Perfect Two [ KrisJoy ]

By amChristian

59K 467 207

Their story will continue to grow. With each passing day, trusting each other that everything will be okay. H... More

Prologue
Chapter 1 >>
Chapter 2 >>
Chapter 3 >>
Chapter 4 >>
Chapter 5 >>
Chapter 6 >>
Chapter 7 >>
Chapter 8 >>
Chapter 9 >>
Chapter 10 >>
Chapter 11 >>
Chapter 12 >>
Chapter 13 >>
Chapter 14 >>
Chapter 15 >>
Chapter 16 >>
Chapter 17 >>
Chapter 18 >>
Chapter 19 >>
Chapter 20 >>
Chapter 21 >>
Chapter 22 >>
Chapter 23 >>
Chapter 24 >>
Chapter 25 >>
Chapter 26 >>
Chapter 27 >>
Chapter 28 >>
Chapter 29 >>
Chapter 30 >>
Chapter 31 >>
Chapter 32 >>
Chapter 33 >>
Chapter 35 >>
Chapter 36 >>
Chapter 37 >>
Chapter 38 >>
Chapter 39 >>
Chapter 40 >>
Chapter 41 >>
Chapter 42 >>
Chapter 43 >>
Chapter 44 >>
Chapter 45 >>
Final Chapter >>

Chapter 34 >>

1.1K 9 14
By amChristian

CHAPTER 34

Kevin: Ano? Break na kayo ni Abby?

Gab: Kevin kelangan kong gawin yun. Ayokong masaktan ko pa siya. Alam mo naman yung totoo diba?

Kevin: Oo nga, pero bakit naman agad-agad? Kadarating niya lang dito tapos binereak mo na agad?

Gab: Kanina lang kasi ako nakahanap ng pagkakataon para gawin yun eh. Mali ba yung ginawa ko?

Kevin: Hindi ko alam bro, pero sana lang hindi mo siya binigla..

Gab: Wala naman na kong magagawa eh, nasaktan ko na siya.. Hindi ko na mababawi yung mga nasabi ko sa kanya.

Kevin: Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?

Gab: Hindi ko alam.. Baka nasa kwarto nila ni Andrea.

Kevin: Mukhang malabo yun bro.. Si Andrea yung dahilan kung bakit ka nakipagbreak sa kanya diba? Kung warfreak si Abby malamang pinuntahan nga niya si Andrea para komprontahin pero alam naman nating hindi siya ganun. Malamang umuwi na ng Maynila yun!

Gab: Hindi naman siguro bro. Magpapaalam naman siguro siya kila Tito kung uuwi na siya..

Kevin: Ewan ko lang. Sana nga ganun..

-----

[ Andrea's POV ]

Mia: Sis, bakit parang malungkot ka? Ano bang iniisip mo?

Andrea: W-wala.. Okay lang naman ako sis.

Mia: Sus! Sakin ka pa ba maglilihim? Kilalang kilala na kaya kita! Sige na, alam kong may gumugulo dyan sa isip mo. You know I'm just here to listen.

Andrea: Iniisip ko kasi lahat ng sinabi ni Gab kagabi eh. Diba ako yung taong tinutukoy niya?

Mia: Sabe ko na nga ba yun yun eh! Alam mo sis sobrang natutuwa kami ni Kevin dahil finally umamin na si Gab. Narealized niya na kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sayo.

Andrea: Eh kasi sis..

Mia: Oh? Bakit parang di ka naman masaya?

Andrea: Alam mo naman na may pangako ako kay Abby diba? Paano na siya? Masasaktan siya ng dahil sakin.

Mia: Andrea, hindi mo naman kasalanan kung masaktan man siya ng dahil sayo eh. Mas mabuti na nga yun habang maaga pa nalaman niya na yung totoo. Dahil pag nagtagal pa yun mas lalo siyang masasaktan.

Andrea: Pero..

Mia: Sis pede bang isipin mo naman yung para sa sarili mo? Tama na yung pag-iisip mo para sa iba. Isipin mo naman yung sarili mo para maging masaya ka. Kayo ni Gab. Isa pa hindi mo naman siya inagaw kay Abby eh. Andrea, ikaw ang mahal niya. Hindi si Abby kundi ikaw. Wag mo nang pigilan yung nararamdaman mo dahil lang takot kang masaktan ang iba. Because in one way or another, hindi man natin sinasadya, mayroon pa din masasaktan ng dahil sa mga desisyon na pipiliin natin. Pero sis, eto na yung time para maging masaya ka.. Para maging masaya kayo ni Gab. Please, harapin mo na yung totoo..

Is it really the time for us? Oo, may point naman lahat ng sinabi ni Mia. Pero bakit naguguluhan pa din ako? Iniisip ko pa din kung ano ang mararamdaman ni Abby. Kelangan ko muna siguro siyang maka-usap. I need to clarify things between us.. Between the three of us.

Kevin: Hi babe! Sorry nalate kami. Eto kasing si Gab eh!

Gab: Anong ako? Eh ikaw nga ang matagal dyan eh!

Kevin: Ikaw kaya!

Mia: Tama na nga yan. Pareho lang naman kayong late eh!

Kevin: Sorry na babe. Ano bang gagawin natin for today?

Mia: Hintayin lang muna natin sila Abby at Mark saka tayo magsisimula. Ang tagal nga nila eh kanina ko pa din sila tinext.

Mark: Nandito na ko! Sorry ngayon lang.

Mia: Oh, nasan na si Abby? Bakit hindi mo siya kasama?

Mark: Ha? Hindi ko alam, akala ko nga nandito na kayong lahat eh. Diba Gab, ikaw ang kasama niya kanina?

Mia: Oh kasama mo naman pala siya eh! Nasaan siya? Bakit hindi mo pa sya sinabay papunta dito?

Gab: Hah? Ahh.. Oo, magkasama nga kami kanina kaso nauna siyang umalis eh..

Mia: Bakit?

Gab: Eh kasi..

Kriinngg.. Kriiinnggg..

Mark: Si Abby.. Excuse lang guys.

[ Phone convo. ]

Mark: Hello? Nasaan ka? Nandito na kaming lahat sa cottage.

Abby: Pabalik na ko ng Manila..

Mark: Ano? Bakit? Kadarating mo lang ah?

Abby: Wala na kasi akong dahilan para mag-stay pa dyan..

Mark: What do you mean? Wait, are you crying? Okay ka lang ba?

Abby: Yes, I'm fine. Sorry kung di na ko nakapag-paalam. Pede ko bang maka-usap si Andrea? Hindi ko kasi makontak ang number niya.

Mark: Ang daya mo talaga. Sige, wait lang bibigay ko sa kanya.. (Inabot ang phone kay Andrea) Gusto ka daw maka-usap ni Abby.

Gusto niya ko maka-usap? Bakit kaya? Kinakabahan ako nang abutin ko ang phone. Medyo lumayo din ako sa kanila. Baka kasi tungkol sa pangako ko ang sasabihin ni Abby. Ayokong marinig yun ni Gab.

Andrea: H-hello?

Abby: Andrea.. (Umiiyak) Ikaw nang bahala kay Gab. Alagaan mo siya ha? Mahalin mo siya..

Andrea: A-no bang sina-sabi mo? H-hindi ko maintindihan..

Abby: Nakipaghiwalay na siya sakin.. H-hindi niya na daw ako mahal.. Kahit naman pala nung una, hindi niya ko minahal.. Dahil ikaw ang mahal niya..

Andrea: Abby..hindi yan totoo. Sigurado kong minahal ka din niya..

Abby: Hindi Andrea. Ikaw ang mahal niya.. Huwag kang mag-alala, okay lang ako.. K-kahit masakit, tatanggapin ko pa din ang lahat..

Andrea: Pero Abby..

Abby: Okay lang ako Andrea.. Magiging okay din ako in time.. Basta alagaan mo si Gab.. I'm sorry kung di na ko nakapagpaalam. I'm on my way back to Manila. Pakisabi na lang din kila Tito at Tita na umalis na ko, pasensya na kamo kung hindi ako nakapagpaalam.. Don't worry about me Andrea.. I'll be fine. Sana maging masaya kayo.. Bye.

Naiimagine ko kung gaano nasasaktan si Abby. I can feel her hurt. Naawa ako sa kanya. Nasasaktan din ako pero wala akong magawa dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Nakipagbreak na pala sa kanya si Gab. Pero hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko. Akala ko magagalit siya sakin. Akala ko sisisihin niya ko pero hindi pala. Mali pala ko. Sinabi niyang alagaan ko daw si Gab. Ibig bang sabihin tanggap niya na ang lahat? Na paglipas nang panahon magiging okay din siya? Na magiging magkaibigan pa din kami sa kabila ng lahat? Kahit paano gumaan ang loob ko pero hindi pa din nawawala ang awa ko para kay Abby. Sana maging maayos siya kaagad. Sana okay lang siya. Sana matanggap niya din ang lahat.

[ End of Andrea's POV ]

[ Gab's POV ]

Later that night, I walked myself around the resort. I was thinking about Abby. Alam ko masakit para sa kanya ang ginawa ko pero I'm hoping that sooner or later, she will be okay. Na matatanggap niya din ang lahat. Alam kong sinabi niya na ang totoo kay Andrea.Pagkatapos kasi nilang mag-usap sa phone, naging mailap na siya sakin. Hindi niya ko kinakausap ni pinapansin man lang. I wanna talk to her and explain myself why I did that but I never had the chance. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko. Feeling ko pareho ko silang nasaktan.

Malapit na ko sa pool nang matanaw ko si Andrea. Mag-isa lang siya. Mukhang malalim din ang iniisip niya. Ayoko muna sana siyang gambalain pero hindi ko mapigilang hindi siya lapitan. Then in one second, I just found myself talking closer with her.. Trying to explain.

Gab: Andrea, pede ba tayong mag-usap?

Andrea: Ahh..m-may ga-gawin pa kasi ako eh.. S-sorry, akyat na ko..

Gab: Andrea sandali lang.. (Pinigilan) Bakit mo ba ko iniiwasan?

Andrea: Hindi naman kita iniiwasan eh. W-wala lang dahilan para mag-usap tayo.

Gab: Meron. Alam kong galit ka sakin kaya mo ko iniiwasan. Ano bang problema? Bakit hindi mo sabihin sakin? Kausapin mo naman ako!

Andrea: Gusto mo ba talagang malaman? Oo, may problema ko at ikaw yun! Ikaw yung problema. Bakit ka nakipaghiwalay? Hindi mo ba naisip na masasaktan siya?

Gab: Ginawa ko yun dahil ayoko siyang lalo pang masaktan pag pinatagal ko pa. Alam kong pareho lang kaming mahihirapan kaya habang maaga pa, nakipaghiwalay na ko. Andrea, gusto kong maging totoo sa sarili ko. At ang totoo, ikaw ang mahal ako. Mahal na mahal kita. Napakatanga ko dahil ngayon ko lang yun narealized pero sana hindi pa huli ang lahat. Sana may pagkakataon pa para maipakita ko sayo ang nararamdaman ko..

Andrea: Pero hindi sapat yun para saktan mo siya..

Gab: Andrea pakinggan mo muna ko.. Sasabihin ko sayo ang lahat. Noon palagi akong tinatanong ni Kevin kung hanggang bestfriend nga lang ba talaga ang turing ko sayo at palagi akong umu-oo. Natatakot kasi akong masira yung pagkakaibigan natin. Nasanay ako na nandyan ka parati sa tabi ko. Na ikaw ang palagi kong kasama..

"Pero simula nung dumating si Mark, nag-iba na ang lahat. Natakot ako na baka maagaw ka niya sakin. Na baka mawalan ka ng oras para sakin lalo na nung makita kitang masaya pag kasama mo siya. Natakot ako para sa sarili ko. Pero nung bumalik siya ng Amerika, aminado akong naging kampante ulit ako. Niligawan ko si Abby. Attracted ako sa kanya dahil nakita ko si Melissa sa katauhan niya. Feeling ko bumalik yung dating ako nung kami pa kapag kasama ko siya.."

"..Nung una masaya ko, pero unti-unting nagbago ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung minahal ko ba talaga siya o dahil lang kay Melissa kung bakit ko siya niligawan. That time sobrang naguguluhan ako. I'm not sure of anything pero pag kasama kita, nakakalimutan ko ang lahat. Until one day, I found myself thinking of you.. Gusto ko palagi kitang kasama. Nang dumating si Mark, bumalik nanaman yung pangamba ko. Natakot ulit ako. Nung dumating ka sa ospital at kasama mo siya, nagselos ako. Lalo na nung sinabi mong nanliligaw na siya sayo. Sobrang nasaktan ako nun kaya ako nagalit. Pero nung inamin mo ang lahat, nabuhayan ako ng loob. Nagkaroon ako ng lakas para gawin ang tama.. At eto yun. Ikaw ang mahal ko Andrea. This time sigurado na ko sa nararamdaman ko."

Umiiyak na si Andrea dahil sa mga sinabi ko pero lahat ng yun totoo. Yung ang totoong nararamdaman ko. And it feels so good to let it out. Nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang 'to naramdaman pero ngayon handa na kong gawin ko ang alam kong tama.. Yung dapat na matagal ko nang ginawa.

Gab: Andrea, please magsalita ka naman.. Kausapin mo ko..

Andrea: Alam mo Gab sobrang manhid mo! Napakamanhid mo. Kung naramdaman mo lang sana yan dati, hindi sana tayo umabot sa ganito.

Gab: A-nong ibig mong s-abihin?

Andrea: Mahal kita! Mahal na mahal kita pero ni minsan hindi mo yun nakita!

Gab: M-mahal mo ko??!

Andrea: Oo.. Pero hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman.. Bakit ngayon mo lang sinabi sakin ang lahat? Naguguluhan ako.. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin..

Gab: I'm sorry.. I'm so sorry Andrea..

Niyakap ko siya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Mas nasasaktan ako. But worst of it, ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan. I have to comfort her. I need to comfort her.

 [ End of Gab's POV ]

Samantala sa di kalayuan nakamasid sa kanila si Mark. Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Gab. At sobrang nasaktan siya para kay Abby. Dahil lang pala sa ex nito kaya niya niligawan ang pinsan. Kahit kailan hindi niya minahal si Abby at yun ang pinaka-masakit sa lahat. Iniisip niya kung alam na ni Abby ang lahat ng 'to. Hindi niya maiwasang magalit, hindi lang dahil sa nakipaghiwalay ito sa pinsan niya. Kundi dahil inamin na nito kay Andrea na mahal niya ito.

[ Mark's POV ]

Pumasok ako ng kwarto para kausapin si Gab. Wala pa nun si Kevin, nakita kong magkasama pa sila ni Mia sa labas.

Mark: Pede ba tayong mag-usap?

Gab: Tungkol saan?

Mark: Tungkol kay Abby. Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kay Andrea.. Bakit mo yun nagawa?

Gab: May pagka-tsismoso ka din pala noh?

Mark: Siraulo ka pala eh! (Sinuntok sa mukha si Gab. Nagulat ito kaya gumanti ito sa kanya. Nagsusuntukan sila nang dumating si Kevin. Inawat niya ang dalawang kaibigan)

Kevin: Hoy, tama na yan.. Tumigil na kayong dalawa..

Anton: Anong nangyayari dito?!

Natigilan kaming dalawa ni Gab nang marinig namin ang boses ni Tito Anton. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang makita ko ang mukha ni Andrea. Nakatingin siya sakin. Nagtatanong ang mga mata niya kung bakit. Walang nagsasalita saming dalawa ni Gab. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Dahil sa nangyari 'to, alam kong mas malabo nang magkaayos kami ni Gab. Kahit kailan hindi kami magiging magkaibigan. Lumabas ako ng kwarto, ayoko muna silang makausap. Ayokong pagsisihan ko sa bandang huli ang mga salitang bibitiwan ko dahil lang sa galit ako ngayon. Nasa may cottage ako malapit sa pool nang dumating si Andrea. Sinundan niya pala ko.

Andrea: Bakit mo ginawa yun?

Mark: I'm sorry. Hindi ko lang kasi matanggap ang mga sinabi niya tungkol kay Abby. Narinig ko kayo kanina habang nag-uusap. Narinig ko ang lahat..

Andrea: Kahit na.. Kahit ano pa man yun, sana hindi mo pinaabot sa ganito. Sana kinausap mo na lang siya ng maayos hindi yung dadaanin niyo pa sa dahas.

Hindi ko maiwasang pagtaasan ng boses si Andrea. Naiinis ako dahil si Gab pa din ang kinakampihan niya.

Mark: Hindi ka ba naaawa kay Abby? Hindi mo ba naiisip kung gaano siya nasasaktan? Sabagay, mahal mo nga pala si Gab. Siguro ngayon tuwang tuwa ka dahil wala na sila. Pedeng pede ka na niyang ligawan.. Baka naman maging kayo niyan agad?

Andrea: (Sinampal si Mark) Hindi ako makapaniwalang sasabihin mo yan sakin. Kung alam mo lang kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon.. Kung gaano ka nasasaktan.. Pero ganyan pala ang iniisip mo. Akala ko kaibigan kita. Akala ko mabait ka.. Pero hindi pala. Bigla kang nag-iba. Hindi na ikaw yung Mark na nakilala ko dati..

Para akong nagising sa sampal ni Andrea. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko yun sa kanya. Bakit ko yun ginawa? Kung tutuusin wala naman talaga siyang ginawang mali. Si Abby pa nga ang may atraso sa kanya dahil pinilit niya itong iwasan si Gab. Kahit na mahirap at masakit yun para sa kanya, tinupad niya pa din ang pangako niya kay Abby. Ang laki kong tanga. Pinaiyak ko ang taong mahal ko.. How can I fix this? Anong gagawin ko? Hindi ako makapag-isip. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Kelangan ko muna sigurong umalis. I need space to think over these things.. I went to my car and drive as fast as I could.. If only I can get back the hands of time, hindi na sana ko nagpadala sa galit ko.. Hindi na sana umabot sa ganito. But the damaged has been done.. Nasaktan ko na siya. Nasaktan ko na si Andrea..

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
202K 8.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...