras sa cell phone— ala sais na at padilim na ang paligid. Madilim ang langit kaya parang mas mabilis dumilim ang paligid. Tiningala ni Kels ang langit nang malakas na kumulog at gumuhit ang kidlat sa makapal at maitim na ulap.

"Mukhang uulan pa," dismayado niyang usal at nagpasyang bumaba na ng burol. Hindi niya mapigilan ang magdamdam kay Jacko. Nakalimutan na siya ng lalaking 'yon dahil siguro sa Tricia na 'yon.

WALANG imik si Jacko na pumanhik ng silid. Mula pa kanina ay wala na talaga siya sa mood. Gusto niya sanang makita si Kels pero mas minabuti niyang hindi na ito kitain pa. Hindi na niya ito kinausap nang tumawag kanina sa mansiyon. Pinasabi niya kay Aling Laura na umalis siya kahit naroon lang siya. Nababagay si Kels sa lalaking ka-date nito kagabi. Kung sana lang hindi ganito ang itsura niya ay baka nakipagsabayan pa siya sa panliligaw sa lalaking 'yon. Kung bakit kasi ipinanganak siyang ganito. Maganda ang nanay niya, magandang lalaki ang kanyang ama pero nagbunga ng isang anak na may malahalimaw na mukha.

Pagkatapos mamili sa palengke ay nagyaya si Tricia sa isang pasyalan sa San Carlos at naisipan lang umuwi nang umulan. Kumain muna sila sa isang restaurant bago bumalik ng mansiyon. Pagpasok ng silid ay agad niyang hinubad ang lahat ng saplot, tinungo ang banyo at mabilis na naligo. Lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ng torso. Tinungo ang nighstand at kinuha mula roon ang nakapatong na cell phone na naiwan niya sa pagmamadali ni Tricia.

Ang daming text messages at hindi niya alam kung ano ang mararamdam nang makitang halos karamihan sa mga iyon ay mula kay Kels. Nagi-guilty siya dahil sa ginagawa niya. Pero kung hindi niya ito iiwasan at patuloy na makikipagkita siya rin ang magiging kawawa sa bandang huli.

Binasa ni Jacko ang mensahe ni Kels. Ang unang sinipat ng kanyang mata ay unang bagong message na hindi niya pa nababasa at in-scroll down iyon.

[I'll wait for you on the hill. I need to talk to you.] Bahagyang kumunot ang noo ni Jacko nang mabasa ang message na iyon. Alas tres pa iyon. Nagpunta si Kels sa burol at hinintay siya.

[Jacko, I'm still waiting. Where are you na?] Binasa niya ang huling message. Alas sais ang naka-indicate na oras doon.

[Jacko, please help. Namatay ang makina ng quad bike and I'm still here. Inabutan ako ng ulan.] Tinumbol ng matinding kaba si Jacko sa huling mensaheng nabasa. Alas sais at alas otso na ngayon. Nakababa na kaya si Kels? Kung maglalakad ito mula burol patungong mansiyon ay paniguradong aabutin ng kulang-kulang dalawang oras.

Agad niyang tinawagan ang numero ni Kels pero out of coverage. Nagmadali si Jacko na magbihis. Isang pantalon at polo ang basta lang niyang hinila sa closet at isinuot. Lumabas siya ng silid at patakbong bumaba ng hagdan habang tinatawag ang pangalan ni Aling Laura. Nagmamadali naman ang matanda na sinalubong si Jacko. Humahangos pa ito.

"Bakit, Jacko, ano'ng nangyari?"

"Si Kels? Nakababa na ba si Kels ng burol?"

"Ha? Hindi. Hindi ko alam. Nagpunta dito si Kels kanina pero umalis din noong wala ka. Sabi niya sa 'kin uuwi na siya at nagbilin lang siya na tawagan mo raw siya dahil gusto ka niyang makausap." Naibaling ng dalawa ang atensiyon kay Carding at Junior na pumasok ng mansiyon, kinagagalitan ni Carding si Junior.

"Nasaan na nga ang quad bike, Junior? 'Di ba sabi ko sa 'yo na iparada mo sa garahe at i-charge. Wala doon."

"Hindi ko po alam. Hiniram 'yon ni Ma'am Kels pagpunta ng burol, baka dinala muna sa bahay nila." Kakamot-kamot na pagdadahilan ni Junior. Ang kabang nararamdaman ni Jacko ay lalong umahon.

"Jun!" Pagalit niyang tawag sa boy at nilapitan ito.

"Sir, nasaan po ang quad bike?" tanong nito, ang problemado nitong mukha ay lumiwanag na tila ba na-solve na ang pino-problema.

"Pumunta ba si Kels sa burol?" tanong niya rito.

"Opo. Hiniram niya ang quad bike. Hindi po ba nagkita kayo?"

"Kakarating ko lang!" Gusto niyang magmura.

"Akala ko po kasi pauwi ka na kanina. 'Yon ang sinabi ko kay Ma'am Kels kaya sabi niya hihintayin ka na lang niya sa burol." Lumapit si Analyn, ang isa sa kasambahay ng mansiyon, bitbit ang wireless phone.

"May tumawag po mula sa Zapanta Residence, tinatanong kung nandito raw po si Ma'am Kels. Hindi pa raw kasi umuuwi mula pa kanina." Napapikit si Jacko sa narinig.

"Diyos ko! Hindi kaya na-stranded na ang batang 'yon sa burol," si Aling Laura na bakas ang matinding pag-aalala.

"Ikuha niyo ako ng kapote at flashlight. Ilabas ang kabayo sa kwadra," mahina pero matigas niyang bigkas.

"Alin po sa mga kabayo mo, Sir Jacko?" Nanggalit ang mga ngipin ni Jacko sa tanong ni Junior. Mababatukan niya talaga 'to.

"Kahit ano! Magmadali kayo!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Jacko sa buong mansiyon. Parang mga bubuyog na nagsitipwasan ang mga kasambahay sa sobrang pagkataranta dahil ngayon lang nagtaas ng boses ang amo.



-----WARNING-----

Next Chapter is intended for mature audiences.  R18+ 

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 479 10
There are tattoos that you just can't get rid of...
650K 13.2K 3
A love that's not meant to be.
90K 3.7K 26
Some of our best battles are those fought in bed...
109K 5.5K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...